
(Note from MindaNews: This is the official transcript of President Rodrigo Duterte’s speech, released by the Presidential News Desk of the Presidential Communications Office)
Presidential Communications Office
Presidential News Desk
SPEECH OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING THE
LAUNCHING OF THE MAGUINDANAO BALIK BARIL PROGRAM
[Delivered in Buluan, Maguindanao | 25 April 2018]
Maraming salamat po sa inyo. Mag-upo po kayo at magkwe-kwentuhan tayo.
The Defense Secretary Delfin Lorenzana and the other members of the Cabinet; ARMM Regional Governor Mujiv Hataman; Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu; AFP Chief of Staff Lieutenant General Carlito Galvez; ‘yung bago nating Police, PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, nandito po siya; mga mahal kong kapatid, ang mga Moro.
Meron ho akong isang prepared speech. Pero dalawang pages lang po. But I want to open my heart at may sasabihin lang ako sa inyo para sana dasal ko sa pangulo, magkakaintindihan lang po tayo. Tutal ako naman ‘yan eh.
Eh Maranao rin ako, maski na kaliit-liit pong dugo, eh gusto kong ipaabot sa inyo na talaga sa puso ko gusto kong tumulong sa lahat. [applause]
About 60 years ago, isa lang itong probinsyang Cotabato. Ang governor po dito si Governor Udtog Matalam. Ang Davao po iisang probinsya lang ‘yan. Ang governor noon tatay ko.
Okay ang… merong mga disturbing incidents but hindi naman ho umabot sa scale na ngayon ang patayan. Hindi lang doon sa sabihin mo Christian pati Moro o Moro, Moro mag-rido.
Napaka-dami kasing baril at wala na tayong ginawa kung hindi gamitin ‘yan para pumatay ng kapwa tao.
Alam ko, pati ako mahal natin ang baril. Eh nasa kultura eh. Kultura talaga ng Moro na may isa kang baril. Hindi ko ho malaman na gaano karami nito kay kung alam ko lang noon na ganito ang karami ng armas ng rebelde, eh ‘di nag-surrender na sana ako. Karami niyan. Puro patayan. Eh ilang buhay ng…
Hindi lang, hindi lang sundalo, gobyerno. Pati rido-rido. Wala na tayong ginawa kung hindi magpatayan. Okay man ako na makakuha kayo ng baril uli. Maraming paraan eh at maraming dahilan para gumamit ng baril.
But you know, it is a fundamental rule na kung may armas tayo, pang-depensa lang. It is not to wage war against your own country. Sapagkat isa lang ‘to. Wala naman tayong mapuntahan kung mag-ubusan tayo dito.
And for those who have adopted ‘yang terrorism, hindi atin ‘yan. Hindi ganun Islam ang tinuro ng lola ko. Nagkwe-kwento ‘yan sila nung mag-bakasyon kami every vacation, tag-two months. We used to go to Iligan. May bakery kami diyan.
Lolo ko Chinese eh. Tapos sa Marawi. Alam ko — hindi ‘yun ‘yung tinuro nila ‘yung ganun na paraan na basta na lang wala ng katapusan.
Simula noon, 1972 campaign umabot na ‘yung mga rebelde na Muslim diyan sa [unclear] at marami nang pumatay ang mga black church. Hanggang ngayon, hanggang ngayon wala talagang nakita.
(Notes from MindaNews:
1. [unclear] — the President actually said PC Hill or Pedro Colina Hill in Cotabato City
2. Blackshirts, not ‘black church.’)
Eh generation for generation, instead of passing to them a land that is theirs developed at magkaroon sila ng edukasyon, isa pa ‘yan. Alam mo ‘pag hindi mo…
‘Yan sinabi ko sa Lanao. Mga kapatid ko sige sila… Kaya alam ko mainit ‘yung Lanao na. Pero sabi ko, kung hanggang lang dito, hindi kayo makalabas dito sa Lanao. Hanggang dito lang talaga kayo.
Ngayon, wala akong sinasabi na pinagyayabang ko na ako, pero ako ang pinaka, you know your best bet of recent memory na pwede tayong mag-intindihan.
