OUR MARAWI: Dear Task Force Bangon Marawi

Want create site? With Free visual composer you can do it easy.

MARAWI CITY (MindaNews / 29 Sept) — Magandang araw po sa inyo. Seryosong usapan po. Sa totoo lang mag iisang linggo na po kami nag aantay ng dahilan bakit po na delay ang start ng rehab at yong ground breaking natin sana noong Sept.19.

Gusto ko lang po sana mag tanong ng masinsinan na tanong. Yong totoong sagot naman po sana paki bigay sa tanong po namin. “MAYRON PO BANG MANGYAYARING REHAB? KONG MAYRON PO, KAILAN PO NATIN PLANO MAG SIMULA?”

Yong pasensya po ng mga taga Marawi di po kasing haba ng San Juanico bridge. Pakatotoo nalang po sana tayo. Ganito po kasi yon. Di po kaya tayo natatagalan dahil ang plano po natin ay may masyadong maraming ka echosan? Dami-dami pong components na parang di naman po namin kailangan.

Baka po pwde natin ipagpaliban na lang yong madaming ka artihan para po makapagsimula na tayo nang matapos tayo agad.

Gusto lang naman po naming makabalik sa mas lalong madaling panahon. Paki- ayos po yong kalsada na sinira, pakibalik po yong mga ilaw namin, at yong tubig namin, paki ayos po yong drainage system namin at paki ayos mga mosque namin tapos pakibigyan na lang yong mga tao ng pwdi nilang pansimula at kami na po ay pauwiin na sa aming mga tahanan. Di naman iba yong hinihinge namin, amin yong gusto naming puntahan at responsibilidad sa amin yong sinisingil namin.

Nga po pala, STOP POLITICIZING THE MARAWI REHAB. THANK YOU PO.

Maraming salamat po!

Lubos na paubos na ang pasensya at pangunawa,

Residente ng Marawi na bakwit parin mahigit isang taon na. Bow! #MarawiIsOurs

(MindaViews is the opinion section of MindaNews. Khayriyyah Faykha Alonto Ala, 18, is in first year college at the Mindanao State University in Marawi City. Ala was recently elected as chair of Barangay South Madaya Proper in Marawi City’s Ground Zero, the main battle area of government forces and the Maute Group and its allies. She is among thousands of residents displaced by the five-month siege last year who has repeatedly asked that they be allowed to return home. Permission was granted to MindaNews to share this piece she posted on her FB page on 28 September 2018) 

 

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Comments

comments