DUTERTE TRANSCRIPTS: Bureau of Fire’s 26th anniversary. 02 Aug 2017

(Note from MindaNews: This is the official transcript of President Rodrigo Duterte’s speech, released by the Presidential News Desk of the Presidential Communications Office)

Presidential Communications Office
Presidential News Desk

SPEECH OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING THE 26th ANNIVERSARY
OF THE BUREAU OF FIRE PROTECTION
[Delivered at  AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City | 02 August 2017]

Thank you. Please sit down. Thank you for the courtesy.

As usual I only have two pages of the… You know, madalian ‘to blah-blah-blah-blah, tapos na.

You know, I… There are some salient points here. But I think… ‘Yung improved Fire Code, fees collection of more than one billion. This will surely have a direct impact of ensuring that communities are always safe and protected from criminality and the stuff.

I will dispense with the other parts of the speech because may ipapasa ako sa inyo. One is that, I intend to build a strong country, but I have to start with the Armed Forces, police at kayo. All those connected — those in government especially connected in the protection of lives and property, pare-pareho. You are no less important than the others. [applause] Or as important as the other branches of government.

Kaya, you can be very sure — as I have promised also the soldiers and the police, that you will have the priority in spending. Kaya ‘yung mga sweldo ninyo lumaki na. [applause]

Double the amount and by the year’s end — if you’ll look at your paychecks now, it’s growing and growing — by the year’s end, pare-pareho na kayo halos. Doblado na ang sweldo ninyo. [applause]

And sana po ah… With that also, our dedication to the public. Alam mo isang, bakit sabi ko, i-ano ko ito, because we have always been hampered with corruption. Lahat. And, I am sorry to say, I do not want to talk about it, but sometimes, I have to stress a point.

Lahat ho ng dumaan dito sa Davao — si George, si — sila lahat, si — they were my — mga pulis ko noon sa Davao. Si General Cuy was my chief of police, the city police director noon.

Alam mo, hindi na lang ako magyabang. I do not want to talk about myself. But, if you would want really to know me, tanungin na lang ninyo ‘yung mga pulis pati ‘yung mga bumbero na dumaan sa Davao.

Malaman na ninyo how I deal with my co-workers in government. Unang una, I am really stickler for… But ah, simply what is just right, kung ano lang ‘yung tama. Not extra-right or alter-right, just right.

‘Pag nandiyan kayo sa legal, pati right and legal, wala talaga kayong problema. And a matter of improving the services of the Fire Bureau, itong masasabi ko, you will have the best of everything.

I have criticized publicly this practice of COA on insisting itong lowest bid. Alam mo, pagka pinayagan ko ‘yan sa panahon ko, you will just also feel the same way it was — were, years ago. Ganun ang ano. I do not want that to happen to me.

Sabi ko, “When you buy, you buy the best.” Pero huwag naman ‘yang — ‘yung kalokohan, magpunta ka pa sa ibang…

Ang aking ano, ‘yung 911 ko sa Davao, you should — dapat mapunta kayo’t panoorin ninyo. It’s really complete. It should be the ideal… Bureau of Fire, dapat ‘yan. But for the simple reason that there is a division or boundary in our functions, lalo na sa national pati vis-à-vis sa local.

So, ako, I had to build ngayon, because at that time, would you believe it, there is a truck in the fire station in Davao City, 1935 Studebaker. They just changed the engine, but really the — the housing and the — talagang matibay.

And, I fancy myself every time I go there, ‘pag ‘yung mga — ‘yung mga binili noon, talagang existing. 1935. So, when Davao City was occupied by the Japanese, it was already there. Pero, ano lang ‘yung engine, I think it’s a diesel one.

Pero what I am really saying is that, ngayon, hingiin na ninyo ‘yung the best at ibibigay ko. [applause]

Ganun rin sa military pati police. I will not… You know, ‘yang lowest bid, alam mo ‘yang lowest bid, that is the source of corruption in the country for so many years now.

Kasi ‘yung lowest bid, ‘yun ‘yung ibabagsak niya ‘yung presyo at he will deliver the worst. Kaya sabi, “Bakit nasira ito?” Eh lowest bid eh. Oh, what do you expect? He promises the — what — a procurement team will promise merong ganito. So meron ka ng 10 percent. Magpunta pa doon sa [inaudible]. Magpunta pa doon sa mayor. Nanakawan pa. ‘Di anong matitira? ‘Yung bid talagang.

