PEACETALK:  Ang BBL ay nasa kritikal na kalagayan

Want create site? With Free visual composer you can do it easy.

COTABATO CITY (MindaNews / 31 May) — Not so fast. Para maintindihan natin.

Ang BBL na naipasa kahapon sa kongreso at senado na pinilit nating itinawid sa maliit na butas ay nasa KRITIKAL NA KALAGAYAN.

Maraming importanteng parte ang nabawas. Kung ikumpara natin sa pasyente, sa nais nating maitawid sa maliit na butas, malaking parte ng kanyang mga buto at mangilan-ngilang laman loob ang ating tinangal.

Nasa kritikal na kalagayan ang BBL maski na naitawid na natin. Ito ang sitwasyon na hindi pwedeng magsaya dahil unti-unting namamatay ang pasyente at hindi naman pwedeng ilibing ang pasyente dahil buhay pa ito.

Ang susunod na proseso ay ang bicam. Tanong : maibalik ba natin ang mga importanteng provisions na kailangan para mabuhay at tumayo sa kanyang sarili ang ating pasyente na higit pa sa pagkakatayo ng ARMM?

Yan ang obligasyon na dapat nating ipaintindi sa ating mga kababayan. Each and everyone of us has a role in this most critical stage of the BBL. Everyone must be on guard more than ever otherwise, patay or forever paralyzed si pasyente.

Between now and the bicam, maraming dapat gawin lalo na ang ating mga leaders. Kailangan mag-usap, magkaisa at maipaintindi sa lahat ano ang pwede kahinatnan ng mga pangyayaring ito.

(MindaViews is the opinion section of MindaNews. Rosslaini Alonto is a member of the Internal Mediation group, a platform for Bangsamoro men and women from various sectors who try to work within their respective organizations to achieve a wider consensus on major Moro issues such as the BBL, federalism and Marawi rehabilitation).

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Comments

comments