DUTERTE TRANSCRIPTS: With Filipino community in Japan

Presidential Communications Office
Presidential News Desk

SPEECH OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
AT THE FILIPINO COMMUNITY MEETING
[Delivered at the Palace Hotel, Tokyo, Japan | 25 October 2016]

Kindly sit down. Salamat po. [crowd chants Du-ter-te]

Nandito po sa kamay ko ang listahan ng mga kasama kong opisyales sa gobyerno natin pero marami sila masyado. Ang importante sa akin kayo, hindi sila. [applause] So may I just present to you the Cabinet members of my administration helping me run the country.

First of all, I’d like to extend my gratitude to the Japanese people and government for hosting so many Filipinos and providing them work, gainfully employed in the country of Japan. Maraming salamat po. [applause] At ang Japan ho ang pinaka number one na tumutulong sa bayan natin.

Bilyon-bilyon ho ang binibigay para makatulong sa ating bayan kaya again, I said, for the second time, salamat po sa inyo. [applause]

Now, let me just give you a few, hindi ako masyadong marunong mag-Tagalog ho, I–  [applause] nawawala ako, I rumble on to just being a Visayan and then I forget then I shift to English so may I just say that– ganito ang ginagawa ko para sa bayan natin.

Nung tumakbo ako ng Presidente, siguro wala kayo doon, at that time, you were here, I promised three fundamental issues sa ating bayan: one is graft and corruption. [applause] Ang analogy ko ho diyan is parang eroplano tayo na nadiyan sa runway bumubwelo na pero all these years, hanggang runway lang tayo talagang hindi tayo naka-takeoff.

And one of the things that I blame for this entire whatever, eh Pilipino tayong lahat, is because of corruption, it has really pulled down the country considerably.

Second ho ang, I promised you itong drugs kasi mabigat na problema sa bayan. [applause] Ang third, criminality.

So mag-umpisa ako sa graft and corruption. Sabi ko ho, wala na ‘yan at sa lahat ng bagay sa gobyerno, ngayon po, I ordered them mag-online nalang kung maari. Wag na ho mag— pipila pa then wait for so many hours. I hate to see the Filipino queuing under the heat of the sun or rain. [applause]

Sabi ko, kaya naman talaga niyan, napaka marami ng computer ‘yan, nabili ng gobyerno libo-libo na po at pahirapan pa rin.

So sabi ko, ease out the burden of the Filipino kaya dito kay Secretary of Labor, [Bot, ‘tumayo ka nga] kay Bebot Bello, he was the Secretary of Justice noon ho sa panahon ni Arroyo.

Sinabi ko sa kanya, I want a place, isa lang tapos nandiyan na ‘yung booth ng NBI, kiosk ng BIR, booth ng pulis at—kasi sabi ko, kung computer naman pala ang pag-uusapan at i-expedite everything, why don’t you make use of it?

So kayo next time, gusto ko, sa isang building lang po. Doon kayo sa NBI, doon maghintay. Eh tumbok-tumbok na ‘yang yawa na ‘yan bakit hindi— [crowd cheers] Why do you have to—I don’t want you to wait. Eh ito kung nandiyan computer man kaya ‘yan super fast eh di lalabas ‘yan kung anong record mo.

Kung ikaw ba eh NPA, kailangan ng trabaho eh di bigyan ng visa o, okay na—kung ika’y holdaper, pumasok ka sa, ‘yan, ‘yang door na ‘yan at tuloy-tuloy ka na, wala nang— [laughter] ‘Yan ang gusto ko po, one-stop shop, talagang one-stop shop.

‘Yan ang gusto ko mangyari sa– pati ‘yung maritime, ‘yung sa mga sailors natin, ganun rin. But I’m thinking really, seriously now, dito na magkaroon kayo ng sariling bangko ninyo. [applause]

Maybe ‘yung postal bank ng gobyerno, wala namang nagmail, sumusulat ngayon sa—sulat, ‘my love, [laughter] dadating ako diyan,’ eh puro load lang naman ‘yan, load-load lang ‘yang love ngayon, hindi na sulat.