Iwanan na muna natin ‘yan tutal nag-uusap naman tayo. Nandiyan ‘yung MI. We are talking and we are very civil with the issues.
Si Nur naman, sabi, “kung ano lang ang timetable ni Mayor Duterte.” O ‘di [unclear] lang muna ‘yung mga tiga-pagulo, ‘yung mga terorista, ISIS, iwanan ninyo ‘yan, wala ng…
Tingnan mo ang ginawa nila sa Middle East. They went on a rampage. Alam ko na ang may kasalanan din [unclear] diyan ‘yung mga Western nation na pumunta doon para gumulo. Kinuha ‘yung oil ng Arab at they built their countries to prosperity at the expense of the Arab oil. Kaya ‘yan. Kaya galit sila. Talagang may rason sila because they were exploited.
And then they divided the country arbitrarily. Hindi sang-ayon sa mga tao doon. And that is war. That is why Iraq invades Kuwait. Ang Kuwait naman padala natin.
The latest victim doon sa Kuwait, mind you taga — I think she was a Maguindanao. ‘Yung last ko na, second to the last na pauwi ko. ‘Yung pinaghahampas ng…
She was a Moro. Kaya ako nagalit rin. Nagkaroon tayo ng konting gulo sa ating diplomatic relations. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang tanggapin na ganun ang kababayan ko.
Kaya ako nagmura at nag-usap kami nung isang gabi. ‘Di okay na. Basta itong akin, walang rape o abuse. Kailangan makatulog sila ng seven hours, the least. Makaluto sila. Ang passport nila doon sa embassy natin. At may day-off sila.
Sabi ko, ‘pag nakumpleto ‘yan, pumayag kayo, baka pupunta ako sa Kuwait para sa signing. Pero mientras tanto na inaabuso mo, mind you, maraming Moro girls at women nandoon, isipin ninyo ‘yan.
Kaya sa kahirap, pumupunta doon. Eh samantalang lumabas ka dito maski ulan, makita mo ‘yung bayan natin napakaganda.
I am willing na ‘pag transition o wala pa, I will declare the whole of Mindanao a land reform area. Lahat ibigay ko, pati ‘yung lupa ng gobyerno. ‘Yung bukid mataniman mo ng rubber, mataniman mo ng palm oil. Ibigay ko…
Hanapin ninyo ‘yung lupa ng gobyerno o ‘yung mga kampo ng military, ‘pag nagkaroon tayo ng kapayapaan, inyo na ‘yan. Hindi naman natin kailangan ng magandang…
Walang mangyayari. So let us fast-track ‘yung BBL. Itong BBL, hindi naman sino-solo ang Moroland. Parang liberal party o national party, magdadala lang ng boses ng Moro. Para mapakinggan at maayos natin.
At ako, nangangako ako na before May, lulusot ‘yan after — before the end of May, lulusot na ‘yan. ‘Pag hindi, baka mag-resign ako pagka-presidente. Inyo na lang ‘yan hindi ko talaga kaya.
Wala ring silbi eh. Kung bigyan mo lang naman ako ganitong administrasyon, until the end of my term, frankly, I would rather resign. Napapagod na ako to solve the problem.
Ako, gusto ko ma-pwesto kayo. At kausapin ko si Nur kung ano rin ang arrangement. But you will have a definite Moro territory. Pwede na natin tingnan diyan.
Kaya sabi ko, the whole of Mindanao. Lahat ng gobyernong lupa, inyo na ‘yan. Wala… Tao naman talga ang may-ari eh. Wala man ring silbi. It is underdeveloped and so what will…
Magusap lang tayo. Pahinga lang muna kayo. Eh kasi kung mabaril mo isang military o pulis, maghahanap talaga ito ng ganti. Walang katapusan ‘yan. Walang mananalo dito maniwala kayo. We will end up a poor country forever fighting each other. Maniwala kayo.
So ‘yung sitwasyon noon ng tatay ko pati si Matalammedyo mag-im… sana mag-improve, buma — nag-retrogress tayo pabalik.
