
(Note from MindaNews: This is the official transcript of President Rodrigo Duterte’s speech, released by the Presidential News Desk of the Presidential Communications Office)
Presidential Communications Operations Office
Presidential News Desk
SPEECH OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING HIS MEETING WITH THE FILIPINO COMMUNITY IN ISRAEL
[Delivered at Ramada Hotel, Jerusalem | 02 September 2018]
Maraming salamat po. Kindly sit down. [crowd cheers]
Alam mo bihirang-bihira ako umiiyak. [ cheers] Lalo na nung — I could remember maybe the times that I cried, when my father and mother died. But rare, very rare.
Ito lang ang bisita ko na maybe I will do it again, [cheers] I really do not know. But this is the first time napaluha ako na nandito ako sa aking mga kababayang Pilipino. [cheers]
Maybe because nandito rin ako sa Holy Land. And do not believe that… Hindi ko naman sinabing hindi ako naniniwala ng Diyos. Sinabi ko lang, “ayaw kong maniwala sa Diyos mo”. [cheers]
You know, when you attack me in public using God as a platform picturing me or portaying me as a devil or — you open the issue to debate. I believe in the supreme God that my father and mother passed into me. So huwag kayong maniwala diyan sa intriga na hindi ako naniniwala ng Diyos.
Politika lang ‘yan kagaya ng — ngayon sinasabi nila na may shortage daw ng bigas. Eh marami namang bigas eh, paparating pa nga dito eh. [laughter] Ngayon sumobra nga eh.
Hindi, you know, those are politics. But I would like to remind you that I won because of the vote of the Filipino. [cheers]
Alam ninyo na wala akong… Well, PDP was a political party pero but it was moribund. Hindi masyadong active with a few members.
But when I ran, it become the — it has become the party now because of the one… Well, you know pagka-presidente ikaw talaga ang humahawak ng partido.
So mamaya ko na lang ipakilala ‘yung mga bisita natin kasi I have some urgent things to tell you.
First is I would like to thank Israel for inviting me to visit the Holy Land. [applause] Second is I would also like to say thank you for hosting so many of my countrymen in the State of Israel and that… I have yet to hear any — any na problema manggaling man sa ano-anong klaseng Pilipino nandito.
You know, alam mo tayong Pilipino ganito eh, you speak — we speak different languages. Ako Bisaya, kayo Ilocano. Then ‘yung iba Bicolano. [cheers]
Sige, sige, sige puro gwapo na lang para — maganda para ano. Sa bagay one of the few Filipino places outside of the country nakikita ko na may — maraming maganda talaga. Sa lobby palang, bakit ang magaganda hindi pinapasok? [laughter] Bakit ang mas maganda lang ang pinapasok? [cheers]
Well anyway I would like to say with gratitude sa Israel for inviting me and for being good to my countrymen. [applause]
Besides siguro — I… Ang asawa ko Zimmerman. So one of the few ‘yung pumunta sa Pilipinas noong — when there was war in Europe. They were there to seek sanctuary. They were there to avoid the trouble of the times. And my daughter is Zimmerman. [applause] One of those descendants nila. Kaya ito — pero ito lang ang Zimmerman nanununtok ng sheriff sa… [laughter]
Well that is the first. The second is I’m here because of the sheer number of Filipinos and I would like to just have a dialogue with the government. Tingnan ko kung anong maitulong ko para to better manage the huge number of my countrymen here.
And after that I’ll go to Jordan also there’s some 48,000 doon, mga 28[,000] kayo dito. It behooves upon me to see to it na ‘yung mga kababayan kong Pilipino are in the best of health and in a state of living na maganda.
One of the best places that we have to… And I don’t mind isa sa pinakamagandang lugar na pwede mo talagang mapuntahan and you are treated as a human being. [cheers]
Kaya if hindi naman minasama, if it does not really a wrong proposal, pardon me, but if Israel would want, ipadala ko na lahat ang Pilipino dito [cheers] kasi mas maganda ang buhay dito.
Well, ngayon about my — about my job, I said you voted for me. I never had — except for the help of Imee Marcos in Luzon and Abet Garcia of Bataan, wala na po akong lider ni barangay captain ni isa o kagawad lang man, wala ako.
In the entire Visayas where my father comes from, Cebu, Danao, wala nga ako doon. In the entire region sa Cebu, wala akong ni isang… Doon ang tatay ko ipinanganak ha, ni wala akong isang — maski konsehal na barangay.
And in Mindanao well of course taga-roon na kasi ako. I raised — I was nurtured and I grew up in Mindanao so Mindanaoan talaga ako. I would never claim to be anything else except a creature coming from…
So nanalo talaga ako and it was because of my messaging. Now I’d like to tell you, I came here for is really to explain to you na all the promises that I have made to the Filipino kino-comply ko ngayon.
Madali lang kasi ako noon matapos ng speech because I had none. Except that I said if you elect me about five funda… Even during the presidential debates, I was the first to finish because kokonti lang ang masabi ko.
Ang sinabi ko lang sa Pilipino na I will try to stop corruption in government. [cheers]
Ginagawa ko po ‘yan.
And the first to benefit from that order was ang mga kababayan ko even returning to the Philippines. Wala na hong inspection ngayon ng mga bag. Ipinagbawal ko talaga ‘yan.
