DUTERTE TRANSCRIPTS: Meeting with Filipino Community in KL

Presidential Communications Office
Presidential News Desk 

SPEECH OF
PRESIDENT RODRIGO DUTERTE
DURING THE MEETING WITH THE FILIPINO COMMUNITY 
[Grand Ballroom, Mandarin Oriental Hotel, Kuala Lumpur, Malaysia | November 9, 2016]

Kindly sit down.

You know, it is normal for a traveling President to have his entourage. So dala-dala ko po yung mga Cabinet members, yung iba who are here. Introduce ko lang sa inyo because we are the guys working for you in the Philippines.

I’d like to introduce Secretary Perfecto Yasay, Jr.  Sa Department of Foreign Affairs po siya. And kayong taga-Davao, Jun is from Davao and he used to be a– kababata talaga kami, not exactly day to day but when we took the Bar, magkaroommate kami noon, post-martial law time and you could just imagine, we were back to back nag aaral

Then yung mga tangke were rolling out in the city and we could hear them and we knew that martial law had arrived.

Then I’d like to introduce to you Secretary Delfin Lorenzana. He’s the Defense Secretary. He was the one who broke the 2nd Ranger Regiment battalion noon sa Malagos so kakilala ko na siya noon pa. Marami pa siyang buhok noon, ewan ko bakit wala na. [laughter]

You know, I don’t know if you know Pastor Quiboloy, he’s Davao-based and he was the one wop told me na si Delfin na yan was my classmate sa Cotabato City, was it Notre Dame? At ang kanilang valedictorian, that’s why I was surprised Delfin, he became a soldier sa, rather, schooling at the Philippine Military Academy.

And meron akong isang taong papakilala who is hlping a lot of our countrymen, teaching them how to engage in mirco and small enterprises. Sabi niya, we are looking for the money to do it, I’m just about four months into the presidency but a lot has been going on. It’s important that we educate people how to really manage their property, especially money. Ito yung sa Go Negosyo. I’d like to call on Ramon Lopez, Secretary of the Department of Trade and Industry.

And an gating sunod is the Presidential Communications Office chief, Secretary Jose Ruperto Martin Andanar. From Mindanao.

Thn I have the National Security Adviser, he was the chief of staff during the time of Pres Arroyo, Secretary Hermogenes Esperon, Jr.

Then may isa tayong bright din. He’s a very good senator and a very bright guy, Alan Peter Cayetano. And may I call ang kanyang misis, si Lani, Mayor Lani ng Taguig City.

Yung katabi niya, ayaw ko baka magalit siya, wag nalang. Ito yung, pasenyas-senyas na papuntahin ako. Si ano ito siya, idamay ko nalang, si Annalyn Tolentino, kapatid ito ni mayor Tolentino noon ng Tagaytay City. She’s actually my Socials Secretary.

Then another guy, kababata ko. Very bright. Puro sila ito ano, he was the valedictorian of the class. As a matter of fact, it was not really a surprise when he topped the Bar, number 10. That was about 1971 ata yun? Si, taga-Davao ‘to. Si Secretary Jesus Dureza.

Meron naman tayong ito, Presidential adviser on OFWs, he is my fraternity brother and classmate ko talaga sa San Beda from first year hanggang nagtapos kami, si Secretary Abdullah Mamao.

And we have the Mindanao Development Authority, ang chairman si  Datu Abul Khayr Alonto. Puro kami dito Maranao.

You know, I’d like to tell you. I’m not saying this because im trying to impress you. I just have to give you the reason why I have this.. why I mentioned the guys in the past.

Ang lola ko po ay Maranao. Ang lolo ko po ay Chinese but my father is Bisaya talaga [laughter]. But when I’m asked yung lineage ko, I would just say that, kasi we get our status from our father so Bisaya but I never lived in Cebu. About the only time was to pass there once or twice a year.