Ngayon, kung wala kayong paniwalaan, wala na talagang pag-asa.
If you don’t believe in the national leadership and to think that I’m one of you o sinong paniwalaan ninyo? ‘Di ang last recourse kung hindi tayo magkaintindihan armas. Anong, anong maibigay niyan sa pamilya mo?
Come to think of it. Ma-edukar mo ba ang pamilya mo diyan? Can you educate them using your gun? Can you plant a livelihood, gamitin mo ‘yan? Ako, alam ko, kung mag-isa ka langpara… Alam ko ‘yung Moro insecurity. Dahil kailangan talaga may pang-depensa sa bayan. Wala akong…
Bilihan ko pa kayo ng bago usa-usa. Eh wala, luma naman ‘yan. Sabihin ko sa Army, bigyan kayo bago isa lang para sa bahay. ‘Yung mga bata, bigyan ko rin kayo, mga short para mag-rido kayo diyan, mag-[unclear] kayo sa babae. Sige. Mag-ubusan kayo diyan. Ang titigas ng ulo eh.
Wala mang presidente na talaga — minority man tayo. Minority ang Moro. Hindi tayo makapag-gawa ng presidente. Hindi man rin papayag na…
Magkamukha tayo eh. Many years ago dumating ang Islam. So kung hindi ka dito Maguindanao, Maranao, Iranun, o Sama o Tausug. Eh hindi ka taga-Mindanao, dayo ka sa Mindanao.
Pero may mga iba nag-mix. Mga Ilocano, eh madali makipag-ano sa Moro. Ang Ilonggo medyo, you know. If you intend to stay here, hindi ka naman lilipat. Huwag na lang natin ito guluhin ang bayan natin.
Look at the Middle East. Ako, I condemned the Western nation for taking advantage of the Arab many years ago. Ganito sila kayaman, dito hanggang ngayon, nag-sige pa away.
And a country invaded another Iraq. Sabi nila may weapons of mass destruction, pagdating doon pala wala. They undermined Iraq, undermined Gaddafi. O tingnan mo nangyari. T*** i**. Tingnan mo ngayon.
May hawak na isang leader. Patayin mo, maki-alam ka. ‘Yan ang mahirap sa Western country, mas marunong ang mga p****** i** kaysa atin. Na alam naman nila talaga mas bright tayo sa kanila.
Eh sinisira tayo eh. Tinuturuan tayo kung papaano. Si President Widodo nagko-complain. Si Najib ganun rin. Ang Cambodia, iniipit nila.
Actually, diyan sa — prankahan ko kayo. Sa ASEAN, except maybe Thailand, wala silang makuha diyan. Me? I am for the Filipino period. I am for the Moro period. Filipino ka eh. Kaya tayo magkamukha.
Tapos many years after sa Islam pumasok ang relihiyon ng Kristiyanismo, dala-dala ng banyaga na Magellan.
Kaya nga ang pinaka-hero nating una si Lapu-Lapu. Ngayon na lang sa panahon ko, si Lapu-Lapu was elevated to a national hero. Kaya ‘yung mga sundalo natin, marami tayong sundalong Moro namatay rin.
Huwag kayong iiyak diyan na sabihin mo gobyerno, gobyerno. Maraming mahusay na sundalo na Moro namatay diyan sa Marawi.
Kaya ako nag-order ako, the Order of Lapu-Lapu. ‘Pag tigas ka, ‘yan binibigay ko.
Alam mo itong mga taga-Maynila, palibhasa — ewan ko. Tingin nila sa atin…
Ang pinaka-hero natin — tatay ko Bisaya eh. O sa Cebu. But Lapu-Lapu was a Muslim actually. Baka hindi niyo alam ‘yan. Kaya niya tinaga… Hindi talaga sila magkaintindihan ni Magellan. Eh Kristiyano ‘yun, eh itong isa Muslim.
O tinaga. So ang first hero na lumaban sa mga foreign aggression si Lapu-Lapu. Anong ginawa ng Maynila? Wala tayong hero sa Visayas o saMindanao. Nandiyan, Sikatuna [unclear].Si Lapu-Lapu ang number one pumatay, ginawang isda. T**** i** niya.