Wala na. ‘Pag uwi kayo, wala ng… Alam mo kasi I really find it almost unsettling na wala — no particular administration — na pagbaba niyan sa pag-deplane sa cargo, it goes down to a bodega and it is loaded to a conveyor going up. Meron na ang X-ray doon. Bakit pa mo mag-X-ray nung…? Kaya sabi ko, “tanggalin na ninyo ‘yan pati ‘yang p*****…” [applause and cheers]
Sabi ko bakit…? Pati ‘yang tanim… ‘Pag nahuli ko kayo diyan sabi ko kakainin mo talaga ‘yan y*** ka. [laughter] Oo, ngayon wala na ‘yan.
Kung tanim pera, huwag na lang kayong maingay eh ‘di lagyan mo na para lang… Pero you can go in and out sa Customs ngayon, wala ng… May X-ray eh kung — kung walang silbi ‘yan p*** eh ‘di itapon na natin ‘yan. [laughter]
So ‘yan ang isa diyan no more… Ni-warningan… Tugade is here. Si Art Tugade ito ‘yung classmate ko sa law school sa San Beda. He was our valedictorian. Kaya kita mo ngayon ang kagaganda ng infrastructure ng mga high — mga airports o mga…
Kanya ‘yan sa Cebu. Kayong mga taga-Cebu if you go home now, kaganda ng airport ninyo totoo lang. [applause] First class, just like Hong Kong.
Alam mo, sabihan ko ‘yan, Tu… Art, tumindig ka nga. Taga-Cagayan ito. [cheers and applause]
Mahusay ito. Valedictorian namin ‘yan sa College of Law. And alam mo, noon he used to be a working student. But through hardwork, he was at that time a student but he was already a CEO of a shipping company. Ngayon po bilyonaryo ito. Huwag kayong maniwala ng mga — no such thing. He is really a billionaire. Isa sa mga classmate ko. [applause]
Kaya nag-assemble ako ng lahat na ano na walang… Basta corruption, wala ‘yan. Ang the latest that I fired was a general of the Armed Forces of the Philippines.
Sabi ko sa kanila, “huwag na huwag.” Kasi ‘yung team ko na pumasok kasama ko noong puro nagsilbi sa akin since I was a mayor, nawala na almost lahat. Kaya ‘yan ang irony of life.
Pupunta sa iyo, udyukin ka, sabihin, “Rod, tumakbo ka na kasi corruption dito — baka matapos ‘to.” Eh nag-presidente nga ako, sila naman pala ang nauna. [laughter]
Hay naku, ganyan talaga ang buhay kaya kayo, nung mag-uwi kayo, papatakbuhin kayo doon ng mayor tapos ganun ang — ay sus nako.
Sabihin mo na okay lang basta matino lang kayong lahat. I cannot… I’ve been mayor for 23 years sa Davao. I’ve been a congressman and I’ve been a vice mayor to my daughter ‘yung panahon na nambubugbog ng tao ‘to. [laughter] He really… She really mauled the sheriff. [laughter]
I don’t know but hindi sila nagkaintindihan. I have assembled men na — and puro — puro ano ‘to — puro talagang maasahan ninyo kasi ‘yan ang pangako ko at ako po’y galing sa hirap.
Pagka umalis ka ng isang probinsya mo at pupunta ka ng Mindanao, ikaw po ay immigrant ka lang doon or migrants ka lang doon.
So, pagka ikaw ay Kristiyanos, ikaw ay Tagalog, Bisaya, you are not from Mindanao. Ang Mindanao, kung may mga kapatid tayo dito, are all Moro, that’s the tribe.
They are not Arab but they are Moro but they are all Muslims. So ‘pag nagpunta ka doon ang salita — if your mother tongue you talk in Tagalog, Ilocano, Bisaya, not the Maguindanao, Maranao, Iranun, Sama, Tausug pati Yakan, those are the major tribes who were there ahead first because Islam was first there to evangelize the [unclear].
The Christians followed kaya tayong lahat… Well of course, my mother is a Mindanaoan. Pero ‘yung pumasok doon halos lahat kami mga taga-Davao, puro kami migrants. Pero pumunta kami doon kasi mahirap lang kami.
We would have ventured to — kagaya natin. We have to go to a new land to cultivate a — anong bagay so that greener pasture, may maibigay tayo sa ating mga anak.
Kaya ako diyan, i-explain ko lang in relation to the second pangako ko, kaya ako maraming kaso. G*** kasi ‘tong mga… [laughter]
Sabi kasi nila — sinabi ko what was my second promise? I will put to stop droga. [cheers and applause]
When I became mayor of Davao, I said to the community, I am going to build a city not for rich people because that is an economy — laro ng ekonomiya ‘yan. But I’ll build a city that would be comfortable for you.
So sinabi ko, do not destroy the city that I’m going to build for my Davaoeño brothers and sisters. Do not destroy our children kasi ‘yan lang ang kayamanan namin. [applause]
‘Pag matanda na kami, hindi naman kami milyonaryo. So pagtanda namin, papaaralin namin ‘yung mga anak namin at matanda na kami may mag — somebody will feed us lugaw, kung hindi find a way for our medicines, magbayad sa oxygen mo, pagkatapos magbili ng memorial park para ilibing ka.
