(Note from MindaNews: This is the official transcript of President Rodrigo Duterte’s ‘Sa Totoo Lang” interview over state-owned PTV-4, released by the Presidential News Desk of the Presidential Communications Office)
Presidential Communications Office
Presidential News Desk
“SA TOTOO LANG”
INTERVIEW OF MR. ERWIN TULFO
WITH
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
[Aired on PTV 4 | 29 September 2017]
Erwin Tulfo: Magandang gabi, bayan. Ito na naman po ang isang edisyon ng “Sa Totoo Lang” kasama si Pangulong Rodrigo Duterte. Magandang gabi po, Mr. President.
PRESIDENT DUTERTE: Magandang gabi po, Señor Tulfo.
Mr. Tulfo: Sir, meron ho akong — ika nga, meron daw ho kayong ilalabas na ebidensya doon po sa mga bank accounts ulit ni Senator Trillanes dahil sinasabi po ng mamang ito, wala kayong ebidensya, hearsay, fake news itong inilabas ninyo. Nagpakita na siya, pumunta pa siya ng Singapore, na sarado na itong mga account. But then again, sinasabi niyo kanina na you have sufficient evidence to nail Senator Trillanes dito sa mga bank accounts na ito?
PRESIDENT DUTERTE: That is correct.
Mr. Tulfo: Pero ilan po itong tumutu — nagbibigay sa inyo ng information? How many countries po, sir?
PRESIDENT DUTERTE: Isa lang. Galit ‘yan sa money laundering. Ito — Marami pa o. Ito o.
Mr. Tulfo: Kaya nga sir, ito po ba, itong hawak ninyo rito, makapal ho na pahina ito ng mga… ‘yan po ay mga accounts niya pero ‘yan po ba ay bukas pa ngayon o sarado na?
PRESIDENT DUTERTE: Ito ‘yung — kagaya nito o, marami ito eh. Magtaka ka si Trillanes, senador pero may mga inter-parliamentary visits. You can go to other countries. Pero ‘yung kanya, Singapore, China lang, pati America.
Magkaiba ‘to ha. Pero i-sign ko ito one after the other. Hayaan ko munang — may Euro siya. Antonio Trilla — ito o. Pero kokonti lang. Mga kokonti-konting deposito lang.
Pero lumalabas ‘yang si… basta Singapore, Robert Fong is…
Cayman branch. Meron siya pero 58, 42, 32. Maliliit eh. Pero marami o. Ito. Ito. [scans documents]
Mr. Tulfo: Sa estimate niyo, Mr. President, mga ilan po ang bank accounts ni Senator Trillanes? Kasama na ‘yung nasara na, na-transfer —
PRESIDENT DUTERTE: ‘Yung nasara na, naunahan tayo, wala nang makuha kung sakali maghingi tayo ng exact, ‘yung past ano. Ito lang ‘yung binigay nila kasi. Nag-umpisa ito ‘yung sinara niya ‘yung account.
“Based on analysis, the funds being laundered by Trillanes and his group may not be for their personal use, but rather, it is being used for their cause and possibly to destabilize government by paying for witnesses and funding destabilization operations.”
Mr. Tulfo: Are you saying, sir, ‘yung mga pera diyan sa bangko ni Senator Trillanes, ito ‘yung pinambabayad sa mga tumetestigo — Matobato, sila Lascañas? Is this it?
PRESIDENT DUTERTE: Because until now nasa abroad eh.
Mr. Tulfo: Do you think that itong pera pa rin po ba na ito ang pang-finance sa mga rally-rally na laban po sa gobyerno ninyo?
PRESIDENT DUTERTE: Could be.
Mr. Tulfo: Where do you think all these funds come from, sir?
PRESIDENT DUTERTE: Marami ‘tong hinihingian eh. Maraming kliyente ito na — Kaya maliliit lang.
Maski ‘yung mga senador tanungin mo, pati ‘yung tao — ‘yung you are allotted a number of casuals in your office. Humihingi siya ng mga tao diyan sa mga senador. “Bigyan mo akong dalawa para sa akin.”
So ‘yan, that’s an open secret na ‘yung mga senador mismo, kinukunan niya ng mga tao para sa kanya. Parang, “Bigyan mo ako ng quota.” So alam man ng mga senador ‘yung raket na ‘yan.
Pero ‘yung malalalaking korporasyon — parang, guluhin ko kayo or something — Humihingi. Kung magtanong ka sa mga mayaman dito at malalaki sa… tanungin mo. Sasabihin sa iyo.
Basta tatanungin lang ikaw, “Ito ba, nag — humihingi?” Lalo na ‘yang mga businessmen na nakikihalo minsan sa pulitika.
Mr. Tulfo: Sir, in your speech dito po sa DOJ at saka PHILCONSA eh medyo sumama ho ang loob ninyo sa Ombudsman dahil ‘yung request ni Senator Trillanes na paimbestigahan ho kayo, ‘yung inyong wealth, pero ‘yung ibang mga kaso ng Liberal, ‘yung mga involved, ‘yung mga dating Cabinet Secretaries under the PNoy adminstration, ay wala pong imbestigasyon, walang kaso. Ano po ‘yung reaksyon niyo doon, sir? Can you… can you repeat?
PRESIDENT DUTERTE: Kaya nga sabi ko, merong — published today — ang mga Ombudsman nag — investigated me.
The Ombudsman has investigated me ever since. Hindi nahinto ‘yan. Okay lang sa akin ‘yan. Nasa gobyerno kami.
Pero sabi ko nga, kung may — kayong mga Ombudsman, hanapin ninyo ‘yan. Kasi kung makuha ninyo ‘yang 211 million, maghati tayo. Ibigay ko sa inyo. Tapos magdemanda kayo ng kaso. Walang problema ‘yan. Pero go ahead and try to find the truth.
Pero ‘yung kay Trillanes, huwag niyo rin ‘yun kalimutan. Kasi ‘pag hindi, eh ibang istorya na ‘yan. Namumulitika.
Kasi dito, ‘yung the last victim was I think Gringo. Wala namang Liberal nakita ko na puro naman sila may DAP cases.
Bakit ‘yung mga Liberal — are you beholden to the Liberals? Because ang Ombudsman, si Morales by appointed by the Liberals. Do not protect them because they are public records. You will not stay there long.
At kayong nasa serbisyo, ‘di ba? You will be investigated also. One of these days, kayo ang sigurado kong hahabulin dahil nga ‘yung partiality ninyo. Me? Go ahead and find out the 211 million.
Kasi kung nandiyan ‘yan, kasuhan mo ako, bigyan ko pa kayo ng kalahati. Just make sure na totoo ‘yan. Walang problema ‘yan.
‘Yung Ombudsman, noon pa ‘yan, Mayor pa ako, extra-judicial killing. Tapos ngayong every… every time na — extrajudicial killing.
Si De Lima, who was the chairman of the Commission on Human Rights investigated me en banc. Silang lahat mga commissioner of sa Human Rights. Commission ‘yan eh. Walang nangyari. Walang na-i-file. Walang dokumento.
When Secretary De Lima was Secretary of Justice, she investigated me. Walang nangyari. Splashed all over the country. ‘Yung na-senador na siya, inimbestigahan niya ako, nag-investigate ang Senado, nag-investigate ang ano, walang nangyari.
O ngayon balik na kayong mga Ombudsman. Kailangang may mangyari kay ‘pag wala, anak — Imbestiga ka. You have been repeatedly investigating me ever since. You look at the record. Siguro ganun na ‘yan kataas.
Ngayon, kung sigehan ninyo ng imbestiga, there will come a time where I will investigate you also.
And I will investigate you as President of the — not with you. I have investigating powers. Then I will also cause the records to be opened, all.
Wala kayong maitatago. That’s a public record eh, sa lahat ng na-demanda. And including ‘yung inyo.
So marami pa rin kaming mga military na may kaso pati mga — tanungin mo ang mga military, kayong nakikinig sa publiko.
Lahat ng military nagkuha ng kaso sa Ombudsman. Kayo… Kayong the Filipino people. Tanungin ninyo ‘yung mga military na nasa — naimbestigahan nila at sabihin ninyo — military na sila ha, pati pulis — Bigay sila. Bigay sila.
Ako, noong Mayor ako, hiningian ako, hindi ako — Sabi ko i-file niyo ako. Dumating sa Supreme Court by — filed by the Ombudsman. Pinagastos ninyo ako only to result in the dismissal of case.
Mr. Tulfo: Hanggang ngayon ba, sir, meron pa ngayon? Nasusuhulan pa ‘yung mga Ombudsman?
PRESIDENT DUTERTE: Ah oo. Sigurado ‘yan. All I have to do is to collect. Karami ‘yung mga… if I can produce about five, six, seven affidavits — Ngayon kung ayaw, no… no agency in this government will investigate the Ombudsman, anak ka ng — Anong tingin nila sa amin, g***?
‘Pag hindi niyo imbestigahin sarili ninyo, ako ang mag-set up ng commission to investigate you as a President with investigating powers. Magka… magkagulo tayo niyan kasi sino ang mag-iimbestiga sa kalokohan ninyo? Walang nagsasabi eh. Wala daw. Hindi pwedeng Department of Justice kasi independent kayo.
So what is the remedy of the Filipino kung kayo mag sige hingi? Ako, huwag mo akong lokohin. Do not force my hand into it.
I will set up a commission to investigate the Ombudsman, the institution itself and all. And you have to forward and give us the papers or else I will get it from somewhere. And if we see the anomaly there, bantay kayo sa akin.
Mr. Tulfo: Anong charges, Mr. President?
PRESIDENT DUTERTE: Wala… Walang… Corruption. Dito, wala, wala nang iba, bribery talaga. ‘Wag mong sabihin na, “Sinong mag-imbestiga ng Ombudsman?” Eh hindi mo masama ‘yang Supreme Court. Hindi pwede. Congress, sabi nila, “Separation of power.”
Ngayon, kayo mag-imbestiga sa akin. Ako, biktima ako, hiningian ako. I will… I will dig into the records. Sabihin ko kung sino ‘yung prosecutor na nagkaroon rin ng kaso.
Buksan ninyo ang records or else, may gulo tayo. Sinong mag-imbestiga sa inyo kung ayaw ninyong mag-imbestiga sa sarili ninyo? ‘Yan ang problema.
So kami maimbestigahan ninyo. Ang Presidente, hindi ako. Pero down the line. I may not be able to prosecute the Ombudsman because she is immune. Pero lahat kayo down, I… I can review the records pati ‘yung mga –
Alam mo sa probinsya, kung may dokumento, may corruption ang mayor, sabihin lang man ninyo na, “O, auditor, treasurer, sign mo.”