Ginawang escabeche na Lapu-Lapu. Sabihin mo, “anong ulam mo diyan ngayon?”
Kaya ako nagalit. Nung pumunta ako sa Cebu, ang istatwa ni Lapu-Lapu maliit, ‘yung kay Magellan… Sabi ko, ‘pag ako ang na-presidente, palit, palitan ninyo ‘yan. It does not fit into the reality of our lives. Pilipino tayo eh. Bakit si Magellan naki-alam pa dito? Okay man lang sana naki-alam pero it was a bloodbath.
Well, I am not familiar. But more or less, sabi niyo 100 years ahead. But I went into the archives, to read the archives of Malaysia. I would say that mga 80 years to be exact dumating talaga, well ahead ang Islam.
So ‘yan ang istorya diyan. Kung ayaw ninyong maniwala sa akin, sige kayo tingin ng kalaban, ‘di naman ako kalaban diyan.
Sigurado diyan, sa tatlo o apat, may isa diyan Moro. Kung hindi, Tausug, Maranao. And so [unclear]. Wala namang nananalo hanggang ngayon. O ‘di bakit hindi na lang kayo makinig?
I said I will proclaim the entire Mindanao, almost, as a land reform area. [applause] Para kunin na ninyo. Ang akin na lang ‘yung mga tractor. Pero huwag ninyo isangla. Mamaya ‘yung tractor binigay ko dito, makita ko doon sa Davao sa sanglaan. [laughter]
O walang ganunan. Tinarong man itong sabot natin. (Seryoso ‘yung usapan nating ‘to).Ang akin eh tractor na lang. I will give the lands away. Ano bang gamitin ko diyan sa bukid? Bigay ko na lang ‘yan tapos seedling as support. ‘Yan na lang muna tapos commercial.
I’m willing to allow the Arabs to enter. Sabihin mo lang sa kanila, kayong mga terorista, “do not f*** it here.”
Kasi magka-ano lang tayo eh. Madamay mga anak namin. Takbo-takbo ‘yung mga nanay namin na matanda na.
Meron kayong sariling giyera, you fight it out there. Leave us in peace. Ako, ayaw ko talaga. Basta terorista, wala akong… Well, I will never talk to a — I will talk to a Moro but I will never talk to a terrorist, hindi ako makipag-ano.
Tatalon tayo sa impyerno lahat, basta ‘yang mga terorista sabihin niyo, “umuwi kayo.” Ako talagang walang…
And I’m trying to talk to the NPAs. Baka — well, by the grace of Allah baka ma-successful din. ‘Pag mawala ito, iimprove ang Mindanao. Sabihin ko sa’yo, I will be fair in the distribution of the taxes.
Basta ako may reserba. Kayong mga rebelde, bahay ‘yung ginawa ko. O kung gusto mo mansyon, maghintay ka lang, kay mag-iipon pa ako ng pera. [laughter]
‘Yung sa Marawi, I can expand it a little bit better. I guarantee you housing kaagad. Magbitaw na kaagad ako, housing. ‘Yung nag-surrender tapos mamili ka, magtingin-tingin ka diyan ng mga lupa, tanong-tanong ka.
Si [unclear] lahat naman kayo ‘yung official, mag-usap na lang kayo kung ano kayang mabuti kasi eleksyon pa naman. Huwag na lang kayong mag-away. Takbo na lang tayong lahat. I think si [Jong?]is interested to become a senator? [applause]
Pormado o. [laughter] Okay na talaga. Baka… Depensahan mo kami ha pagdating mo doon ‘pag — marami… Politika lang naman ‘yun. [applause]
You know ganito ‘yan. I can take criticism. Babuyin mo na ako o ano, “Duterte, inutil ‘yan hindi marunong.” Okay lang sa akin. You know why? Kayo ang nagbabayad sa sweldo ko. Kayo ‘yung amo ko.
So kung magalit kayo sa akin for incompetence o walang nagawa, karapat-dapat lang kasi kayo nagbayad ng sweldo. For Filipino citizen.