I will not particularize the country. But itong aking Isuzu… Isuzu ako eh sa Davao, and you will see that I was mayor for — right after I… Kasi si Inday, ‘yung anak ko ang nagkumpleto ‘yung, pati ‘yung ano sa Davao mga cameras — puro Isuzu ako. Pero sa awa ng Diyos, okay pa. And at that time, I did not spend more than four million. At maganda pa hanggang ngayon because I… Ang sikreto kasi sa ano is the maintenance. Maintenance talaga ‘yan.

Sa Davao, I assigned — kasi 911. Hilig rin niya eh. Medyo may pera ito but hilig niya ‘yung mga ganun na trabaho, so si Pañol. So we are better off than the others. And of course, I have the support of the Bureau of Fire.

Because, I just remember once dumaan ako sa GSIS. Tapos may sunog diyan sa likod ng sabungan, ‘yung mga bahay diyan. Then andiyan lang ako sa GSIS, dumaan ako doon sa ano, estasyon. Wala akong makitang tao, puro manok. [laughter]

“T*** i**,” kako, “Saan ang bumbero dito?” Sabi, “Sir, baka nagsabong.” Sabi ko, “P**** i**** ‘yan.” [laughter]

Sabi ko sa pulis, “Putukin — putulin mo lahat ‘yang manok na ‘yan, putulan mo ng ulo.” Parang ano… L****, hinintay ko talaga, nagsabong ngaIkaw yawaa ka. [laughter]

Well, anyway, ano lang pag-usapan ‘yung relasyon natin. I always treat my co-worker in government — even if I’m President — pare-pareho lang tayo. We serve the people.

Ang maasahan ninyo is that kung ano ang inyo, sa inyo talaga. I will see to it na kung ano ‘yung nasa budget, will go to you, and you will have the best and you will have the quality that you want. You just insist on me na ‘yun and I will take your word for it and I will buy it. [applause]

I will not be bound by ‘yung lowest bid kasi ayaw ko nga maging parte ako sa korapsyon, sinabi ko sa COA. “Don’t force me to be a party to a corruption, every transaction you go for the lowest bid, because it is always a product of corruption.” Plain and simple. Kaya huwag ninyo akong isali diyan.

Eh ‘yung mga pulis, sabi ko, they’re only allowed — maski kayo — ‘yung ano ‘yung tama lang. Iyong sa pulis, sabi ko, “You have only two sources to buy your…” I will not name the country. “You’re only limited to source — two sources.”

Kasi one, quality. Ayaw ko ng iba kung saan-saan kayo magbili kasi unang-una, spare parts. Iyong ‘yung na-deliver na ngayon, I don’t know if it’s working well for the system now. But kung magbili kayo ng… Even in the ordering of spare parts, malayo masyado ‘yang magpunta pa kayo ng Europe, magbili kayo doon ng…

God, I… I think it was not really proper. I would not say — I would not say that it’s — it’s a source of graft, pero not — hindi talaga tama. With 18 million, I can buy three. Eh pinilit ng… Kaya nung dumaan ninyo na Secretary, I had to fire him.

There was this document, ‘yung purchases in the past. But there was just this document because a case was filed against those trucks that you bought from Austria. Eh may kaso eh. Even if there is no restraining order, to which I also hate, and I have to call the attention of the — mga judges, the Supreme Court, na huwag kayong TRO nang TRO diyan, lalo na ‘yung mga projects.

But ito, walang TRO. But there was a question of price and simply of overprice. Na ngayon, may memo. So, I expected you, if you are there, if you are the chief of office and there is a memo, advising you to take — proceed with caution and do not at this time do it, pupunta ka doon magpirma ka despite or in spite of that memo sent you. Tapos tinanong ko sa, sabi niya wala siyang natanggap, when in fact it was really a memo from his office — sa legal niya.

Kaya na-ano ako. Sabi ko, “You know, that’s not the kind of behavior that I expected from you.” Siya pa ‘yung… Tanungin mo na mga taga-Davao. There was never a time — except when there are emergencies, of course — that nakita mo ako sa Davao mag-siren-siren kung saan punta.

Wala akong mga escort-escort na mga pulis. Well, of course, ‘yung mga dadating na bisita. Pero ‘yung sabihin mo maglalakad — naglalakad lang ako, magmomotor ako gabi, ako lang mag-isa. And here comes a guy, I will not disclose his position, pagpasok pa lang niya, sampung pulis naka-uniporme, aside from this — and there were all those wearing civilian attire.

