DUTERTE TRANSCRIPTS: Launching of Comprehensive Reform and Development Agenda for ARMM ..

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE
PRESIDENTIAL NEWS DESK

SPEECH OF
 PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE 
DURING THE LAUNCHING OF THE COMPREHENSIVE REFORM AND DEVELOPMENT AGENDA FOR ARMM AND OTHER CONFLICT AREAS IN REGION 9, 10, 12
[Cotabato City | 29 October 2016]

Salamat po. Kindly sit down.

Secretary Judy Taguiwalo; Secretary Sueno; Secretary Cusi, nagbigay ng ilaw; Commissioner De Vera sa Commission on Higher Education; Secretary Guiling Mamondiong. Kaya ko talaga siya pinili, when I was trying to — you know, figure out the Cabinet — ito ang pinili ko kasi I want him out into the field. Eh itong trabaho nito niya, ganoon talaga ang maglabas. I had him placed dito sa ating CHED pati, I got in also Mamao, si Abdullah who’s my fraternity brother and classmate ko sa San Beda. I don’t know why he is not here, but nilagay ko rin siya because sa special concerns ko, iyong nagkakaproblema tayo doon sa Middle East. Iyong mga trabahante na nawalan ng trabaho saka walang mapuntahan. I send Mamondiong and Mamao to the Middle East, and they did a very good job sa ating mga kababayan. Deputy Speaker Bai Sema; Undersecretary Dilangalen; Assistant Secretary Dumama – ay, kaibigan kami nito while I was still the mayor at that time, and he was a very good worker of government. Governor Esmael Mangudadatu; Governor Mujiv Hataman; Mayor Cynthia Sayadi; Acting Executive Secretary Aristoza; mga kasama ko sa gobyerno; mga mahal kong mga kababayan. 

You know wala kasi masyadong nakaakam at noon ayaw naman namin magyabang whatever but noon maraming, kakaunti lang ang tao maraming hindi nakakaalam about my lola who comes from the Maranao tribe.

But it became obvious when my son, “Polong” iyang vice mayor ngayon married a lady, si Lovely ang nanay niya Maranao ang tatay niya Tausug. Then it became open na sinabi na namin nga yung roots nga namin nagkita kita kami doon sa marami — Marawi pero yung, nangilabot ako magpasok doon sa bukid.

Hindi kasi alam nila kung sino i-ambush. Basta lahat na lang sabi ko, ‘bantay kayo sa akin’. Kaya helicopter na lang ako ng helicopter. Hindi na ako napadaan doon sa…  

Well, anyway, I am happy kasi kung ang papasukan mo makita mo ‘yung Duterte empire. And for all the — lahat ng Moro regions nanalo po ako almost by a landslide. 

You made my President. Ngayon tapos naman yung election at nangako ako sa inyo na wala na kayong makita na lider, maybe for a long time na talagang may pagmamalasakit sa inyo. And sinabi ko sa inyo that you will have a share of the national wealth. Sinabi ko sa inyo na bubuhusan ko ang pera ang mga Moro region.

Kasi po nakikita ko sa statistics noon and I — sasabihin ko na ito sa inyo on the second Cabinet meeting si Judy sa DSWD, sinabi ko ma’am please do something kasi sa record nasa TV ako, the highest incidence of hunger kawawa ‘yung mga bata.  

So we have to do something about it but sabi ko kay Judy,  ‘Moro ka man tignan natin kung mabuhusan natin ng tulong ang mga lugar ng ating mga ninuno’.

So we are starting — sa inyo nga naguumpisa, massive talaga. I want the incidence of hunger stopped. Hanapan natin ng paraan even man lang sa pagkain ng mga bata. So there has [applause] 

[brownout]

Kita ninyo, ‘yung mga… I have to go back to Basilan tignan ko ‘yung mga pinagbigay ko na bangka. They want more at saka yung tractor. Ganito kasi ang nangyari. Kaya mag-init ang ulo mo pati ang — I do not… I’m not surprised kung bakit talagang magulo ang Pilipinas? Kasi dito tayo sa Mindanao.