Then, nakasama ko po si, ang ating magiting na director general ng Philippine National Police, si Bato. [applause] ALam mo, sa totoo lang, ang issue sa aming dalawa, sabagay kokonti nalang tao sa Pilipinas, medyo patay na lahat. Yung matitino nasa labas eh. Ang nagpaiwan yung mga gagong–

Of course the Ambassador Malaya III, sir. [applause]. Kung magkaron kayo ng balita na mga away, divorcio, ito yung abogado ng mga celebrity. Totoo. Karamihan ng mga ano niyan kliyente mga artista. Celebrity counsel ‘to si Secretary Salvador Panelo, he’s from Bicol. Kita mo pantalon niya, higpit-higpit. [laughter]

You know, he’a a, I mean no offense, he’s the epitome of sartorial, kung ano yung uso. Kung ano yung uso, ‘yan ang ano niya. Ang problema, ang uso nag iiba, ‘yung edad niya pataas ng pataas. But he’s a very brilliant lawyer. [applause] then we have the Assistant Secretary Charles Jose of the DFA.

So nandito po kaming lahat and I as kind of thinking along the way, siguro about 30 minutes from the airport na anong ikukwento ko sa inyo. [laughter]

Kasi ganito ‘yan eh. I’m just 4 months and there has been a lot of controversy woven around my person, including my quarrel with America. Ayaw ko po ng kalaban but I cannot also, sabi kasi nila, tutal tapos na ang eleksyon, nanalo na si Trump. Why don’t we just shut up? Eh kasi it has a connection with the very important issues in the lives of the Filipinos. Alam mo kung ano yan? Droga. And it has engulfed our country, napabayaan, nahayaan ang problema.

I would not want to zero in on a particular administration but when I was mayor, I was the favorite whipping boy already, threatened with cases before the international court of, criminal court—sa United Nations kasi raw pinapatay ko ‘yung tao.

 ‘Di naman ako embalsamador edi — you know, ganito ‘yan.

Talagang hard liner ako sa kriminal kasi po before I became mayor, I was a fiscal, a prosecutor, and I was doing trial work everyday for the government.

Ngayon, “People of the Philippines versus,” ganun, ang abogado ng People of the Philippines, kami, yung tinatawag ninyong prosecutor, fiscal and noon pa, talagang ano ako, ‘yung I’m a very harsh person lalo na sa krimen.

Kasi ganito ang istorya:

Our country, parang nasa, nasa runway na. It has been rolling there for a time, ilang taon na, lahat na pangako, ano kasing klaseng ginagawa ng mga put— [laughter and applause]

Alam mo, despite all the prayers, the pleas and the, naka luhod na ‘yung Pilipino , itong eroplano na Pilipinas hanggang ngayon nasa runway, hindi talaga nagtake off.  So why? Well, number one is corruption [crowd shouts ‘yes’ and applauds]

Noon pa ‘yan, estudyante pa ko. I mean lahat naman ng dumaan sana na tao diyan, matino naman. Baka. Kasi hanggang ngayon hirap pa. But there was one of the factors that were really pulling us down, it’s corruption kaya nung paganun-ganun ako wala naman talaga akong ambisyon, sa totoo lang. As a matter of fact, I came in late, substitute nalang ako.

Because I was not during, on the final day of the filing of the Certificate of Candidacy, I was not there kasi ayaw ko talaga. But nung narinig ko na sila lahat sa stage without.. totoo lang, wala naman akong narinig na nagmumura dahil sa criminal, passing [mumbles] just like that mumbling and ika nga, lip service lang.

Wala akong nakitang tao na na kandidato na nagkuwento about Mindanao. Ang problema diyan sa Mindanao na ‘yan, if it is not handled carefully, we might end up a fractured country also kasi hinahayaan eh. [applause]

And nobody even was talking about it except me when I finally decided to run. Sabi ko, paano ang Mindanao, paano kami doon? Now, how about my city? It’s in Mindanao. I’ve been mayor there for 23 years. Alam ko na ang dinaanan ng hirap namin tapos nobody but nobody was talking about how to fix the trouble there and also on criminality.

Now, when I ran, wala akong ibang topic na maikwento rin sa inyo eh kasi, wala, tahimik, wala man akong ano, basta ako trabaho lang, sa totoo lang. So sabi ko, itong corruption.

Sabi ko sa inyo at sinabi ko sa taong bayan, ako po ay maliit na tao lang. I come from a corner in Mindanao, small town city mayor. I am not even a national figure.

Lahat ‘yan sila kilala nationally, except me, hindi nila ako nakikita and in public, I kind of, mahiyain ako na tao na.. I don’t want people na calling out ‘mayor’. Mas mabuti pang di mo ko pansinin edi mas maganda para sa akin. But in Davao, well of course.