Sinong g***** auditor, o Mayor, treasurer na hindi magpirma? Tapos ‘pag labas, ang principal actor na mayor, wala. ‘Yun na nga… Buti kung binibigyan niya.
Pagdating diyan sa Sandiganbayan, kusot-kusot. Tapos walang… mag utang-utang ng pera just to attend a trial. Huwag ninyo akong lokohin ng ganun-ganun.
Who will investigate you kung ayaw ninyo imbestigahin sarili ninyo? Let me ask that question — Who will now guard you against the Filipino people also? Kasi hindi man kay — hindi man kayo — Supreme Court, sabi, “No, it’s a constitutional body.” But don’t give me that s***. Ayaw ng Congress? O ako ang mag-imbestiga sa inyo.
I will set up a commission. A Presidential commission and I will dig into the records. Lahat kayong mga bumigay, mag-execute kayo ng affidavit.
Lahat kayong na-filean (file) ng kaso na hindi nakabigay, mag-execute kayo ng affidavit. And I will investigate the Ombudsman in the public interest.
Kung ayaw ninyo mag-imbestiga sarili ninyo, saan kami pupunta? Ay kalokohan na ‘yan. File ng file basta a mere affidavit. Ako, basta tsismis sa newspaper? Ombudsman. P***** i** bakit? Puntahan mo lang ako para istorbohin ninyo ang tao tapos maghingi kayo ng pera.
How many — ito kay ano. Let me be direct to you. How many cases that you have investigated because of an article? Or a letter without even… Kagaya ko. Walang pirma. Inimbestigahan ninyo ako noon ng walang pirma tapos na may nag-ano. Bakit?
Hindi ba… hindi ba ninyo alam ang justice? Just because meron diyan tapos i-subpoena ninyo ‘yung tao? Taga-gobyerno imbestigahin ninyo? On a mere publication? P***** i** saan kayo magkuha ng ebidensya diyan sa publication na ‘yan? And how many cases you have filed including me?
May summons ako noon na may publication. Huwag ninyong gawin ‘yan, you create a crisis. And I will not allow this government to remain inutile. Sabi ko ‘pag makita kayong pera, hati tayo. Pero do not make yourself exemptions. Yayariin ko kayo.
In the name of public interest and in the name of justice and fair play, there ought to be a body who will investigate you also because the Ombudsman cannot investigate itself. Obviously it is an anomaly. Wala sa… there’s… there’s a vacuum eh. So pasok kayo ng pasok. Please answer this story.
Eh alam mo kaming mga pulitiko, isang katutak, isa na ‘yang u*** na Nograles na ‘yan — ay si Trillanes. Kung anong pinagsasabi. O ito ngayon. Hanapin ninyo ‘yan. Maraming witness diyan.
‘Pag hindi ninyo naimbestigahan, mag — because I will set up just a commission, ‘yung nag-investigate sa pagpatay ni Aquino, ‘yung babae, si Associate Justice… Commission ano…
Mr. Tulfo: Agrava?
PRESIDENT DUTERTE: Oo, Agrava.
Mr. Tulfo: Agrava Commission. Sir, na… so are you saying na kahit pati ho kayo nabiktima nitong —
PRESIDENT DUTERTE: Ay susmarsep.
Mr. Tulfo: Corruption ng —
PRESIDENT DUTERTE: Alam mo lang when I —
Mr. Tulfo: Hindi po ba kayo hiningian ng pera?
PRESIDENT DUTERTE: Hiningian ako ng pera.
Mr. Tulfo: Magkano ang hiningi?
PRESIDENT DUTERTE: Ng pambayad. I don’t know how much. Ako pa ang pinabayad sa hotel. Sabi ko, “U*** ka ba?”
Eventually the case was filed. Itong Ombudsman na ito. And you have to spend for lawyers and everything. I have to travel here — here and there sa probinsya. Mag-molestya kayo ng tao. ‘Pagdating doon, ang kaso ma-dismiss.
Mr. Tulfo: So, if you’re a government official or worker, lalo kang mababaon sa corruption dahil maghahanap ka ng pang-areglo?
PRESIDENT DUTERTE: Correct. Kundi, mag-estafa ka ng ano, ‘yung sa mayor, kanya ‘yung procurement ng ano, magbili ng tractor dito, magbili kung ano-ano o lease.
Corruption. Alam mo na. May sabihin ako — ang Ombudsman, walang corruption? Tanungin mo ‘yung mga military.
Kayong Pilipino, tanungin ninyo ‘yung may mga military na nagkakaso diyan magkanong binayad nila, pulis, lahat. Mayor, governors, tanungin ninyo, bayad ‘yan. Bayad ‘yan. Anak ka ng…
Pagkabayad, dismiss ang kaso. Eh ‘yung mahirap, wala, sabit.
Mr. Tulfo: Magkano ang presyuhan diyan?
PRESIDENT DUTERTE: Depende sa anong allegations sa na-misappropriate or ‘yung transaction. Matagal na ako sa gobyerno. You must have forgotten that I am… I was a Tanodbayan prosecutor. ‘Yan ang predecessor ng Ombudsman.
Wala pa kayo diyan, nandiyan na kami. Pero hindi kami noon nagsu-summons ng… on a mere notice. What… what do you want to unravel? What do you want to have?
Ilang taga-gobyerno na niloko ninyo diyan sa t*** — Ombudsman na ‘yan? Sabihin ninyo hindi kami ma-imbestiga, independent body. Magkagulo tayo. Ah tignan mo.
Mr. Tulfo: What do you plan to do then?
PRESIDENT DUTERTE: Ay sus. I will create a commission if you do not of — or I will apply for a summons sa Court. Pag hindi ninyo ‘yan na-implement, I will… I will arrest you.
Pag hindi ka sumipot doon sa commission na ‘yun, if I do not have the subpoena powers, then I will apply for a subpoena powers from the courts. Kayo na naman.
Pag hindi kayo sumipot, aarestuhin — I will order the police and the military to arrest you. ‘Yan lang ang paraan eh.
Hindi diktador ‘yan. Justice for one is justice for all. Sauce for the gander is sauce for the goose. Sabi niyo, wala kayong corruption? Huwag ninyo akong bolahin, ako mismo biktima.
Mr. Tulfo: Sir, have you tried talking to the Ombudsman na kung pwede kasu — o isa sa mga tao, si Secretary Aguirre maybe or somebody else na paimbestigahan din si Trillanes? Have you tried that?
PRESIDENT DUTERTE: Yeah, they are now — They said, they are being investigated. Sabi ko, “Go ahead.” ‘Yang contention na ‘yan ni De Lima na walang jurisdiction? Anong walang jurisdiction?
Basta mali, mali ‘yan. And just because there is a vacuum, it does not mean to say that you are no longer liable. That’s the problem with the Ombudsman. There’s a vacuum.
Because the Supreme Court would say, “Out of obedience to the principle, ‘separation of powers,’” sabi rin ng Congress, “Ayaw namin ‘yan kasi kami makasuhan.” Bakit ang Presidente, wala?
I can create my own commission like the Agrava Commission and summon you. Kayo, kayong mga Ombudsman na nakita ko, kung lahat kayong mga dumaan diyan, mag-execute kayo ng affidavit. At nakagasto kayo, tapos naman. Tapos nadismiss (dismiss) ‘yung kaso, nakabigay kayo.
Now is the time na magresbak kayo. And I will pin them down.
Now, if I do not have the power to summon you, I can always go to the courts to apply for a… as an administrative remedial measure. I can say, “Court, pakisummon nga nito kasi gusto kong imbestigahin.”
Now, pag ayaw mong sumipot in obedience to that summon, I will move for your arrest. Contempt of court, and will order the military or the police to arrest you. Depende. Kung ikaw ang military investigator for military, eh ‘di arrestuhin mo ‘yan.
‘Yung kayong mga generals na — alam natin lahat ang pinag-usapan natin. The Armed Forces of the Philippines, I appeal to you. Tell the Filipino the truth. Kayong mga pulis na nagkaroon ng kaso. Sabihin ninyo. You owe it to the Filipino, not to me.
Kayong mga governors ko, you owe it to your country. If you’re only accused, lalo na ‘yung na-dismiss ang kaso, pumunta kayo sa akin. In the present, tanungin natin sila “Bakit si…”
You know, a Constitution is a sacred dito. But do not use it for oppression or make a mockery out of this constitutional body or… na kayo lang.
Now I will ask you, kung kayo ang na-corruption diyan kagaya sa akin noon, maghingi kayo. Buti’t na lang ako kasi suplado talaga ako eh, hindi naman ako nag… sabi ko, “Sige, i-file mo.” Hindi ko tinatakot — buksan ninyo maski tomorrow.
Lahat ng records ko, sige. Buksan ninyo. Tapos sabihin ko hindi ko kayo tinatakot. Pero kung sabihin ninyo walang mag-habol sa inyo — So there’s a vacuum. Now, you are making a mockery out of this piece of paper called the Constitution.
Either it dispenses justice for everyone equally or it is no Constitution for us. I’m warning you. You do not create a crisis here because I will — Kung ano ‘yang gusto ninyo, gusto ko rin.
Magsalubong tayo diyan, na subukan ninyo. If there is a summon, subukan ninyong — And if I have the power of contempt, lahat kayo dadaan rin sa akin.
Mr. Tulfo: Pero sir, hindi ho ba magkakaroon ng Constitutional crisis pag pinakialaman ho ninyo ‘yan? Imbestigahan niyo ‘yung independent body? I mean you’re in the Executive.
PRESIDENT DUTERTE: Hindi. I am — I will be asking you, who will investigate the Ombudsman? If you are a judge, can you investigate yourself? O sabihin mo, “Well, we have this separate body to investigate itong mga investigators.” Don’t give me that s***.
Human nature will always protect your time. Kayo ang nag-ano nito ha. Kayo ang nag-umpisa nito, hindi ako. Kaya na-umpisa itong focus natin noong statement ko kay — about kay Gringo Honasan. Na-agrabyado talaga ‘yung tao.
Bakit lahat tapos walang yellow? Lahat naman may DAP na kaso. Bakit ni isa wala? Tapos ngayon umpisahan ninyo ako dahil kay Trillanes, go ahead.
Pero ‘yung inyong mga inupuan na kaso, there has to be somebody or some institution that will tell you — you are committing corruption there or sitting on your a** doing nothing except to go after the appointing power na hindi inyo.
Sige. Huwag ako takutin niyang imbestiga, press release, press release. Tapos na ako diyan. Pero kung makita mo ‘yung 211 million, i-demanda mo ako, hati pa tayo. O kung purnada ka, ibigay ko sa inyo lahat kung maawa ako.