When I became President sabi ni Piñol… Piñol is good. Maano lang ‘yan siya. Pareho kaming mabunganga pero he’s good and he means well for his fellowmen. Wala yan siyang ano ano, wala kaming ano, bigotry na ganitong tribu, Ilokano. Pareho kami niyan. Wala. Diretso diretso ang tingin namin sa kapwa tao namin. Sabi niya, ‘sa bodega mayroon doong mga tractor at yung mga equipments mga bangka na nasa warehouse’. Sabi ko, ‘bakit niyan? Panahon pa ng past administration. So (yun) anong nangyari?’

Sabi niya na ‘pag binigyan mo ‘yung farmer ng isang tractor ‘yung cooperative they have to raise a certain amount as a counterpart. Sabi ko talaga itong gobyerno loko loko kaya talagang gulo ang ating bayan.

Maski ako, bakit ka maghingi ng counterpart sa farmer na walang pera–wala ngang pagkain eh? Oh, how can he put up a share of his counterpart. Sabi ko ipamigay niyo yan. [applause] ngayon yung COA ah, sabi ko hayaan niyo yang COA pagdating doon sa Maguindanao baka putulin ko ang ulo nila. [laughter and applause]

Kind of stupid at hindi ko talaga maintindihan. Why would you come up with a program which would be asking a counterpart? Binibigyan mo na nga kasi mahirap. So the next acquisition yung mga tractor eh it’s a very small one hindi naman yung tractor nakikita mo doon sa construction. But it’s a farm tractor and I will buy more and I will give everybody their fair share [applause]. Ang problema lang pagdating ko doon sa dealer paguwi ko nandoon na yung naibigay ko. Pinagbili na. Diyan tayo magkakaproblema.

Well, anyway take care of those properties because it is not ours. It is the money of the people. So kung ano yung maibigay lalo ‘yung mga makinarya the secret there is maintenance. Sundin mo lang kung ano sinasabi doon sa libro para tumagal yung bagay sa inyo.

But I will provide sa karamihan. At galing man along China I can ask for more baka ibigay sa atin ng libre and so I can really develop Mindanao to its fullest extent.[applause]

May six years pa ako. Apat na buwan lang ang gulo na ng — pati ‘yung Amerikano nakisawsaw eh. Galit talaga ako sa kanila.

You know, whenever they criticize us, ito si Goldberg he was interviewed…I was…Nandiyan na kasi ‘yung helicopter so I had to go down. But he seems to be oblivious to the reasons why we had the  — ganyang away. At nasabi pa ng — ayoko lang magmura. Sinasabi niya, ‘wala hindi kasi namin alam kung ano ang ibig sabihin ni…’ Alam mo simple lang naman iyan Amerika. Ang problema sa atin ganito. Kami may sama nang loob noon pa.

You know, you’ve occupied my country for 50 years. And in your governance, pang-hoard ninyo sa amin puro sheer force, takot at — kayo ang nag-umpisa ng patayan. Ayaw na ngang lumaban sa inyo pinagpapatay ninyo. Tapos doon sa Jolo, Marawi grabe ang — Davao ang massacre, pila-pila ang mga katawan. Iyan pa lang hindi na maganda sa amin iyan.

But what really appalls me — I really do not know naman…Hanggang ngayon hindi nila naintindihan, kakabalik-balik ko lang pati iyon ang sinabi ko sa China.

Ulitin ko lang ito uli for your education para matuto ka: You are criticizing me sa drugs. Ayaw ko naman pumatay ng tao sino ba ang may gusto? But you picture me as if I enjoy killing my countrymen. Kaya nga ako hirap na hirap reaching out to everybody for peace. Nakausap ko ang komunista pumayag.

By grace of Allah, baka maka-swerte ako ng peace agreement sa MI, pati MN. Ang problema ko na lang ‘yung mga hardcore but they must understand ‘yung Abu Sayyaf that wala talaga tayong makuha kung sige patayan.[applause]

Ako na ang nakiki-usap sa inyo, I make the guarantee, na kayo — we will treat you equally. I will see to it iyong Moro o Kristiyanos o Igorot will be treated alike sa panahon ko. [applause]

Ayaw ko ng patayan kasi wala talagang mangyari kasi ang nahihirapan ‘yung  mga babae pati bata. So what’s the point of…Ako na po ang nagsasabi, bigyan ninyo ako ng kaunting panahon. I will improve the Moro land, Mindanao. [applause]

Kaya gusto ko talaga — gusto ko nga iyang federalism. Iyon na rin ang gusto ng mga learned sa gobyerno, matagal na gobyerno, from  one administration to the other. Right after the Spaniards and the American occupation, pa-ano na lang pahirapan lang, pahirap nang pahirap. Bigyan naman natin ng kaunting pahinga ang mga tao and I said I will try my very best tutal parang nakita ko wala ng — na may dugo lang naman ng kaunti.

