DUTERTE TRANSCRIPTS: Turnover of Pistols to AFP. 18 July 2017

(Note from MindaNews: This is the official transcript of President Rodrigo Duterte’s speech,  released by the Presidential News Desk of the Presidential Communications Office)

Presidential Communications Office
Presidential News Desk

SPEECH
OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING THE CEREMONIAL TURNOVER OF PISTOLS TO THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES
[Delivered at Heroes Hall, Malacañang Palace | 18 July 2017]

Salamat po. Kindly sit down. Thank you for your courtesy.

It is really my desire or my practice not to deliver long speeches. Pero dito, I have some very personal experiences to share with you.

Let me just tell you that I am not new to a military environment. If you read the books of World War, my father was the first governor of northern Cebu right after the war. And he continued it sa Davao because they were prosecuting also the collaborators of the Japanese and only to realize that there was an amnesty and humigpit na ‘yung mundo nila doon. There were a lot of politicians then and — who are still in the political scene na nandiyan pa.

So, he decided, together with Major Llanos, the former governor of Davao del Sur, municipal mayor before when it was… Dalawa sila nag-adventure sa Davao. So, doon sila… Eventually, my father became governor and Major Llanos eventually also became the municipal mayor and the provincial governor when Davao was — province was divided when my father died.

So, parang they cut it into pieces to please everybody, including the political leaders. And I grew up with the military sa bahay and the police. Iyon man ang trabaho ng isang governor noon. I grew up to be also a politician and a prosecutor.

But noon pa nakikita ko, I was just wondering, bakit ang Army walang baril na sidearm? Maliit pa ako, I’m just wondering. And I would speculate what will happen if the rifle jams or pagka nasira. For whatever reason, anong gagamitin nitong mga ‘to?

That kept me wondering when I was young. But then I… When I grew up, I realized that there’s such a thing as a primary gun and a secondary gun. But, of late, kasi noong mayor ako ng Davao for 23 years, nakikita ko kasi na wala talaga — walang baril ang madala ng sundalo paglabas sa kampo.

And you’re only allowed to bring your M16 rifles, or M14, whatever that is, you have to be in uniform. Kaya nung… Ito, itong pangyayari na ito ngayon, I declared a ceasefire, hoping that the — those crazy guys there would respond favorably to our importunings for peace.

Alam mo, they only wanted to talk, nothing more, except that to make demands. And when it is not granted, parang batang nag-ta-tantrums.

And for this kind of fight now, when I became President, I decided to show good faith. Baka sakali, might be the — ‘yun lang ang kulang to show the good faith of government.

So nag-ano ako ng ceasefire, nauna ako. Ipakita ko lang talaga na sinsero tayo. Kasi naman we cannot wage eternally war against our own people. But if they choose to, wala man rin tayong magawa. We have to protect government because government is the agency through which the will of the people is expressed. That is the definition of government.

So, ‘yung… Hindi naman lahat marinig mo, so the will of the majority prevails. Kaya nga one-half plus one, eh. Kung may boto ka ng 49, ‘yung isa 51, even for one vote, panalo na siya. It’s the rule of the majority.

And the majority of the people has repudiated communism and with all its brutality and nothing really to offer to the country. It’s almost bankrupt. Walang ano. Tapos, nag-declare sila ng ceasefire.

Noong walang nangyari doon sa — kila Dureza pati kay Bello and we could not agree kung papaano gawain natin ‘to, they mentioned about the lifting of the ceasefire.

Tapos sabi nila, February 10. Ang akin naman, sabi ko, unahan ko sila, tinawagan ko si General Año, sabi ko, “Sir, mauna na tayo. February 8 ako.” February 4 pa lang, pinagpapatay na nila mga sundalo ko, pati ‘yung mga pulis sa Cagayan.

Ang problema kasi nitong military, unang- una, though no fault of yours, labas kayo ng kampo, wala man kayong baril, akala ninyo na — wala man kayong baril, then you go to — you go to the town proper, you go there, maybe you drink and you enjoy. Pag-uwi ninyo, inaabangan kayo ng mga NPA.

Ang ayaw ko doon, ‘yung patayin nila ang tao na walang armas. Walang kalaban-laban. So sabi ko, hindi pwede ito. Kailangan ko talaga to place my soldiers on equal footing with them. Kasi sila, nakakadala ng armas, sidearms. Eh maiwan nila ‘yung M16 nila.