Huwag ninyo akong… do not threaten me. Ilang beses ninyo ako sinubpoena (subpoena) based on [an] article in… ‘yung mga local newspaper. G*** ba kayo? Ka-abogado ninyo. Saan kayo makuha?
“It was reportedly.” Tapos you initiate an investigation “reportedly” with nobody coming. Eh bakit ka mag-issue ng — In the first place, sabihin mo sagrado ‘yang trabaho mo. P***** i** kayo. Saan kayo magkuha ng ebidensya kung ganun? Kami ang dapat kasi recorded lahat ng amin.
Pero ‘yung ibang mga maliliit na sa gobyerno, pati military alam ko ‘yan. Alam mo bakit? Ako ang nagbibigay para ma-dismiss lang. Naaawa ako sa sundalo para sa career nila. Hindi ninyo alam, galing sa akin ‘yun when I was Mayor.
Mr. Tulfo: Ano sir, ‘yung pang—
PRESIDENT DUTERTE: Pera ko, sarili.
Mr. Tulfo: ‘Yung panglagay ng sundalo sa Ombudsman?
PRESIDENT DUTERTE: Oo. Oo. One or two or three or four. Meron pang kaso. Lahat ng dumaan na Chief of Police sa Davao, inimbestigahan ninyo. Your findings…
Si De Lima nga nag-imbestiga. ‘Yun lang ang ginamit ninyo. “Sinong pumatay? Saan, saan pinatay? Anong oras ‘yun nangyari?” Sinong… Hindi mo nga kakilala kung sino ‘yung patay. T*** i**** ‘yan.
Lahat ng…lahat ng pulis na dumaang Chief of Police sa Davao — City Police Director, the position is now called… Dinemanda ninyo, dismissal.
Sabi ko “Anong… anong kasalanan ‘to? Dumaan lang sa pagkapulis.” ‘Yung ibang pulis, maraming patay sa panahon nila. Eh maraming engkwentro eh. Eh ‘di ‘yung sumunod, ‘di wala na masyado siyang kalaban. Dismissal.
Saka hindi ako papayag ng ganun. Tanungin mo ‘yan sila. Tapos imbestigahin ninyo ulit? Nalo — naloko ba kayo?
Ako, ilang beses na ako iniimebestigahan — Si De Lima nauna pa tuloy sa kulungan kaysa akin — Three times, as Chairman, as Secretary of Justice, ‘yung panahon na pumasok siya sa droga. Kaya pala sige niya ako awayin para to put me in the fence.
Pero remember this, ladies and gentlemen of this Republic. I was once summoned by the Senate to testify on the rice smuggling. One of the questions doon… sa among all others was si Enrile.
Tapos sabi ko, ang sagot ko kay Enrile, “Anong gawin mo kung makita mo sa Davao itong [unclear]?”
Sabi ko, “Patayin ko.” Tapos sa statement ko — hindi ka naman ang Senate, hindi ka naman Senador noon. Pagkatapos nagpresscon, may threatening words, siya ‘yung parang nainsulto kaya ipa… file-an (file) contempt.
You know, pareho tayong abogado, it is only the Senate who can decide whether my language was foul or fair. And it is only the Senate, ‘yung nagpatawag sa iyo, who will decide whether to file contempt or what, reprimand. Hindi ikaw.
Anong sinagot ko sa iyo? Long before ‘yung arte mo na pumasok ka doon naka full battle gears ka, for sure kasi gusto mo tumakbo ng senador. Projection. See, anong sagot ko, “Ipa-ano ka daw ni Drilon.”
Sabi ko, “Hoy, De Lima, you take care of your own backyard. Grabe ang shabu diyan.”
Kayong mga TV networks, try to retrieve that statement. It was long before she was actually exposed as doing the drug business itself.
Sinabi ko na as Mayor of… Mayor ako eh. Alam ko na maraming kalokohan. Sabi ng mga isa o dalawa, ‘yung nakalaya na, mag-apply ng trabaho, tanungin ko, “Anong sitwasyon dun?” “Sir, grabe ang… Nagluluto kasi, sir, grabe. Maski puntahan mo doon.”
Tapos one or two, may pamilya. ‘Di ko na lang sabihin. May kaibigan ako diyan. Tinanong ko ‘yung mga anak na. Kasi diyan pagka nawala sila, ang anak nila ‘yung halos papalit sa trabaho.
Sabi ko, “Sabihin mo sa akin ang totoo. ‘Yung tatay mo, mahal ko ‘yun, kaibigan ko. Sabihin mo sa akin ang totoo.”
“Ikaw,” sabi ko, “Lumaki ka na nakita mo kami magkasama ng tatay mo.”
Sabi niya “Sir, totoo.” “Gaano katotoo?” “Sir, ganito.”
Sabi ko, “Huwag mo akong bolahin?” Sabi ko, “Ninong mo ako.” Kung naalala sa — Tingnan mo ‘yang birth certificate — ay baptismal certificate mo. Do not lie to me. Totoo ito o hindi?” “Sir, yes sir, totoo.”
Paano ko malaman kung gusto kong malaman ang totoo? “Sir, ito, ito.” Mayor ako noon.
Mr. Tulfo: Sir, moving to another topic, let’s talk about extrajudicial killing. Pero before you answer that, sir, we’ll pause for a break. Bayan, magbabalik pa po ang “Sa Totoo Lang” in a few minutes.
— COMMERCIAL BREAK —
Mr. Tulfo: Nagbabalik po ang “Sa Totoo Lang” program. Kasama pa rin po natin si Pangulong Duterte. Sir, noong National Protest Day, ang sigaw ng mga — nagsama-sama na po ‘yung mga kalaban niyo — CHR, civic rights, human rights, Simbahan, opposition, makabayan. Iisa po ‘yung sigaw, “Stop the killing, stop EJK.” Ano po ang reaction niyo rito? Talagang — kasi ang sinasabi po ng — ang sinasabi po ng gobyerno — sabi po ninyo, hindi ‘yung mga pulis mo; hindi ikaw ang may kagagawan ng mga patayan na ito. Pero sinasabi nila, kasi they want action daw, sir, as the government, as the leader of this country. And what they are waiting is your action as the Commander-in-Chief to stop or to investigate these killings
PRESIDENT DUTERTE: Ang problema is this — the only killings that would come to my attention, maybe catch my interest, is ‘yung na-reported sa pulis. Wala man akong ibang security system dito na matanungan.
Ngayon, pag sabi ng pulis na, “Sir, may encounter.” May recovery, may baril. “Sir, ito may pinatay.” “Eh sinong pumatay niyan?” “Sir, hindi namin alam.” “Anong p***** i**** bakit marami itong mga bata? At bakit may mga bata ngayon?”
They gave an explanation. It’s not for public consumption. Sabihin ko sa iyo kung bakit. Sabi niya “Sir, ganito ‘yan eh.” Ganyan, ganyan, ganyan. “Bakit naman kami papatay ng bata, sir?” Eh wala.
Pero meron akong explanation, not from the police, but from somebody. Barangay Captain.
So ito ang dahilan na lahat ng patay, pati ‘yung biktima ng illegitimate encounter or a dead person, a criminal, eh kasali ‘yan sa patayan.
So what’s the f*** — Bakit mo kwestyunin ang pulis? Bakit hindi kayo sumama sa pulis? Kaya sabi ko gusto ko nga ‘yung body cameras na. At marami kayo — kayong mga enterprising police reporter, why don’t you join the police operations at tignan ninyo?
Ano ba naman ang — anong klaseng police na sabihin mo magbarilan ang tao diyan? Unless there is a connection, ‘yang mga bata na ‘yan. Eh sabihin ko sa inyo, but may ginawa kasi ako at sabihin ko sa iyo kung ano.
It was really a move that towards that direction na malaman na natin ang totoo.
Mr. Tulfo: Okay.
PRESIDENT DUTERTE: O gusto mong malaman ninyo? O ito. Sabi ko sa simbahan, sige kayo reklamo na patayan, patayan, patayan. O ito sabi ko, “Ito ‘yung listahan sa suspected mga drug pushers, drug lords.”
Kung ikaw bishop ka ng Abra, ‘yung jurisdiction mo, sabi ko doon sa CBCP, “Huwag mong ipakita lahat. I will take you in.” Sabi ko, “I will share state secrets. Huwag mo lang ipakita sa labas lahat kasi malaman, mabasa nila ang source ko.”
Eh ‘di patayin din nila ‘yun and so hindi ko — may I — ako, I am referring to the military and the police. ‘Yan. Kung… marami ‘yan eh. Region I, II, III, IV. Kinuha ko ‘yung listahan. Sabi ko, “Buksan mo lang ‘yang steal clip,” parang ganun. “Ibigay mo doon sa bishop. Nandiyan ‘yung pangalan.”
Sabi ko, “Kayo, kayong simbahan, tignan ninyo ‘yung mga pangalan kung nandiyan ba sa inyo kasi lugar per lugar ‘yan. Caloocan, Manila. Ngayon, gusto niyong tumulong, basahin ninyo ‘yan. Tutal may kopya kayo sa jurisdiction niyo, [AOR?], ipakita mo ‘yan. Ayan o.”
So si Josefino delos Santos. Sabihin mo, karamihan naman Katoliko eh, “Alam mo nasa listahan ka sa gobyerno. Totoo ba?” But before that, huwag kayong dumiretso kay Josefino. Magtanong kayo doon sa mga tao.
“Ito si Josefino ba, ano dito, anong balita ninyo?” Pagsabi, “Wala man ‘yan.” O ‘di, sabihan mo, “Wala man ito.” Ipasa mo lang agad sa pulis. “Sabihin mo kay Duterte, “Wala ito, malinis.” Okay.
Itong sunod. Magtanong kayo sa ano. “Ito ba’y lumalabas sa gabi?” “Oo sir, gabi-gabi ‘yan,” at, “Father, nasaan doon?” Eh ‘di puntahan ninyo. “Psst. Halika. Totoo ba nasa droga ka?” Eh pag wala, pumunta ka sa pulis, sabihin mo.
O kung nasa droga ka, sabihin mo. Malaman mo ‘yan kasi karamihan ng durugista, ganun. Kaya lahat ng durigista, walang ngipin. Walang kinakagat.
Sa Bisaya ‘yan mara — “Bitukon.” Pag ginawa mo ‘yan sa Bisaya na gumaganon ka, “May bitukon ito. May worms.” Gumaganoon ‘yan.
Kung minsan ‘yung sirado kuno, mapagpakunwari ‘yan sila but they keep on the grinding their teeth. Kaya lahat ‘yan sila sira ang ngipin. Ngayon, ‘yun ang ginawa ko.