So, I want to make life comfortable for you  [applause] kaya maasahan ninyo talaga, ‘yang korapsyon, mag-uwi kayo ng Pilipinas ‘wag na ho kayong matakot, do not worry. At kung  [applause] —ito hindi ako nagbibiro. Pagpunta mo ng Pilipinas, may pulis, Customs o Immigration at humihingi sa’yo ng pera, sampalin mo. Sampalin mo.

Sabihin mo, sabi ni Mayor doon sa Japan pagpunta niya, p***** ina kung hindi talaga, [applause] sampalin mo tapos you create a scene. Magsigaw ka, bastusin mo tapos malalaman– marami namang media diyan, eh di makukuha nila eh, tapos radyo dito, may nagkagulo. Kasi, bakit? Hiningian mo, hiningian mo pa ng pera o kinuha ‘yung mga bagay-bagay mo.

‘Yung nasa bagahe mo, wag naman tonelada. Siguro mga sampung box siguro okay na ‘yan. [laughter and applause] Eh kung commercial quantity, ika nga kung sobra-sobra eh pag bili-bili mo, medyo mabigat ‘yan kasi ako na ang ma-agrabyado niyan kasi ang taxes ho, ang buwis. Pero kung ‘yan sa bag mo at kunin ‘yung mga bagay—wag kang papayag. Paka kinuha ‘yan, kunin mo ulit sabihin mo, ‘hindi ‘yan para sayo.’ Pu— ‘Yan lang. [applause] ‘Yan lang kasi ang paraan na madisiplina ko lahat eh.

Alam mo, at during my time, be assertive sa mga karapatan mo. Wag ka lang pa-assert-assert sa akin tapos durugista ka pala, p****** ina. [applause]

Pero kung sa mga ano ninyo sa buhay, BIR, lahat, be assertive. So wag mong kunin ‘yan. Tapos ‘yung mga, may isang—Well, many years ago, I was still a mayor,  ‘yung kaisa-isang TV set na dala-dala niya may nangyari doon sa airport kasi hindi ako nakapigil sa, pati ba naman ‘yan sabi ko p****** ina, ang liit-liit niyan, pakialaman mo pa. [laughter]

So nagpakilala ako, sabi ko si Mayor Duterte ako. P****** ina mo, sipain kita dito ngayon. Kasi ganun ‘yan pahirapan, talagang walang kakwenta-kwentang—Diyan lang kasi tayo, diyan kayo makatulong sa akin para mawala ang katiwalian. [applause] Kayo na mismo para pagpasok mo sa airport, parang ano ka na, parang mayor ka na rin. ‘Yung astang mayor na pa-ganun ba.

Eh marami ito. Eh bakit? Marami, marami akong bigyan. Ilang maleta? Tatlo, apat, okay lang ‘yan. Totoo. Wag naman ganun. Ano bang, What is really the value of this? Alam ko pag may nakitang isang bala, sabihin mo, kainin mo. Kainin mo. [laughter] Kainin mo [laughter] p****** ina mo. Itanong ako, may bala? ‘Oo. Galing sa’yo ‘yan kainin mo ‘yang p***** ina ‘yan.’ [laughter and applause]

Kung hindi, eh kung kainin kitang buhay dito basta just be assertive tapos kung sa publiko ka, create a scene. ‘Yung magwala ka. Tapos sabihin mo, bakit? Ngayon, pag ano, may number. Ngayon, sa Pilipinas diba may PTV 4 tayo. After the news sa umaga I will require baka mga one hour, text lang kayo. text mo lang 888-ganyan, text. Dito sa—if you want the name of the official, fine. Sabihin mo, itong si Alejandro Martinez, empleyado dito hiningian ako ng ganun, lalabas ‘yan sa TV so the people of the Philippines would know anong ginagawa nitong u*** na ‘to.