Ako naman, hindi naman ako inggitero, kasi ayaw ko nga, eh. Pag-alis niya, nag-siren pa. Ah sabi, “This is b*******. This is b*******.” Wala sa Davao ang gumawa ng ganun. Walang… I fired one lawyer sa ano for using — he was in a hurry going to court, he was representing the City of Davao. He was using his siren.

Sabi ko talaga, “You’re fired.” Sabi niya, “Male-late ako sa court.” “Then you should go earlier. I was once a prosecutor. I report to the court every day. I do trial every day. Bakit nandoon ako pag-start ng trial? Kayong mga…”

Ayaw ko ‘yung na — sa Bisaya — nahilasan ako. Corny sa — korni sa Tagalog. Nakokornihan ako. Tanungin mo ‘yang taga-Davao. I do not want ‘yung mga display of… Simple lang tayong lahat. But… Pero ‘yung sabi ko, I want the best.

Kasi ayaw ko ‘yung madehado ang gobyerno. Now, when I was mayor, kilala nila ako — kilala na ako nila Bato. Kilala ako nila Quinsay, si Cuy dumating doon, mayor na ako, naging chief of police ko.

Kilala ako nito, si Bato. I was just a prosecutor, then he was a First Lieutenant, kaka-graduate lang ng PMA. Ako ‘yung ninong niya sa kasal. Kaya marunong mamili ng misis eh. [laughter] Asawa nito mestiza, asawa ko mestiza rin eh. Pero ako pinalayas naman ako ng asawa ko. Siya kay…

So iyan ang ano. So matagal akong prosecutor. Matagal akong… I had a rapport, wonderful rapport with everybody. Nakikita nila ako na — at tsaka alam na nila noon na talagang ayaw ko ng kriminal.

Alam ng pulis lahat ‘yan. Lahat na pulis na assigned sa Davao, alam nila ‘yan. Lalo na minsan, may mga isang grupo, apat, tatlo, dalhin sa opisina for the affidavit, ‘yung confession o statement, tapos magpunta ‘yan sila noon.

Ako ‘yung paborito nila na fiscal eh. Ako lang rin nagdedepensa kasi sa kanila. Sige pirma. “Totoo ‘to? Lahat, lahat ‘to o.” Mga two weeks after, magbalik. Sa loob ng opisina ko. Sabi ko, “Nakita ko naman ‘yan. Tapos naman ‘yan.” “Hindi sir, nag— nag-withdraw ‘yung isa, ito namang bagong kaso.” “Ay, p****… Ikaw, pulisya ka, huwag mong dalhin uli dito, patayin ko kayong dalawa. I-dispatya mo ‘yan.” [laughter]

Ganun ang ugali ko. Kaya alam nila ‘yung ano. Now, when I became mayor, eh galing lang kami noon sa — the crossroads of — in the NPAs tapos… You know, I lost about 226 policemen and PC soldiers, assassination.

‘Yang mag-traffic, ‘yung mag-traffic noon na isa dito, isang daanan ‘yan tug-bug-bug — tumba lahat ‘yan.

May isang beses nakita pa ko, papadaan ako, marami na doong ano, ‘yung pulis na — kumain na silang tatlo, eh huwag ninyong gawain ‘yan —- silang tatlo nasa isang mesa.

Naabutan ko pa patay ‘yung isa na may bunganga ang — may pan pa sa bunganga.

Kaya itong Davao City Police, medyo ano ‘yan, hindi mo na ma-ano ‘yang mga sparrow-sparrow, memorize na nila ‘yan.

Kayo, pag baka magdating if ever, hintayin na lang ninyo. Silip lang kayo paglabas. Kung isang tao doon sa tindahan, you have noticed na bago ka — ‘pag gising mo, nandoon na, nag-upo na tapos nagbihis ka naman, nandoon tapos isa dito, isa doon then you go out then suddenly they change position, ‘yan ‘yang mga ganon, pero na kung nakatalikod kayo.

Sila noon talagang back-up ko pero… I had alliance with the other side simply because mahirap — galing ako sa mahirap eh. So nung dumating kami ng Davao 1949, we really had to… It was a long, grinding… na-demolish pa ‘yung bahay namin.

So ‘yung social impact noon kasi nakikita ko, migrants lang kami. We were poor that’s why we had to go to Davao. May na-impluwensya rin ako doon kaya kita mo sa left, blow hot and cold kami, nag-uusap kami.

Pero I’m the only one sa buong Pilipinas na pwedeng pumunta ng teritoryo ng komunista. Wala ‘yang takot-takot nila. Hindi ako papatayin niyan, ka-takot na lang niyan. Wala ‘yan sila hindi mo makausap. So parang ganon, hot and cold kami.