Kaya nga ito, nanibago ako nung pagka-Presidente ko kasi wala nang makalapit na tao.  Gusto ko kaninang dumugin kayo. Nakalinya. Oo. ‘Yung mga kapatid kong Moro, ang beso-beso namin—you know, sa kultura, nagbebeso-beso kami, alam ninyo ‘yan kung gaano kahaba yung pagmamahal nila, kasing rami rin ng bigote na naka-ganun. Expressing the culture pareho ng Arabo.

‘Yan ang.. ngayon, sabi ko somebody really has to do something about it. Hindi ako sigurado pero ako, sabi ko, abugado ako, just like Jun but he’s a brilliant lawyer, ako small time kasi 75-75 lang naman tayo, ito sila Dureza.

Dureza was the valedictorian of our class. Sonny Dominguez, ‘yung kababata ko, na-expel kasi ako sa Ateneo. So punta akong Digos, Davao del Sur kaya nakita ko yang isang valedictorian, Jess Dureza, he topped the Bar, number 10.

Lahat sila ito, puro.. Lahat ito. Sila General Esperon, of course si Cayetano, puro yun mga bright. Panelo. He has a name for himself so yun angmga tao na sumabay sa akin.

I promised the people, sabagay ito seryoso na talaga Corruption must stop and it will stop during my time. ‘Yan ang ipinangako ko sa inyo and I hope to improve the, well of course the economy, economics will follow at baka lalago na tayo ng konti for you to, yung kayo maka, in the fullness of God’s time, we can really fully develop the country. I would just be starting kasi six years lang ako.

Pero sa 6 years na yan, sabihin ko sa inyo, I ‘ve always reminded everybody in the government: walang corruption. Zero. Kasi—[applause] Kaya kayong mga, you know, all over the world nung election nag landslide ako sa lahat, ma-Amerika, Middle East, dito. I got your votes almost by a landslide, kaya nag [applause] by the sheer number na to think that I was not even known compared kay Roxas and of course, Binay was the high profile mayor of Makati, and si Grace, artista and she got very popular, and si Miriam also but she was really very sick at that time but ang pangako ko lang, sabi ko walang corruption.

Kaya kayo pag mag uwi kayo, ito talaga ang gawain ninyo. Nawarningan ko na yang lahat. Magkamali ka, ako– the assistant commissioner ng Customs. Istorya lang. Sabi ko, not even a whisper like Caesar’s wife. May marinig lang akong konti, out ka, hindi na ko magsusugal kung totoo o hindi.

At saka malaman ko nang malaman. Kaya sabi ko, panahon naman at least during my time sa kaliit-liit ko, I’d just like to be remembered as one who really tried to do something good for our country.

Kaya mag uwi kayo ‘yung mga ano ninyo, make a scene. Alam mo, mga Pilipino are so timid. Makita ka lang ng naka uniporme diyan tapos nagtitingin-tingin sa inyo, tapos pagka nung bag, kukunan ‘yang isa, ‘yung personal use. What’s in the bagahe, kung ano-ano. Wag na yung, sabihin mo, t** ina mo sampalin kita dito ngayon. [laughter and applause]

Kaya sabi ko, nakikinig kasi, simultaneous eh. It’s being– simultaneous ‘to. Ngayon nakikinig sila. Make a scene. Pag may kinuha diyan, sabihin mo wag kasi sabi ni Duterte wag. Pag kinuha mo yan, sampalin kita. [applause]

Alam mo, all personal effects, isang maleta, dalawang maleta, hindi yan commercial. Kung byahera ka sa Hong Kong ibang storya yan, bulto por bulto ‘yan eh and that’s why, kaawa naman, there’s corruption.

Ang masakit pa dito sa Pilipinas, yung mga byahera, taga Pangasinan taga- pataas sa Luzon hinohold up pa, kinikidnap, pati yung karga niya, pati siya hindi mo na makita, yung mag ganun na, sabi ko, ahh mahirap ‘to.

Kasi ako nung mayor ako isa lang ang sinabi ko. Umalis kayo ng Davao kung sa droga ka, nasa kidnapper ka, umalis ka ng Davao kundi papatayin kita. ‘Yun ang umpisa kaya those were the words that got me into trouble.

Kasi nung nag Presidente ako sinabi ko sa lahat ng campaign sorties ko, do not with the people… huwag mong galawin ang Pilipino, wag mong ilulong sa droga, do not destroy my country, do not destroy our generations kasi kailangan namin yan to run this country when we are about to go. Ito yung mga bata nagbigay ng medisina sayo, magbayad sa ospital, sisirain mo? Talagang papatayin kita.