Lahat ‘yan. Pulis, military, Customs, lahat. Ngayon, in fairness and in obedience to the rule of the right to be heard, bigyan ko siyang panahon sagutin din niya doon sa text, limited to a few sentences, ‘hindi po totoo ‘yan, ganun.’ Ngayon kasi wala naman taong magwala ng, pwera nalang kung ang nirereport mo, alam mo kasi walang sustento sa iyo. [applause]

Ganun ‘yan mga u*** na ‘yan eh. ‘Yan ang ayaw ko diyan, mag-iwan ng asawa tapos, ano ‘to. Galit.  Eh ako, ako ang iniwan, ako pa ang nagsusustento. Baliktad. Itong mga unggoy na ito, iniiwan ‘yung asawa, sumasama sa bata, ayaw pa magsustento. Ang nangyari sa buhay ko, iniwan ako ng asawa ko, ako ang nagsusustento hanggang ngyon. [applause] Eh di okay lang diba.

Kaya nung– patawa ito pero pasaway pero mabuti naman. Nung nag-oath ako President Pilipinas, asawa kong number one nandito, ‘yung number two nandito. [laughter] San ka nakakita ng ganung style? [applause]  You know, there are things which you cannot avoid in life but you have to be fair.

‘Yan ang ginagawa ko sa—sa lahat ng bagay sa gobyerno, just be fair to your fellowmen. Ngayon, kung hindi mo talaga kaya ‘yung sweldo mo, maliit naman talaga ang sweldo.

Kaya sabi ko, ako po ay nagsisikap that we will earn more so that by the time, ito ang pangako ko at sana naman sa Diyos at sa inyo na ang pagtrabaho niyo sa labas, hanggang diyan nalang. Next generation, Pilipinas na. [applause] So we will do away with so many things. Corruption then drugs.

Alam mo, mayor po ako at nung mayor ako sa Davao, alam ko ang problema ng droga kaya pa noon binibira na ko ng human rights kasi naman po sinabi ko ng nag mayor ako, if you are a kidnapper here, stay in my city; if you are a holdupper, kung wala ka namang magawa sa buhay mo, kung ikaw po ay durugista, get out of my city. Yes. Kayong taga-Davao, alam ninyo ‘yan. Sabi ko talaga– umalis kayo kundi patayin ko kayo. [laughter] So ‘ yun ang– do not destroy the generations to come because I will not take it just like that, talagang hihiritan ko kayo. [applause]

Sa Davao, we progress not only by leaps and bounds but we overtook all cities sa Pilipinas in the early stages. The growth rate was about 4, we were hitting 7 at one time. Kaya lang, you know, there was a limit sa space pati sa pangyayari sa bayan natin but we were the highest. Ngayon, ganito rin sana ang gusto kong mangyari sa Pilipinas.

Early on, I gave the same warning na wag ninyong sirain ang bayan kong Pilipinas kasi hindi ko matanggap ‘yan, talagang papatayin kita. [applause]

At wag ninyong sisirain ‘yung mga anak namin kasi ‘yun ang magsubo ng lugaw kung ako’y inutil na.

The reason why we protect children is because pagdating natin sa edad, sila na ‘yung bibili ng medisina, hindi naman tayo—sila na ‘yung pag magpakain, oxygen, ospital, lahat. So we take care of them. We give a premium, ‘yung importansya talaga sa tao.

Ngayon, itong mga kalaban ko, well kasi kami sa local, ‘yung nag umpisa talaga ‘yan ng garbage na ‘yan—sabagay, ‘yung iba totoo. But hindi naman lahat. But anyway, kung saan diyan ang totoo’t hindi, basta sinabi ko ayaw ko.

So ‘yung that started the, itong droga-droga tapos patayan. Nung nag-Presidente ako, alam ninyo sa totoo lang, mag prangkahan tayo, tingnan ninyo ako sa mata ninyo. It was not until I became the President na lumabas na ang totoo sa bayan natin, hundreds of thousands. Pati ako natulala. Alam ko sa Davao problema but when I started to squeeze everybody, lumabas ang totoo. The naked truth was that we are a nation na napakaraming addict.