Pero talagang sabi ko na everytime — ayan si Bato — magsabi ka lang singkwenta, pabalik-balik ako sa bukid magkuha ng hostage, meron. Pati Bureau of Fire, pati ‘yung ano, lahat, matyambahan ng ano.

I used to fly almost every week, nagkukuha ako ng hostage na pulis, na soldier.

Pero ito ang tandaan ninyo ha. Ito’y tandaan ninyong mabuti. Buti may mga — pagka sa Intelligence ka, automatic ‘yan, they’ll kill you.

The last time dalawa — isang Intelligence pati isang retireable — natyamahan diyan sa Bukidnon – Davao Road. Tinawagan ko si Bong. Sabi ko, “Bong, pakiusapan mo. Retireable na ‘yung isa.” ‘Yung isa, Intelligence.

Sinabi talaga sa kanya. Alam ng mga bumbero ‘yan sa Davao. “Mayor, i-release namin itong matanda, retireable pero itong Intelligence, huwag mo na lang asahan.” Ibig sabihin diretso ‘yan.

Kaya kayong na-assign sa Intelligence, p***** i**, talagang be careful. Be extra careful. Kaya ang mga ano, siguro…

Ilan ba kayong lahat na bumbero? Kasi lahat ng Army, ‘yung binibigay ko na baril, ‘yung awardees ngayon, kanila na ‘yun eh. Inyo na ‘yan, .45 ‘yan. [applause] Pero kung 28 I may be able to raise them — we are doing well. Galing na ako sa BIR.

Pagka ganito lang at tsaka we can limit the lawless fight there sa Marawi, okay lang ‘yan. We will continue to grow kasi walang corruption eh. Malakas ang tubo. Maybe pati kayo bilihan ko kayo ng armas, individually rin. [applause] 

Pero itong deal natin. Kasi ‘yung – nakabili na ko ng mga 2,000. [Napadala na ba sa Marawi? ‘Yung iba? Ibinigay mo na sa — nabigay na ba sa sundalo?] Binigay ko…

Ang pulis kasi, they are better off kasi may… Ang importante dito, kung mag-uso na ‘yang assassination is they must know that you have no gun with you.

Kasi kung magka-duda na paglabas mo ng kampo, mag-duda, masundan ka, may baril ka, kukunin talaga ‘yan. Papatayin ka talaga, mainit masyado ‘yan.

Ngayon, ang sundalo kasi nagalit ako sa NPA kasi ‘yung maglabas sa kampo… Galing sa kampo na kumuha lang ng ATM, combat ano, pinagpapatay.

So I decided, sabi ko, tapos ginaganon pa ang ulo, namamaril sa kanila, binilihan ko sila. So the soldiers now or most of them doon sa Mindanao may…

Ito ang deal ko sa kanila ganito, huwag ninyong ipakuha ‘yan sa iyo na buhay ka. Kailangan makuha sa iyo ‘yan patay ka. Sabi, “Yes, sir.” Eh baka p***, pagdating ng — “Ito o.” [laughter] Eh ako ang papatay sa iyo. [laughter and applause]

Kasi ganito ‘yan eh. Do not suffer the humiliation na kung ma-capture ka, kagaya sa south, ma-capture ka na, gawain kang baboy doon sa kampo nila. Tapos pagdating ng panahon, magkuha ng video tapos i-ganon ka sa camera, luluglugin ka. Do not allow yourself to die in humiliation.

Kaya sabi ko sa mga Army, tatlong magazine ‘yan. Huwag mong ubusin ‘yang pang-last na magazine. Bakit? Para iyo ‘yan. [laughter] Totoo. Eh kung wala ka lang — ma-corner ka na, eh ‘di ganonin mo na lang. “O, sige.” O, iganon mo ha. [laughter] Eh patayin mo lang ako, eh ‘di I f*** you kita. [laughter and applause]

Tutal ganon man eh. Putulin mo ang ulo, patayin na ako. Huwag na ‘yang paluhurin mo ako sa — p***, kalokohan.

Sabi ko, “’Yan, bigyan ko kayo.” I started buying. Kaya lang, ang Glock sana ‘yan pareho sa pulis… maganda ang Glock kasi eh. Una, maintenance-free tapos — hindi ako nag-aano ha.

But I’m buying most of sa ano, sa .45, walang stock eh. Kasi dadaan ang Amerikano. ‘Pag Amerikano na, mababara doon, kalaban man ako ng Amerikano. [laughter] Mga g***. Wala naman.