Kasali na ang punenarya diyan. Mahal masyado mamatay. Do not do it because I will kill you. [cheers and applause]
Kayong mga hindi taga-Davao, try… If you have accumulated maybe savings, go to Davao. And look at Davao. Ang mahirap lang sa Davao, it used to be 2 o’clock. Noong nag-mayor ako sabi ko, one, tapos na ‘yan because you know we have to sleep, we have to work.
Sabi ko, no smoking. Ibinawal ko na. Maski saan sa Davao wala kang makitang nag-sigarilyo. Totoo. Walang magsabi — hindi ko daw kaya. [applause]
Sabi ko, tingnan natin. Wala ng paputok sa pasko. Silent night, holy night. You know [laughter] it’s holy and silent so stop the godd**** thing. ‘Yun ang ano ko.
Davao is… Alas-dose akala mo martial law. Tahimik na talaga ang Davao. Totoo ‘yan punta man kayo.
Tapos pagdating ni Inday naman, ewan ko kung anong nakain ni Inday. [laughter] Ginawa na niyang — sabi niya, “O, t****i*** mo, sige alas-dose na.”
So ngayon alas-dose, mas matahimik na ang Davao. Walang lumalabas sa Davao. ‘Yang tambay-tambay sa kanto. Makita ka nito pagdaan niya, wala huli ka. Wala, wala talaga sa Davao. ‘Yang mga tambay-tambay sa gabi? Malinis ang daan.
Meron diyan convenient store, meron diyan mga… Pero ‘yung bugoy-bugoy, wala na. So gusto ko sanang gawain sa Pilipinas ‘yan. Pero mahirapan ako dahil alam mo na… Etong t******* human rights. [laughter and cheers]
Well, I am not referring to any particular person or attributing it to a personality, no. But alam mo matindi…
Sabihin ko na sa inyo ngayon, the running of drugs in Southeast Asia has taken over by the Bamboo triad. ‘Yung noong sa Asia nag-o- operate, where there are a lot of poppies in some countries, I cannot name them. I do not want to offend anybody.
So dito naman sa America, malakas ang cocaine because [Sinaloa] is trying to control the flow of itong container worldwide. ‘Yan ang ginagamit nila.
So [Sinaloa] of Mexico is trying to control the containers as if — kung saan-saan nila taguan. Kasi I was able to apprehend 67 bricks of — ganito ka-ano, in the containers ng…
So malaking away ito. And you know what? ‘Yun nga eh. We, kagaya ninyo, you work. You are far better luckier and more happy here.
Sa ibang lugar, what do they get? Abuse, sleep is three hours. Kasi isang employer tapos ‘yung anak — ‘yung bahay niya, anak ng bahay ng — anak ng p***** i** niya, [cheers] linisin niya lahat ‘yan. That’s why it’s limited to three hours. It is a uniform complaint. When they get home they say it’s two or three hours a day. And the food is not…
Kaya I will not name any particular country but of recent events I was able to… Sila ni Bebot provided, “these are the conditions.” I’m not going to mention it here tutal nandito — you are in the best of care and I said iba na talaga ang Israel because it knows how to define a human being. [applause]
Ang third, ginagawa ko na ‘yan sabi mo “hinto” when I became President ganun. Do not do it. Do not destroy my country because I will kill you.
And if they are asking if it is true, then I’m telling everybody including the whole world, it is true. Because if you destroy my country, you are destroying me and my beloved Philippines. [applause and cheers] Do not do that.
And do not destroy our young kasi hindi tayo milyonaryo. One day you will retire. The savings that we get, we send it home. Marami dito pumupunta. Kaya nga ako talagang napapa — napa-iyak ako kanina it’s not because of one person.
Makita ko kayo and I need to protect everybody. [applause] You know maski na papano by whatever measure if you are out of your country it is really a very lonely job. [applause]
Maski na nandiyan ka sa karnabal, even if you are part of the carnival there, no amount of can — whatever can assuage your feeling of loneliness. Kaya kayo nagpahirap, ipadala ninyo ‘yung pera just like the others in more, well let’s say, unsatisfactory working conditions.
Padala nang padala ng pera tapos dadating naman itong mga p***** i**** mga — itong mga durugista, gaganunin nila ‘yan araw-araw hanggang mubigay ‘yang tao. So pag-uwi ng isang pobre, pagdating niya doon, all the years of suffering, enduring — enduring, tinitiis, sinisikmura na lang kung ano ang nangyayari.
And yet pagdating niya doon makikita niya anak niya hindi nakatapos, makita niya ‘yung anak niya na g*** na, natulilit na. [laughter] And why? Because shabu makes my people slaves.
They transform a Filipino who is of sound mind to someone who is inutile for the rest of his life. Gawain mo silang slaves to a chemical called shabu. Now if you are the president of a country and you are being treated with a s*** like that, what will you do? Eh ‘di I will kill you. [applause]
That would be in defense of my people. Ang sabi ko nga in defense of the Filipinos. That’s what the military for. So what’s our purpose here? What’s the purpose of the Armed Forces? To protect the people and preserve the Republic of the Philippines. [applause] ‘Yon ‘yung trabaho namin.