Itong Amerika, itong mga EU, itong mga progressive countries, they kept on hammering the issue against me. Sabi nila, marami na– 3,000 na daw ang patay. Hindi nalang inisip ng mga u*** na ‘to, [applause] p****** ina nila. [applause] Hindi nila alam, three million, that was the figure that was given by General Santiago when he was the PDEA chief three years ago.

Pag umpisa ko ng Presidente, hindi ko sinali ‘yung akin because everyday may nagsu-surrender pa and I am very sure that by the end of the year, I would have reached the million mark, seven, 800– 800 something na tayo ngayon.

So kung idagdag ko ‘yan lahat, that’s about 4 million drug addicts in my country spread around the entire Republic of the Philippines at ito ang dapat isipin ninyo.

And I am now– I don’t know about—sabi ko sa military pati pulis, gusto ninyo kayo? Mukhang hindi ko kaya.

Ganito yan: halos lahat ng mga barangay captains nasa negosyo. Madali ang negosyo, madali ang pera eh. Pulis, wala masyado sa military, a few. Pulis, barangay captain, mayors and governors, judges. We are already into the narco-politics kasi ‘yung mga barangay captains are elected, mga kagawad, councilors, mayor, governors, kaya ako hindi pumayag ng election. Sinabi ko kay Speaker Alvarez. Nandito po si Speaker, paki-pakilala mo. [applause] Wag ka lang magalit, siya pati ako pareho, dalawa ang—[laughter] totoo nga.

What am I supposed to do with 4 million? Eh tres mil lang nga ang namamatay eh. Tapos ‘yung garbage, you know, you were around during the campaign, it was never an issue against me about drugs.

It was not until after I was hitting the rating na dumikit na ako doon sa 32, 33, 34 tapos 27. The last minute na basura, na ako raw may deposito sa bangko, kung may deposito akong bilyon, bakit pa ako magharap tayo dito. Wala na, doon nalang ako sa ibang, mag pasyal-pasyal. So lumabas yung issue kaya ‘yang binasura sa akin.

Ngayon, pinatuloy nila. Tawag niyan, ‘yellow fever.’ [laughter and applause] Ang problema nito, ulitin ko, ayaw ko kasi makipag-away eh mga tarantado itong mga Amerikano na ‘to. Alam mo, the Americans are really a bully.  ‘Yang sa Bisaya, daug-daug. Sa Tagalog, api-api. Mang api-api itong mga yawa na ‘to.

Ang unang bumira sa akin, isang lalaki based in Manila sa Human Rights. Winawarningan ako, pinagpasensyahan ko lang ‘yun. Sabagay totoo naman eh. Tapos binibira ako ng State Department, then there’s this lady sa Office of the President, then Obama.

Alam mo, nung mayor ako, binibira na nila ako but that was different because mayor lang ako. Ngayon kung ganun lang ang tingin nila sa akin, if that is how insignificant my existence in this planet is to them, okay lang kasi mayor lang ako eh.

Nung naging Presidente ako, I carry the burden of sovereignty so kung talagang  [applause] — mapapahiya ang Pilipino eh sa labas sabihin, ah pinatay pala niya, killer pala ‘yang Presidente. Maski na yellow ‘yan o blue or black, [laughter] mapapahiya ‘yan in public, mas lalong magalit nga tuloy sa akin but then it will put everybody in a very awkward position outside, dito na Pilipinas, sige bakbakan tayo, pulitika eh. Alam ninyo. Alam ko alam ninyo basura lahat ‘yan, okay lang.

But to chastise me, to reprimand me tapos takutin ako, dito ako pumutok kaya ako nag pup***** ina, alam niyo bakit? Alam niyo kung bakit? Binabastos kasi tayo pag sabi na you know, [applause] human rights, ‘I’d like to remind the President that if there’s a violation he can be’ — tatakutin pa akong ipakulong. P**** inang, kulong? Ikaw ang putulan ko ng ulo. [laughter]

Tapos sabihin pa, we will begin to cut aid and assistance. That’s a demeaning statement. Ano ako–para akong aso na on leash na magtapon sila ng pan diyan at pipigilan ‘yung aso. Ako naman tahol ng tahol hindi maabot ‘yung– ‘Yun ang gusto ng mga–  [applause] If you have the evidence, go ahead and file the case.