‘Yung extrajudicial killing, ‘yung patayan diyan, wala kaming pakialam, talagang wala kaming pakialam.
Ngayon, kung may pulis na nandiyan, either kasali ‘yan because sinabi ko na sa records, there are about 17,000 policemen in this country involved in drugs. At ang nagpapatakbo ng… ngayon, hindi na ang locals. Alam nila matatamaan sila eh. Kung sa bukid nila, mabobombahan ko ‘yung…
Meron nang humahawak. Alam mo sino? The Chinese Triad, the Bamboo Triad. Kinonsolidate (consolidate) na nila lahat at meron na sila parang representante dito. O dito may franchise ka. Ang binigyan nila ng franchise dito sa Jolo banda, ang mga Abu Sayyaf.
Magluto kayo diyan, ipagbili ninyo ano? Kaya karamihan diyan, pagka mag-attack, mag — sabihin may nakita na mga sachet. Hihirit muna ‘yan kaya matapang masyado.
Kagaya sa Marawi. It started with a raid kasi may huhulihin o may warrant. O ‘di anong nakita natin? The rebellion opened. Pero droga ‘yun. Ganun sila ka-powerful na lumaban. Ngayon naghingi sila ng tulong kasi sabi nila Islam.
Huwag mo akong lokohin. That is not Islam. I said my mother is a Maranao and I should know the culture. Hindi ‘yan Islam na magpatay kayo ng tao, pugutin niyo ‘yung ulo. Binobola ninyo ‘yung — ‘pagkatapos patay, sisigaw kayo ng pangalan ng Diyos. ‘Yan ang mga droga.
Ngayon, ganito ‘yan eh. Para maintindihan ng lahat, mag shortcut tayo. ‘Yung mga ibang killings diyan kagaya ng lugar ng ano, Mindanao. ‘Yung dalawang grupo, sige na ‘yan — away ‘yan sila, fight ‘yan sila.
Dumating na ang panahon na gusto solohin niya ito, “Huwag kayong pumasok dito kay amin ito. Huwag kayong pumasok dito kay amin ito.”
So there’s a turf war na kagaya ng Latin America, dumating na talaga. Ang supply, galing sa labas. Ang mag— ang ano diyan — China has nothing to do with it, the government or the people. I assure you.
But mayroong Taipei, China, pati minsan itong Malaysia, nag-combine ‘yan. Hindi ito ‘yung mga good citizens, they are the gangsters of the place as we have our own gangsters. Tayo may mga masamang tao.
Pero ito ngayong triads, sila na ang nagdi-direct (direct). Niluluto nila ‘yan either from China or ‘yung mga ships nila na mga luma na, ginagamit nila, nagluluto sila doon. Lagay nila doon sa bin, ‘yung plastic na ano, may mga Chinese markings pa minsan. Tapos itapon nila, may GPS. May signal ‘yan.
Ito namang sa Pilipino, hanapin lang niya ‘yung GPS, ‘yung saan banda, kuha niya, ilipat niya ‘yan sa sako. Itapon niya ‘yung — ‘yung mga plastic containers, minsan umaabot sa Regions I, II, and III.
Ngayon, ang humahawak na sa lahat, Southeast Asia, wala nang kanya-kanya ngayon. “Ikaw, manager ka dito. Ikaw, iyo ‘yan.” Tapos bigyan ka ng… bigyan ka ng, halimbawa, “Ito o. One third, two-thirds. Two thirds sa iyo.” Makabigay lang.
So itong mga tigas na ito, they are out of the country. I do not know where they are. Maybe in America, tawag lang ‘yan eh. Maybe in Mexico, maybe in Hong Kong, maybe here in San Juan. Ang transaction niyan, at ang pinakamaramihan, galing sa kulungan.
Mr. Tulfo: Sir, tayo po ba, ‘yung Pilipinas, ang pinaka may worst na drug problem sa Asia? Sa Southeast Asia?
PRESIDENT DUTERTE: I would say…
Mr. Tulfo: At pang-ilan tayo?
PRESIDENT DUTERTE: Ngayon, sa ngayon, medyo nagbaba na kasi ang crime rate by 40 percent eh. Nagbaba talaga ang crime rate, so ibig sabihin, wala masyadong supply.
But China would have a problem with drugs in the days to come. Ang problema niyan, pati America kasi hindi na nag… hindi na nagtatanim ng opium o poppy. Organic ‘yan eh, plant. Ang heroin pati cocaine, okay lang ‘yan, hindi naman makasira masyado.
Pero ‘yang shabu, it’s the — it’s a long haul eh. Ang route, galing Colombia o kung saan, pa-ganun. Maraming sabit ka. Checkpoint, military dito, ilang countries ‘yan. Ang ginawa na ngayon, tinuruan na lang sila magluto ng shabu. Even in America, nagluluto sila ng shabu na doon.
Ang problema kasi ang consumers ng shabu is not intended ‘yung mga mayaman. Ang mga mayaman, cocaine ‘yan pati heroin.
Ang market ng shabu, ‘yung mahihirap. Kasi ‘yung may ready na pera, itong mayayaman, hindi talaga magbili. So saan niya ipagbili? Doon ‘yan sa mga tao na may mga pera, Nakapagbili ng 200, 300.
Sabi ko na, “At 200, 6,000 something per month times…” ‘Yun. Ang target talaga nila, ang mahihirap. Doon sila. Ang shabu, ‘yung may [unclear], hindi gumagamit niyan. G******** lang, ‘yung talagang torpe ‘yang mayaman na gagamit niyan.
Basta ang target nila, pardon the ano, pero ‘di ba sa atin, anong klaseng negosyo? Parang Intsik, ‘yung bahala na maski maliit basta volume. Mura nga ang pabili nila basta volume. ‘Yun. ‘Yan, diyan na lang umiikot. Kaya ang karamihan tinatamaan ‘yung mahihirap.
Mr. Tulfo: Sir, nung a few days ago, nung nasa… nasa Marawi po kami, may pinakita po kayong matrix. May nabanggit pa kayong sila Parojinog?
PRESIDENT DUTERTE: Yeah.
Mr. Tulfo: Aside from Parojinog, marami pa po bang mga politicians na nandoon sa listahan na ayaw pa ring sumurrender (surrender) o how do you want it to do? Anong gusto niyong mangyari sa kanila—?
PRESIDENT DUTERTE: Makikita man ‘yung…
Mr. Tulfo: — Mag-surrender sila o antayin na lang nila ‘yung mga pulis ninyo sa pintuan nila?
PRESIDENT DUTERTE: Hindi ‘yan basta pera. Hindi ‘yan bibigay kaagad. Magsibat ‘yung si Don Pepe Oyson o. Remember ‘yung mataba na tao na niyari ng pulis? He was given so many chances. Maraming kaibigan eh. Sabungero ‘yun.
But every time nakakausap niya, pinabayaan lang siya. He was given — eh labas-pasok sa presohan. Napundi na siguro ‘yung mga nanghuli sa kanya, niyari siya mismo doon sa… Doon sa sasakyan. Eh lumaban daw eh.
Mr. Tulfo: Do you think na they are not heeding your call, sir, itong mga politician, narco-politicians na ito? Why?
PRESIDENT DUTERTE: Ewan ko, pero pera nga eh. If you are not ready to give the luxuries of life — Ka-rate kasi 40 percent ng ating barangay all over the Philippines are connected with shabu.
Kaya nung nag-usap kami ng mga Congressman, si Speaker pati si Senate President, sinabi ko, “Ito ang sitwasyon.”
Pinakita ko sa kanila ang records, pinabuksan ko sa pulis, sabi ko, “Makinig kayo diyan sa briefing ng military pati pulis. Tapos you decide.” Tapos sabi ko, “Okay. Tapos na? Nakinig na kayo? Anong gawin natin?”
May eleksyon eh. Eh ‘di sabi ko, “Mananalo talaga ‘yung barangay captain na nasa droga. May pera eh.” O ‘di takot ang tao. Just like kay Parojinog. Sa Albuera. Tanungin — Kayo, magpunta kayo doon ngayon, mag — bukas.
Ang people will — ‘yun lang na, you know, bigay siya ng bigay. You know how obscene the business is. ‘Yung isang si Ardot at ‘yung pamangkin niya.
Ang pera — ang tignan mo… ang bahay may wallpaper. Ang wallpaper niya sa bahay, nakita niyo sa TV? Pinalabas eh. P***** i**, pera.
Pera ang ginamit sa wallpaper ng bahay. Tig-500. Ganun. Ganun ka — so kung ganun ang nasa isip niya, makita ko ‘yung pera niya ganun. Hindi man… hindi talaga susurrender ‘yan.
Mr. Tulfo: Nabanggit niyo rin nung isang araw sir na gusto niyo pong makausap ‘yung kamag-anak ni Mayor Mabilog, si Senate Minority Leader Franklin Drilon. Bakit, Mr. President?
PRESIDENT DUTERTE: I think they are related.
Mr. Tulfo: Opo.
PRESIDENT DUTERTE: Gusto kong sabihin sa kanya ‘yung totoo. Eh tutal nabanggit mo na lang rin. I would like to invite him to join the police and military in a briefing.
Mr. Tulfo: What do you want him to do, sir?
PRESIDENT DUTERTE: Eh magsama siya dito. Dito ko sa military pati pulis. Sige, dito kayo mag — dito tayo mag-usap.
Kasi nagko-complain na siya rin ng extrajudicial killing. Sabi ko, “Makinig ka muna. Alam mo ganito ‘yan eh. Let me explain. It will take time.
Ang droga cannot be operated — selling and buying — if it is not organized. Impossible. Hindi ito balut na kung sino lang ang magpunta, sabihin mo, “Bibili ako,” “magtinda ako ng balut” o ‘yung sigarilyo diyan na sa traffic.
Ito talaga, organized ito. May tiga-luto doon sa high seas, may tiga-tapon, mag tiga-salo. Organized talaga ‘yan.
Mr. Tulfo: May distributor?
PRESIDENT DUTERTE: May distributor, may mga peddlers. ‘Yung tinatawag nilang “basura.” ‘Yun ‘yung mga sachet. ‘Yung peddlers, mataas ‘yun. In a barangay, siya ‘yun. “O, sige ikaw.” ‘Yang pinagbibili, ang tawag niyan “basura” na.
Ngayon, ang batas ho, sa organized crime, it’s a conspiracy. Meaning to say, these persons agreed to commit the crime of trafficking of drugs to conspire and to cooperate with each other to make it successful, so there will be buying and selling.
The rule says na, “The act of one is the act of all,” okay? The liability of one is the liability of all basta organized crime.