Hindi naman talaga ako full blood. Meron lang akong dugo, low lang. But still there is a connection. Eh ang isang pamilya ko sila Omar, sila Rodrigo eh puro talagang Muslim iyan eh. Nagsisimba talaga iyan because ang sumunod doon sa…You know if you want to marry a Muslim lady, you have to convert. That is why iyong isang linya ng apo ko puro Moro iyan. So how would I turn my back? Paano ako kung magka-giyera? Saan ako kakampi? Kakampi ako sa Kristiyanos o kakampi ako ng Muslim? [applause]

Ilagay ninyo ako sa alanganin eh. Anong gagawin…Mag-suicide na lang siguro ako para…[laughter] Basta sa panahon ko marami kayong makuha. Iyang ospital sa — I think it’s in Basilan or in Jolo. It will come to rise. Bigyan ninyo by next year tapos na ‘yan [applause]  ospital.

At saka ‘yung trauma talaga…And there is a businessman who offered to help. Ganito iyan eh. Sinabi ko noong kampanya, hindi ako tatanggap ng pera sa mga taong may transakyon sa gobyerno. Ayaw kong matali. Hindi na bale akong matalo basta hindi ako tatanggap ng — ‘yung mga bilyonaryo. So ngayon, tapos na ako, sige siyang gustong makipagki — makipagsalita, sabi ko: ‘Wala na muna iyan. Ako na mismo ang nagsabi ayaw kong magtanggap eh. So what’s the point? You do not have to explain to me.’ Tapos sabi niya, ‘sige.’ Sabi niya na mag-donate na lang sila ng 1 billion. Kung ganun sabi ko ‘tatanggapin ko, gawin ninyong ospital sa Jolo o sa Basilan.’[applause] Para tabla na wala na kayong duda sa akin na may galit. Hindi naman ako nagagalit, nanggaling sa akin ang salita na iyon.

So ganun. Kung ibigay nila by…I will start it next year. Basta next time ‘yung Jolo tapos na ang ospital diyan na sana huwag naman magdala ang ospital na — baka ang dalin puro sugatan ng mga Abu Sayyaf pati sundalo. Sana matapos na.

Ang Abu Sayyaf naman hintuan na lang ninyo ‘yan. Punta na lang kayo sa ISIS kukunan ko kayo ng ticket. [laughter] Bakit? Talagang…You know, pareho ang history natin. Long, long before Europe pati Amerika nakita nila ang disyerto. Wala pang bayan noon, wala pang nasyon. Pumunta sila doon dahil sa oil. They used the oil for the Middle East mura pa noon, wala pang may-ari, wala pang mga bayan, and they build to their own industries. Kaya sila nag-industrial power. Sila ang nauna. Ito ang naiwan dito sige lang suplay ng oil. Just like in the Philippines they came here just to chop the trees, do mining at mga trabahante lang din ang mga ninuno namin. Kaya ngayon ganyan eh. Ngayon ‘yung mga Arab, pagdating ng mga ‘18 something, pinaghati-hati nila. Sila mismo ang nagsabi, ito ang Libya, ito ang Iran, Iraq, ito ‘yung Syria. Hindi kagustuhan ng mga tao doon.

Kaya iyong tribu doon Shiite pati ‘yung Shia, hindi nila ikinonsider ‘yung kultura. Pinaghalu-halo na nila, makita mo ngayon. Galit talaga ang mga tao sila-sila na mismo ang nagpatayan habang nandiyan ang Amerikano. Eh kagaya din dito. Inutusan ko si Lovely pumunta doon sa Jolo sabi ko kausapin ko sila. Iyong mga…Huwag ‘yung ano…Magdala ka lang ng tao na galing talaga doon sa loob, sa Abu Sayyaf. Ayaw talaga nila kasi galit sila. Eh wala naman akong magawa. Sabi ko, ‘huwag mong pahirapan ang bayan mo.’ Noong araw sabi ko pagdating ng federal. Tutal hati-hatiin man iyan. Ako basta sabi ko, pagdating ng panahon, bilisan lang ninyo kayong mga congressman, bilisan ninyo ang federal. At maghanap tayo ng configuration ng gobyerno na talagang powerful, kanya-kanyang region bahala kayo kung ano ang gusto ninyo dito. Bilisan lang ninyo. [applause]