At nakikinig uli yan sila. Sabi nila bakit ako? Eh wala akong ibang maka—eh alangan na masahihin na, ‘alam mo pards, pwede ba maghinto ka lang ng droga.’ My 23 years as mayor, yan sila dumaan  yan ng. Ito si Bato started his career as a Second Lieutenant pa noon. Bata pa rin ako, piskal. Ako ang ninong niya sa kasal.

Kung magpakasal ako ngayon sa kanya, siya ang, palit kami, siya na ang ninong ko. [laughter] Kaya, wala talaga. The crime was, may bata nirerape, nakahiga nga sa sidewalk kakargahin pa eh, ilalagay sa ilalim ng jeep, 1 year old, two year old. My God. This world is getting crazy and it’s all because of drugs.

Kasi yung droga kasi if you use it incessantly, constantly, it will shrink your brain. Kapag ang utak mo eh kulubot na, ibig sabihin, eh mga Amerikano ang may sabi eh, then rehabilitation is no longer viable. Hindi na pwede.

Ngayon hindi pa ko nag Presidente, sabi ni General Santiago noon ng PDEA, sabi niya there are 3 million Filipinos affected, tapos sa akin panahon, hindi ako nagbigay ng figure kasi gusto ko hintayin at the end of the year pero tingin ko sa, nakita ko sa TV..

Nung mayor ako, hindi pa masyado–alam ko problema marami but it was not until I became the President, piniga ko na sila by the hundreds of thousands and I would reach maybe the million mark towards the end of the year.

Anong gawain ko sa 4 million? Anak ka ng—tapos, I said I declared war. I never said to the police—kayo, hulihin mo, pag nag surrender, pag ayaw magsurrender at lumaban at tingin mo buhay mo ikaw ang mamatay edi patayin mo. Eh ganun eh. Bakit ko–

Why would I sacrifice the lives of my soldiers and–? Kaya pati army tinawag ko na because yang 4 million na yun, 3 million na muna, all over the Philippines yan.

Now imagine 3 million drug addicts who are at the same time, pushers. Anong mapala mo para sa bayan ko? What will I give to the next generation? So yung next president kung buhay ako, anong ibigay ko sa kanya? It would really get worse as we go along.

Patayan talaga. Eh sabi ko, pagka lumaban, eh kasi siraulo yang mga yan, lalaban talaga yan, that was my experience when I was mayor.  Lalaban yan at saka may mga armas talaga yan. Ngayon dito tayo, ayaw ko nga, sabi ko, makipag away kasi andyan na si Trump.

But I would like to congratulate President Trump. Mabuhay ka. [applause] Pareho tayo magmumura. Konting rason lang, mura kaagad, pare-pareho kami. Kaya lang sabi ko, so sabi ko, hindi talaga ako, I will not, I will not for the life of me. na papayag ako nung ano.

So ngayon mababa ang krimen, wala nang masyadong. Well, nakakalakad ka na ngayon but I want an environment natin, yung anak natin, makalakad maski saan kasi sa Davao ganun eh.

Sabi ko kasi sa pulis, guidelines ko, hindi yung, pang huli na kasi ito.

Early on, 1988, you ask your wife and your daughter to walk around Davao City in the wee hours of the night and morning. Pag umuwi yan ng walang nangyari, hindi man lang nakatikim ng kabastusan and they are happy, that is the standard I want you to do. [applause]

At naabot ko. Huli na yung patayan. Tapos sabi nitong mga gunggong [scratches his head]… ang paghuli kasi pinasok kasi sa jeep pinagbabaril eh. Because they were serving a warrant but the mayor was still armed and they chose to fight. So bakit ngayon maraming patay sabi ng mga–

Sabi ko, ikaw human rights, isa ka ring gunggong. Alam mo, noon kasi ang pulis ayaw magtrabaho [applause]. Either tamad itong mga g*** o talagang takot kasi karamihan nandyan na yung mga pulis pati mga mayors, governors kasali. Yan ang problema natin. We have become a narco-politics state.

Kaya yung mga mayor noon pag maglalakad, tag limang bodyguard dito, may machine gun pa sa– Kaya nung sinabi ko na yung mga pangalan and I asked 6 generals to resign, nakita mo narco-politics na tayo. Generals, police, barangay captains there are about 3,000 plus. After validation, lahat-lahat na. Yung medyo suspetiya tanggalin na.