But I will never, never agree itong mga puti tapos magpunta dito, murahin. ‘Yung isa doon na hindi namin pinapasok, ‘yun ‘yung nagmura ng pulis na ‘yung pulis umiiyak na lang, hindi na makapigil. Eh pinipigilan niya sarili niya, umiyak na lang kasi minumura. Hindi mangyari ‘yan sa panahon ko.
Sasabihin ko sa pulis, “batutain mo ‘yang bunganga niyang p**** i**.” Lahat na foreigners, Arab o… Ayaw ko. Gusto ang tigas, ‘yung Pilipino. Murahin ninyo ako.
I am a government worker. Kami lahat. Wala kang — kung ‘di ka nakontento kay — sa serbisyo ni… Say so. O ganun.
Pero ‘yung foreigner magpunta dito ‘yung mga pari pati, ah… Kung ganunin mo ako, hampasin kita ng — Eh hindi ‘yan pwede ganun na hindi ka naman Pilipino, hindi ka naman nakabayad sweldo ko, bakit ganunin mo ako?
Pati kayo, huwag kayong magpa — a Moro should be proud but a Moro should also understand a problem of his generation. A good Moro must provide a good future for his children. [applause]
And as a — may dugong… I promise you. I will do everything. Hindi naman ako gaya ng ibang leader. Ako ‘pag sinabi mo, yayariin kita, yayariin kita.
‘Pag sinabi ko ‘yan na, ‘yan na ‘yan. Hindi ako nag — hindi ako nagbobola. Kasi wala akong obligasyon magbola.
I do not have a duty to lie. Why should I lie? [applause] Kung ano lang ‘yung totoo. ‘Pag sinabi ko mahal ko kayo, huwag kayo — mahal ko talaga kayo, lahat Pilipino.
[unclear]electing me. Dito in the Mindanao area. Sabagay in Lanao, galing ako roon 74 percent ako. Nag-wallop talaga ako dito. Eh why did you vote for me? Alam na ninyo kung bakit.
Matagal ako sa serbisyo ng Davao at alam ninyo na more than just friendship,we have something in common. ‘Yun lang naman, maniwala lang kayo sa akin, muna.
Kung gusto mo, ayaw mong maniwala, sige kunin mo uli ‘yung baril mo, mag-uwi — iuwi mo. Ganun ako kakampante sa iyo. Hindi — it really…
Gabi na. Baka ma — maya matirik pa ‘yang helicopter ko nawala na kayong Duterte. [laughter] Sino man, sinong ka-deal ninyo kung mamatay ako? Magmalasakit kaya gaya ko? [applause]
Actually, symbolic lang ‘to. But if I cannot convey my message, hindi papasok sa puso ninyo, maski limahin mo ito, wala rin.
If you cannot get my message and absorb it and give it a chance to grow in your heart with the hope that someday may magawa ako before I go out of office. [applause]
Pero does not really matter to me. Sinong may maganda diyan? Saan mo nakuha ‘yan, baka pareho tayong source ha? [laughter] Mahilig man rin ako sa baril.
Sige nga ako — kanina, sige ako lunok ng laway. T*** i**** ‘to ah. Maraming magaganda dito.
Meron ako sa lahat ng model ninyo. Hindi, hindi, baka ‘yan ang hintayin ng pulis. Wala, isa, dalawa lang. [laughter]
‘Yung totoo, iba ‘yun. Dito, istorya lang man ito. [laughter]
So hindi na ako magtagal. Give me time, this year. Hindi ako nag-next year, next election. This year. Kukumpletuhin ko ‘yan. Unahin muna natin ‘yung BBL. [applause]
So hindi na ako magtagal kasi may pinangakuan ako sa Gen San. So galing dito. At least maligaya ako nandito kayo, nakinig kayo.
At sabi ko, let it enter into your hearts and nurture it for a — iwan mo lang diyan. At tingnan mo na lang kung ano ang, ang lalabas ng usapan natin.
I made promises, I intend to keep it. Sigurado ‘yan. [applause]
Assalamualaikum. Maraming salamat po.
— END —