Kasi ako ang sabi ko ‘yung federal type provides a president. Kapag natapos iyan ng tatlong taon, asahan ninyo, I give you my word: Kapag nandiyan na ‘yang framework, I will resign to give way to a new president. Wala na kayong isipin pa. [applause]

Basta ako…Ako na sana mismo ang magsabi alis na ako. Hindi ako maghintay ng six years. Just hurry up the process, kapag nandiyan na ‘yang federal, tapos paghati-hatiin na ‘yung region federal region ganun, at more power iyan sa baba less power doon sa itaas at kayo na ang bahala kung ano ang  nakita ninyo dito. But Mindanao holds a promise sa agriculture. Kung matanim lang iyan ang bukid lahat, iyong mga bakanteng lupa, you will be the richest…Huwag muna ninyo ang away, sundin na ninyo ang Kidapawan. Kidapawan by 2022, 23, would have overtaken sa Davao sa income dahil sa itinatanim. Kaya ninyo dito iyan.

Ngayon, iyong Liguasan na marsh na iyan, kapag may oil iyan totoo o ‘di sino ang mang-ari niyan? Eh ‘di kayo, eh ‘di kayo rin ang makinabang. Eh kung walang away eh ‘di somebody can do some drillings there at kung sino ang napili ninyo ng gobyerno iyon ang magpatakbo, iyon ang magpagamit ng — gagamit ng pera. So you elect men iyong honest na talagang may fervor na tulungan niya ang kapwa niya na Moro. Iyan ang importante diyan. Kaya you can have your leader. 

Ako, huwag ninyo akong isipin. Nagpapasalamat na nga ako sa tulong ninyo. Maraming salamat sa inyo pero I will not stay long ‘pagka nandiyan na iyan. Mag-eleksyon maghanap kayo ng president pero kung ulol eh di patayin ninyo. Madali naman patayin ang tao.

Iyan ang dream ko sa aking bayan. Iyan ang pangarap ko dito sa Mindanao. Hanapan lang natin ng paraan kasi wala talagang mangyari. This has been going on as far as I can remember 1972. Wala ng ginawa kung hindi magpatayan. I will assure you, hintuan na ninyo until three, four, five years, things will improve and I promise you, you will have your own share of development money. [applause]

Wala akong ibang ano, matanda na ako. Wala na ngang…Maski gusto kong mag-asawa sabi nila matanda ka naman. [laughter] Eh di wala na. Ang akin lang is a — may mga apo kasi ako eh. Sila Oman, naawa ako. Ano ang pag-asa nitong mga bata na ito? What if they can go back to Jolo and to Marawi ang look beyond doon sa ano doon, doon sila mag-negosyo? Eh ‘di makapasyal sila sa bayan nila mismo. Nakakaawa naman kasi ‘di ba — huwag kang magpunta doon kasi makidnap. Kasayang na ano…Naawa ako sa mga bata. And that is just ano — lakihin mo ‘yan ganun iyan eh.

There is so much hatred, stop it. Or for once, sabihin mo diyan, kayong lahat, pati lahat ng Kristiyano, hintuin na nga ninyo iyan. Even for a while, just para makapagpasok ang gobyerno at sabi ko naman ibibigay ko sa inyo. Kung anong ibigay ko sa inyo ibigay — nauna nga kayo eh kita mo? Wala pa ‘yung iba. Hayaan mo na ang mga Cebuano, mga mayayabang iyan. [laughter] Kayo muna. At saka kayo ‘yung kailangan talaga. So where the need to help is urgent, we will be. Basta ang gusto ko may project akong ospital para sa — para hindi na tayo ma…May secretary of Health naman kayo. Director lang iyan noon, ngayon undersecretary na, ngayon Secretary. Mamaya baka ma-presidente pa ng federal government iyan. [applause] Oo, mabait man ‘yang si doktor.