Ayaw ko lang ‘yang extra-judicial, extra-judicial. Magpunta tayo diyan. Huwag mo akong pakialaman. At tsaka wala naman akong pinatay diyan na mass killing.

You know, ganito ‘yan eh. Sabi ko, “Do not,” Mayor ako. “Do not destroy my city.” Hindi ako ‘yung mayor lang na mag-utos ng isang pulis tapos barilin mo.

My orders, ni-repeat ko kanina, is “You destroy the apparatus of the organization.” Kunin mo ‘yung supplier, gumagawa, kunin mo ‘yung lieutenants, the middleman, and eventually, kunin mo ‘yung distribution.

Ang inaatake nila sa akin, pati daw ang mahirap pinapatay ko. Sabi ko, wala akong pakialam kung mahirap ka, kung mayaman ka.

If you are part of the organization, patay ka talaga, sinabi ko, kaya huwag kayong pumasok diyan.

Sabi ko nung mayor ako, “I do not take only of the law and order, I am building a city.”

Tingnan mo ang Davao ngayon. Maghanap ka ng siyudad that can compare Davao now. Nine percent ang growth rate ko. The highest noon sa Davao was 3, 4.’ Yung… Ako ang pinaka-highest, 9. Ipagyabang ko ‘yan kasi dahil gobyerno.

Ngayon, kita mo ang Davao. I was building a city then. ‘Yan ang hindi maintindihan ng mga human rights. Tingnan mo Amerikano.  You are soldiers there, you are protecting a country, so do I.

I am building a nation in my time. Kaya sabi ko, same order. “Destroy…” I am not saying “killing.” “Destroy the apparatus of the organization engaged in shabu.”

Katigas palang ulo ninyo. Anong ibig sabihin niyan? Eh kung mamatay ka, that is destruction, that is part of the territory of the order.

Kaya ako nakipag-away kung sino diyan, hindi lang nila alam. Ito si PNoy, sabi niya, parang walang nangyari kay 1 million. Doon siya kumuha ng ugok rin na chairman ng Dangerous Board.

Eh ‘di tingnan mo. Kay Bato, ang nag-surrender one million. How about ‘yung figure ni Santiago when he was running PDEA? ‘Di basabi niya 3 million? Ninety-two percent of the barangays in the entire Philippines was already affected or contaminated with shabu.

Anong gawain ko kung ako ang Presidente? With that kind — with the sheer number? Talagang mag — you should start to worry about whether or not maka-survive pa ang next generation.

Tayo hindi na. Hindi na tayo maloko eh. Ang delikado nito, you place in jeopardy the next generation of Filipinos. Kaya sinabi kong, huwag mong sirain kay kami dito, itong grupo na ito ngayon, walang milyonaryo dito, walang pera na they will wallow in luxury after retiring.

Sanay lang ito sa tubig eh, baka tubig lang ang inumin nila diyan sa… Who will buy my medicines? Sino ang susubo sa bunganga ko, sa lugaw ko kung hindi ko na kaya? Sino ang magbili ng medisina ko? Sino ang magsangla ng mga propiedad nila kung kulang ang pambayad sa ospital? Hindi ba mga anak namin?

Wala namang haciendero — wala nabalitaang haciendero dito na bumbero o pulis. Kaya p***** i**, huwag mo akong lokohin ng — I am trying to build and protect a nation so do not f*** with me. [laughter and applause]

Mahirap ‘yan eh. Marami na ang sinabi sa inyo “hinto.” Two months ago, ipinatawag ko lahat, mas marami pa sa inyo, lahat ng mayor ng Pilipinas. Three batches sila.

Sinabi ko, “Huwag ninyo akong lokohin p***** i**, yayariin ko talaga kayo.” Sige, ganon, tapos ang last, governors.

Sabi ko, pasensya na, ang bunganga ko. Pardon my.. My, my… Well, it’s a habit actually. Sabi ko, “Huwag kayong pumasok diyan p***** i** yayariin ko talaga kayo.” Kung ayaw ninyong marinig, bahala kayo. Nasa inyo ‘yan.

I said, I am trying to protect and build a nation. I cannot build a nation in disarray with drugs. Patay ang mga anak namin niyan.

Buti sana kung puro mayaman tayo dito na… Sinabi na nga huwag eh. Huwag is huwag. P***** i*****, marinig mo lang human rights — ah human rights, eh doon ka makinig, sigurado ka. Dito ka makinig sa akin. Huwag ‘yung human — because that human rights is stupid.