Wala akong problema, I can rot in prison for my country. ‘Yan. [applause] I am not a Filipino for nothing. Maski ganito lang kami ka pobre p*** do not fuck with our dignity.

Sabihin nila, si Duterte is not a statesman, he behaves like a hoodlum, tama ka. U*** ka pala eh. [laughter] Ngayon mo lang nalaman? [laughter and applause] Ganun ako, ganito, ganun, ganun eh di na bale basta, ganito ‘yan eh para sa lahat and this is really for all of you Filipinos and for the entire world.

Maski anong bagay magkadiperensya, wag lang basta bayan na ang pag-usapan. T*** ina, hindi talaga ako diyan– [applause]

Drugs, 4 million, narco-politics na with the election of De Lima, the national [crowd says ‘boo’] the national portals of narco-politics has entered the political life of our country.

Kaya sabi ko, how do you now solve now the 4 million? ‘Yang ang hindi  tinitingnan ng Amerikano. Ang tinitingnan lang niya, ‘yung namamatay na mga drug addict, if at all. Ang iba doon, talagang sinalvage ewan ko kung sino. [laughter] ‘Yung iba binalot pa ng plaster. Sabi ko, we are not manufacturing mummies, eh parang mummy ng Egypt eh. [laughter and applause]

Sabi ko, if you really want to stop the guy just shoot him with one bullet in the head and that’s it. Bakit pa tayo magbalot-balot pa diyan? [laughter] Ano ito, suman? [laughter and applause]

Kaya ako maligaya kasi wala man akong ibang masumbungan sa Bisaya mga–  san ako magreklamo, edi sa inyo. [applause] Inaapi-api tayo. But you know, in the course of my, sabi ko, separation, it is provided in the Constitution. Section 7 Article—wala na. Sabi doon, our country must formulate an independent foreign policy. [applause]

Ayaw ko diyan sa mga Amerikanong nandyan, sabihin naman ng mga military, ‘sir kailangan natin ng equipment, ganun.’ You know, sabi ko nga sa military, I am not a wartime President, remember that. I am a President seeking peace for my country. [applause]

Kaya nung nag-Presidente ako, inuna ko na ang komunista. Sabi ko we have been fighting for 45 years, do you mean to say that you want another 45 years of fighting? [applause]

Eh magkasama kami, left po ako, sa left ako. Hindi ako kandidato sa mga oligarch, pati na ‘yan. Left talaga. Kaya kami nagkakaintindihan. Kaya kita mo ‘yung overtures ko, pumayag sila, nag-uusap na tayo,  wala nang gyera ngayon sa ating bayan NPA versus government. [applause]

We are talking in Oslo, at nandito ‘yung negotiators natin as we go along. Si Perfecto Yasay, the Foreign Secretary, [applause] maniwala ka o hindi. [applause]  Sa dormitoryo kami noon, kami ang magka roommate. Bright ito. Salutatorian ito nag-graduate.

Then ang kaharap namin sa kwarto si Bebot Bello, taga-Isabela. [applause] Mukha naman itong okay, okay ‘to. [laughter] Magka-clasmate-classmate kami but they are the brilliant ones.

Sonny Dominguez, ‘yung ating Finance Secretary. [applause] Kindergarten to high school, eh kasi napaalis ako sa Ateneo second year, siya nalang but they graduated, ‘yung klase namin, he was the valedictorian. Oo. [applause]

Alam mo itong ating Secretary of Agriculture, Governor Manny Piñol is a  [applause] magna cum laude graduate ‘yan, totoo ‘yan. Puro ‘yan sila mautak.

Si Senator Cayetano, [applause] nandito si Ma’am Lani, mayor ng Taguig, asawa niya. Ma’am? [applause] Kako, maganda si ma’am, guapo si Cayetano pero kung ako kasing guapo niya, ubos. Pakyaw ibig sabihin. [laughter and applause]

Si, nga pala si Mark Villar sa DPWH  [applause] and Defense Secretary natin from Cotabato City, si General Lorenzana.