So baka ewan ko kung ano but hindi na ako mag…Dadating ‘yung prime — deputy prime minister ng Malaysia pati ‘yung first secretary ng ano…So hindi masyado akong makatagal. Sabi nga sa airport sa akin ‘yung mga military na nandoon sila because salubungin nila ‘yung kuwan — ‘yung prime minister. Gusto ko sanang pagbaba niya sa eroplano nandun ako. Malaysia is a very important ally. Ang sakit lang…Ang sakit ko sa Amerika ganito, alam ninyo, alam ninyo may nangyayari na nga eh. May namatay na nga na mayor eh. Iwasan talaga natin ang droga kasi sisirain talaga ang bayan natin. Maniwala kayo kung makita lang ninyo diyan sa mismo sa siyudad ko. Iyong matatandang mga sama na –g- nakaganun na ngipin. Iyan ang sa kuwan…Sa addiction sa…Kaya nauubos ang ngipin. Totoo nagga-grind. Kaya lahat ng adik sira ang ngipin. Nagga-grind. Ganun nakaupo pagkatapos kung magkapera magbili ng shabu. Kaya sabi ko puta — bantay kayo sa akin. Hindi talaga ako papayag na sirain ang bayan natin. Hindi talaga ako…I will…I will take my life and the presidency itself. But it’s really a matter of honor for me not to allow my country to disintegrate. Kasi ano ang…Isip-isip ko rin, paano ang mga Moro? On the other hand paano ang mga Kristiyanos dito sa Mindanao? Huwag na muna ang mga ibang lugar. At alam mo sa totoo lang wala itong — from the heart. Punta mag-abot kami niyan so Governor Sueno punta kami doon sa Abra, doon nakita ko mga Maranaw. Mayor — Mayor man tawag nila sa akin. Ang, na-ano akong, magba-bye ako tapos makita ko nandiyan lang. But ang titiyaga niyang mga tao na yan. They start there maski diyan lang, diyan sa kanto niyang karsada. Over time magkapera sila. May mga iba magaganda ang anak. Yung iba may bahay na. look at the toil and the sacrifice na ginagawa.

Maawa ka talaga. Kaya ako silang…I am very sensitive diyan sa — iyong Moro bigotry. Kasi yung Moro ganun. Talagang nagagalit ako na baka masapak kita…’Ah iyang mga Moro wala madumi iyan ganun.’ Iyong bigotry na ‘yan really. So parang I remember my lola si ganun lang iyon ang bait. She was a Moro lady but she was really kind and lahat. So, but everywhere iyan kahit saan mo nakita nandyan iyang Maranao. So iyon mga negosyante. So, ako ay talagang I am pleading. Huwag na tayong mag-asa ng mga tulung-tulong diyan sa Amerika. Kasi everytime they criticize me hanggang itong Goldberg na ito, ayaw ko na lang mag-insulto, hindi niya alam siya ang nag-umpisa ng away during an election nakihalo siya ng salita which was not to be done by an ambassador kung lalo na kung dayuhan ka.

At itong maraming patay at alam namin na lumalaban talaga iyan eh ang gusto nila sabi ng Amerikano na kung hindi mahinto iyong malay ko ba eh nandiyan ‘yung pulis eh. Anong pakialam ko may trabaho iyan. Eh anong enggkwentro yang noong araw na iyan, ako ang sinisisi.