Ngayon, pangatlo sinabi ko hindi ako makialam sa transaksyon sa gobyerno. Now nandito lahat ang mga — almost the Cabinet members. Walang papel na transaksyon, MRT, LRT, big projects, billions of pro — dam, it does not reach my table either at home or in the office.
It starts with Tugade and it ends in Tugade’s desk. It starts with Bello’s job and it ends there, he makes the decision. He fouls up then I fire him. Ganun rin.
The Defense department however — purchase eroplano, barko, iyo ‘yan. Hindi ako makialam, huwag mong paabutin dito.
Kaya kaya kong magmura maski ‘yang mga… Huwag dito kay atin ito. PTV-4 that’s ours. I think nobody’s domestic network is here. Ganun.
So kaya ako mag-mura ng ABS, mag-mura ako ng Inquirer, wala kang makuha sa akin. Hindi ako… Wala ‘yan.
Ako basta sweldo lang. Wala akong ibang pirma. Honestly. Sinabi ko sa kanila wala akong ibang pinipirmahan, allowance ko wala. Sweldo lang. Galing doon sa LandBank ipasok nila tapos magdating, nandoon sa nanay ni Sara. [laughter] ‘Yan ang good boy. [cheers and laughter]
Akong gi-ing… Ah Bisaya ‘yon. [laughter] Sinabi ko hindi ko na patagalin ‘to kay gutom na ako. [laughter] Puro utot na utot na ito hangin na. [laughter] Hindi ako nakakain sa plane, nakatulog ako eh. [laughter] Eh paggising ko pa-landing na pala. Pag-ihi ko sabay utot, walang laman. [laughter]
Then the third is sabi ko I will have — never, never I will allow any transaction. And fourth is that I will talk to the enemies of the state to seek peace.
So I am talking to the NPA. Ito naman si Sison kasi palibhasa ang binabantayan ang complexion ko. [laughter] Discoloration daw. Alam mo hindi ako na… Alam naman ng mga ano ‘yan hindi ako naggagamit ng… Eh pumupunta ako ng mga kampo sa military ang init niyan, maglakad ka pa.
Eh ‘yung sunscreen natu… Sabi ko, “ayaw ko ‘yan.” Kaya nasusunog pero if I take a few days off mga one week after, two weeks, nawawala ‘yan.
Iyong pinapakialaman niya na comatose daw ako. [laughter] Nandito ako pala sabi, “huwag kang mag — mag-bad words kasi…” Ah nandito pala PTV-4 and social media. So a lot of our countrymen are listening now.
So just the same if I want to — ah ganun talaga ang bunganga ko. Ewan ko kung bakit. Pag nag-init ang ulo ko ganun talaga ako maski saan. Even in diplomatic — pag ako’y nagtulilik. [laughter] At saka may sakit ako ganito, I grew up in a place na halo kami. I could understand ‘yung ano ‘yung Tagalog, Ilocano [speaks Ilonggo]
I will talk to the enemies of the state. We have made progress with the MNLF and for as long as they want peace, I want peace and it would be on equal terms. It will be a republic, equality with work and the things that all a democracy wants.
But itong NPA, the communists, ah… I would maybe intan — too intransigent si ano. And he is already old. I do not want to bad-mouth him. Pero kasi mayabang lang ang…
Kasi sabi niya ito — dying of ano ako kasi dextrose na. Susmaryosep. [laughter] Alam mo ang — bakit ako medyo mataas ang buhay ko at saka medyo ma-ano ako? Medyo nakakalakad pa ako ng… [laughter] Alam mo bakit? Bakit? Dahil sa magandang Pilipina. [cheers and applause] At marami ‘yan.
Sabihin na naman nilang misogynist ako, woman ano. Kaya itong mga ano magsabi ka lang may nag — maraming rape sa Davao. Sabi ko, “eh siguro kasi maraming maganda sa Davao.” Hindi ko naman sabi ni-rape lahat ‘yan. [laughter] But you are almost mesmerized or tempted. That’s how you control yourself. It is a democracy. Freedom of expression.
And the third is that I have invited every — everyone, Israel, lahat, Chinese. Although I have this basic… Kami sa Amerikano may ano man kami — hindi naman alitan but I cannot really — simply I cannot understand them, period.
So — not the American citizen but ‘yung gobyerno nila. Kasi hindi ko malaman si Obama in public in a press briefing, knowing fully well that he was talking about me, who is a head of state, however small and humble may be, he castigated me about human rights.
So eh sinobrahan niya eh. If you have a — qualms, if you have complaints against me, go to the United Nations. File your complaint there and ask for a hearing. Hindi ‘yan diretsuhin mo ako you tell me in public that I am wrong blah, blah, blah, blah, blah, blah.
Kaya sa — nagalit ako sabi ko, “P***** i****, [laughter] Obama you can go to hell. You son of a b****.” [cheers] Sinabi ko ‘yan because he was not a civilized person anyway.
Being a president of the republic of — of a republic that is — you ought to know the basic rules. You do not critize especially if it is a problem of the country that you are criticizing. [applause] You do not know anong solusyon mo.
Look at America now, tingnan ninyo ang Netflix ‘yung Dope and everything, they are suffering. Ngayon, here is America, then comes Trump. Trump is a good friend of mine. [applause and cheers] He is because he speaks my language and he is a bit warmer. Obama was a cold person eh, malamig, always at a distance even his talkatise.
