THE VOTE: Inuulit lamang ni Pangulong Duterte ang malagim at maling solusyong militar ng diktador na si Marcos

Want create site? With Free visual composer you can do it easy.

(Explanation of “No” vote sa Panibagong Extension ng Martial Law sa Mindanaodelivered by Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate during the Joint Session of Congress on 13 December 2017 at the Batasang Pambansa in Quezon City)

Mariin naming tinututulan ang panibagong pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.

Inuulit lamang ni Pangulong Duterte ang malagim at maling solusyong militar ng diktador na si Marcos. Sa ilalim ng batas militar, lalong lumaganap at lumakas ang CPP-NPA (Communist Party of the Philippines-New People’s Army). Lalong dumami ang mga rebeldeng Moro.

Bakit? Dahil ang pagpataw ng paghaharing militar ay malinaw na deklarasyon ng gubyerno na wala nang puwang ang anumang anyo ng social dissent, ng legal na protesta at paglaban. Ang hinaing ng bayan, sa halip na pakinggan, susupilin. Tatakutin ang lahat. Aarestuhin, dudukutin, totortyurin at papatayin ang sinumang tututol – walang pipiliin, mga aktibista, karibal sa pulitika at negosyo, inosenteng sibilyan, simpleng pinagsususpetsahan at di kursunada ng pangulo at ng naghaharing militar.

Martial Law ang number one recruiter ng NPA​

Hindi solusyon ang batas militar sa ugat ng armadong sigalutan. Malulutas ba ng batas militar ang kawalan ng lupa ng mayoryang magsasaka? Malulutas ba ang pang-aapi sa Moro, Lumad at mga katutubo? Malulutas ba ng batas militar ang kawalan ng trabaho at industriyalisasyon? Malulutas ba ang panlalamang at pambubusabos sa atin ng US, ng Japan, at ng China? Hinding, hindi po.

Sa kabaliktaran, militar at pulisya ang gamit ng malalaking asendero, ng mga dayuhan at lokal na malalaking minahan at kapitalista. Gamit sila para pagsamantalahan at supilin ang mga magsasaka, katutubo at manggagawa. Pulis at militar ang gamit ng US at ng Pangulong gustong gayahin si Marcos.

Umabante na po ang usapang pangkapayapaan ng gubyerno at National Democratic Front (NDF). Sa katunayan mayroon nang nabubuong kasunduan para sa libreng pamamahagi at reporma sa lupa at industriyalisayon ng bansa. Ngunit nagulantang tayo nang matapos makausap si US President Trump, tinerminate ni President Duterte ang peace talks, idineklara na terorista, kahit hindi naman, ang rebolusyonaryong CPP-NPA tulad ng ginawa ng US.

Ngayon, ang pinapalawig ang batas militar sa Mindanao; idinagdag sa puntirya ang CPP-NPA at pagbibintangan diumanoy’ coddlers, supporters at financiers.

Ginoong Speaker, usapang pangkapayapaan, hindi po batas militar ang dapat ituloy.

Ginoong Speaker huwag po tayong paggamit sa kahibangan at kahayupan ng batas militar at ng pasistang diktadura.

Demokrasya, hindi dikdatura!

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Comments

comments