And I’d like to send this message once again and for the last time, you talk to us as if you are still under mga colony time na parang tauhan ninyo kami na kung magbigay kayo ng aid, maraming kondisyones. Dito sa droga making kayong mabuti, hoy mga Amerikano! Iyang style ninyo na kapag hindi nahinto iyang patayan ganun, iyong aid or assistance ninyo hindi ninyo ibibigay sa amin. Para kaming aso na may tali na sabihin mo next time, iyong pan naming assistance itatapon naming doon sa malayo pero hahawakan ka para tayong aso na pagganun-ganun hindi natin maabot na bunganga. Ganun kayo eh. Ganun kayo napakasyadong mababa ang tingin ninyo sa amin. Kasi dumaan nga kami ng colony ninyo akala ninyo bata-bata pa rin kami ninyo. Eh puwes hindi iyan. Marami ang lumaban sa inyo noong panahon na iyon. Maraming nagpakamatay because ayaw nila kayo. Isa doon siguro ang mga ninuno ko. Kasi ako naiinsulto sa ginagawa ninyo. Huwag na kayong masabi ‘ah anong ibig sabihin ni Duterte ganun. Hindi namin siya maintindihan.’ Hindi maintindihan? Simple lang, huwag mo kaming bastusin tutal mabubuhay rin kami. Maski na papaano mabubuhay kami maski wala kayo. Iyon lang. Iyong pambabastos ninyo. So you are easy with words like ganun. Kasi kayong mga Amerikano wala sa inyo iyan. Pero sa aming mga Orientals lalo na sa Pilipino. Lalo na Moro, Moro sensitive sa insulto eh. Nagwawala iyan. Bakit ano ang tingin mo sa amin? Buti na lang kasi ako ang nakaengkwentro ninyo?  Ngayon kung iba hindi kayo makabalik dito. Insultihin ninyo ng ganun iyan. So that is the long and short of really my quarrel with America. You do not know what dignity the pride of the person is.

Mga wala ngang mukha eh. Wala ng mukha parang sinampal sa publiko tapos talaga tayo diyan. Iyan ang ibig kong sabihin. Huwag kayong magpa-ikot-ikot kayong mga Karen Davila na what sige ask, iyan ang rason, iyan ang rason kung bakit diretsuhin ko na. So ang assistance ninyo inyo na lang iyan kasi ako ay naghanap naman sa China. Sabi ng China, ‘okay, we will provide you with assistance’ sabi naman ng Japan. Hindi naming pinag-usapan iyong aid. Basta sabi nila tutulong sila. Sabi naman nila sa Russia, sila Medvedev kasi nakausap ko sa Laos, pumunta ka rito at nandito ang lahat ng kailangan mo ibibigay naming, mag-usap lang tayo. Sabi ko walang problema. So kapag wala tayong pagkain, wala man rin sila tanim doon kay snow man. Padalhan mo na lang kami ng snow. [laughter] Snow na lang ang kakainin namin.

Ayaw ko na magmura kasi baka sabihin nila. [applause] Maghanap na lang kayo ng bayan na nakakasikmura sa insulto ninyo. Kaming mga Pilipino hindi naman kami patay-gutom kung ‘yan ang ibig ninyong sabihin. Hindi kami patay-gutom. Makaka-survive kami.

‘Yung mga ninuno namin noon, o bakit hanggang ngayon o, kaganda pa ng building. Governor bilib ako sa, gawan mo nga ako ng ganito. [applause] Is this an old building? Maganda…Kaya maganda. Buti pa kayo. Sa totoo lang, wala akong nakitang ganito sa Davao. [laughter] Totoo, hindi totoo. Kayo taga-Davao.

Ang pinamalaki yung… Hindi ganun, ‘yung paganun, ‘yung paakyat sa likod. Sa Davao, may ganun SM pinakamalaki. ‘Yung tao hind niya ako makikita, yung pag-ganun niya, gaganun din ‘yung isa. Pagganun niya,  nakaganun na yung ulo eh. [applause] Wala ito sa Da.. alam ko madalas kayo sa Davao. Saan? Saan kayo nakakita ng ganito? Ako pangalawang nakita ko Siliman University, pakaganda. Ganito, ‘yung paganun. European style ‘yan. Makikita mo yung Congress nila Parliament, oo na pataas kaya ‘yung sa likod, walang ganun.[laughter]

Kami sa Congress noon, ganun rin. Ako ang nagsalita doon. Ang mataas doon sa rostrum, doon nakikita. Ito dito sa inyo, walang — walang masahe pagkatapos kasi may stiff neck. Naka-ganun ka eh, yung spine mo nakabaliktad, dito level. Bilib ako. [applause] Sabi ko na nga eh. Ayaw nila maniwala sabi ko bright yung Maguindanao. [laughter] Maniwala ka dyan na walang alam… bright ‘to. Wala ito sa Davao, totoo.

Saan? So siguro next convention sa Lions dito na lang tayo. [applause] Sabihin mo dyan sa mga yung mga bomba-bomba paano mga turista walang pera rin ‘yun. Income rin. Huwag muna, sabi mo mag-ceasefire tayo mga six years. Tingnan mo gaganda ang… Kasi baka kasi wag kayo, baka magbomba. Bakit sa Davao wala? Ay tanga. Hay naku.