Alam mo ito si General Lorenzana, ang nagsabi pa sa akin eh taga Cotabato City ito. Ilocano pero Cotabato, ‘yan mga Ilocano, Ilonggo sa—‘yan tapos si Pastor pa ang may sabi sa akin. Sabi, hindi mo ba alam ang Secretary mo, Defense classmate ko ‘yan, sabi niya, valedictorian namin yan. [applause] Kita mo naman ang buhok naubos kaaral. [laughter and applause]

Si Secretary Pernia ng NEDA, bright, from UP. [applause] And totoo lang ha, hindi ako nang-aano. Kilala ninyo Art Tugade, [applause] ‘yan ang ano classmate ko sa San Beda ‘to valedictorian namin, College of Law 1972.

Si– sa DTI, sa Go Negosyo, [applause] and si Senator Estrada, [applause] ah Ejercito Estrada; ang ating National Security —pareho ‘yan sila Estrada ‘yan basta ano, ganung mukha. Pare-pareho ‘yan sila. Si General Esperon ang National Security Adviser ko; [applause]  si Cabinet Secretary, si Jun Evasco. [applause]

Alam mo istorya nito, Jun Evasco pati isang pari na ga** kasama niya. Father, dalawa ito silang pari eh piskal ako noon. Nahuli ito ng military sa Libungan, oo, Cotabato. Pinroblema itong sila natyambahan. Ngayon eh ako ‘yung piskal, ako ‘yung inquest, ako lang ‘yung nagiimbestiga doon ng—  takot kasi lahat ng sa rebelde eh so sabi ng, si [Estares?] kung kilala niyo, ‘may nahuli kami diyan dalawang pari,’ tapos sabi ko, sir–  haharap talaga ng piskal ‘yan kasi yung affidavit. Ito bang sinasabi mo dito totoo ito? Sabi ni Estares, i-salvage nalang ‘yan, walang kwenta. T*** ina mo, pari eh.

Isa maliit sabi ko pari tapos sabi ko, taga saan ka? Sabi niya, taga Maribojoc ako, Bohol. Maribojoc. Eh sabi ko, taga-roon ang lola ko saka tatay ko, sabi ko, p*** baka pinsan ko pa mga g*** kayo, pari. Sabi ko, hayaan mo nalang.

So nung nanalo si Cory, wala silang trabaho pumunta sa akin, naghingi ng trabaho, binigyan ko naman.  Sabi ko, dyan technical assistant. Eventually he became my chief of staff then to become the mayor of Maribojoc for 9 years tapos sa Cabinet na. Starstudded itong—  [applause] Medialdea, si Andanar, Sal Panelo; [applause] ang ating guapo na congressman sa Bohol, Arthur Yap. [applause] Si, kayong taga-Davao, if you remember, pastor ito siya sa Victory Chapel? Taga-Davao, Pastor Ernie Abella. [applause]

Ito si Energy, si Al Cusi; [applause] si Wanda Teo, ang ating Tourism. Si Sal, ito ‘yung abogado ng ng mga artita, totoo. Kung gusto mo ng tsismis kung anong nangyari talaga, dito kayo. Sal, tumindig ka nga. [applause]

Itong si Yasay, hardworking. Yumaman lang ito sa mga away ng mga artista, ‘yung mag-asawa, ‘yungmagkakaso-kaso. Ako po ay ordinaryo lang kagaya ninyo– 75, 76, ganun lang ‘yun, hindi naman ako masyadong nagmamadali kasi. I finished my high school 7 years. Sabi ng nanay ko, ‘Rodrigo, matapos ka kaya?’ So sabi ko, ‘Ma, wala man tayong pagmadalian dito sa buhay na ‘to.’

Eh sige lang bilyar eh minsan nahuli pa ko ng nanay ko, ‘yung talagang takot, pinalo ako sa–gaganun-ganun paaack! [laughter]  sa likod. Kaya ‘yung nanay ko kung buhay ngayon i-demanda ko ng child abuse.

