DUTERTE TRANSCRIPTS. Filipino Community in Singapore. 28 April 2018

Want create site? With Free visual composer you can do it easy.

(Note from MindaNews: This is the official transcript of President Rodrigo Duterte’s speech, released by the Presidential News Desk of the Presidential Communications Office)

Presidential Communications Office
Presidential News Desk 

SPEECH
OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING HIS MEETING WITH THE FILIPINO COMMUNITY IN SINGAPORE
[Delivered at Event Hall, [email protected], 1 Venture Avenue, Singapore| 28 April 2018]

 Kindly sit down and salamat po sa courtesy ninyo.

May babanggitin lang ho akong mga pangalan kasi kasama ko sila. Nandito po si Philippine Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at ang kanyang magandang asawa, Mayor Lani sa Taguig [applause]; Labor and Employment Secretary Silvestre Bello. Taga-Isabela ‘to, Isabela [applause]; Trade and Industry Secretary Ramon Lopez [applause]; ang ating National Security Adviser Hermogenes Esperon, taga-Pangasinan ‘yan [applause]; Secretary Bong Go [applause]; Communications Secretary Jose Ruperto Martin Andanar [applause]; ang ating Presidential Spokesperson Harry Roque [applause]; Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo [applause] Ano ‘yang damit niya? [laughter]Huwag ka magalit, Sal, ha. Nagtatanong lang. Ngayon lang ako nakakita ng burdado na maong. [laughter]

 

Nandito po kasama po natin si Congressman Mangudadatu. Baka tatakbo ‘to ng senador huwag ninyong kalimutan. [applause]One of the leaders sa Moro na may wisdom at marunong magdala ng kapwa tao. [applause]Itong si paborito ko rin, si Senator Joseph Victor “JV” Ejercito [applause]; si Ambassador Yap sa ating… [applause]

 

Meron po akong sasabihin sa inyo. The good news and there is the bad news. Eh talaga namang iniiwasan natin ang gulo ng buhay natin but sometimes hindi natin mapigilan but I will talk about it later.

 

Dito muna tayo sa good news. Ang pinaghirapan po namin nang matagal ‘yung ayusin ang bayan.

 

Remember that during the campaign, apat lang talaga ang sinabi ko. Even during the presidential debates, I was very careful na ‘yung mensahe ko aabot kaya bullet lang ako kasi because of the time constraint.

 

Ngayon, ang sinabi ko noon sa inyo kokonti lang eh. ‘Yung kaya ko lang gawin kaagad-agad at ito po ay ginagawa ko hanggang ngayon, naumpisahan ko and I am doing it all throughout these months that I have been your President.

 

Una sinabi ko, puputulin ko ang graft and corruption [applause] pinuputol ko na po and I have fired pati ‘yung mga tao ko nung kasama akong mayor sa Davao at along the way eh nagkal****-l****.

 

They thought all the while that I was not really serious about it. So ang pinakahuli ho, ‘yung undersecretary niya mismo sa Labor. Kasi hingi nang hingi, hingi nang hingi.

 

Alam mo sa totoo lang, ito ang rule ngayon. Sabi ko sa kanila, sa lahat ng masasama pati mga u*** at g***, huwag ninyong galawin ‘yung maliit na tao kasi ‘yan ang mga kawawa [applause], walang kilalang kumpadre, congressman, mayor, governor, o pulis o military. Wala ‘yan sila. Kaya pag ginalaw mo nilulunok na lang at nakita ko ‘yun nung 23 years ako mayor sa Davao.

 

Kaya ang Davao naayos ko. At kung anong pinagsasabi ko ngayon, nangyayari sa Davao. Kayong taga-Davao, alam ninyo ‘yan.  So ‘yung parang kung hindi tayo magkaintindihan eh ‘di maghiwalay-hiwalay tayo. Pati ‘yung mga tao na close ko, ‘yung taong nagtulong sa akin noong kampanya.

 

I am saddened, nasasaktan ako pero you know, the higher interest of the people must prevail. [applause] Kaya sabi ko, huwag mong galawin ‘yan kasi walang matakbuhan ‘yan. If per chance makaabot sa akin ‘yan, na-l**** ka na.

