DUTERTE TRANSCRIPTS: Visit to Batanes

Presidential Communications Office
Presidential News Desk

SPEECH OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING HIS VISIT TO BATANES TO INSPECT THE DAMAGES CAUSED BY TYPHOON ‘FERDIE’
 [Delivered in Batanes | 14 October 2016]

[recording starts]

Tapos na ’yan eh. So ganito ‘yan. Kung ano ‘yung pera natin, paghati-hatian tayo palagi. It will be divided equally na walang—ito dito, kontra partido, wala ‘yan and as a matter of fact, nandiyan man ‘yan si Mark pati si Ben pati si Judy.

Hindi kami nag-uusap ng pulitika at ako’y nagagalit basta–I do not allow in the Cabinet talking about politics. I do not even want to hear that, ‘this should be priority because it’s the project of congressman ano.’

Wala ‘yan sa akin. Alam mo kung bakit? Nanalo ako, wala akong partido halos. ‘Yung PDP was a moribund party. It was not alive, it was just breathing because there were two members: Senator Pimentel and the father. Of course the rules organization was there but it only came into being, again alive, when I ran.

Wala ho akong pera. Wala hong nag-suporta sa akin, mas mabuti. Nagpapasalamat na ako ngayon, wala akong utang na loob, sa totoo lang.

So kung wala akong utang na loob sa isa ninyo, eh di lahat ako may utang na loob sa lahat because I cannot really [inaudible] a few persons who helped me financially.

Basta sinasabi ko I never accepted donations. I just cannot the name the names but mag-isip nalang kayo ‘yung mga contributors na malalaki at ‘yun na sila at ipapagmalaki ko. I never never.

Kaya swerte ang diskarte ko na, eh kung matalo, eh di matalo. Wala naman tayong magawa diyan. Ngayon sinasabi nila itong trabaho ko.

Maswerte kayo dito because we do not have to talk bloody things but the Philippines is reeling under the contamination of drugs and it has reached the 4 million mark.

Now, ang masakit sa akin ganito. Kasi ako po’y pinagbabatikos at gusto ako ipakulong ng mga u***. Ang sinabi ko na, ‘if you destroy my country, I will kill you. If you destroy the youth of the land, I will kill you.’ Bayan ko ‘to. Mahal ko ang bayan pati Batanes, kalayo-layo nito.

Do not mess up with my country. Pero and it is, hindi dito but I’ll just give you one example. Pera ang pinag-usapan eh.

There are, ‘wag lang ‘yung akin, ‘yung one million, sa akin ‘yun panahon eh. But I am still counting because there are still surrenderees day to day.

At the end of the year, I might make a computation diyan, it’s gonna be 4 million. Noon 7, ngayon 8, ngayon nagiging 9 na. Well wag muna ‘yung akin. ‘Yung sinabi ni Santiago, General Santiago when he was the PDEA. Sabi niya, there are now 3 million addicts.

I’ll give you a simple computation. At 200 per hit for one day, that is 6,000 a month per person times the 12, that is 18 billion a month. Times 12, that is 216 billion a month.

Pupunta sana sa pagkain, enrolment ng mga bata, baon ng mga bata, at kung ang tatay ang tinatamaan, it becomes a dysfunctional family. Wala nang pagkain, sabog ang pamilya and ultimately, minsan maghiwalay.

If it’s the husband or the wife, it will destroy the family. It becomes dysfunctional, ang mga bata hindi na makapag-aral, at lahat na at ‘yung mga kababayan natin.

Talagang masakit sa akin t*** i**, bantay kayo sa akin. Nandoon sa labas nagpakamatay, working their a** to death para lang makakuha ng pera, magpasweldo, makapag-aral ang mga anak nila dito. And pagdating dito, nalulong sa droga, nadisgrasya ang anak, ni-rape, pinatay because the criminals were sprawled all over the country.

Ano ba naman ‘yung patay ngayon?  Gusto ninyong bilangin? Hindi naka kalahati ‘yung criminal na namatay ngayon sa ‘nung namatay ‘nun nakaraang  panahon. Noon ang namamatay, rape, bata, tatay sinasaksak, nanay inaatsa. Those were the crimes of our days. Rape ng isang pamilya, patay ang lahat ng–from the daughters to the mother.

Ngayon, nagbibilang sila ng 3,000 na patay. Three thousand? Ay, sinong nagpatay, ewan ko.  Eh ako ‘yung tinuturo nila.

Look, ganito ‘yan eh ha. I’m not trying to offend anybody. Hindi ‘yung ngayon, puro matitino ‘yan. When I assumed the presidency, I had to fire six generals for their involvement in drugs. ‘Yung mga pulis na they number about 150, tawag nila ‘ninja.’ Hanggang ngayon, ni isa walang nag… baka nagtago dito ang g***, walang nagsurrender. Kaya nilagyan ko ‘yung ulo nila two million each.