Kagaya — kunyari kung ito. [opens document] Ito ‘yung, ito na ‘yung shabu dito. Ngayon, ‘yung dealer. ‘yung mga dealer diyan, kasali ‘yan sa organized crime. Kita mo ganun? Parang organized talaga eh.
Tapos, dito, lagay mo na lang dito sa ano. ‘Yun ang mga basurero. In an organized crime like shabu, the act of one is the act of all kasi conspiracy.
Kaya sabihin nila, “Itong pinatay ni Duterte mahirap lang man ito. Naghanap-buhay lang o ano, alam mo, poverty.” Madre, pari, “Poverty, poverty, poverty,” ganun, ganun.
You know, when I became President, dito, nag-oath ako that I will enforce the — I will obey the Constitution and enforce the law.
Ang trabaho ng pulis pati military, they will enforce the law without fear or favor against all — against all persons who appear to be guilty.
Kaya nandiyan — “The criminal liability shall be enforced against all persons who appear to be responsible therefore.”
So, ito, kasali sila. Kaya sabihin mo, “Mahirap man ito.” Minsan, one day… one… one eat, one kainan.
Mr. Tulfo: One day, one eat?
PRESIDENT DUTERTE: One, oo. Ang problema, ang Constitution at ang, ‘yung oath of office ko that I will enforce the law only against the drug lords and the rich.
But I will not enforce the law against the poor people. When in fact, kayong mga hirap, naghirap, kayo ‘yung tinatamaan. Kayo ‘yung market ng shabu, hindi ‘yung Forbes Park.
Hindi — kayo ang market kasi kayo talaga ang bumibili. Vulnerable kayo. Lalo na ‘yang mga anak ng OFW na wala ang tatay, wala ang nanay, so in the care of the lola or lolo. Ayun.
Mr. Tulfo: Alright. Sir —
PRESIDENT DUTERTE: Alam nila na may pera ang pumapasok dahil nga nagtatrabaho eh.
Mr. Tulfo: So we’re going on a break. Bayan, magbabalik pa po ang “Sa Totoo Lang” in a few moments.
—COMMERCIAL BREAK—
Mr. Tulfo: Nagbabalik po ang programang “Sa Totoo Lang.” Pinag-uusapan natin kanina ‘yung tungkol po sa paliwanag ng Pangulo dito sa, ‘ika nga, “organized crime”, itong droga. Sir, so… pero, bakit ang tanong po kasi ng ilan, “Bakit karamihang namamatay ay mga mahihirap? Walang mayayaman?” ‘Yung street peddler biglang — Kagaya ‘yung mga bata na nabaril, ‘yung… o biglang… tricycle driver, ‘yung pedicab driver. Ito po ‘yung… Bakit, sir?
PRESIDENT DUTERTE: Sila ‘yung nakakalabas sa bahay, pumapasyal. Sila ‘yung mga tumatakbo. Itong mga… itong mga lieutenants, nandiyan lang ‘yan sa opisina sa bahay. Nandiyan sa Binondo. They don’t move around. They stay in one house, transfer to another house.
Eh, lalo na ito nasa abroad. Telephone lang. O, ito, nasa — Ito, kung meron siya ng sariling grupo niya. Kunyari grupo-grupo ‘yan, ‘yung kanya, ‘pag mayaman na siya, punta siya ng Hong Kong, or punta siya ng Amerika.
Ito ang mga runner. Kunwari, ito ‘yung mga peddler, mga peddlers. Ito ‘yung lumalabas, ang nagpapabili. ‘Di — Paano natin…
Ngayon, sabi noon, “Ito si Duterte, kung magsalita, para siya talaga ang nagpapatay sa… itong mga Mayor.”
Alam mo ang sinabi ko sa military pati pulis, “Do not allow them to destroy my country because I will kill them. Do not allow these idiots to destroy the youth of the land.”
‘Yan lang ang asset natin eh, mga anak. ‘Yan lang ang magbili sa atin. Hindi man tayo mayaman. Bakit pa ‘yung pension — Prangkahan tayo.
May matanggap ka ng pension, gobyerno. Sapat na kaya ‘yan? Eh kung pag-retire mo 65 sa gobyerno, mabubuhay ka ng another 15 years. Abot ka ng mga 88, 89. Patayin mo ‘yung mga… o gawain mong g******** ‘yung mga anak ko. Disoriented na. Sinong magbayad sa ospital mo?
Sinong magbigay ng medisina sayo? Sinong magbayad ng punerarya para mailibing ka? ‘Yung mga anak natin. Sino ang magpatakbo ng gobyerno bukas? Ang mga anak natin. Sino ‘yung tatakbo ng mga barangay captain diyan sa Tondo? ‘Yang taga-Tondo. ‘Yung mga anak ninyo.
But kayo ang market ng shabu, hindi ‘yung mga mayaman. Kaya ‘yung mga mayaman kasi, eh walang problema. Eskwela lang.
Kaya itong mga bata na ito, kawawa. Kaya ako galit sa kanilang mga shabu. Sabihin niyo, “Pati wala mang malaki.” Patay na nga ito si Parojinog pati si Albuera.
“Alam mo, si Duterte kung magsalita, parang siya talaga nag-utos.” **** ka pala. Sino pala nag-utos ng iba?
Mr. Tulfo: Pero ‘yun po ang sinasabi, sir, ng mga kalaban ninyo. Mga dilawan, nila De Lima, and the Church are saying, as the President, as the Chief Executive, may sinumpaan. Sinabi niyo ho kanina nanumpa kayo to uphold the Constitution. Pero it is… hindi po ba it is the job of the Executive of the President to make sure na to preserve the lives of the Filipino people?
PRESIDENT DUTERTE: Yes. To preserve my country, I have to destroy you. I cannot preserve the young of this country if I allow you to go in a rampage and destroy.
Kung ipinapasok mo sa ating society kabutihan, magpasalamat ako. Mag-mano ako sayo, mag-amen ako.
Pero kung to preserve the Filipino nation, ang ginagawa mo shabu, criminal act. Bakit kita payagan? Bakit kita payagan? Dahil mayor ka? Tapos ‘yung mga pulis mo, patayin mo? “Wala mang big fish.” Eh, ano man pala ‘yan?
Alam mo, sa totoo lang, ‘yung nag-Presidente ko, “I did not,” sabi ko, “start the campaign against drugs after two months.”
Kasi nung na-Presidente ako, binasa ko na lahat. O, kita mo ito ngayon. Updated o.
Isang page ‘yang ganon, ganon karami ang ano ha, itong mga — [It’s another one]. Kita mo ganun kakapal? But mga — Ang talagang confirmed mga tig-7,000 policemen. Tapos barangays, mga 40 percent.
So, why would allow? Sabihin mo, “Bata ka.” Sabi nga ng batas, “The act of one is the act of all.” Kung ikaw nandito, mayaman ka o kung ikaw mismo ‘yung mayaman ka. If namatay ka o pinapatay kita, sorry ka na.
Ngayon, sa organization, the act of one is the act of all. Itong mahihirap na distri — itong peddler mamatay, may baril ‘yan. Sinasabi ko na sa inyo, may baril ‘yan o may patalim ‘yan. ‘Pag namatay ka, mahirap ka, sorry. ‘Pag nandyan ka sa droga, sorry. Hanggang diyan lang ako.
Kasi ang batas nagsabi, “The act of one—“ ‘Yung anong ginawa ng isa, kasalanan ninyo lahat ‘yan. Conspiracy eh. Organized crime.
So wala akong choice. I have to go against everybody because I have to enforce the law equally against all.
Hindi nagsabi ang Rules of Court o Revised… ng court. “O ‘yung utusan ko ‘yung pulis pati military. Sige, mag-raid kayo. ‘Wag ninyo patayin ang mga… ‘yung mga ano lang ha, pitsi-pitsi.” I cannot do that.
Ako, mag-prangka ako. Sorry. ‘Yan ang trabaho ko. Alam mo, Erwin, ito tanungin nga kita: Akala mo ba talaga manalo ako Presidente? Sabi ko, ilan… ilan lang?
Imee Marcos. Bakit kayo magalit kay… kaibigan kami ni Imee Marcos?
‘Yung tatay ko governor. Nag-suporta kay Marcos. When Marcos became President, he appointed my father Cabinet Member dito. My father was a Cabinet Member.
So meron kaming — Hindi ‘yang alliance. Walang political alliance. Friend. Kasi noon, pagtakbo ni Marcos, dalawa lang ang nagpaiwang Nacionalista. Mindanao…
Ganon… ganon ang style nun eh. ‘Pag sino ‘yung Presidente, lipatan lahat.
It was only Ebarle ng Zamboanga pati tatay ko, na sabi niya, “Sugal kami dito sa…”
Mr. Tulfo: Nacionalista?
PRESIDENT DUTERTE: Kaya ‘yun Nationalista. Tapos it turned out, ang tatay ko initially supported Pelaez. But convention, natalo si Pelaez kay Marcos. But party man siya eh. So he supported Marcos.
When Marcos won, he took in my father as a Cabinet member. ‘Yan ang sabi nila na ano. So, kami sa mga Bisaya, utang na loob is utang na loob.
Ngayon, sabihin mo na, “You prosecute, you punish.” At that time, si Bongbong Marcos, binata pa. He was only about seven years old when… Anong kasalanan nila? Bakit hindi ako magpunta, mag-shake hands? Anong kasalanan ni Imee? Bata ‘yan sila lahat. Ang matanda lang doon si Imelda pati si Ferdinand.
You know, guilt is personal. Ibig sabihin, kung nagkasala ka, tapos magkasama lang tayo. May binaril ka, tapos pagdating dito, nagsabi, “O pinagtulungan ninyo.” May baril ako pero hindi naman ako bumunot. Ikaw ang nagpatay kasi kayo lang ang kagalit. Iyo lang ‘yan.
Hindi naman ito organized crime na basta bigla ka na lang mag-ano diyan. Guilt is personal. ‘Yung kasalanan mo, ‘yun lang. Hindi mo ipahid doon sa lahat ng barangay. Except ito kung organized crime ‘yung, “Sige, sige, pareng Erwin. Paglabas diyan, sabay…” That’s conspiracy. Iba ‘yan.
Pero ‘yung magsabi magbaril, mag-away-away, mag-inuman, bigla na lang binaril mo. Wala naman tayong pinag-usapan na mag… before mag-inuman na, “Ito babanatan mo.”
‘Yan ang intricacies ng batas eh. ‘Yan ang intindihan ng — ‘Di naintindihan ng pari, ng madre. Kaya I prefer talking to…
I was speaker of the PHILCONSA last night. Philippine Constitution Association. Nandoon lahat mga justices, andoon lahat ‘yung mga… Pati classmate ko, ‘yung Justice, si [Bambit?] Tapos ‘yung si Reyes.