And we have about 6,000 policemen all over the country and the portals of the national government has been opened by the entry of a senator who used drug money diyan sa ating National Penitentiary and she was the Secretary of Justice and she was funded by drug money.

Yan ang warning ko sa inyo because lahat ng bumagsak sa Latin Amerika, because of drugs.

Latin America is really a very.. along the border of Mexico and America, yung sa Tijuana papasok. 6,000 na ang—60,000 rather ang.. namatay.  Itong akin, 3,000 lang hindi pa nila alam kung talagang lumaban o hindi o pinatay kasi yung iba naman, binalot ng plastic. Buong katawan. Sabi ko, hindi gobyerno yan. Hindi naman tayo nagmamanufacture ng mummy. Like in Egypt.

Tapos gusto nila ako– ganito ang problema. Mabuti makinig sila because I cannot evade the issue. I have to tell my countrymen what I have done and what were the consequences or are the consequences.

Binira ako ng human rights, una yung tagapagsalita lang, kung sino yung p**** ina. Sige ang criticize, ganun. Then ang State Department. Ang ayaw ko, everytime that they bring out the issue of human rights, there is always that added statement, na yung aid ninyo, yung assistance ninyo, hindi namin ibigay.

Yung EU naman, itong mga bugok na.. eh you know, it is not a crime to declare I will kill you if you destroy my country. What is wrong with that? [applause] and I said, if you destroy the youth of my land, I will kill you.

It’s a legitimate expression. It is defense of a race na yan eh, not even self defense. I am trying to preserve the Filipino from perdition. [applause] Yan ang hindi nila alam. Akala lang kasi nila kung ano. They talk as if we are still the colonials, subjects. Noon dito, they conquered- Britain kinuha niya itong Malaysia. Indonesia was occupied by the Dutch; ang Pilipino, ang Spaniards.

But when they say something about itong mga Amerikano, para bang nandito pa sila because after the Spaniards, they came because may away sila, gyera, the Americans won the war and they lost, the Spaniards and they had to cede. Sinuerender nila, including Mexico. They.. and the Philippines. Spaniards stayed for 400 years.

Sino man mag ligaya niyan? Tapos sabihin mo 400 years ago. Bakit? It’s not easy for you to say na maligaya ka sa 400 years.  And then the Americans came, we were ceded by the Treaty of Paris, binigay tayo sa Amerikano and they stayed in the Philippines for 50 years and enjoyed the fat of the land.

Kaya ako, ayaw ko makipag away pero, meron kasing, kaming mga Bisaya, yun bang patay gutom. Ewan ko kung ano yan sa inyo. Parang everytime that they address us, it is as if mga patay gutom tayo na, sige, ito ang gawin mo, pagka hindi we will not. Para kang aso. Na you are tied to a post but the leash is very short and they would throw the bread far away. Ang aso naman, keep on looking at the, parang ganun kaya nainsulto ako, sabi ko p***** ina kayo. Lahat.  Lahat na mura, bull s*** sabi ko you go to hell. Ngayon napansin na nila ako. [applause]

Eh magtanong ka, sinong president ng Uruguay o Paraguay? Sino ang Mayor ng New Orleans? Sino Presidente nitong sa Gabon? Sinong Presidente ng Pilipinas? Duterte. [laughter] Bakit? Eh ako lang ang president na nag p****** ina sa kanila, leche kayo.

Kaya ganun. Now, you do not give us the aid? S***, to hell with you. Kaya ako nandito kasi kaibigan man kami ni Prime Minister Najib Razak. Sabihin ko na ikaw nalang ang bahala sa kin kung maghirap-hirap sa Pilipinas ha. We have to put things in order, we have to put a stop sa corruption. Importante talaga yan.

Kaya kayong mga Pilipino, ngayong ako na ang Presidente, be assertive. If you are on the right track, at alam naman ninyo yung– may experience na ako diyan na nakita ko, isang telebisyon but anyway.. gusto ko sipain ‘yung.. yung ganun na, sabi ko stop.

Alam ko na noon, ang buhay nila, maganda. Aside from the sweldo, meron yang mga ganun-ganun. Pero ang panahon– sa buhay dito, panahon-panahon.

