KOMENTARYO: Lubhàng nasàsaktan sa pasyà ng Kàtaastaásang Hukúman

Want create site? With Free visual composer you can do it easy.

DAVAO CITY (MindaNews / 10 Nov) — Nagtampo ako noon sa bayan at pilit na kinalimutan dahil sa tindi ng sakit na sa puso ko’y naramdaman. Pamahalaan at pamayanan, pakilasa ko’y walang nais lumaban, para sa isinisigaw na kalayaan at katarungan. Kaya ang munti kong tahanan, aming iniwanan, tumawid ng karagatan, sa ibang bansa’y nanirahan.

Heto na naman, hukom na kataas-taasan, nagtaksil sa mga nasaktan ng palalong kawatan, Ferdinand Marcos ang nakahihindik na pangalan. Binastos ang Libingan para sa mga tunay na bayaning may talagang karangalan. Kaming mga dati nang sugatan, sakit at hapdi ay muling niyurakan.

Ngayo’y nasaktan na naman, natutuksong lumisan. Mayroon nga bang kinabukasan sa bayan kong pinagpipitaganan? Marami silang lumalaban, wari ko’y hindi na ako kailangan? Magpakatanda na lang kaya at magparami ng uban? O mga apo ay aking alagaan, sa isang lungsod na ramdam ang yaman at kaayusan?

“Tatakas ka na naman?” Tanong ng nakatataas na kaisipan. “Asawa at maliliit mong anak, hindi na maidadahilan!” Sa kailalim-ilaliman ng aking pusong nasaksaktan, ako ang nangagailangan ng aruga ng aking bayan, na hindi mapapalitan ng isang bansang mayaman.

Pagtakbo’y ‘di na makakayanan; puso’y nabaliw na yata sa Lupang Sinilangan. Lahat ng ipon para sa kinabukasan, nakataya nang lahat, tulay ay sinilaban. Patuloy akong magsusumamo na magpakupkop sa Inang Bayan, at sa sinapupunan niya’y dam’hin ang inaasam-asam na Kapayapaan.

Sa pasya ng Hukuman, pag-asa huwag mawalan; ating pagsusulong ay pangmahabaan. Ngunit ito ang inyong pakatandaan: katotohanan, kahabagan, katarungan at kapayapaan–kailangan ang lahat sa isang timbangan ng kapatawaran.

Kaya’t sa puso ko at isipan, hindi pa tapos ang laban! (MindaViews is the opinion section of MindaNews. Between chatting with his adult children over the Internet, watching his grandchildren over the Skype, and connecting with his global community through Facebook, Dann Pantoja (aka Lakan Sumulong) serves as a peacebuilding worker, trekking through the armed-conflict areas in the Philippines. He works closely with Joji, his lifetime sweetheart. He’s privileged to have a competent team at PeaceBuilders Community, Inc.–a community of peace and reconciliation missionaries)

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Comments

comments