Kayo naman, wala kayong dalhin. Bayoneta siguro but that is no match to the firepower of any gunpowder.

So, I decided, sabi ko na bigyan ko kayo lahat ng sidearms. Especially so, huwag kayong… The Moro guys here, do not be offended, pareho lang tayo. We come from — my grandmother is a Maranao.

Itong mga makikita ko na nahuli noon sa the other day sa Jolo, ‘yung pinaggugulgol nila. Sabi ko, mamatay ka na, then at the expense of your dignity.

Kaya sabi ko kay Lorenzana, pati kay [General] Año, bibilhan ko sila ng baril. Tag-dalawang extra magazine. So, isa naka-deploy. May dalawang magazine kayo.

In places na walang pag-asa, huwag kang mag-surrender kasi bababuyin ka lang. Pagkatapos niyan, paluhurin ka sa harap ng telebisyon, gugulgulin ka.

Kaya I decided na bigyan ko kayo ng .45 o a sidearm. Ito ang ipagbilin ko sa inyo. Bibigyan ko kayo ng baril lahat, may tag-dalawang magazine na reserba, isa naka-deploy, so tatlo. Iyong isang magazine, para iyo ‘yan. Iyong dalawa, para sa kalaban.

P***** i**, huwag kayong mag-surrender na buhay. Nakuha mo ‘yang baril na ‘yan, patay kayo. Is that clear?

[Soldiers answer: “Yes, Sir!”]

Bakit ka magpakamatay na para kang baboy na gaganunin ka? Makikita pa ng pamilya mo pati mga… That is a very horrifying or traumatic — makita kayo diyan na…

Kaya ‘yung pangatlong magazine, ‘yung tatlong bala niyan, para na sa iyo ‘yan. [laughter]

‘Pag ma-corner ka, all you have to do is to raise your right hand with a f****** sign, kainin mo ‘yung baril, t*** i** ninyo. [laughter]

Ako, ganon. Mag-punta-punta man ako saan. ‘Pag kinorner (corner) mo ako, ‘yung last magazine ko, para akin ‘yan. Hindi ako magsu-surrender na babuyin mo ako ng ilang buwan tapos luluglugin mo ako? Tingin mo sa akin? Baboy?

Kaya binilihan ko kayo ng ganon. Iyang isang… That is the… Ang downtrend naman nito kasi ang mga sundalo… Take control of your men. Kasi ‘yang mga bagong sundalo, wala akong — wala akong inaano ha?

Totoo ito kasi, ang karamihan kasi nating sundalo, Ilonggo or hindi, Ilokano. Wala akong nakitang Bisaya, once in a while lang. Lalo na taga-Bohol. Pari, marami, pati rebelde.

Minsan, ‘yung ano… You try to impart to them the discipline of, you know, a very dangerous toy. It’s not being used in war, it’s really a toy, hawak-hawakan ng sundalo ‘yan. Walang ginawa ‘yan kundi luluin ‘yang, sige linis ‘yan hanggang mawala na ‘yung bluing.

But ang ano ko diyan is kung maglakad minsan, dadala talaga nila ‘yan. And I would not advise also na maglabas sila ng kampo, hindi sila makadala ng baril.

Because once they are identified with the — by the NPA sa — itong mga kriminal… We are having a hard time here. We are fighting criminality, we are fighting drugs and we are fighting terrorism.

Padala mo lang pero always at least once a week, “O, bata ha?” Kasi ‘yan minsan, ‘pag na — namingaw, miss niya ‘yung uyab niya o ‘yung kabit niya — depende sa sundalo ‘yan eh — maglabas ‘yan, mag-inom, tapos syempre kung takot ang mga NPA, magtabi. Takot ang mga CHDF.

Ang problema niyan kasi kung wala nang ibang kalaban, ‘yung mga pulis rin na ulol, makipag-inom diyan sa restaurant, maya-maya magbarilan na ‘yan.

Sabihin mo sa kanila na ‘yun ang pakiusap ko. Do not do such a f****** thing. Pati gobyerno magpatayan.

Pero I am not in favor of the rule that you cannot bring your sidearm outside of your camp residence. I will overrule that kind of regulations because it is stupid.