But Trump, “Hey, Rodrigo, you are my guy — my guy here. [laughter] You are doing it right. I will follow you.” [laughter and applause]
So forcing me to say, [sings] where do I go from here? [laughter] Here is one guy president and another president. So anong gawin…? I cannot understand you. Two presidents — praising you and one is condemning you. Hindi ko talaga…
Mabuti pa si Trump he said it during the Philippine visit. So Trump is a good friend of mine. Obama, well of course… [laughter] Well then it would be appropriate also to say at this time to Mr. Obama that you are now a civilian and I am sorry for uttering those words.
No, it was just a plain talkatise also like yours. We have learned our lessons very well. Nag-ano tayo — nagkakaintindihan tayo.
So if it is to your heart to forgive, you forgive. I have forgiven you just like ‘yung mga — ‘yung lahat ng mga girlfriends ko noong binata paako. [laughter] Eh baka masuntok kayo diyan, tumahimik kayo. [laughter] I have forgiven them also. Pinatawad ko na silang lahat. [laughter]
Ano pa ba? Iyon lang ang mensahe ko basta mahal ko kayo at magpakamatay ako sa inyo. [cheers] I am risking my… Alam mo at the start of my presidency you were already listening. I said if I win, I will put on the table my life, my honor and even the presidency [applause and cheers] to all the Filipinos.
Kayo kung may panahon kayo let’s wind up by introducing… We have the Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano [applause] and his wife Mayor Maria Laarni [applause] Lani, mayor ng Taguig si Lani.
Then Davao City Mayor Sara Zimmerman Duterte. [cheers] Ewan ko kung saan ito magkampi. [laughter] But I’m sure — I am sure even — in many times, pro-Israel talaga ‘to. [applause]
Ang problema kay Inday she is a colonel, reservist of the Armed Forces of the Philippines. So medyo mabigat ito sa…
Then we have the Executive Secretary Salvador Medialdea and his wife Maria. [applause] Ma’am, ayan si ma’am. Tumindig ka ma’am para makita nila. [applause]
Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III. [applause] Pumapalakpak kayo. Alam mo totoo, ito si Bello pati ‘yung BIR ko si Dulay, we were occupying the same dormitory. Magkaharap ito sila ni Dulay — he’s from Baguio, hindi naman kami taga-Maynila talaga eh. At si Bebot, Isabela. Mga Ilocano. U***** [laughter]
Kasi ganito ha, sa dormitoryo ganito ‘yan, pag umaga mag-linya na kami niyan. Eh malaki ‘yung — maraming washroom pero hubad kayong magligo lahat. Walang — parang baracks talaga ng military. Toothbrush na ako.
Tapos si Bebot, eh Ilocano eh. Hinuhugasan niya ‘yung rubber shoes niya. [laughter] Tapos, mahilig sa basketball eh. Ginamit ko ‘yung sabon ko, hilamos na ako. Swoooooosh. Tapos sabi niya, pahiram ha sabon mo. Alam mong ginawa…?
Ay hindi, hindi pala, toothpaste. [laughter] Ang nililinis niya ‘yung brush ng… Pagkatapos, kuha siya ng toothpaste niya, “pahiram ha.” Ginanun niya sa tubig. Pahiram. Eh di ako, “sige”. Kuha siya. Lagay niya doon sa toothpaste niya ‘yung ginamit niya sa sapatos niya. [laughter] Totoo ‘yan. [laughter and applause]
Masyadong bright. [laughter] Ilocano eh, u*****. [laughter]
And then si… He’s an Ilocano. Puro karamihan sa Cabinet members ko mga puro ex-military. Si Delfin Lorenzana, he’s from Pikit, Cotobato — North. [applause] Pero ang ano — migrant ‘yan sila from Ilocos Norte ka Del ‘no ang ano mo ancestral province mo? Ah Pangasinan.
Si Edith, ang misis ni ah ‘yun, Ma’am. Ang misis ni Delfin Lorenzana. [applause]
Alam mo, hindi ko kayo binobola ha. Lahat ng Cabinet members ko puro bright ‘yan. Then si Secretary Medialdea. A bright guy also, abogado ‘to. He’s my Executive Secretary.
Then Alan Peter Cayetano. [cheers and applause] Bright ‘to, UP — from UP.
Then we have Mon Lopez. ‘Yung Go Negosyo, kanya ‘yan. DTI, Department of Trade. [applause]
Bong Go was been — my executive assistant. [cheers and applause] Ito, ang masabi ko lang kung workings lang sa government, he was my assistant.
Kasi ‘yung original ko kalaro niya tapos bumagsak, namatay. Pero military ‘yun. Eto si Bong, hindi. Sabi niya na, “ako na lang muna kasi wala ka pa.” Nabigla ako ‘yung gabing ‘yun eh. Sabi ko — sabi niya “ako na lang.” “O ‘di sige.”
So, pero ito si Bong, baka akala kasi nito Chinese ang tatay niya. Ang nanay nito Tesoro, taga Batangas. [applause] ‘Yung mga — ‘yung barong. Oo, Tesoro. Totoo.