 

Pagka merong ‘yang 8888, that’s the hotline. Sabihin mo lang, kung ayaw mo sabihin, sabihin mo ‘yung taong nirereklamo mo, “Ito si Juan dela Cruz, pabalik-balik ako sa opisina kukuha ng permit or clearance at pabalik-balik na lang ako at hanggang ngayon wala pa,” kaya nangyari sa Labor undersecretary.

 

At pinalabas niya na nagresign siya. Kasi ako naman ayaw kong hiyain ‘yung tao.

 

Ang problema nito kay Say is he foisted a lie before the public when asked what was the reason why he resigned. And said hindi kami magkaintindihan in the formulation sa endo. He was not part of it actually.

 

Kaya sinabi ko sa kanya, “You better tell the truth, make the correction or else bibitawan ko ‘yung affidavit ng complainant na recruiter sa Labor, ‘yung papalabas.”

 

Sabi ko, “You sign an affidavit in my presence and I will take care of the guy.”

 

So nung lumabas ‘yung affidavit, tinawagan ko kaagad ‘yun, sabihin mo, eh wala si Bebot, ‘yung boss niya.  Tinawagan ko, “huwag mo nang hintayin, sabihin mo umalis ka na sa trabaho mo.”

 

Ganun ako. Kaya ngayon ang order ko, ‘pag hindi ba naman mga g*** ‘yan, sinabi ko wala nang bukas-bukas ng mga maleta pati bag pag-uwi ninyo. [cheers and applause]

 

Kita mo, may… If you have a bomb, if you have something there, an explosive, you can never get out of Singapore. [applause] Singapore is 10 times more strict.

 

Kaya ‘yung mga galing ng America and everywhere, everybody is concerned about security. Doon pa lang talagang halos sisirain na, titignan. And in America there’s a note that inside your luggage that “sorry for the inconvenience but we opened your bag.” So walang nakakalusot diyan.

 

So sabi ko, at pagdating, ‘pag deplane ng luggage ninyo galing eroplano, dadaan ‘yan doon sa ibaba. ‘Pag akyat nun doon sa conveyor, dumaan na ng security check ‘yan.

 

Ang sabi ko, wala na. So bawal ‘yan at ang sabi ko, ‘pag may nag-violate niyan, terminated kaagad. Wala na tayong istorya. Ayaw kong mag-istorya. [applause]

 

Alam mo ‘yung dila ko, marami akong speeches for the day, gamit na gamit ito. [laughter and cheers] Eh ‘di kung hanggang dila na lang, eh ‘di hanggang dila na lang. [laughter] I really use my tongue most of the time. Do not give me a problem because there was a time na may umuwi, ang bag niya nasira. He was from Singapore. He was from Singapore?

 

Umiiyak siya, sabi niya, “Pangulong Duterte, tingnan mo ang zipper.”

 

Ipinatawag ko lahat ang mga managers ng airport, Clark, Subic. Sabi ko p***** i** [applause] — okay naman ‘yan magsabi ka niyan ‘pag galit ka.

 

Eh galit ako noon but I am narrating it so I have to say it anong… Sinabi ko, “‘pag naulit ‘yan, kayo lahat, maghanap kayo ng ibang trabaho.” [applause]

 

Kaya ang nadamay ‘yung MIASCOR, ‘yung mga trabahante almost 2,000. Eh nagdesisyon na ako. So I’m sorry. So sabi ko, lakarin ko na lang sa ibang mga handlers diyan ng cargo na i-absorb sila. Pero once I make a decision, it’s final. I’m sorry. [applause]

 

Sinabi ko na sa inyo ‘yan. Damayin mo lang ang kapwa tao mo. Ngayon, ‘pag may nag-violate niyan, magtanim ng bala, p***** i** [laughter]

 

Alam mo — ayang mga taga-Davao kilala ako eh. [cheers] Ang sabi ko, “Magtanim ka ng bala, gusto mo palang magtanim, p***, kainin mo ‘yang bala na ‘yan.”