Walang ginawa ‘yan kung hindi manggulo. Ah wala, human rights.  Ang lalaki naman ng atay mo. ‘Yung mga pulis matatakot kasi i-counter — ‘yan ang mahirap diyan eh.

Maski na totoo. Hindi nila ito alam eh. Hoy, making kayo mga ugok. Pati ikaw Presidente, ex-President Aquino. Karamihan ng pulis, takot sa kaso.

Kasi ‘yung kaso pati ito sila magka-kaso, suspended ‘yan wala ng pagkain sa mesa kinabukasan. Alam ba ninyo ‘yan?

Kaya lahat ng pulis sa Davao, ako ang nagsusweldo ‘pag ma-suspend. Ako ang nagabigay ng sweldo, ako ang nagabigay ng pagkain.

Kasi kung hindi mo ganon, mapuputol ‘yung buhay nila sa — ‘yung anak nila hindi na maka-eskwela, walang pagkain, eh ‘di iwanan ka ng asawa mong maganda. [laughter] Magpunta doon sa gwapo na may pera.

Nakita mo ‘yung, the social cost? Pati ‘yang drugs. Once the father is placed behind bars or the mother, there is already a dysfunctional family.

‘Pag nawala ang isa diyan, may anak na sa presuhan or nasa labas nakulongog na… These are the things that would create a dysfunction sa buhay ng isang Pilipino.

Ang ayaw ko pa diyan, meron dito ‘yung iba, millions of them, they go out to another country, work their a** to death. Ilang beses nabasa na niya pinapakain sa kanila lamaw and they are only allowed to sleep three hours a day. ‘Yung iba inaabuso pa, ginagamit pa.

Kung hindi ‘yung pamilya, ‘yung nanay, ‘yung tatay, pati ‘yung mga anak. And they endure the humiliation. They endure the… Trabaho lang sila, bahala na. Antuson lang namo. Tiisin namin ‘yan kasi we need to send money to the Philippines for the schooling of your children.

Pagdating dito sa mga anak, walang tatay, walang nanay, ‘yung isa nasa isang… So ang nandiyan mga lola. They start to go wayward. Ganon ang Pilipino ‘pag walang nagsu-supervise na tatay, nanay. Dysfunctional talaga ‘yan.

So very easy for these children to go wayward. So what happens? Pagbalik nila, walang nakatapos. Naubos na ‘yung pinadala nila at may mga anak pa silang gunggong.

Kung ikaw ang Presidente, maligayahan ka niyan? Kung ako ang Presidente magpunta ako doon, nakita ko na umiiyak sa hirap tapos ginagamit pa ng — ginaganon kami ng…

Kung ibang… Wala akong pakialam sa ibang tao. Pero p*** ka, ‘pag ka Pilipino, gagantihan talaga kita. ‘Yun ang mahirap diyan buti nakinig kayong mga media. Pasa ninyo ‘yan.

‘Yan ang sakit ng loob ko. The indignity that they suffer and how it develops after that. Kaya huwag kayong mag-ano kasi ako nasasaktan.

Kung hindi kayo nasaktan kasi sanay kayong mga mayaman diyan, may mga sweldo kayong mga human rights, kayong mga Amerikano y*** kayo, wala akong pakialam sa inyo. T*** i** huwag mo akong…

You mind your own. Nakikiaalam ka dito. Tapos bomba kayo nang bomba diyan sa Iraq kung saan. Maraming patay. Ospital ng mga bata, tamaan. Wala naman kayong sorry.

You went to Iraq to fight against Saddam. The excuse was weapons of mass destruction. Pagdating ninyo doon, wala.

Anong klase kayong utak kayo? Tapos, pakialaman ninyo ang akin. Punta dito, imbestiga, imbestiga. Mas marunong…

‘Yan ang… ‘Yan ang hindi ninyo alam. Ang sakit ng loob ko dahil ako ang Presidente. Kung wala lang man ako magawa sa kapwa tao ko, ‘di p**** i** dapat mamatay na ako ngayon. Inutil ako na pagkatao kung ganon.

Then I would not be true to my oath of office: To defend and protect the Filipino. Period. [applause]

You know, everybody wants me to act as a statesman, I can. I can be a statesman any time. [laughter]

It’s just a matter of pronunciation and of course your — you go back to your diction. And that is it. When I said that I will not be accepted in this country because there are protests against me, fine.