Kasi akala lang nila minamaliit nila kasi alam mo Chinese Go, so… Pero totoo niyan ang nanay nito Tesoro. Bilyonaryo na ‘yan.
Totoo. Talagang anak mayaman ‘to. Wala ito ginawa kundi mag… Pero graduate ng La Salle ‘to. La Salle boy ‘to.
Kaya lang ‘yung word “assistant”. Akala mo walang nalalaman kasi assitant-assistant lang. But actually bright ito ‘yung mahusay rin sa lahat. ‘Yung anong ipinapagawa ko, alam na niya. Ito, hindi ako nagpapatawa, ‘yung katapusang commander ng NPA pati ‘yung presidente kilala niya. Kasi nasanay sa akin noon pa. Labas pasok rin ako sa — politiko eh.
Kami nga ni Inday o minsan kinausap namin ‘yung NPA, siya lang, si Inday kasi ‘yung project niya ginugulo ng NPA. Sabi niya, “Pa, samahan mo ako. T****i** ‘yang mga NPA na ‘yan. [laughter]
Akyat kami ng bukid, usap nila. Sabi sa akin ng — “huwag kang sumali”. O hindi ako sumali. Hintay lang kami ni Bong sa labas. Tingin-tingin kami sa mga baril ng NPA.
So, marunong ito. Marunong talaga ito. Kung ‘yan lang naman ang mga… Susmaryosep, tignan mo ‘yang sila ano. Ang akin, hindi ako nagtuturo ng tao. But next time, kumuha naman kayo ng — ‘yung medyo, medyo may — tingnan lang naman ninyo ‘yung bio-data. [applause]
Huwag na ‘yan si Bong kasi baka ito tatakbo, baka hindi. So, pero mga bright talaga ‘to. Then you have the — ito ‘yung glamour boy namin si Presidential Legal Adviser, Sal Panelo. [applause] Tignan mo ‘yung barong niya hindi mo maintindihan. If it is a barong at all. [laughter]
Then you have Senator Gordon. [applause] You have to contend with this guy. He’s very talented. And I don’t know, but someday he will go up.
Then sunod si Harry Roque. [applause] Kasama niya ang misis niya si Mylah Roque. Then si Tonyboy Floirendo. [applause] Davao. Then sa OFW representative Congressman, OFW. [applause]
Si Congresswoman, you, as in you. Then you have Congressman Villafuerte sa Bicol. [applause] And you have ‘yung inyong dating tigas sa Quezon City, si Sonny Belmonte. [applause]
Then you have Bert Romulo. [applause] Tapos, Butch… Greco Belgica. [applause] Ito ‘yung nag- expose ng corruption sa military. [applause]
Member ito ng crime — Presidential Crime Commission. At pinapatakbo ko, ayaw eh. Sa totoo. Eh may prinsipyo ‘to. Wala itong giawa ginawa kundi mag-expose ng anomalya sa gobyerno. [cheers and applause]
Then you have si… Puro military man ‘to hindi ko mapakilala. Isa lang. ‘Yung kasali ng coup d’état, si Allen Capuyan. Balik gobyerno na ‘yan.
Then Ambassador Rafael Harpaz. Sir…[applause] Ang ating ambassador. Yeah, ay I’m sorry, ang ambassador nila doon sa atin. [applause] Bago lang siya. The other day, he went to Malacañan. [Was it the other day, sir?]
Yes. And he was talking about my visit tonight with you. Seated beside him is the former ambassador ng Israel. So, mababait ito sila sa atin.
And may I just also tell you that during the… I would not want to keep it a secret. Anyway, alam naman ng lahat eh. They provided the most of the intelligence gadgets that we used to win the Marawi siege. [applause] Galing ito sa kanila. And they have provided us so many to keep our country in order and peaceful. [applause] So, sa kanila ‘yan.
And si Mocha maraming kalaban. [applause] Marami siyang kalaban — maraming… Well, I don’t know but sabi ko just…
Alam mo, ganito ‘yan eh. There are things na tingin ko medyo nasobrahan. But just the same as a President who is sworn to protect the constitution and enforce it, it is covered with ‘yung privilege nila — freedom of expression. [applause]
Wala tayong… Kung ano ‘yang gusto niyang sabihin, que ma-empleyado siya ng opisina ko o sa labas as a private citizen, that is not really my concern. As long as it is covered sa provision ng Constitution — freedom of expression. [applause] So ano siya…
Tapos dito tayo sa likod, noong nag-ano siya, but I would not ask him to go out of the Cabinet now. But I’m eyeing him kasi disiplinado at dumaan ito talaga sa lahat na kahirap — all that a military man, a soldier would suffer.
Ang former Chief of Staff ko, si General Año. DILG Secretary na ito ngayon. [applause]
Kinuha ko talaga ‘to kasi sabi ko tumakbo ka ng Senador, remember him. Baka wala na ako sa opisina. I might be out of office at that time or not enough time to campaign for anybody. But if this name crops up, remember him, I told you now. Pakinggan na lang ninyo, General Año. Talagang disiplinarian ito. [applause] Kaya behave ang mga mayors sa kanya, DILG eh. It has jurisdiction over local governments.
