DUTERTE TRANSCRIPTS: Police scalawags. 07 Feb 2017

(Note from MindaNews: This is the official transcript of President Rodrigo Duterte’s speech, released by the Presidential News Desk of the Presidential Communications Office)

Presidential Communications Office
Presidential News Desk

SPEECH OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING THE PRESENTATION OF
PHILIPPINE NATIONAL POLICE
SCALAWAGS
[Delivered at Malacañan Palace Grounds | 07 February 2017]

Kayo pinadala dito ni Bato? Ha? ‘Sir, yes sir’ kayo diyan.

Alam mo, kayo Presidente na hindi taga-Maynila ha. Hindi ako sanay ng mga paikot-ikot, probinsyano ako at matagal akong Mayor sa aming siyudad.

Kilala ko kayo. Laking pulis ako. Ayaw ko na lang mag-yabang kung bakit pero laking pulis ako. Tatay ko noon governor. Ako na-mayor nagtagal.

Alam ko kayo, diretso-diretso. Alam mo, kayo pumasok, nasa isip siguro ninyo pag ‘yung pulis, pag may baril, may badge ‘yun na ‘yun. At naghahanap ng hanap-buhay dagdag sa sahod ninyo.

Alam ko na ang sahod ninyo maliit. Kaya nga ako naghanap ng pera at inuna ko kayo. Talagang kayo by the end of this year doblado na ang sweldo ninyo. Kaya naman meron talagang mga kagaya ninyo mga u*** na u***. P***** i** hindi kayo na—

Gusto ninyo mas habang pulis kayo, mas marami. ‘Yan ang problema ninyo. ‘Yung iba nagbababae, may asawa. ‘Yung iba naman mag-ambisyon. Gusto ng kotse, gusto ng magandang buhay. Eh ba’t kayo pumili ng pagka-pulis? Alam naman ninyo talagang mahirap.

Mahirap talaga ang pulis. [unclear] niyo lang. Eh kaso naga-ambisyon kayo ng mas malaking kita. Kunin niyo diyan sa mga vendor, sa mga driver, kung anong ka****** magkapera lang. Minsan hold-up, minsan mga inosenteng tao sinisita ninyo. Kung ano-anong kalokohan na sinasabi ninyo.

‘Yung makita ninyong mga naka-parking diyan, babae’t lalaki naghalikan lang huli kaagad. Anong pakialam ninyo? Maghanap kayo ng mali para magka-pera.

Gusto ko kayong ihulog diyan p***** i**** Pasig na ‘yan. Pero huwag na lang kasi itong Human Rights kung anong nakikita naman sa buhay ng isang taga-gobyerno na gustong disiplanahin kayo.

Gusto ko palinisin ko kayo ng—Magbalik kayo dito, mag-swimming trunks. Linisin ninyo ‘yung Pasig River. Inumin ninyo kasi madumi. P***** i** kayo.

‘Yang ano. Bata pa naman kayo lahat. Kailangan ko ng pulis sa South. Kulang ang pulis sa Basilan kasi maya’t-maya pinagpaputok-putok ‘yung mga istasyon doon. Nauubos.

Kayo lahat ngayon nandito, kasali kayo sa Task Force South. Padala ko kayo sa Basilan. Tumira kayo doon ng mga dalawang taon. Kung lumusot kayo buhay, balik kayo dito. Kung doon kayo mamatay, sabihin ko sa pulis, huwag na magasto na para dalhin pa kayo dito, doon na kayo ilibing. Wala naman kayong mga—

Doon niyo ipakita ‘yung kalokohan ninyo. Hindi ako mag-retraining. Anong i-retraining ko sa inyo? P***** i** tapos na training ninyo araw-araw. Anong mare-training ko? ‘Yung utak ninyo. Hindi ko madala ‘yang ganon eh.

Galit kayo sa’kin, hintayin ninyo ko matapos sa pagka-Presidente ko. Mag-barilan tayo. Akala siguro ninyo — L**** kayo. Papatulan ko talaga kayo.

Prepare to move out. I’ll give you two weeks from now, 15 days. Mag-ano na kayo. Start to move out. If you do not want to go there, go to your superior officer and tell them that you’re going to resign.

Otherwise, ayaw ninyo hanapan ko kayo ng mali. Kasi kaya kayo nandito mga g*** kayo eh. So meron talaga akong masilip. Either I will dismiss you.

Alam mo, kailangan ng Pilipinas isang squad ng Army, Navy, pati Air Force police to keep track of you. Kasi karamihan ng mga pulis, ‘yung na-dismiss, ‘yun ang mga sindikato kasi may alam kayo. Kayo ang pinaka-delikadong kriminal pag naalis sa pulis.