Tapos kayong mga Bisaya, alam ninyo ‘yan, [applause] we have this colloquial term na ‘hanggang pantalan ka lang,’ diba? ‘Yung ayaw natin magtrabaho, mga kapatid mong mga lalaki, magalit ‘yung tatay, sabihin, ‘ikaw leche ka, hanggang pantalan ka lang.’ Diba? It’s a colloquial or idiom developed all over the years eh sabi ng tatay ko, ‘ikaw, leche kang anak ka, hanggang pantalan ka lang.’

Sabi ko, sige lang. Basta bayaran lang ako sa kinakarga-karga ko, okay lang. [laughter] Pero sa totoo lang ha, itong lahat na pati, actually itong mga Art Tugade, ito bilyonaryo na ‘to, wag niyo sabihing magnakaw pa ito, bilyonaryo na ito. College of Law pa kami, CEO na ‘yan ng Delgado Shipping. [applause] Puro mayayaman—Yasay sa, he’s a professor sa Western side sa US, Hawaii University. Pero sa awa ng Diyos ha, ito trabahante ko ito lahat. [applause]

Nasa law school kami, mga classmates. Kami naman doon sa College of Law magtinginan lang sa mata kaya kung mag-aral ng libro mag-ganun lang talaga kasi oras na gumanun ka tapos kaharap mo ‘yung mga u*** na sasabihin sa’yo pssst, wala na, pagdating ng 5:30 tuloy nalang natin. [laughter] Sa awa ng Diyos, okay ako 4 years sa, ganun lang ang buhay so— [applause]

Para inspirasyon not really because ayaw ko kasi ‘yung, meron kasi akong sabihin pero I think it’s I do not want to—sabihin ko nalang [laughter] pero hatiin ko, mas komportable ako dito sa Japan, [applause] and even China if I mention the state, kasi hindi ina-ano ng, may ano ako diyan eh, wag na baka mamura ko lang ‘yung the other side of the world, di maganda ang tratamento nila sa mga kababayan ko.

Mahina kayo, pag mag-umpisa ako dito puro mura, matatapos tayo dito ng–  [applause] so we have to improve on the economy because that is the only—‘yan lang ang paraan. That’s the only way really to– now balang araw na hindi mo na kailangan bumalik pa dito.

At least kung magbalik-balik ka dito, bakasyon ka nalang. [applause] You don’t even have to–  [applause] sana I can improve on the economy and in the fullness of God’s time– Alam mo ang pinaka-maano sa atin is ang Japan, Japan talaga ang pinakamalaking tulong natin: [applause] Airport, ‘yung mga roads natin, it’s about 6-Billion ‘yung kanilang ano naka-program eh 6-billion you times it by 48, 47, that’s trillion. Grabe ang tulong nila ng— I don’t know but Japan is very attached to us  [applause] and for the fact that they are really so very kind, wala akong ma-ano sa Japanese people.

So in return, kaya tayo namang mga Pilipino, pag napunta sila doon, gusto kong ‘yung protektado sila, ayaw— [applause] ngayon po, pwede ka nang lumabas kasi ang ayaw ko, lalo na ‘yung iba is nagtatrabaho kayo dito, nagpapakamatay kayo sa pagod para kumita lang, pagdating ng padala ninyong pera ninyo, either gamitin ng isang u*** at i-hold up ‘yung mga, ito, i-holdup ‘yan.

‘Yan ang ayaw ko kaya ‘yan kasi ang hindi ko matanggap kaya sa Davao itong  [applause]  mag-rape ka ng one year old, mag rape ka ng 18 months old, wala na tayong pinag-usapan diyan.

Kayong mga taga-Davao, pagka ganun ang istilo mo sa buhay mo, caution. Umayos ka.

So gusto ko kayong ibalik–  [applause] Ganito ‘yan eh, para maintindihan ng mga p****** ina, pero walang, itong pari hindi sila kasali sa p***** ina. [laughter]

Alam mo, hindi naintindihan nila. Sabi nila, Duterte may death penalty noon wala man nangyari, ganun rin. Bakit mo gustong ibalik?