Mr. Tulfo: Sir…
PRESIDENT DUTERTE: Nandoon sila, pati ‘yung mga — Sila lahat ng mga judges, mga justices. Anong magawa ko? Tapos sabi niya, “’Yung order mo kasi, parang inutusan mo.”
Mr. Tulfo: Right. That’s what they’re saying.
PRESIDENT DUTERTE: Tapos sinabi ko…
If there is an operation or if you want to arrest a person because of drugs, because of drugs. Sabihin — Sinabi ko, “Go out and hunt for them.” ‘Yan talaga inuulit-ulit ko.
Sabi ko, “Hunt for them.” Sabihin mo sa kanila… “You arrest them.” Ngayon, kung mag-arrest nga, ang duty ng citizen, kay may kasalanan ka o hindi, ‘pag sinabi, “Police ito. Arestado ka.” You do not go and fight the police.
Sinabi mo, “Sir, ano kasalanan ko?” Sabihin niya, “Ito, ganon.” “Sir, nagkamali ka.” Eh ‘di sumama ka sa istasyon, doon ka mag-explain.
But the duty of the police officer, itong mga militar, is to place you under the custody of the law, lalo na kung may kasalanan ka.
And the duty of the citizen is to surrender peacefully. Huwag kang makipaglaban. Ngayon, if there is resistance — Kaya ‘yan ang, ‘yan ang… ‘yan… that’s the sad story. Lalo na ‘yang mga lasing. “Walang police-police diyan, aresto.”
Minsan, hatakin ng police ‘yan. Lumaban, ‘di nasuntok. Pagpunta, pagkarga doon sa ano, ay ang police, [kabigat?] itulak lang rin niya doon sa wagon.
Eh ganun ‘yan eh. Alang-alang, ano ka, babae ka na paupuin ka ng… ‘Yan ngayon. Pagka lumaban ito and ang police pagka… hindi na ka kailangan bumunot pa eh.
The rule ngayon sa America and Europe, as agreed, any overt act na parang may bubunutin ka, they are now allowed to shoot you because of ‘yung bomba. Natatakot sila ganun, may hilain, ‘yun.
Ngayon, tapos… Patapusin mo ako.
Mr. Tulfo: Yes, sir.
PRESIDENT DUTERTE: Ang pulis, kung makita niya may ano ‘yan, may baril, tapos sabihin ano, “May baril ka.” ‘Wag mong… ‘wag kang bumunot nang ganun. Tumaas ka. ‘Di ba sa Amerika, ang kamay mo, ‘pag may pulis diyan, ang kamay mo nandiyan talaga sa manibela.
Tapos sabihin mo, “Saan lisensya mo?” “Bunutin ko ‘yung… ang lisensya ko nandito sa wallet ko.” Mag-pe-permiso ka pa.
Dito, magsabi ka lang, “Sir, may lisensya ‘to.” “O sige. Kunin mo muna ‘yung lisensya mo.” Tapos tingnan. “Kunin ko ‘yung baril mo.” Tingnan ‘yung serial number. “Sige.” “Sorry, check lang.”
Ngayon, kung bumunot ka… Pagkasabi ng pulis, “Pulis ito.” Tapos ‘pag… Actually, nakabunot ka na, nasa pulis ‘yung…
If the police thinks that he will lose his life, maunahan siya, dapat unahan na niya. Because the rule is you have to overcome the resistance and to place him under the custody of the law.
Kailangan ang resistance matalo mo at ma-aresto mo para madala mo doon sa court. Issuing the warrant, or dalhin ka sa istasyon.
Kaya kung wala kang kasalanan, sabihin mo, “Sir, may lisensya ‘yan.” Sabihin, “Bunutin mo lisensya mo. Saan?” “Sir, nandito, sir.” “O sige.”
Pero kung mag-ganun ka na… ay naku. Sino ba naman mag-akala na hanggang diyan ka lang. Eh kung barilin mo?
Kagaya minsan ‘yan silang mga pulis-pulis. Pulis, military. Diyan ako galit, diyan sa kanila. Hindi magsabi na, “Pards, military ako. ID mo.” Ganun.
‘Yung police naman, kung masita ng military, “Pulis ako.” Kaya ako galit diyan sa mga ganung behavior eh. Kaya sinasabi ko sa kanila, “Mga g***. ‘Wag kayong mag — Why do you have to kill yourself?” Diyan sa karaoke, paunahan ng… Ayaw pahiramin ng ‘yung… Tapos maggalitan, tapos mag-barilan.
Mr. Tulfo: Aren’t you willing to compromise? Kasi sinisigaw ng simbahan, ng mga opposition to slow down kasi sinasabi niya very harsh daw ‘yung iyong war on drugs.
PRESIDENT DUTERTE: Sa kampanya. I remember when I was in De La Salle, during the presidential debates, ako lang ang sumipot. “How will you deal with drugs?” sabi. Si Maria Ressa. Sabi ko, “Harshly.” Kasi fiscal ako eh. prosecutor. No compromise.
Mr. Tulfo: So tuloy itong…
PRESIDENT DUTERTE: Kayo ang sumunod ng batas. Hindi ako bibigay. Kasi ‘yung trabaho ko clear. Utos ng Constitution.
Ngayon, kung ayaw ninyong maniwala at hindi kayo makinig, eh problema na ninyo ‘yan. Hindi ako makiusap. Tuloy sabihin ko, “Umiwas kayo diyan sa drugs. Magpa-rehab na lang kayo.”
Pero sabihin ko sa inyo, kayong tinamaan ng drugs, ang inyong success rate is something like babalik ka eight… dalawang porsyento lang na… Lalabas ka malinis. Wala ka na.
At ‘yung may mga ngipin na walang… Pangag? [Anong tawag doon?]
Mr. Tulfo: Bungi.
PRESIDENT DUTERTE: Bungi. Bungi o… Bungi sa Tagalog?
Mr. Tulfo: Bungal.
PRESIDENT DUTERTE: Bungal? O ‘yang mga bungal wala na ‘yan. ‘Yung naubos na ‘yung dito? Wala na ‘yan. Mabuti pa ikulong mo na lang sa bahay mo gusto mo. Kay ‘pag hindi, lalabas ‘yan. ‘Pag-tinamaan ‘yan sa… makati na ang katawan sa droga. May alam ‘yang may pabili, wala siyang pera, mang-hold-up.
‘Yan ang nangyayari. Ngayon, isa ito. Kita mo sa — Doon nangyari sa… doon namatay si Kian, okay? Three days after, nag-operate ang Caloocan police. Three days after. Kita mo karami ng droga diyan? Pagpasok ng pulis noon, patay, sa ulo. Ni hindi man lang nilabas sa…
That day, sa Surigao, may isang major patay rin. I said, “Namamatayan ako ng pulis dalawa, tatlo. On the average is two.”
Araw-araw ‘yan may tinatamaan talaga. Droga kasi sinasabi ko sa kanila, “magtrabaho.”Sabihin mo, “Inorderan (order) mo kasi na patay.” Wala akong inorder (order) na ganun. G***. Ang sinabi ko, “I will des… I will kill you if you destroy my country.”
Find me a law international, local ordinansa which says I cannot make that statement to protect my country and to protect the people.
‘Pag sinabi ko, “Do not destroy the youth of my land.” kay ‘yan lang ang pinaka-asset namin sa buhay. Mga anak namin. Hanapan mo ako ng batas na nagsabi na…
Ngayon ‘yung… itong sila Parojinog, eh lumaban eh. Kasi may mga armas nga. At naman sa Ozamiz. Nakikinig naman sila. Mabili mo ang shabu over the… sa mga sari-sari.
Kagaya sa Tondo doon, bato. ‘Di pa ako na-presidente, meron ng bato. Ina-advertise nga ang produkto. Anak ng. Hindi, hindi ko pwedeng tanggapin ‘yan.
Sabihin ko sayo, kagaya ng sa Ombudsman, there are things in life na as a matter of principle, hindi ko matanggap. ‘Yang there is a vacuum and nobody can investigate you, you keep on sending, I will answer you.
But do it correctly because hindi ko kayo tinatakot. Hindi na lang para sakin. Hindi mo ako magalaw eh. Presidente ako. Ano gawin mo sa akin?
You cannot — You know that. You cannot investigate me. Puro publicity ‘yan eh. You cannot arrest me. You cannot charge me for anything. Alam… puro abogado.
But alam ninyo, at the end of the day, mag-abot tayo ng — Pagkatapos ko ng presidency, ‘pag wala kayong makita, isampal ko ‘yang dokumento ninyo sa…
So be sure na may makita kayo. Kung wala kayong pera, lagyan ninyo ‘yung aking ano… 200. ‘Pag hindi, p***** i**, magsakit ulo niyo sa…
Ginagawa mo ako — “Hoy, hindi ako pitsugin ha. ‘Wag ninyo ako takot-takutin ng — Sabi ko nung nag-Presidente ako, “Itaya ko ang honor ko, ang buhay ko, itong ‘pagka-Presidente ko.”
Sabi ko sa — Tatakot-takotin ako Trillanes sa military coup d’etat. Ang sabihin ko sa military pati police, “Bakit kayo magpatayan dahil sa akin? Puro kayo military. Military naman ang guwardiya dito.” O ‘di sabi ko, “Halika, kung sinong gustong military. Sige, itaas kamay ninyo.”
“O ako, ako na ang papalit kay Duterte sa junta na…” O sige. You solve the problem. Tanggapin ka ng tao. I won by six million. Ang acceptance rate ko is 86 until now. Ang 76 nagsabi, sang-ayon sila sa pamamaraan ko.
Ang mindset ng tao, ‘yung produkto ng advertisement ng kalaban na basta konektado ka sa droga, patay ka. ‘Yun ang gusto nila. Bakit? Matagal na ang Pilipino nagdusa sa droga.
Takot ang Pilipino sa droga. Lalo na ‘yung tatay at nanay wala dito. Ang dasal na lang niyan gabi-gabi kung ano na lang. Kasi wala sila diyan.
And remember: Ito, pamilya. But dahil sa kahirapan, pupunta ang papa. This family becomes dysfunctional. ‘Pag wala ang tatay, ‘di talaga kumpleto ‘yan, pagdisiplina, ganon.
‘Pag lumabas ang nanay, iiwan lang ang mga bata, dysfunctional na ang pamilya. Walang nanay at tatay. Tapos ngayon, kasi alam mo na nagpapadala ng mga pera ito, sisirain mo pa ang naiwan ng pag-asa nila, pinapa-aral nila. Eh bakit hindi kita patayin? To preserve the Filipino, including the idiots, including the criminals.
