OUR MARAWI : Gustong-gusto na naming umuwi sa Marawi

Want create site? With Free visual composer you can do it easy.
anayaon Gambao, an evacuee from Marawi City, airs an emotional appeal on Monday, 24 July 2017, for an end to the conflict in Marawi City so they can return home and stop relying on relief assistance at the evacuation centers. Marawi evacuees held a State of the Bakwit Address at the madrasa in Ceanuri Subdivision in Iligan City on Monday, the same day that President Duterte delivered his second State of the Nation Address. MindaNews photo by H. MARCOS C. MORDENO

Nanayaon Gambao, an evacuee from Barangay Kilala in Marawi City delivered this at the State of the Bakwit Address at Mahad Al-Nor Al Islamie Madrasa in Ceanuri Subdivision, Iligan City on 24 July 2017, hours before President Rodrigo Duterte delivered his second State of the Nation Address at the Batasang Pambansa in Quezon City)

Assalamu Alaikum. Good morning po at magandang umaga sa kanilang lahat at sa lahat ng nakikinig sa SOBA (State Of the Bakwit Address). Kasalukuyan din po ngayong araw ang State of the Nation Address ng ating President.

Ako’y isang IDP (Internally Displaced Persons) din po, sang bakwit. Ang kalagayan naming mga bakwit ay sobrang naghihirap na po kami, kahit kami nasa home-based, nahihirapan po kami.

Ang mga kasamahan kong bakwit ma Maranao man o Christian, lahat po kami ngayon nakakaramdam ng hirap, hirap, hinanakit sa mga nakalipas na naranasan namin.

Nakita namin sa buong buhay namin. doon lang namin naramdaman mga ganong sitwasyon. Sana po maintindihan po kami na ako’y isang voluntary po, na isang bakwit dahil ito po ang paraan na medyo makalimutan ko po ang naranasan ko po bilang isang bakwit.

Naiiyak ako tuwing maiisip ang naranasan namin ngunit sana po yung mga kasamahan kong bakwit kay Allah tayo maghingi ng tulong dahil ganito, narinig na naman na extension ang martial law.

Bakit ganon? Ito nga two months lang, nahirapan na kami. Hanapbuhay namin pag ipon ipon ng pamlya yung mga bahay namin, yung hindi nasunugan, nawalan ng laman.

Yun namang mga bahay na nasunog, wala na kaming babalikan.

Humihiling kami na maamoy lang namin ang hangin sa aming lugar na Marawi City, parang hindi rin po pwede. So sana po, lahat ng nakikinig sa panig ng gobyerno, medyo panigan naman ninyo kaming mga bakwit.

Ako mismo, nasa home-based ako. Tuwing umuulan, ang masasabi ko lang na bakit yung tinitirhan ko po, 13 minutes lang na umulan, yung tinutuluyan namin hanggang ano na … so napasakit po dahil hinintay naming matuyo yung ulan,  matuyo yung baha dahil wala na kaming matutulugan.

May kasama ako bata. Minsan na nag-aano kami, inaalis namin ang tubig magdamag kami na nakamulat ang mata namin dahil wala kaming mapuntahan. Hindi kami makapunta sa evacuation center dahil mas sobra silang naghihirap. Sa home-based naman, yung mga kamag-anak namin na hindi kami natiis, nagpapasalamat kami.

Sa ngayon gustong gusto na naming umuwi sa tirahan (namin sa Marawi).

Pangulong President, kung pwede po mabawi ang extension ng martial, please bawiin mo na. Kawawang kawawa na po kami. Kahit anong makain namin sa lugar namin, sapat na yun sa amin na nandoon kami sa tamang lugar namin.

Sa discrimination, hindi lahat ng Christian dito, ganon. Yung ibang mga kasamahan namin nadi-discriminate sila kahit may pang upa sila sa bahay. Pag nalaman na ikaw ay galing sa Marawi, kasamahan sa bakwit, hindi tinatanggap.

Sa mga estudyante naman, pinapasok sa eskwelahan, hindi nabibigyan ng attention kahit yung ano lang, attendance lang siya doon, kahit yun lang ang sa kanya.

Presidente, parang awa mo na, maiwan namin ang anak namin na walang matutunan.

Ang anak ko po, papuntang 4th year college sa MSU (Mindanao State University). Kung may balak silang enrol ngayong July or August, sa akin lang po puputulin ko na ang kanyang pag0aaral hanggang hindi mawala ang problema sa Marawi.

Hindi ko siya kayang paaralin doon dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya kahit sinasabing ok ang MSU pero hindi mapanatag ang loob ko na siya ay papuntahin ko doon paaralin, na ako naman dito sa Iligan City ay magdamag na nakamulat ang mata para lang nakikiramdam sa anak ko kung anong kalagayan sa MSU.

Paulit-ulit President, ikaw lang — sa iyo manggagaling na i-withdraw ang martial law extension na naman. Parang awa mo na. Heto kami mga bakwit, kung makikita mo lang sila, isa-isahin mo na tanungin mo na pa-isa-isa ay hindi nila ma i-voice out ang lahat ng naramdaman nila dahil sasabog ang dibdib nila sa mga nararamdaman nila ngayon.

Downtown Marawi City one sunny afternoon circa 2004, before all the devastation due to the fires and the aerial bombings no thanks to the still ongoing skirmishes between government forces and the Maute Group that caused the evacuation of most of the city’s population. MindaNews photo by BOBBY TIMONERA

Nagpapasalamt po ako kay Samira na isang babae na nagpaparating niya ang pakiramdam na isang bakwit,  ma-lalaki man o ma-babae, si Samira talaga ay hindi namin kayang iwanan dahil isa kaming boluntaryo ni samira na may pagkain may sustento may financial, wala.  Nagtra-trabaho lang kami para lang masuportahan namin ang kapwa naming bakwit.

Kami din ang nakatulong sa ibang na re-rescue sa Marawi. Tini-text namin sa taas. Merong tao sa arawi na buhay pa, dapat kunin sa bahay nila. May tawag din sa amin na may tao doon na namatay na hindi maalis doon sa pamamahay niya.

So sana po Presidente, maawa po kayo sa amin. Sinasabi mo po isa kang Maranao. Sana po yung dugo mong pagka-Maranao, palitawin mo.

Tama na po ang martial law. Maraming salamat po.

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

4 + 4 =