I will not die if I don’t go to your place, God d*** it, s***[laughter and applause]

Nagbobolahan lang tayo dito. Mag-uwi na ako. [laughter]

Anyway, when martial law happened, I was there, so there was this merger at itong mga services na ito kinuha ni Presidente Marcos. I think there’s merit in that, at least medyo tabla-tabla na ang standard. So ‘yung anong — anong nasa Caloocan, nasa Davao.

And kung hindi lang maglaro ang nasa taas, i-grip mo lang nang husto in the meantime, tutal five years lang naman ako, you’ll have everything. ‘Di ‘pag — ‘yung tangke ninyo, talagang oxygen ‘yan. Pagdating mong ganun, tangke pala ng chlorine, adik. [laughter]

Eh, ‘di nanigas ‘yung — t*** i** — bumbero ko.. T*** i**. Tarunga ninyo na ha. [laughter]

Anyway, I said, there will be no corruption. I can assure you — that everything that you need will be provided, that everything that you need would be useful, and that I will try raise your… As we go along the five years, you can expect more increase. Unahin ko kayo. Because I want to build… [applause]

I want to build a strong nation. I want to build a strong army, sa na — sa Air Force, I have about 12 new planes. Makabili lang ako ng 24 and that is… FA-50s, mahusay ‘yan from Korea. Madagdagan ko lang naman ‘yan and some modern equipment for police.

Ang Army is a… Nagbili nga tayo ng 23 M-4, M-16 configuration, hindi naman dineliver (deliver). Eh, kaibigan ko si ano — Xi Jinping has been good to me. And we’re trying to, not really please him but ah — you know, ‘yung China Sea nandiyan lang ‘yan.

Alam mo, pagka ‘yang mga ganun, hayaan mo ‘yan. Hindi man — not because of China — but hindi man madala nila ‘yan. Kunin mo ang Palawan? Sige kunin mo. Kalahati, sige. Kung madala mo, iyo. Kung hindi, p**** i**, iwan mo ‘yan diyan. [laughter and applause]

Ngayon, sabi natin na we are not prepared. Ako ha, kung sinumang… Nandoon si Bong, Lorenzana, Año, lahat — doon sa bilateral. Sabi nila wala akong ginawa? Na paganun-ganon ako? Doon sa bilateral, tanungin niyo si General Año, pati si Lorenzana, tanungin niyo si Bato. Sabi ko, “I will drill oil in our territory.” Anong sagot ng bilateral doon?

In not so… But not… In not so many words, sabi nila parang giyera ‘yan. Hindi naman tayo makipag-giyera sa kanila.

In… ‘Yung missiles nila nandiyan in seven seconds, it will reach Manila. Wala akong kwitis ganon kalayo ang takbo. [laughter]

Sabi ko… Sige, sabi ko, walang… Ayaw ko makipag-giyera, kaibigan na lang tayo basta nalaman mo na someday we will have to talk about it because that is ours. That is ours. Yes. Sabi ko I understand. We are both claiming it as ours.

But someday you have to talk to me. But I will not do it now because I come here in good faith and I want to be friends with you.

Kaya noong ipinadala nila na armas… Padala sila ng armas. Ngayon may shipment tayo sa September dadating na naman ang second batch. Libre. Laway lang. [applause]

Kaysa makipag-away ka doon. Maya-maya sabihin pa na ikulong mo ‘yang y*** na ‘yan. Eh ‘di hindi na ako makauwi dito. Paano ‘yung ano ko?

Akala ni… Ako diniretso ko wala ako ‘yung papel na claim, claim ganon wala sinabi ko, “I will drill oil in our territory. There.” Sabi niya… Alam mo ganun… Mahaba na istorya tapos in the end parang talaga sinabi, “giyera ito.”

I’m not looking for war. Kaya pagka akala siguro nila naging — kasi taga-Mindanao ka, taga bukid p***, mas bright ako…

Eh kung mas bright kayo sa akin bakit ako ang Presidente? [laughter]

Kaya meron pa akong isang ano… Si Misuari na naman I have to attend to another function but I’m happy to share with you the 26th anniversary.

All you have to do is kung mayroon kayong problema any problem, sa lahat sa inyo ‘yan, any problem basta problem ng tao kung hindi mo ma-solve sa level mo o sa taas — nandiyan man si Cuy o si Bato.

I will entertain you any, any, any, any day, I will always have time for you. Ang akin lang is less… I am not… Let me be very clear on this, I am not cultivating loyalty to me ha. Ayaw ko ‘yan.

You… I ask you… I am… The only thing that I ask is remain loyal to the country. Period. Huwag kaming mga politiko, daan lang kami.