Kayong mga pari kasi gusto ninyo… Kunwari pa kayo. Magpa… magdala ka ng patay, magpa-blessing ka ng patay Linggo. Mumurahin ka ng pari. “Huwag ngayon. Bukas na ‘yan.” Sabihin mo, “Father, mabaho na ‘yan.” “Ah, walang…”
Tapos, ‘di ba nagbabayad ka. Kada bendi… kada — [garbled] Kristyanos ka. Kasi kung hindi ka raw ma… mabenditahan, ‘yung bata may kasalanan na. Baka mamatay walang relihiyon. Susmaryosep. Bolahin mo pa ang Pilipino. Maniwala pala kayo ng ganun?
Anong kasalanan ng bata? Kasalanan ng tatay pati nanay niya ‘yan. Anong.. Basta na lang kayo gagawa ng tao. Tapos sabihin kailangan ng — Maniwala kayo diyan. Diretso kayo sa Diyos. Hanap kayo ng lugar tapos, “We offer this child to you.”
Magpatay… pag ano, magpa-misa ka. Ano, bayad ka. Bakit hindi mo na lang ibigay libre? Bakit magbayad ka pa magpa-misa pa?
Mr. Tulfo: We’ll pause for a break, bayan. Magbabalik ho kaagad ang “Sa Totoo Lang.”
—- COMMERCIAL BREAK —
Mr. Tulfo: Sir, moving to another topic, Mr. President, si Department of Information Communication and Technology Secretary Salalima resigned. At ang sinabi po niya sa public when announced ‘to, doon sa mga tao niya, subordinates, was like, “There’s too much corruption in this agency and…” Pero sinabi niya, “The President probably do not know this.” Pero, this is the reason why he’s resigning. Ano po ba talaga ang real score?
PRESIDENT DUTERTE: Actually, he lied. Because days before, sa Cabinet meeting.
I’m sorry. Kilala ko siya. I’m not saying na corrupt ka. But days before, ganito nangyari. Ang mga ibang — Gusto ko kasi buksan ang… ang itong telecom para maging mura. Mas maraming maging mura.
‘Yung mga Chinese giants, six months nag-apply. Ang sinabi ko kasi sa kanila, dito sa kanila, “One month lang sila ang Cabinete, i-release na nila.”
I don’t — Bahala kayo. Basta ang mga directors, 14… 15 days of… They were asking for 12, 15. Sabi ko, “Okay. Gusto ninyo 15.” Ilalabas ninyo ‘yan.
Now, ‘yung sa kanya, maraming nagreklamo sa akin na parang partial siya. Kasi Vice President siya ng Globe eh. Pero alam ko ‘yun. But hindi ko naman sinasabi na may pinoprotektahan siya. Pero ‘yung iba, ‘yung mga giant telecommunications ng China, ng Singapore, wala siyang action.
Kaya sinabi ko doon sa Executive Secretary, “Bulungan mo na lang siya.” Kasi in one of his speeches — Although I am not saying na ano… Pinuri niya ‘yung — Marami siyang nalaman, galing siya sa Globe, in a parang meeting na attended by all.
So hindi mo dapat sabihin ‘yun. Pero for all the time, wala naman siyang sinabi na may corruption. Wala, wala talaga.
After ng meeting, uwi na kami, ganun. Everybody, lahat ng Cabinet member matanong mo, not a single meeting na nagsabi siya, “Mr. President, can I talk?” “Go ahead.” “Itong tao mo, itong ganun, ganun, ‘yung direktor mo…” Wala, nothing at all.
Except na maraming complaint kaya binulungan ko siya. Sabi ko, “Sabihin mo na lang kay… Mag-resign siya pero no…”
Mr. Tulfo: So, you asked him, sir, to resign?
PRESIDENT DUTERTE: Yes.
Mr. Tulfo: Because of this issue, sir?
PRESIDENT DUTERTE: Yes. Kasi nag — Ito, in fairness to him. Hindi ko naman sinasabi. It seems to me na he was favoring a company. Tapos hindi ka makapasok. Ang gusto ko nga maging mura at ‘yung interconnection, fast, mabilis.
Ngayon, sabi niya ‘yung portal ng government. Paano maging corruption na gobyerno man ‘yan? Sabi niya, “May nagalit kasi ‘yung portal.” Eh kung may mga financers diyan, it’s still government. Bakit… Sabi ko pati ‘yung sa gobyerno wala.
Kasi gusto ko rin… mga broadband ganun. Hindi — I have to… I have to say I’m sorry. I’m not quite familiar ‘yung mga telecom. Wala akong ano diyan. Basta ako, abogado lang eh. Tapos nagtapos ako ng career ko as a trial lawyer.
Mr. Tulfo: Sir…
PRESIDENT DUTERTE: Wala akong alam diyan, basta sabi ko — Tapos maya, marami na siyang sinabi. But nandito man ang mga Cabinet member. There was never a time na sinabi niya, “Mr. President, I’d like to talk about corruption.” But we always talk about corruption.
Kaya nga ‘yung marami akong pinaalis na diyan eh, mga tao ko pati ‘yung isang Secretary. Dito mismo sinabi ko, “Umalis ka diyan. Binobola mo ako.” Sabi ko, “You’re a ****. I do not want to see your face again.”
Kasi he denied so many things. Hindi niya alam ‘yung dokumento nasa harap ko na. Kaya ako nagalit. So sa kanya, wala naman akong galit, basta nag — Well, of course, nag-resign siya, tapos nagsalita siya ng corruption.
But you can ask any member of the Cabinet kasi ‘yan, it’s always raised, lalo na ‘yung corruption kasi galit ako sa corruption.
Mr. Tulfo: Sir, matanong ho kita. ‘Yung reklamo ba ng mga kababayan natin na mga tao, nakakarating din sa’yo? Kagaya po itong reklamo. We’re talking about communication. ‘Yung mahina po ‘yung internet, mahina po ‘yung broadband and yet, they charge. Mabilis silang sumingil, mataas ang singil.
PRESIDENT DUTERTE: Kaya nga.
Mr. Tulfo: Pinaka-pangit. What do you plan to do with this? ‘Yung reklamo ng mga kababayan natin?
PRESIDENT DUTERTE: That is why I was hurrying up a competition. The only way to improve your service is bigyan kita ng kompetensiya. Or if there are only two of you, mag-uusap kayo niyan.
Mr. Tulfo: Correct.
PRESIDENT DUTERTE: Sabihin mo, “Sige, tabla na lang ang singil natin.” Globe and… For example, hindi ito nangyari.
Pero sabihin ng Globe pati Smart, “O sige. You can always go into a cabal and parang i-cartel mo. “Dalawa lang tayo ‘di same.”
Ngayon, kung ito pala — Papasukin mo… Apat, lima, eh parang radio station o TV station.
“Dito kami… mang-ano sa amin. Mas marami kaming… Pa-advertise ka dito kay maraming…” Ganun rin ang sa ano, sa labas.
Dito kami sa mga bago kasi mabilis ang internet, mura. Because only by competition, ‘wag mo lang sobrahan kasi mag-deteriorate rin ang server. Mga… I need about 4, 5, o 6. Papasok lahat ‘yan, mamili ka. Parang istasyon ‘yan eh.
Mr. Tulfo: May mga nagpahayag na ba, sir, na mga foreign companies na gustong pumasok dito?
PRESIDENT DUTERTE: Nandiyan na sa opisina niya eh. Kaya nga sabi ko…
Mr. Tulfo: Ilan po ito, sir?
PRESIDENT DUTERTE: I don’t know. But I think it’s a… ‘Yung… Beginning with ‘H’?
Mr. Tulfo: Chinese, Australian?
PRESIDENT DUTERTE: Chinese. Meron rin ang — I don’t know about Singapore. Meron rin. May mga Amerikano rin but wala kasi, walang action.
Ang sinabi ko naman kasi sa Cabinet, “One month. Pagka hindi mo kaya, i-release mo, sabihin mo na “We cannot give this to you. We are sorry but…” Ilagay mo diyan para kung mag-abot sa akin, mabasa ko.
Eh hindi pwede ‘yang ganon. I will always support you.
Mr. Tulfo: Sir, another issue, ‘yung kay Martin Diño sa SBMA, Mr. President. Why did it take so long before the Palace interfered dito po sa problema between the Chairman and the Administrator?
PRESIDENT DUTERTE: Because I had to check. And I had to check that. Kailangan i-fuse ko ‘yung… ‘yung position niya pati ‘yung position ng Administrator. Talagang dapat i-fuse para smooth-sailing kasi Chairman was bickering.
So I had to explain. And it was not really default opinion, neither of the Administrator. But in the name of public interest for a cohesive office, finuse (fuse) ko. Pinagdikit ko ng isa.
So but I offered him the Undersecretary, ‘yung talagang sanay siya. He was a barangay captain. “Dito ka.” ‘Yun lang. Wala namang… walang issue diyan.
‘Di naman ako galit sa kanya. Wala naman akong nakitang mali. Ang nakita ko ‘yung mali, ‘yung istraktura mismo.
Mr. Tulfo: Sir, noong National Protest Day, you said you’re giving your hand to the Makabayan bloc to dialogue with them again, open the communications. Is it also applicable to the Reds na talk with Joma Sison? About… Because Secretary Bebot Bello said previously or few days ago na willing din si Joma and then he’s just waiting for your go signal para maumpisahan ulit ‘yung usapan sa Norway?
PRESIDENT DUTERTE: ‘Wag lang tayong mag-bolahan. ‘Yung Makabayan, itong mga lahat ng Left, isa lang ‘yan sila. They are really oriented to socialism. Ang problema, by force of arms.
I was quite close to them because ang certain principles ko — Meron akong set of values that favors socialism.
Ayaw man nilang maniwala na nagdating kami ng mahirap. Pumasok ka ito — Lalo na si Trillanes. Akala niya… ‘yung hindi namin kasalanan ‘yan, pumunta kami ng Mindanao, tapos nasuwertehan ang tatay ko, naging governor, ako na-mayor, pati ‘yung anak ko.
Sabihin niya kay Bello, sabi niya before the elections na nagkaroon daw ako ng maraming pera sa bangko.
Ito, tandaan mo, Erwin and to the public. Kung may deposito ako, any account. Pero hindi… hindi ako mag — Bakit ko siya bigyan ng waiver?
Hanapin mo ang totoong sarili mo. Pero kayong mga taga-bangko, alam… silipin ninyo ‘yung mga records ninyo. Kung may deposito ba akong umabot ng maski 50,000 sa inyo after the election.