But better still, hindi kasi lahat ng kapwa natin kapareho. Alam ko may mga radical ganun but if they can just hold on to allow people a respite. Ilang konting panahon lang para maka. 

Oo naiingit talaga ako. Kaya kanina pa ako… Totoo. I’d like to congratulate you. [applause] Maraming ano — maraming talent ang Maguindanao na hindi talaga nakita. Tsk tsk tsk. Hindi naka sikreto lang. Hindi naman tinatanong kasi…But you know I’d like to guarantee you that in my time panahon ko kasi ako lang ata na-elect na presidente na may dugo, in my time…Sabihin mo na lang huwag muna ngayon. Sa susunod na administration pa ‘pag niloko na naman uli tayo pero if there is a federal type already set and there’s an election before five years, four years, ako mismo I will resign. I give you my word I will give way para federal. [applause]

Hindi na ako magtagal because the deputy minister of — ‘yung assistant ni Najib is in Davao kaya pala I remember Mamao is not here. He’s there at the airport waiting for the plane of the Premier. So I…Nagpapasalamat ako sa inyo for maganda ang building and for your cooperation. [applause] At least may payabang ako pagdating doon. Magsabi ako tingnan mo sa ano — tingnan mo sa Cotabato punta kayo. Pagdating mo, bakit? Akala ko ba, ang dali lang ninyo. Sir, hindi naman kami nakadaan dahil pagdating dito, checkpoint ng Army tapos dito MILF, meron MN, may pulis. Sabi namin kung ganito mauwi na lang kami. Pero except really if it’s necessary. Only if it is necessary, only if there is specific reason to do it, I’m ordering all checkpoints dismantled. [applause]

Magsabi mo lang na mag-ano na… Ngayon kung may suspect ka ganun tapos alam mo dadaan there is a probability or A1 information pero kung mag-ano lang kayo ng — mutagna ba — baka meron o baka wala, huwag ‘yan.

Ang that is for the entire country. I do not want to check — mga checkpoint? Sabi paano banda Kidapawan? Akala ko ba may NPA dyan? Eh di sila na mag-checkpoint. Dito yung MI kung may purpose kayo. Pag wala naman, huwag kayo mag-checkpoint. MNLF ganun rin. Pag walang purpose, huwag ka na lang mag-checkpoint.

Pampagulo lang ng buhay ng Pilipino ‘yan. There are things here to correct along the way but let me assure you again before I go, I will commit a good part of the Philippines revenue taxes dito sa Basilan, Jolo, Tawi-Tawi pati itong ARMM. 

Ang ARMM I want the hunger talaga — bata. Mahina ako dyan pagka bata talagang lalambot lang. Pag galit na galit ako na may bata akong kaharap nag-aano ako. Maski ‘yung mga tao ko kapag galit ako, pinapatawa ko, tawagin mo…

Pagdating dyan dala-dala bata pati anak. ‘Sir pinatawag mo raw ako, Sir anak ko pati asawa ko.’ Huwag mo na lang ulitin. Ako nung mayor ako, magpara ng violator sa trapik basta may nakita ako asawa pati anak, sabihin ko lang huwag mo na ulitin.

Ayaw ko kasi mapahiya ‘yung tao sa harap ng pamilya niya. Di ba maganda? Hindi naintindihan ng Amerikano, hindi maganda yan. Sa kanila siguro, bubulyawan ka gaya sa sine pero tayo pag tayo, ma-ano tayo, Oriental eh. Bulong lang. Ganun.

Sila “Hi, Mr. Duterte, we gave you the funds for this project and…is the land.” [laughter] So if there is no project, why don’t you go home? Sila nag-umpisa niyan hindi ako.

Kini-criticize nila ako… Basta dyan sa droga, buhay ko pati pagka-presidente ko itaya ko, itataya ko talaga. Nakapusta ‘yan.

Pero kung sa trabaho, serbisyo sa inyo, walang problema ‘yan at ako kilala naman ako, even as mayor, kapag nagsalita ako, tutuparin ko ‘yan.

Maraming salamat po. [applause]

 —END—

 

 

 

Comments

comments