 

At ‘yan ay puthaw. Ano bang Tagalog sa puthaw? Bakal. Eh mahirap kasi itong iba ayaw… Mag-aral kayo magsalita ng Tagalog, ay Bisaya para dire-diretso. [cheers and laughter]

 

Eh bakal ‘yan, ‘pag ininom mo ‘yan, hindi na lalabas ‘yan. Tutubo talaga diyan. Lalaki pero ang — hindi ang bala, ang tiyan mo. [laughter] Magkakaroon ka ng — biro mo barado ‘yang diyan sa… Paano lalabas ‘yang dumi mo? Pilitin mo baka magputok pa ‘yan. [laughter]

 

So ‘yan ang ano ko, ‘yung the little things that we have to do to protect the… Huwag ninyong hintayin na mag-abot sa akin kasi ‘pag mag-abot sa akin, p** — sabihin ko sa iyo may problema na talaga tayo. May problema tayo.

 

So lahat itong ginagawa ko basta corruption, basta maghingi. Sabi ko, itong isang empleyado o whatever, magbalik-balik, balik bukas, pabalikin bukas tapos next week na naman, next month.

 

You know, he tries six times. What is the f*** — t*** i**** — bakit mo pabalikin ang tao?[cheers]

 

There’s only one reason why. Pahirapan mo para finally, magbigay para — ganun ‘yan eh. So itong mga Cabinet members ko, mababait ‘to, puro ‘to mga bright. [applause]

 

Sabi ko sa kanila, ang Cabinet members, only one month. One month lang kayo. Director, 15 days.

 

‘Pag nagreklamo sa akin, you better prepare a good answer kung hindi magkakadiperensya na naman tayo. I do not want to quarrel with you.

 

I love you. I love you for serving the country and working with me so iwas lang tayo ng ano kasi ayaw ko talaga.

 

I’ve been mayor for 23 years. Ang naging issue lang sa akin ay patayan pati — dalawa lang ‘yan pabalik-balik maski noong eleksyon: babae, babae, babae. [laughter]

 

Kaya nga nagtanong ako sa doktor. [laughter] “Dok, bakit nag-enlarge heart ako?” [laughter] Sabi ng doktor, “huwag kang mag-alala kasi sinadya talaga ‘yan ng Diyos na malaki ang puso mo para tumanggap ng one more or two, three more loves in your life.” [applause and cheers]

 

Eh di tingnan natin dito sa monitor paki-pan nga kung sinong… [laughter] Nakikita ko dito eh. O ‘yung tumindig. Pwede na. Saan ka? [laughter] Umuwi ka na sa bahay, mag-impake ka na para… [laughter] May asawa ka? May asawa ka? Wala? Huwag ‘yung asawa mapatay tayo niyan. [laughter] Karaming dalaga bakit ka maghanap ng…

 

Iyan. Eh binigyan ako ng malaking puso, dito ‘yan banda o, malaki talaga enlarged, enlarged heart ako. Sabi ng doktor, “wala namang diperensya. Medyo malaki lang nga. Baka nga talaga so that you can accommodate more loves in your life.”

 

Kaya kayong lahat dito kasya kayo sa puso ko. [cheers and applause] [crowd chants Duterte! Duterte!]

 

Naniwala pala kayo? [laughter]

 

Well anyway, I’m doing it, I said there will be no corruption. At ang pangalawa sinabi ko, ‘yang droga na ‘yan, umalis kayo diyan. [cheers] Ang rule ko sa droga is, if you destroy my country, I will kill you. Harap-harapan ‘yan. If you destroy the young of my land, I will kill you.[cheers]

 

Simple lang man. Pero ang order ko sa pulis, sa military is: destroy the apparatus or the infrastructure ng drugs. [cheers] And when you destroy the organized crime, it could mean the destruction of the shabu laboratories and sometimes it results in a shootout.

 

So sabi nila marami daw sa panahon ko ang patay. Bakit daw sa unang… Sabi ko l**** kayo. Alam mo kung bakit kasi noon ang pulis takot ma-filan (file) ng kaso at ‘yung iba tamad.

 

Eh pagdating ko sabi ko kayong takot ng kaso ako ang bahala. Akin lahat ‘yan. I assume full, legal responsibility. Basta performance of duty. [applause]

 

Ngayon kung kidnapper ka na pulis eh p****, mauuna ka talaga. Sorry but… Ang pulis noon… Alam mo ang pulis ‘pag nafilan mo ng kaso ‘yung durugista mag-countercharge ‘yan. Bigyan ka rin ng problema para takutin ka.