Noon, may panahon, you take advantage with time, kalimutan ko yun. Huwag ngayon kasi pag sa akin ngayon, talagang habulin kita. Sa totoo lang kung ayaw mo makinig, p***** ina, papatayin talaga kita, sa totoo lang.

Pati yang pulis, sabi ko, either you stop it or I will put a stop. So ganun ang—kasi pagka hindi ito madala ng storya, kung ayaw ninyo ng storya ng ganito, edi sige, mamili kayo. Kasi hirap na nga, anong makukuha ko?

Ano bang pinagyayabang ko diyan? Hindi ako nagyayabang, ayaw ko lang mapahiya kasi ako small time lang. Hindi nga ako nakilala eh and yet I said I won by 16 million. [applause]

Tapos ang lamang ko was 6 million plus. Diyan tayo nanalo. That kind of enthusiasm really, so yan ang gusto—alam ninyo, hindi ako kilala. Basta ang narinig lang ninyo, patayan dito, patayan doon, patay silang lahat.

So that is really the meat of my message. We have to improve and maybe the next generation, mga anak ninyo makauwi na, start maybe a life somewhere in the Philippines. We will make it progress.

Yung mga Go—Go Negosyo ni Ramon Lopez, that’s one. Maghiram ako ng pera tapos ang unahin ko yung talagang sa baba. Alam ko, sinasabi ko sa kanila so in the Cabinet meeting, sino ba itong pinaka baba.

Taga Davao ako, taga-Davao ito si Dureza, nakita niya yan. Itong mga bright na, itong mga valedictorian, kita nila yan.

Sabi ko, sa Davao, early dawn may makita ka diyan halo-halo. Moro, mga Muslim—diyan sa palengke, maglagay sila ng—diyan sa street, wala mang masyadong traffic. Diyan sa semento o sa aspalto. Kamatis, ganun.

At 6:30, wala na, hinto na yan sila yan. Yan ang kita nila kaya sabi ko, unahin niyo muna, walang pili yan. Kaya nga ako, hindi rin ako maka-ano kasi wala ka mang ano sa akin.

I cannot be a zealot of Christianity because I have a Muslim blood. Maski konti, talagang lola ko, Iligan yan. Lumipat yan sa Iligan, taga Marawi man yan.

Hindi naman ako maka-anong Kristiyanos kasi in one line, my son, the Vice Mayor now of Davao City, married a lady, ang nanay Maranao, ang tatay, Tausug. So paano ako ma—so I have to.. Wala nung dito lang, dito lang tayo sa gitna, only what is fair.

That’s why kausap ko na si Nur. I think he left for the [umalis na ba si Nur, Jess?] Pumayag na siyang mag usap. Now, we are going to begin our talks with– I just signed the.. another verson sa BBL pati transition, it is more than just what the BBL provided, hopefully we’ll start the talk. [applause]

Then, ang mga komunista, nag uusap na tayo so there’s no more, wala nang NPA ngayon everywhere [applause] wala na. Kasi we are talking in Oslo, ang panel natin doon si Jess Dureza, he’s the presidential adviser for the peace process.

And siya rin yung, he’s handling tha talks in Mindanao. Kung maawa si Allah, baka talagang makuha natin ang gusto natin. There will be peace in Mindanao. Totoo yun.

Pag nagawa ko yan, walang korapsyon at nagkaroon tayo ng kapayapaan– sabi ko nga, hurry up, i-federal talaga natin. There is no way that we can have peace in Mindanao without going federal system. Yan ang gusto ng mga Moro noon pa at yan ang gusto ng mga komunista. Ang ayaw ng, may gusto niyan, yung nakahawak sa power ngayon at yung mga mayayaman, mga oligarch, mga walang kapital sa buhay nila kundi laway. Marami yan, ano lang yang kanila, kontak-kontak lang. ‘Pare, I bigay mo sa kin yang kontrata na yan. Eh ang bata ko dito,’ ganyan lang yan.

Ngayon, wala yan. Ako nanalo ako walang pera. Wala akong utang na loob sa kahit sino. Wala akong makina.

Maniwala kayo o hindi. There are about—ilan bang mayor sa Pilipinas? 70? Hindi mayor, governor it’s about 70?