And I remember, nung mayor ako, I was in the city, pero narinig ko sa radyo na a policeman was shot. Sabi ko sa pulis na driver ko, “Pakialaman mo nga kung ano ‘yan.”

Iyon pala, galing ‘yun sa Buda, and that is Bukidnon-Davao. Pagbaba niya doon sa — ay, hindi, pagsakay niya sa crossing sa Buda, naka-uniporme siya, nakabaril, tapos umupo siya sa likod ng driver. Iyon pala, ang rule noon ng Philippine Constabulary na hindi ka makadala ng baril ‘pag hindi ka naka-uniporme.

Kaya ‘nung pumunta ako doon sa punerarya, na-ano ko ‘yung asawa, “Mayor!” Naiyak na. “Bakit?” Buti’t na lang kasi teacher ang asawa. Hindi na nagtuturo. Ayun, na-ano na kaagad ako na maibigay tayo na trabaho.

Pero sabi ko, “Paano ba nangyari?” Sabi, “Sir, sumakay kasi ng truck ‘yan, sir eh. Umupo sa likod ng driver. Kaya lang, ilang kilometro, may sumakay sa likod rin niya umupo. Maya binaril siya sa ulo ng paltik, kinuha ‘yung Beretta at binaril ulit siya sa ulo with his gun.”

Sabi ko, “Kaninong katorpehan naman ‘tong p****…” Mayor lang kasi ako. Sabi, “Sir, ‘yun ang ano ng Crame.” Sabi ko, “P****i**, sinong General ang nag-issue niyang kalokohan na ‘yan?” “Eh sir, ‘yan ang order eh.”

Tapos ipinakita sa’kin sa isang security, highway patrol. “Iyan, sir.” Sabi ko, nagmura ako sa… Well, anyway, ayoko lang i-mention ‘yung pangalan. But the Chief PNP, two days after, flew to Davao to talk to me. Kasi p********i** ko talaga sila eh.

Sabi ko, ‘yang Heneral na gumawa niyan, dapat… Sabi ko, “Mag-bantay ka lang, hindi ko tanggapin ‘yang DILG. Palinisin talaga kita ng kubeta diyan sa ano.” G*** ka pala na Heneral eh. Saan mo inilagay ‘yang utak mo?

P***i**, ‘yang Buda, papuntang Quezon, tapos bababa ka ng… It’s a very dangerous ano diyan ha. Huwag kayong mag-kumpiyansa diyan.

Kaya ang panlaban lang talaga ninyo is not to let anybody know na may baril ka. Huwag mong i-display ‘yan kasi kukunin talaga ‘yan sa iyo.

Sa mga NPA ‘yan — ano ‘yan eh, parang irresistible force. Hahanapan ka talaga ng paraan niyan. Kung nandiyan ka sa sabungan, ‘yan mga sundalo… Taguin ninyo. Huwag ninyong ipakita.

Mag-dala-dala kayo ng mga karga, mga sako ilagay niyo. Kasi kukunin talaga ‘yan. Para sa kalaban natin, maski ‘yang mga Abu Sayyaf. Magtutulo ang laway niyan lalo na .45.

Your best defense is not to let anybody know that you have a gun with you. ‘Yun ang insurance mo sa buhay mo. Eh ‘pag hindi, tapos ka talaga. So ‘yan ang warning ko sa inyo.

You might be lose — losing. ‘Yang mga fatigue-fatigue, halata masyado ‘yan. Bili ka diyan sa ukay-ukay na parang oversized coat. Ilagay mo lang sa lugar na hindi ka mahalata kasi kukunin talaga ‘yan eh.

And I don’t know if you have learned the art of survival dito sa mga sparrow. Bago ka maglabas ng bahay, tingnan mo muna ‘yung bintana. ‘Pag may nakita ka doon na isang tao, pag-aralan mo muna. Paggising mo, sumilip ka. ‘Pag meron doon kumakain ng halu-halo o naninigarilyo parang may hinihintay, tingnan mo doon sa kabila kung may tao ba. Ano ‘yan sila eh, highly mobile. Magsakay dito ng jeep, tapos banda pa-ganun. Tapos ‘yung isa doon, kunwari may hinihintay, nakaupo lang.