Pero sa panahon ko, ‘yung style ko sa governance — ‘yun ang ibigay ko sa Davao, ‘yun ang matikman ninyo. Kasi ‘yun ang ugali ko eh.

And you will have — to me, as far as I’m concerned, sa bagay na ‘yan — medyo matagal nga akong mayor eh. I know — lalo na bumbero pati pulis, pati jail.

Minsan sa jail, naubos na ‘yung pambili wala ng pagkain. Bakit nasaan ‘yung ano? Natalo siguro sa sabong ito. [laughter]

Sige lang. Baka ako ma-ano ako… I am always a forgiving ano… Mainit ako sa kriminal. Pero ‘yang mga kalokohan ng ‘yang bugbog. Mambugbog o kaya mambugbog ng asawa?

Sabihin, “Sir, gi-kulata.” “Sinong nag-kulata sa’yo?” “‘Yung bana ko, sir.” “Bana” is asawa, Bisayan term kasi iba ‘yung lalaki, iba.

“Hay man ang bana ni mo?” “Pulis man, sir.” P***** i** pulisa. “Dali ra.”

Dadalhin ko doon sa ganun, sabi, “Saan ka unang tinamaan?” “Dito sir, sinuntok ako dito.” “P***** i** kang pulisa ka.” “Sir, sinipa ako dito.” [laughter] Sipain ko.

Eh may ugali ako. Kaya ‘yan ang ayaw ko eh. Ang nanay ko noon kung mag-kastigo sa akin kala mo wala nang katapusan. Talagang disiplina. Almost every other day nandiyan ako sa altar. [laughter] Oo.

‘Yung Hesukristo namin doon nakaganun noon eh. Ngayon, nag-bisita ako sa bahay ng nanay ko, naka-ganun na. [laughter and applause]

Ngayon, mas naawa ako sa Diyos kay… Ang Diyos naawa sa akin. Sabi ko, “Jesus,” Hesus man ang tawag ko sa kanya. Jesus, pareho gud tang swerte sa kinabuhi.

Kaya ganun ako magbugbog ako, walang ka… P****– Patayin ko na talaga ito. Arte lang gud.

Hawakan ko ‘yung kamay. “Sir, sir, mamatay, sir.” “Hindi ba sabi mo kanina patayin ko?” “Hindi sir, mahal ko eh.” [laughter]

L***h*** itong pulis na ito. Hay ginoo. Matagal na ako sa negosyo na ‘yan, sabihin ko sa inyo. Meron pa ako, piskal ako ah. Sabi ko, “Do you have an affidavit on file?”

Kasi kaming mga piskal, if you will notice, lahat kami ready. Lahat ng kasong kriminal ‘yang araw na ‘yan, amin ‘yan. ‘Pag sabi, “People of the Philippines versus Soriano. Andres Soriano, nandiyan ka?” Kapag sinabi kong nandiyan ka… “Ready, sir.”

Wala nang practice ‘yan. Sa Crame, kita mo ‘yung sa kaso, People — unahin ‘yung. So sabi ko, “May affidavit ka? Do you have an affidavit on file?” “Yes, sir.” “Where is it?” “Sir, baka nasa record.” Titignan niya. “O, is this your signature? Totoo ‘to? Lahat? Lahat na ito, walang, walang sinungaling?”

Sabi niya, “Piskal, anong sabihin ko, ‘yung sa affidavit o ‘yung totoo?” [laughter]

P***** i**** pulis. ‘Yan ang experience ko sa mga taga-gobyerno. Bumbero ganun din. [laughter]

“Sir, sir, sir.” Sabi ko, “Sandali.” “Ano mang sasabihin ko? Anong sasabihin mo?” “‘Yung nasa affidavit o ‘yung totoo?” [laughter]

Patay na pulisa ning y***. That is my experience with government.

But I love you all because pareho lang tayo eh. I started as a — anak lang rin ako ng mahirap. So kaya ako man, madali akong maki… Isang tingin ko sa tao alam ko na, totoo. Totoo, isang tingin ko lang.

Anyway, there are developments in this country that would — it’s evolving. I had a conference with the senators last night but it has nothing to do with… Pero it might create a — a crisis.

I suppose we just have to prepare for that. But we must remain strong as a Republic.

I said, I do not… I do not cultivate loyalty sa pagkatao ko. I don’t need it because I know that I am just…

Passing lang ako dito, dumadaan lang rin ako. But I will try to serve you as the best I could.

Salamat.

—END—