Sa Luzon ang sa akin si Imee Marcos lang pati si Garcia ng Bataan. Sa Mindanao, well of course landslide ako pero wala akong, ang governor kaisa-isa lang at dahil siya ay naging kasintahan ko. [applause]

Matanda na siya ngayon but she was, she became mayor when she was only 27. Ako naman noon 42 lang ako. Bata-bata pa kami. Kagabi nandoon siya sa Malacanang. Hinila ko sa isang kanto, sabi ko sa bodyguards, ‘oist, umalis kayo diyan, halikan ko lang itong..’ pero hanggang diyan nalang kasi may asawa eh baka mapatay tayo. [laughter] Nagyon meron na, noon wala.

So yan ho ang mensahe ko sa inyo. You have to be assertive. Yun lang ang kailangan ko sa inyo.

Na pag may manghingi tapos tama, e di bayaran mo. Magtawad ka. Pero sabihin mo yang extortion, sabihin mo, I will not give you a cent, ni isang centavo. Kung gusto mo, sampalin pa kita.

Kasi magkaroon ng gulo yan kasi sa airport, syempre, edi magtanong ako, anong nangyari don?

Eh sinampal ng babae galing Malaysia. Anong nangyari?

Yung pag open ng luggage, hinawakan niya yung kamay, ayaw niyang bitawan. Ah hindi graft and corruption. Pag-ibig yan. Ibang istorya ‘to.

 

Pero maghingi–hingi ganun, alam mo one or two, ito malaman ninyo ha. Pagka hindi controversial ibig sabihin hindi naman masyadong marami. Kung ibigay sa nanay mga perfume, wag mo nang buksan-buksan. Kung wala ka nang makita diyan, wag ka lang magdala ng shabu. [laughter]

So maski saan kayo, be assertive, anywhere. Sabihin mo, Pilipino ako, and  when you’re dealing with other countries, you just be respectful. Kagaya dito.

I’d like to thank, before I forget, the Malaysian people and of course si Premiere Najib Razak for being so kind, so human, so civil sa ating mga kababayan nandito. Talagang wala akong mapuna dito.

Diyan lang rin ako, saludo talaga and sa Indonesia. [applause]

Alam mo kung bakit? Magkabalat kasi tayo. Originally we were under the Sri-Vishayas Empire of the Malay race. Ang problema, 1521 dumating si Magellan. Of course, he brought with him cannons, gunpowder and religion. Pero ayaw ko na pakialaman yang relihiyon.

Nandiyan na yan eh, the spread of Christianity and the spread of Islam, pareho lang man. Pero before, magkamukha tayo eh, talaga, totoo. Halos magka–Indonesia ganun din, just a little bit darker but we come from the same genetical.. kaya ang ating tratamento, hindi t masyado tayo.. eh kasi puro tayo Malay. Kagaya ng sa Africa, puro sila itim doon.

I mean, No offense in it pero genetic pareho tayo. South America, halos sila parehongmga conquered by the Spaniards also. So that’s how it came about, that we live in this world of, so we have to have the humanity.

But the thing I can really promise you is the there will be no corruption. Absolutely. [applause]

And I will try to make this country, yung Pilipinas, a better place where someday you can come back and settle down and find a—pwede ka mag negosyo, maraming trabaho.

This time it’s a rocky road. Nag-uumpisa palang ako and itong human rights nga, sabi ko sa human rights if you have the evidence, file it in court  but I will never – buti yung mag klaro kayo – I will never, never, never ever na makita ko na isang pulis o military papasok sa kulungan dahil sa away sa drug– 

I declared war and I will stick to– Walang pulis o military papasok sa kulungan dahil sa itong away ng droga.

Problema ninyo yan kung anong mangyari diyan basta ako I will defend the soldiers and the police because wala akong ibang maasahan kundi sila.

That’s why I have to protect them because they are also at the same time doing their duty to our country.

So with that magpaalam na kami. I still have another important meeting, itong amin ni Premiere meron lang kaming konting usap then after that I will..  but someday baka pagbalik ko magkita pa rin tayo [applause] Palagi man ako dito.

Palagi ako dito kay nagmomotor kasi ako. Yung panood lang. Yhe Tourism Malaysia, they always invite me to be yung, basta yung karera ng motor kasi mahilig ako mag motor pati ‘yung, pero wala tayong Formula One. Palagi akong guest nila dito kasi alam nila hilig ko. Pero may isa akong hilig na hindi nila alam. Kayo lang. [laughter]

Maraming salamat po.

—END—

 

Comments

comments