Tapos ang isa pa, talagang honest ito. Ang ano lang, akala mo, sa totoo lang, makita ng pinaka g***** empleyado sa gobyerno ngayon, alam mo kung sino? Ako. [laughter] O totoo. Kung sa ugali lang?
Well, I mean I have my faults before, mayor, congressman. But never — it was never a question or issue of money. Pero kung sabihin mong minarama, ‘yung bugoy style, ako ‘yun. Ako ang problema ninyo. Pero huwag ko lang nakawin ‘yung pera ninyo, okay kayo. Eh ako lang ang sumasagot talaga eh.
Ako lang ‘yung Presidente na kumakasa at magsasabi ng p***** i** ninyo. [laughter] Hindi narinig naman ninyo, talagang pumuputok ako.
Kaya mas mabuti na ‘yung ganun kasi nakita ko mas medyo may — medyo may sindak na kaunti. Kasi magsabi ‘yan sila, “si Duterte okay ba itong araw na ito?” Sabihin sa iyo, “Okay ‘yan bago sila…” “Sabihin mo may pag-usapan kami”. Kasi kung hindi ka rin… Basta na lang anuhin mo ‘yung kababayan ko, ahhhh, hindi ito pwede.
Hindi talaga ako nagtatago ng sama ng loob. Sila tuloy ‘yung mga military ang nagsasabi, “‘wag lang muna ganun — ah easy ka lang ha.”
Ako ‘yung hmmmm. Pero ako rin ‘yung nauna. ‘Pag may magdaan na babae diyan sa… “Sino ‘yan?” “‘Yan ‘yung bagong ano ha. Sa opisina ko i-assign mo ‘yan, [laughter] kay gusto kong kuan…” [laughter]
Hindi biro lang ‘yun. Pi-pickupin naman. Matanda na ako, 73. [laughter] Nandiyan pa ang anak ko, naging 78 na tuloy ako. [laughter]
Ito tahimik na tao, pero walang ka-issue-issue. Pero hindi rin siya outgoing parang reserved kasi. Hindi kagaya kung magsabi lang ako “eh p*****i*** ‘to, tigilan na kaagad lahat.” “Bakit — bakit Mayor?” Kasi ayaw kong magpatawag ng presidente. If you want to address me, address me as mayor. Kasi hindi kita mapansin kasi hindi ako sanay. Do not address me, “presidente- presidente”, hindi kita pansinin. Minsan ayaw ko, minsan talagang hindi ko ma-relate na ako ‘yun. So you just call me “mayor”, maintindihan ko na ako ‘yun.
So itong tao na ito. He has tried before but he is really — magtanong ka sa siyudad niya. Mabait ito. He is known for his gentle manner. Kung magsalita ‘yan maski ngayon, pasalitain ko, tingnan mo siya halos hindi mo marinig. [laughter]
Kasi ako nandito, hindi naman ako kagaya kay Duterte na unang hinahanap ang magaganda. [laughter] Eh puro maganda man silang lahat dito, kaya ba kaya niya — [cheers] kaya ligawan?
Hindi ganito, ganyan ‘yan siya magsalita. But talagang kung maghanap ka lang naman, kung i… Kaya sabi ko, tingnan mo ‘yang puro ingay, puro ingay wala namang totoong lumalabas.
Wala namang imbestigasyon pagkatapos ng hiyain mo lang ang tao, wala namang demanda. ‘Yung mga ganun na mag-grandstanding para lang mapansin.
Pero sa totoo lang gusto ninyo ng worker? Iyong tao na — totoo. Congressman pwede kayong mamili maski sino pero ‘yung mga senator lalo na, tutal malayo naman sa inyo, choose the best.
Ngayon hindi ako magsabi na sila ‘yon. Marami pang Pilipinong dadating diyan na tatakbo pero please naman, maawa naman kayo sa bayan ninyo. Makikita mo naman ‘yon kung anong ginagawa nang iba. [cheers and applause]
Gawin mo dito, mali ka. Gawain mo ito dito, mali ka. Saan mo ako gustong pumunta? ‘Yan ang mahirap sa ano. Kagaya ‘yang drugs. Ilang beses na akong inatake nila, ilang beses ako inimbestiga. I never changed my story. Their narrative is still the same. Basta sabi ko ang bayan ko p***** i*** huwag talaga kayo because I will kill you. [laughter] Maski ikaw sabi ko, ikaw congressman ka, senador ka, humawak ka ng droga ‘pag hindi kita katayin. L**** ka. Oo.
Ako I never — wala akong drama. Pero may mga tao na well-meaning na mabait talaga. Isa ito nanghinayang ako and ‘yung mga crisis sa Bicol pagputok ng bulkan. Ito naman kasi si Mayon, maya’t-maya ang — mag-init ang ulo, takbuhan naman kami doon. Nandiyan si ‘yan o si kanya, Villafuerte, kanyang lugar man ‘yan. Bakit mainit ba ang Mayon ‘diyan sa ano…?
Pakilala ko lang sa inyo, subukan lang ninyo o walang talo-talo rin ito. Nag-graduate na lang. Si Francis Tolentino, the former mayor of… [applause] ‘Yan gusto ninyo ng mayor na mabait o senador? Sayang kasi, 13 ‘yan, ay 12 tapos 12 na puro u***, sus p** — patay na. [laughter]
Eh may mga tao naman dito na tapos itong taga-Pangasinan naman, ito ‘yung dating PSG ni Arroyo at saka naging Chief of Staff. Pareho sila ni General Año. General Esperon, Pangasinan. [applause]
Then Art Tugade, nasabi ko naman, Bebot. Ngayon ang ating Minister sa Energy, mga oil, gasolina — teka muna ha two minutes, three.
