OUR MARAWI: Nakakita ka na ba ng bakas na inadobo?

Want create site? With Free visual composer you can do it easy.

MARAWI CITY (MindaNews / 13 April) — Nakakita ka na ba ng bakas na inadobo?

Yong isdang inihaw na nakatuhog na binibenta sa daan na kadalasan ating tinatahak pag umuuwi tayo sa Marawi? Sikat yong isda na yan sa Balo-i, Wato, Malabang.

Simple lang, masarap. Inihaw na yan, luto na yan at pwde ka nang makontento sa ganon na lang pero sympre mas magiging katakam-takam yong isda na yan pag mahaloan yan ng ‘palapa’ at gata. Nakakagutom na sabaw, mabango at sarap na di mapaliwanag na tiyak ika’y mapapasabi ng “Extra Rice pa po!”

Syempre may pares kadalasan yan na pinritong itlog. Kong ayaw mo naman ng sinabawan, pwede namang dikdikin yan, haloan ng pampasarap at sili tapos pag binilog mo yan at pinrito may ‘sasati’ ka na pagkasarap-sarap na may anghang na di mo mapaliwanag na tiyak na hahanap-hanapin mo.

Yong isda na yan kakaiba yan, yan yong pagkaing pamilya na may kwento.

Hindi yan inaadobo, hindi rin yan pwding gawing pakbet, di rin yan pwding gawing caldereta, at afritada. Kasi yang isda nayan na tinatawag nilang BAKAS, may kwento yan eh, may culturang dala-dala.

Para rin yang Marawi. Simple lang yan nong una. Kontento na yong mga tao kong anong mayron sila. Oo pwde mo siyang bagohin, sino ba naman ayaw ng pagbabago, pagkakataon yon na makatikim ng bago putahi pero ang hindi nararapat ay ang pagbabago na alam mong hindi pwde doon sa kwento, doon sa cultura na dala-dala ng lugar, na dala-dala ng bakas.

Grilled bakas fish. Photo courtesy of KHAYRIYYAH FAYKHA ALONTO ALA

Pagbabago para sa Marawi? Oo sino ba naman ang ayaw pero ang tanging hiling namin ay pagbabago na naayon sa cultura, relihiyon at sa kagustohan ng mga tao na tunay na nagmamay-ari ng Marawi. Ang kwento ng Marawi ay ang mga Meranaw. Sila ang dala-dala ng Marawi. Di mong pwding ipaluto ang Bakas sa iba dahil hindi naaayon na gawing adobo ang Bakas. Ipaluto mo sa Meranaw ang Marawi dahil sila, sila ang higit na nakakaalam ng tamang timpla, sila ang higit na nakaalam ng tamang anghang, ng tamang sukat ng gata na naaayon sa kanila na titira, at nagmamay-ari ng Marawi.

Kinabukasan ng Marawi tila katakam takam. Mga dilang di makapaghintay na matikman ang putahing ito sa kanyang pag kaluto. Gusto niyong tumulong? Wag niyo pangunahan yong dapat na magluto dahil may pag kakasunod-sunod yan. Hindi mo pwding unahin ang unang gata dahil nauuna ang pangalawa na gata. Hindi mo pwding ihalo na ang palapa ng wala ka pang asin, mag ingat ka dahil baka sumubra ang iyong paminta.

Bakit di ka nalang magbiyak ng itlog at iyong batihin at lagyan ng asin? Ihanda ang kaldero at lagyan ng mantika. Sa pagsisimula ng Meranaw sa pagluto ng kinabukasan ng ‘Bakas’ sindihan ang kabilang parti ng stove at sabayan mo ito at simulan mo na ang pagprito ng itlog ng sa huli ipagpares natin yan sa hapag kainan at ating namnamin, ating pagsaluhan ang mga ngiti ng ating mga mahal habang sila ay galak na galak dahil kanilang matatanaw ang kinabukasan nilang nakaayon parin sa kanilang cultura, relihiyon at tradition.

Mahirap, maraming dapat ihanda, maraming sikap ang kailangan maabot lamang ang tamang timpla. Nais mo ba talagang matuto? Halika at aming ituturo, iyong pagmasdan, iyong unawain at matutong makinig nang iyong mapag-aralan ang tamang timpla. Sa iyong tunay na pakikinig, isa sa aming hangad ay iyong makita na ang Meranaw ay hindi papayag na ang kanyang nakagisnan na Marawi ay magiging bakas na lang ng nakaraan.

(MindaViews is the opinion section of MindaNews. OUR Marawi is open to anyone who wishes to share his /her thoughts on what is happening in Marawi. Khayriyyah Faykha Alonto Ala, 17, is a Grade 12 student at the Mindanao State University Senior High School in Marawi City, one of  thousands of Marawi residents displaced by the five-month siege last year. She wants to pursue Human Resource Management in college. She first posted this piece on her FB page on 11 April 2018. MindaNews was granted permission to share this piece). 

 

 

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Comments

comments