‘Yun ang bantayan ninyo. Paglabas ninyo, mag-change position ‘yan. Unahan mo na. Bunot ka na. P***, bunot lang naman. Hindi naman bawal magbunot. “Sige, halika!” Ako ganun lang. “Halika! T**** i** mo.” Kasi ‘pag nahalata nila ‘yan na ano… Walang tao na hindi takot mamatay. Kaya the best way is to be aware of your environment.

Magsabong ka, doon ka sa poste. Huwag ka diyang mag-ano. Basta ‘yung likot ang mata. Pagpunta mo sa labas mo, sa terminal, malikot ang mata tapos papalit-palit. Unahan mo na. ‘Pag namatay, sabihin pa ng asawa, ‘yan namang bayaw mo, kakauwi lang sa Saudi Arabia. Pasensya. [laughter]

It’s not easy to… Eh kung kayo p*** baka t******-t**** ka, tapos mauubusan ako ng sundalo, sino ang makipag-away sa kanila? Ako?[laughter] Naloko na.

Pero ang ayaw ko ‘yang i-brutalize ka. ‘Yung tawag sa Bisaya na kaya-kaya ka. Inaano ka lang. Huwag kayong pumayag ng ganon. But do not — sundalo tayo. Panalo man tayo palagi.

Maliliit na bagay ‘yang mga asaran na ‘yan. Huwag ninyong patulan ‘yan. Sundalo kayo. Kung patayan, ‘yung mga anu-ano diyan. Lalo na ‘yung mga pulis mag-agawan ng microphone. Ipakain mo sa kanya ‘yang microphone, sige. [laughter]

 

 

Kay ‘yan man ang barilan diyan. Wala na magbitaw. Eh meron sa Davao niyan, sinipa ko talaga lahat. Nagbarilan naman, buti’t na lang isa lang ang tinamaan. Pagpunta ko, sabi ko, “P****i** kayo, ‘yan lang ang problema ninyo? Wala na kayong kalaban na makita.” Maghanap ng Army doon pati pulis. G*** pala ito. Pumunta ka doon sa bukid, maraming naghihintay doon. Sayangan mo lang ‘yung buhay mo dito.

So that is my advice to you. That is why I do not want you to be placed in a very disadvantageous position. Mamatay man tayong lahat. Lahat tayo, mamatay. Ma-mortar ka, ma-garan ka.

It’s… Kaya nung tinanong ako ng — si Mocha. Sabi niya, “Why are you here?” Ito si Mocha, sumasama ito sa akin eh. Sabi ko, “I came here to die.”

Kasi ‘yung mga kalaban natin doon, marami magpunta. Sabihin man nila na, “We came here to die.” Eh ‘di tapatan mo sila. “Ako rin, pumunta ako dito para magpakamatay. L*** kayo.” Bakit, ikaw lang ba marunong mamatay?

Any day, sabi ko nga, any day is a good day to die. Ang buhay dito sa mundong ito, swerte-swerte. Some of you will reach retirement age. Some of you will die along the process.

But it’s only God… So if you die, that is your destiny. Do not question it because everybody will die anyhow. Ganyan lang ‘yan. Kung sa away kayo, as much as possible, presence of mind and huwag kayong magpalugi.

Wala namang fixed bayonet ngayon. P****i**, .45, tamaan ka niyan, babaliktad ka talaga. I suggest that you hone it. I-ano niyo muna ng mga 500 rounds. Ang aking style is, ang honing namin sa Gun Club is paputukin mo tapos linis. Tapos paputukin mo, linis. Paputukin mo, linis. After mga 10 shots, double tap ka, pak-pak, linis, pak-pak, linis. After 10 shots, ilagay mo na one magazine, pak-pak-pak-pak-pak, linis. ‘Yan ang honing ng aming Gun Club sa Davao. Ewan ko kung ano ‘yung sa inyo.

But para ‘yung maano mo talaga. At tsaka kung may ano… Itong mga bago ngayon sa Armscor, in fairness. Mga bago mahirap na ‘yang mag… With the advent of itong hi-tech na digital. To the last ano na ‘yan eh. Okay na ‘yan. Pero i-honing muna ninyo para sigurado ka.