Ewan ko kung tanggapin ko buhay ‘yan buhay o patay. Pero ganun kalala ang nangyari sa ating bayan. So anong gusto nilang gawin? Gusto nilang ipakulong kasi ako daw, extrajudicial killing, susmaryosep. Hindii nila alam na nung una, they were cleansing sa kanila-kanila lang. Ay ‘yung sa mga generals ipapatay niya ‘yung mga tauhan niya, eh talagang iipitin sila nun at saka ‘yung pulis, yung mga runner nila.

Anong pinatay namin? Kami sa gobyerno? Wala, wala pa, mag-uumpisa pa lang, so wala pa kami doon sa 3,000 na ‘yun. Now, itong mga Amerikanong na…. I’ll end my story. Sabihin nila na I am threatening doon sa EU ang ginagamit nila, this politician is threatening the criminals with death. There is nothing wrong in threatening criminals to death. By that statement alone, maski ikaw masabi mo: kayong mga criminal patayin ko, ‘wag kayong magloko-loko. It is a perfect statement, na ngayon gusto nila akong hilain doon for that statement.

If it is not a crime in my country, why would you just– Kaya ako sa galit ko minumura ko. Why, kasi ‘nung inumpisa ‘yan ng yellow, yellow talaga ‘yan e, ‘tido. Yellow ‘yan. Sinakyan na. Remember that it was not an issue against me. It was only after I was hitting the ratings, na lumabas na ‘yung mga basura nila Trillanes, ‘yung aking mga deposito. Susmaryosep. Kung meron akong ganun karaming pera hindi mo ako makita dito. Sa edad kong 71 years old, mamamasyal na ako maski saan. ‘Yun ang problema, ‘yan dun nila binuhos ‘yung black propaganda.

At dun nangyari yung sabi na wala ho ako niyan. Sa totoo lang, I became mayor in Davao City in 1988. I never lost an election until now. Wala talaga akong talo. Pagka mayor ko tuloy-tuloy na hanggang pagka Presidente ko. Ngayon, bakit ako naging Presidente, eh ewan ko talaga ‘yan ang problema pag pag-usapan pa natin.

Kaya wala akong utang na loob, wala lahat, kaya sinabi ko, sa lahat and tayo sa gobyerno, and I will end this talk with you. Okay na ito, may pera kami. I will ask General Alad to coordinate to all the national agencies. He will come back here to–para to coordinate.

At saka, I will end it by saying na corruption has to stop. I also bind the local government, ‘yung iba kasi sa BIR two days na lang, ‘yung iba online na. Wala nang punta-punta, wala ng follow-up. No problem about them. So I would like local governments to follow suit, adopt in the most expiditious way the release of documents and papers needed by them.

The ideal number of days is three days, two days- ano ka bang, wala kang ginagawa diyan, eh di gawain mo ‘yang trabaho mo. And that goes for the national government. It will not be years, it will only be one month for everybody. Walang  extension ‘yan. I’m telling you now, let us give the Filipino a respite of all of these years’ suffering corruption in government.

Ngayon itong law and order, sabihin ko sa inyo, sabi ko walang corruption, walang droga, walang kriminalidad. I will not stop, masiguro ninyo, itaga ninyo kung saan ninyo itaga ‘yan. I will not stop until the last pusher, until the last drug lord is taken away.

Now, let me end it by saying, in this quest, kasi hindi naman talaga ako, hindi ko sinense bakit ako nanalo? Without the money and effective machinery. And I would say, Panginoong Diyos  ‘yan. God gave it to me, alam ninyo ‘yan. Pati kayo nagtaka bakit ako nanalong Pangulo and with the largest margin ever, of six million ang lamang.

Why? It was in the messaging. Why? Because I tend to believe now that it was God who gave it to me. And sabi nila, ‘ay ‘yan mawala ‘yan i-impeach.’ Ako taya ako honor, buhay, pati ang pagka-Presidente ko. Huwag ninyo akong takutin ‘yang mga taga-Manila na mag-rally kayo next year paalisin niyo ‘yan. Kasi pag napaalis ako, that is part of my destiny. Na ang destiny ko ma-Presidente isang  taon lang ako. Ganun ‘yan, so do not magsabi na Duterte sa mga newspaper na warningan ako, mag-kudeta mag ano.

Kasali ‘yan sa destiny ko na kung ma-Presidente ako ng dalawang buwan lang, dalawang taon, that is part of what destiny, what God gave me. Hangang diyan ka lang, tapos. So hayaan kong takutin ‘yan mga mag-kudeta, mag-kudeta paalisin tapos people power, ay anak ka na ng.

Kasali na ‘yan, nakasulat na ‘yan. Eh paano ako nanalo pagka-Presidente? Sagutin mo muna ‘yan. Kung hindi mo masagot, eh ayan. Paano ako maging Presidente dalawang taon lang? Kasali na ‘yan. ‘Yan sa destiny ko, ‘yan lang ang binigay ng Diyos sa akin. Paabutin ako six years, ah patay kayong lahat.

Maraming salamat po.

                                             —END—