Alam ninyo ang pasikot-sikot eh. Alam ninyo kung—P***** i** papatayin ko talaga kayo sa harap ng Pilipinas. Kayo ang mag-droga-droga, anak ng—

Pasensya na lang. Hindi ako mag-dalawang isip. Kayo ang ma-extrajudicial killing talaga. Totoo ‘yan. Pag naalis kayo, if you opt to retire, then behave, maghanap kayo ng hanapbuhay ninyo na malinis.

At kayong mga pulis na dati mga sindikato, huwag na huwag kayong pumasok because I will create a battalion para lang to keep track of your movements because it has been the sad experience of this country that the most vicious criminals, karamihan ex-police or sometimes ex-military man.

Kaya kita mo sa Mindanao, ‘yang mga Kuratong Baleleng na mga dating military. Kayo ‘yan eh. Mas sanay kayo sa mga kriminal at nasanay kayong pumatay. Kaya tuloy napapasama sa anti-illegal campaign kayo. Binibigyan kayo ng pera tama ‘yan. Ang mali ang mga u*** at tsaka walang utak.

Alam ninyo, ang pulis bibigyan mo ng pera. ‘Yan sila kasi pag walang trafficking, walang buy and sell, walang trafficking, walang mangyari. We are trying to get rid of the supply. Kaya pumunta ‘yan sila may pera… kunwari bibili.

Nangyari, itong mga g***** ‘to, hindi binigay ‘yung pera, pinatay ‘yung mga pusher, kinuha ‘yung shabu, ipinagbili, tapos pati ‘yung pera binulsa.

So do not be surprised about these allegations sa, you are being paid. O, how are you supposed to enter into a trafficking event kung walang nagbibili, wala ring nagpabili, so walang trafficking. Eh di possession lang, bailable.

Kaya ganun ‘yan, diyan nagkakandaloko. Hindi ko alam ilan nangyaring ganun. But do not be surprised if they are there to buy eh sabihin na binigyan sila ng incentive. Meron ring incentive, meron ring operational facts.

You know how much I gave them? 150 million. Para lang magbili ng mga — eh ‘yung iba, ‘yun ang nangyari. Sabi nila, binibigyan sila ng singko mil, diyes mil. P****** ina, bakit ko kayo bigyan ng pera? Trabaho ninyo ‘yang pumatay. L****. Hmm, bigay ako ng pera. U***.

Kaya nga kayo binigyan ng baril kasi pagka lumaban, eh di barilin mo. Nagdaan ako ng Pasig River, wala man akong nakitang water lily.

So prepare to move out. Doon makita mo ‘yung kag****han mo doon. Engkwentro mo doon Abu Sayyaf pati mga Tausug [unclear]

Doon kayo t*** ina ninyo. B***** kayo. Paano, dalawang taon lang sa pulis, gusto kotse kaagad, gusto ng bahay. Mga g*** na u*** kayo. Kaya kayo nag-iistambay, nagpapatrol nandiyan sa mga bar -bar. Kaya ‘yung mga magaganda diyan gusto ninyo inyo.

Eh wala kayong pera, ayan. Ewan ko ilang tao na ang pinatay ninyo na ano inosente na walang kamuwang-muwang. Pero ako, hindi ko kayo palusutin, sa totoo lang.

Wag ninyo akong hamunin ng barilan, talagang papatulan ko kayo, mga p***** ina ninyo.

Hintay ninyo ako, six years from now magkikita tayo uli. L***** kayo. Sabi ko, hindi ako ‘yung Presidente na galing dito ha. ‘Yang mga pitsugin. Na pinipili lang ng mga mayaman dito sa Maynila kung sinong kandidato nila. Ako’y hinalal ng tao.

Hindi mo ako matalo sa pagmahal lang sa pulis. Kita mo ang Davao: walang abusado, walang checkpoint, wala lahat. Buhay ng mga tao doon… Eh bakit nabubuhay ang mga pulis doon? Simple lang ang buhay nila.

Kayo? Biro mo, karami ninyong mga u*** kayo. P***ng ina sayang ‘yung sweldo-sweldo ng gobyerno sa inyo.

Alam niyo, alam ko ang kultura ng pulis. Two out of five sa inyo tig-dadalawa ang asawa. ‘Yan ang sakit ninyo. Kasi nga pagka naka-uniporme, may baril, may badge, akala mo sino na ang mga u***. T*** ina. Nabibighani kayo sa sarili ninyo.

Tumindig kayo diyan. Maghintay ako pagtapos kausapin ko kayo mamaya. Huwag kayong umalis diyan. ‘Yang ganoong porma na ‘yan. P***** ina, buhusan ko kayo ng —

Pag may nakita ako nag-relax, sisipain kita, sige.

—-END—