So ngayon, sabi ko, I do not mind losing the gun to the enemy. But do not give it to them alive. Ibigay mo sa kanila ‘yan, patay ka. Lalo na diyan sa Jolo pati ‘yung Zamboanga area. Huwag kayong pumayag na putulan kayo ng ulo.

Magpasabog muna kayo ng mukha, isa, dalawa, tapos pasabugin mo ‘yung iyo para tatlo na kayo. Never, never allow yourself to be de — i-degrade ka. Makita ng anak mo, p*****i**, mab******. Fight talaga.

By the way, I do not know if I am doing it right. Kasi kaming mga Bisaya, wala kaming hero. ‘Yung mga nauna dito sa Maynila, mga Tagalog, puro… Sabagay ako, idol ko si Rizal, Gregorio del Pilar.

Pero wala kaming hero sa Bisaya. Ang hero namin, ang unang pumatay talaga ng imperyalista, si Lapu-Lapu. Tinaga niya si Magellan. Pero ‘yung aming hero Lapu-Lapu, ginawa mang isda dito.[laughter] Na-b****.

Kayong mga taga-Maynila. So I have created another — for the exemplary approximating valor, hindi ‘yung valor… It’s the Order of Lapu-Lapu. Magandang ano ‘yan. It’s an added… Siya ‘yung pinakauna talagang pumatay na — ni Magellan. Kasi imperyalista ‘yung u*** na ‘yun eh.

Ngayon, wala kaming hero. Sinong pinakamatapang na Bisaya? Si Lapu-Lapu. Ano ‘yan…  Ano ‘yan siya ngayon? Depende. Prito, tinola o… [laughter]

Kaya noong ako ang naging Presidente, it behooves upon me to give due recognition to everybody. Puro taga… Wala man ako sa ano kay puro talaga mahuhusay man ‘yan. Pero dinagdagan ko, so may Order of Lapu-Lapu tayo.

It’s a… Ipinagawa ko sa Suarez. ‘Yung gumawa ng singsing namin noong mag-graduation namin. Sa Cebu ‘yan eh. Mahusay. Ang craftsmanship niya ba. It’s going to be a very beautiful…

I don’t know, it would depend on the Armed Forces kung anong category ‘yan siya. But one is I can really say that he was the first hero of the Philippine revolution against the fight against terrorism pati imperialism. Dumating dito ‘yang mga unggoy na… They sat on this country for 400 years and lived off the fat of the land.

So my… Sa panahon ko, I hope that… Hindi naman kailangang number one. Basta may maidagdag lang ako kasi wala nga kaming hero. Kaya nga I intend to issue a decree. Ipatanggal ko ‘yung mga litrato namin. Lalo na ‘yang litrato ni… Tapos litrato, pagpasok niya, litrato niya. Na-b**** man ‘yung mga ganon na tao.

Doon mo ilagay ‘yan sa mga pamilya ninyo, doon sa sala. Pati ‘yung akin. Sa Davao, when I was Mayor, I prohibited the display of my picture. And I told the decks there to display instead the pictures of our heroes.

Kami, wala pa kami. We have not yet arrived at that — mga  picture namin… I suggest you… I’ll begin, but I’ll issue the order. Gusto ko ‘yung mga hero natin. Ma-emulate ng mga bata. Eh ‘yung iba diyan sa picture limang beses na dumaan ng graft and corruption sa kaso eh. [laughter]

So that is my message to you. Be careful. It would give you a more equanimity kasi matapang ka eh. Not really tapang, but you walk with confidence.

Ang nakita ko na nadisgrasya sa lahat is kung malaman nila na meron ka. Susundan ka talaga. Itong NPA mahilig na… So taguin talaga ninyo. Pero mabuti ‘yan because Army man kayo. You really want the government ano ‘yan eh — that is the government model, ganon kataas. But it’s more accurate, of course, kasi longer ang barrel.

So that is all for you this afternoon and I hope that this would go a long way para magbuo ‘yung maski saan. Just do not use it against innocent civilians.

At huwag kayong makipag-away — ‘yang mga kapulisan diyan kay numero uno rin ‘yan. Walang ginawa kung hindi mag-inom diyan sa bar. Tapos ‘pag may maganda, ibigay mo na lang sa Marines kay gutom palagi ‘yan. [laughter] [applause]

—END—