Hirap nga ako, wala akong pera eh. Bakit ko i-bulsa ‘yung… Nung elections, hindi man ako maniwala na manalo ako. That is why I said I won by — Ang acceptability ko six million plus, plus the original, ‘yung 15 million. ‘Yung margin ko. What does that indicate to you?
Ngayon, ngayon. Sige ang pari, sige ang madre, lahat ng ano, mga leftist, kay ito ‘yung mga kuno. ‘Yung mga editor, sige, nandoon kayo. Sige, isulat niyo. Sige. Tapos lahat pati ‘yung Pew. ‘Yung American think-tank. Eh ‘yung Amerikano galit sa akin ‘yan eh.
Hindi naman ako galit sa kanila. Alam ko ang kasalanan nila. Hindi ko alam kung ano kasalanan ko sa kanila.
Well, maybe… Maybe na gusto lang mag… Gusto nila pansinin ko sila at gusto ko pansinin ako.
Well anyway, it says that they — Ang popular, ang rating ko was — acceptability ko 86 percent. 76 percent, sabi nila, parang, “Sang-ayon ba kayo sa ginagawa ni Duterte?” 76 percent.
‘Yung ginagawa ko ngayon, ‘yun ang gusto nila. Look, hindi lahat ng gusto ninyo ginagawa ko.
Mr. Tulfo: ‘Yung about peace talks with the NPA. Are you willing to send the… your team again, Secretary Bello, Jesus Dureza back to Norway?
PRESIDENT DUTERTE: Wala talagang mangyari niyan.
Mr. Tulfo: What will it take?
PRESIDENT DUTERTE: Kasi akala nila kaibigan nila ako na nung nanalo ako, ora mismo na kaagad. Hindi.
They’re so impatient. I would need about almost three years to hammer something. Pati itong MI, MN, the Muslim insurgency.
I need time. May time frame ako diyan. Dito sa BBL, pumayag na ang Congress. Sabi nila they will pass the BBL. I was assured by ‘yung pinatawag ko sa…
Mr. Tulfo: Sila House Speaker?
PRESIDENT DUTERTE: O, sabi ni Bebot, Alvarez, pati ‘yang si Rudy, “We will give you the BBL.” Sana do not… Give them also time to, you know, review everything.
So ito sila gusto apurahin ako tapos imbitahan ko dito, I’ve explained to them, galit pa. Pagka inumagahan, iba na ang sinasabi.
Sabi ko, “’Di gusto ninyo ng away.” Well, we have been at war 50 years, for 50 years. If you want another 50 years, fine.
Sabi ko, “Ako naga-recruit ako ngayon ng bata. Gusto ko bata.”
I need 20,000 troops to make Philippines safe. And I would need about 5 battalions of our SAF for urban terrorism alone.
Mr. Tulfo: You’ll not change your mind anymore, sir, about these peace talks? Is that final? Or there’s still room?
PRESIDENT DUTERTE: Nakakadala kasi. Kasi kung anong pinagsasabi na ganun. Sabagay, nagmumura rin ako pero itong mga ‘to, almost [dreaming?].
You know, when you come to a negotiation and you bring along a dream. Sometimes, it’s really impossible. ‘Yung gusto mo ‘yung, you do not go into the harsh realities of life, kung ang nandiyan. But you start to dream of things that are not really, that are unreachable stars. Mahirap ‘yan.
Mr. Tulfo: Alright. So let’s talk about a few days ago, you’ve mentioned about Sara Duterte to replace you. What was that? Because marami pong napataas ang kilay. Naku, ‘yung mga kalaban mo na naman, Ito na naman. Eh tumira na naman. Sabi nito, “Akala ba namin ayaw na ng Duterte diyan, bakit anak niya ngayon ang gusto niyang pumalit sa kanya?”
PRESIDENT DUTERTE: Why? Alam ba ng — The imponderables of life, alam mo ba talaga kung anong mangyari?
It started with a joke. Sabi nila, “Sinong papalit sa iyo sa ‘pagka-presidente kay…?”
Pero actually, senador ‘yang pina-plano ko. Sabi… Sabi… “Kailangan ‘yung disiplina mawala.”
They are o they were or they are. They are talking about me and for somebody like me to replace me when I…
Eh biniro ako kasi… kasi sabi ko, “Gusto ninyong — Pero babae ‘to. Gusto ninyo… Pero manipa ‘to, manuntok ‘to, manampal.”
Gusto ninyong ganun ang Presidente? Kasi ‘yun ang gawain ko eh. Talagang nagbu-budyak ako ng tao. Eh kung pulis lang. Sabihin mo, tanungin mo ang police Davao. Binubugbog ko talaga ‘yan ‘pag umaabuso. Lalo na ‘yang kung magbugbog ng civilian o ‘yung asawa. Sigurado.
Mr. Tulfo: Sir, it was just…
PRESIDENT DUTERTE: Sabi ko, sabi ko, sabi ko, “Gusto ninyo ng ganun? Si Inday.” Eh nagtawanan. Pero as I have said, ayaw ni Inday na sa politika. Nung — They were foisting the idea of me running for the presidency, ito lang talaga ang sinabi ko.
At ang taga-Davao alam nila ‘yan pati… Hindi ako iiwan ng Davao hanggang hindi ako sigurado kung sinong kapalit ko. Kasi sayang ang pinagpaguran ko. Look at Davao now.
Kayong napunta doon. Huwag nalang ‘yang makinig kay Trillanes. Pumunta ka ng Davao. May droga? Meron. Sachet, sachet. Malinis. Maglakad ka ng gabi, walang maggalaw sa iyo. Ikaw, taga-Davao ka man.
O, sabi ko, “Sayang kasi ang pinag-paguran.” I started with, “I will destroy you, I will kill you if you…” Kaya ganun.
Si Inday pumayag. So they… ‘yung nanalo, June 30 ako nag-oath dito eh. Mga June 28, nauna na sila, na nagpunta sila to attend.
Maniwala ka ba, July 30… July 1. May dumating ng resignation dito. Dumating ‘yan dito sa Malacañan.
July 1 nag-resign. Anak ng — Nagpabalik na naman ako ng lipad sa doon. Sabi ko, “’Day, ‘wag mo gawain ‘yan. Mapahiya tayo sa tao.”
Mr. Tulfo: Why did she do that? Why?
PRESIDENT DUTERTE: Ayaw na. Kaya napilitan lang siya para makatakbo ako. ‘Di ba sabi niya, “Okay, you run.” ‘Di ba nung unang sulat siya, “’Wag lang magpabola diyan sa mga tao diyan kasi tapos ka na. You have done your share of nation building. You are old. You should retire.”
Hindi man ako nag-retire. “Eh ikaw lang, gusto mo.” Ito, “His Excellency, Rodrigo Roa Duterte, President, Republic.” Ito, hindi ko gawa-gawa ha. Dumating ito sa Malacañan.
“Office of the President, Malacañan Palace, Manila. Dear Mr. President, I hereby tender my irrevocable resignation as Mayor of the City of Davao effective immediately. I cannot devote my full commitment to do my work and I am unable to discharge the functions of my office due to personal and health reasons.”
Wala naman siyang problema sa health. Alam ko eh. “Very truly yours,” very truly yours pa. “Sara Z. Duterte.”
“Copy furnished.” So kayong taga-Davao, kunin ninyo doon. Sabihin ninyo na nagbo-bola ako. “Copy furnished. Director [Emilio Limbaro?], City Head, Department of Interior and Local Government.”
Mr. Tulfo: So, it’s not gonna happen, ‘yung sinasabi niyo? Sir, it was just a joke?
PRESIDENT DUTERTE: Sabi ko, “Gusto ba ninyo ng…” Sabi kasi, ang kailangan kung — Akala siguro mamatay ako ng mga…
“Dapat ang papalit sayo ‘yung pareho sa iyo.” Kaya sabi ko, “Gusto niyo style ko?” “‘Yan ang ano.” “Sige. Pero babae ‘to.” “Sino?” “Si Inday.” Nambubugbog talaga. Kita naman ninyo sa TV, pati ‘yung…
Mr. Tulfo: Natatanggap niyo po ba ‘yung mga feedback sa mga tao, sa ordinary people na they are happy with what’s happening, ‘yung criminality, crime rate sa lugar nila, safe na sila, nakakauwi ng gabi, mga babae, ‘yung may mga areas lalo na ‘yung mga drug-prone areas pero safe na. Nakakarating ba sa iyo?
PRESIDENT DUTERTE: ‘Yung mga sales girl.
Mr. Tulfo: Nakakarating ho sa inyo?
PRESIDENT DUTERTE: Oo, sabi ng mga tao, sabi minsan… Pero hindi na kasi ako nakakalabas. Pero ‘yung mga Cabinet members, DILG, ‘yung feedback na kasi wala na masyadong babae na nare-rape, sa bus pinapatay.
Sabi ko na lang — Going back to you, how do you take the advice of the religious people who say that marami na namatay and yet protect?
My take is I protect the innocent and the law-abiding citizen and God-fearing citizens, to protect them from the idiots. “And I will not hesitate,” I said. “If you destroy my country, I will kill you. If you destroy the young of the land, I will kill you. No compromise. I put at stake my honor, my life and the presidency.”
Mr. Tulfo: Would you like to thank your supporters, sir, who keeps on supporting you to this day?
PRESIDENT DUTERTE: Yes. To the Filipino people, salamat ho sa suporta ninyo. Because the surveys shows, all — Pulse Asia, everything. So walang manipulation. Hindi fake news ‘yan.
So ako naman, I am grateful, not elated. Nagmamagandang loob ho ako sa inyo na naintindihan ninyo ang trabaho ko. ‘Yun lang.
Kasi sino man ako magpapatay ng inosente? Sino man akong gustong pumatay ng tao? But yet, dito sa mundong ito, this world is not that perfect. Life has never been perfect.
May mga gusto natin na karamihan sa atin, gusto ng pamilya, hanap-buhay. Ako, gusto kong lumago ‘yung ekonomiya and the… itong mga OFW to come home to rebuild their families.
Kasi sabi ko, once the… ‘Pag isang anak mo nasa droga, dysfunctional. Problema. Nakaw dito, nakaw doon.
Dahil ‘pag nawala ang tatay mag-trabaho, dysfunctional family. ‘Pag nawala ang nanay o both of them are working, the family is in shambles.
Mr. Tulfo: Maraming salamat po, Mr. President. At ‘yan naman po ang isa na namang edisyon ng “Sa Totoo Lang.” We’ll you see here again next week. Kasama pa rin po ang Pangulo para sagutin po ang inyong mga katanungan, “Sa Totoo Lang.”
—END—