Alam mo, ‘pag ‘yung mga minsan mag-insulto sa ating bayan, nakakainis ‘yan. Huwag daw ako mag-mura.[laughter]
O sige y*** na lang. [laughter] Bisaya man ‘yan. [cheers and applause] And maybe before I forget, ‘yung nandito eh sa listahan, ang ating Ambassador nandito, nakalimutan ko sa… Sige kasi kayo tawa-tawa diyan.[laughter] Si Ambassador Neal Imperial sa Israel. [applause]
So nakumpleto na. Tama. Si… Nandito pala si Governor Chavit Singson. [cheers] Ba-bye ba-bye kayo ‘diyan. Alam mo kung sino nag-o- organize ng magagandang babae? Siya ‘yung franchise owner ng Miss Universe. [laughter]
Pero sa awa ng Diyos, ni-minsan walang ipinakilala sa aking isa. [laughter] Dinala lahat doon sa Vigan.
Tapos si Governor Cherry Umali. Malapit kong makalimutan, ma’am. Si Bing… Si Bingbong Crisologo tapos na? Sir. [applause] Tatakbo ka ata ng mayor sa Quezon City? Bakit may naghihintay babae sa’yo doon sa Ilocos Sur? Bakit di ka na makabalik doon? Sinasabi ko na sa’yo noon Bingbong, tama na ‘yang dalawa, tatlong pamilya. [laughter]
Ngayon paano ka makauwi ngayon doon sa inyo? Eh malalaki na ‘yung anak mo sa first and second, uupakan ka talaga diyan. [laughter] ‘Yan ang mahirap eh. Ang akin lang — ako salita man lang.
So si Al Cusi ng Masbate. [applause] Ah, Mindoro. Mindoro, Masbate magkalapit kasi ‘yang lugar na ‘yan.
Tapos si Harry, tapos ka naman ‘no? Si Harry Roque. [applause] Ganun lang ‘yan ha pero mahusay ‘to ha. Abogado ‘to. He’s from UP and he’s very articulate. ‘Yan ang pinaka magandang — ‘yung medyo smart aleck tapos may alam. So ito ‘yung nandito ngayon. Ito sabi ko ‘yung mga bright. Talagang bright ito silang lahat.
Kami ni… Ito si Tugade 94, 93, 92, t****i**. Tapos kami doon sa likod, 76, 75. [laughter] Totoo. Nag-graduate ako ng high school, seven years. [laughter] Oo. Ako ‘yung original K-12. [cheers and applause]
Ano mang magawa natin kung hanggang diyan lang kaya natin. Pero alam mo ‘yung swerte talaga ng tao.
Kaya ako when I — before I sleep, I pray. I pray to God, lalo na ‘yung nanalo ako. Bakit man ako ang inilagay mo Diyos ko na alam mo man na small time man lang tayo?
Sabi ko, hindi ko talaga maintindihan. Siguro may… Baka may, what comes to me in my mind, when I, of course it is a… Nobody is answering. But what takes place the conversation or the narrative that’s inside your brain.
Kaya ako ‘yung promises ko lalo na ‘yung corruption pati drugs, wala talaga. No quarters given ako diyan, no quarters asked. [applause]
Pati ‘yang pera-pera. Lumagpas ng… Maski bigyan mo ako ng isang bodegang pera, what will I do with it? I, wag kayong ma-ano… Do not be offend but… Unang-una, mahal. But because of our… No, the lives of the Filipinos in the Middle East is of national interest as the highest — national interest natin.
Kaya ako nandito sa inyo. Kaya ako maski presidente ng ano — wala masyadong. ‘Di naman ako cum — hindi nga ako nag-cum laude, summa claude. Itong cum laude namin dito si Art was… Cum laude ka Art ‘no graduate? Si Dick siguro isa sa mga debater ng Ateneo. Ito si Secretary Lorenzana was a valedictorian.
So alam niyo kung sinong classmate niya sa Cotobato? Si Pastor Quiboloy. [laughter] Oo. Pastor Quiboloy mahusay na ‘yan mag-ano. Classmate sila sa Notre Dame?
Puro ito — almost — I have gathered almost all the brilliant men avaible na I know whom I can trust that who can work with me. But you know what? Do you know what? All of these bright men behind me are just my workers. [applause]
So if you have a son who is consistently 75 let him be. He will be president one of these days. [applause]
So I wish you all… I said, hindi ako pala-bola na tao. When I call a spade, it’s spade. I do not tread into melodramatics.
But napaluha ako kanina. Not exactly. You are better off than the your — the rest of your brothers and sisters in this region.
Pero napaluha lang ako, nagtingin lang ako sa kanila, you’re — happy kayo. And it gives me the one of the greatest pleasure is not really ano — [applause] that I have done something to make my Filipino brothers and sisters happy.
Magandang gabi at maraming salamat sa inyong lahat. [applause]
— END —