U***, [laughter] kung hindi ka naman tarantado, hindi ako ang presidente noon. [applause] Kasi kung ako ang Presidente noon, wala tayong pinagusapan dito. EH kasi wala daw nangyari merong death penalty. Hind ginagamit ang utak.

Ilagay mo ako, ilagay mo ngayon ‘yan. Eh sabi nila hindi na kasi marami na ngayon sa kulungan 1,000 eh di mag ihaw tayo mga lima araw-araw, hindi problema ‘yan, totoo.

You know, sandali ah, ganito ‘yan. I will end because meron pa akong, marami akong—hindi kasi kakahiya namang pahintayin sila.

Ganito nalang. Kalimutan mo na ‘yung universal declaration of human rights. Kalimutan mo na ‘yung batas natin. Let’s just, ‘yung pagpinanganak ka sa mundong ito tapos trabaho ko.

Pamilya mo, grade 1 palang, alam ko tatay ko noon, mag loan. Ang nanay ko, to her retirement days and her dying days, maghihiram pa ‘yun ng 5-6.

Lahat ng pulis, maestra ngayon, pati army, naghihirap. 5-6. Tapos ubos na ‘yung pera ko, halos hindi ako kakain tapos i-rape mo kasi drug addict ka, siraulo ka patayin, tanungin kita. Gusto mong mabuhay? What gave you the right to rape and kill my daughter? By what law itong universe na ‘to, sa mundong ito sinong nagbigay sayo ng karapatan na patayin mo ang anak ko o i-rape mo? Dito sa kabila, [applause] ito, kinig kayo Amerikano, bugokski. [laughter and applause]

Ito dito. Anong kasalanan ko sayo? Kayong mga gangster, kayong mga nasa Pilipinas, makinig kayo mga p***** ina ninyo, makinig kayong mabuti.

Kaya kayo namamatay, ganito. Anong kasalanan ng Pilipino? Anong kasalanan ng mag-asawa sa iyo na magluto ka ng shabu at ipakain mo sa mga anak namin? But what right in this universe? Wag na tayo mag-isip ng batas-batas, sagutin mo lang ako, by what right? Anong kasalanan namin at bakit gawin mo ‘yan sa amin? Masagot mo ‘yan, buhayin kita. P***** ina mo pag wala kang sagot, papatayin talaga kita. [applause]

Nabubuwisit na ako eh. Well ang sagot eh wag na ‘yang batas. Eh sagot ng batas, makukulong ka o mamatay ka.

Just answer me the question: who gave you the right to destroy the life of my daughter, raping her. After ravaging her, killing her. But what right do you have na kayong taga-labas kung ganun nalang ang pawis at hirap receiving every– tapos pagdating doon ipabili lang sa anak mo para, pagdating mo doon basag na pala.

And you know what? Dysfunctional na nga eh, nandito kayo o may maiwan mga anak. Mabuti kung dala mo. If it is by itself a dysfunction already, to be frank with you.

Wala na nga ang nanay, tatay o ‘yung mga sailors tapos lagyan mo pa ng droga, it becomes really a total dysfunctional family. Magnakaw ito hindi na mag-aral so hindi ninyo na—you simply overlook the things in life.

My American friends, we stick to the fundamental issues about human life. You want to protect, we do not want to—whoever wants to kill people.  You cannot build a nation over the bones of the criminals, if that is what you want to hear. [applause]

But then, I have to do something. By this year mag reach siya ng 4 million, instead of helping me you are criticized, you chastise me publicly, insulting because as a matter of fact, everytime you mention about human rights violation, there’s always a few words added and that is the assistance. You can have it, it’s all yours. We will survive.

I’m sure I would be a villain for—ngayon lang, maybe at this time, not all Filipinos would look too kindly about my stand. But in the years to come, in the next generation, they would know that there is such a thing in this world as the dignity of the Filipino people.

Maraming salamat po.

—END—

Comments

comments