 

Pagkatapos sabihin may kaso ka na, the day that you are an accused or a respondent, wala ka ng trabaho. You are suspended, wala ng pagkain sa lamesa, wala ng pang-tuition sa mga anak. Kaya ‘yan ang takot ang pulis. Meron pa ‘yang style, sila. Padalan ka ng picture ng asawa mo, bumababa sa sasakyan o naglalakad sa palengke.

Ang pulis talaga, “Sir, itong asawa ko eh may picture ako sa anak ko.” So maging inutil ang gobyerno. Walang maggagalaw kasi takot ang pulis individually. Papadalan mo ng picture ng asawa niyang dalaga, anak o asawa. Talagang parang personal na kalaban na niya ‘yung masasamang tao. Kaya ‘yung iba gumaganon.

 

Kaya sabi ko nung panahon ko, kung sino man ‘yan, ako ang bahala. Sinabi ko sa inyo, do not destroy the country kasali na ‘yang racket na ‘yan eh.

 

Alam mo punerarya ngayon sa Pilipinas mayayaman. [laughter] Hindi sila nagkulang ng kliyente puro ang… [laughter]

 

Eh ‘yan lang ang paraan nakakaintindi ‘yung tao eh. Pilipino takutin mo ganun. Kita mo umabot ng 1,500,000 ang addicts.

 

Ang masakit sa akin ganito ‘yung pumupunta sa labas — without mentioning any particular country. They are abused. They are allowed only two to three hours of sleep. They are fed with the hogwash. Kung ano na lang ang pina… And most of them in some countries suffer sexual abuse. Hindi ako makasalita kasi I’m — ‘yun ang sunod na pag-usapan natin. Kaya pagka ganun…

 

Mabuti kayo dito because Singapore is a highy-civilized country. [applause]

Importante kasi ‘yang moral authority and Singapore has it. Wala akong masasabi talaga sa totoo lang except that I am profuse in thanking Singapore and Singaporeans for allowing my countrymen to come here and work. [applause]

 

‘Yung iba maghirap sila. Magpadala ng pera, didikitan nang didikitan ‘yan doon sa mga g*** sa barangay niya. Eh alam niya regularly may pera eh ipinapadala. Talagang sina — hanggang bumigay.

 

So ang worker na Pilipino she will suffer indignity, abuse and all just to earn money to send home so that the children can go to school.

Alam mo ang masakit sa akin ganito. Hindi ako nagbobola ha. Anak rin ako ng mahirap. ‘Pag ito ang pamilya, ‘pag nandiyan lahat ‘yan at maski na mahirap and they are able to eke out something… But ‘yung iba kasi marami ng anak kulang pupunta ng abroad. ‘Pag lumabas ‘yung tatay, that family is already dysfunctional.

 

Kasi ang pamilya may tatay. Ang nanay lumabas, that family is dysfunctional already. Ang masakit sa akin ‘yung dalawang mag-asawa pati — ‘yung dalawang mag-asawa maglabas and the children are left with the grandparents or sister or brother. Kung ganun na lang ang sacrifice ng bata to long for the mother and father tapos ganunin ang mangyari, magpadala — kasi alam mo, malaman nila kung sino eh. Ah may pera dumadating ‘yan. Tapos… Diyan ako…

 

You bring the worst in me. Lalabas talaga ‘yung pagka… May Duterte ako na pangharap but may Duterte ako nasa likod lang. [applause]

 

Dito pang-pogi lang ‘yan pang ano sa inyo diyan, pero ‘yang sa — ‘yung isang Duterte nasa likod ko, bantay kayo diyan kay… The evil in me comes out. Ang sabi ko huwag. Pag magsabi ako huwag, huwag.

 

Kasi kung talagang makapabuti ‘yan sa…  Bibigyan ko pa kayo tonelada ng shabu. Because shabu… Tapos sabihin niyo, “Bakit si Duterte pinapatay niya ‘yang mga mahirap?” Because shabu is a commodity for the poor. Ang mga mayaman cocaine. But cocaine comes from opium, a poppy which is organic. Tinanim ba. Itong shabu is a mixture of chemicals. Ang tubig na ginagamit niyan ang tubig ng baterya ‘yung pang-start mo.

 

Kaya pag ‘yan ang hinihithit pumunta sa utok or utak, [laughter] ‘yan maging g***. And even the United Nations Control — Board of Control sa drugs or Control Board, whichever, sabi nila it produces bizarre and insanity.

 

Kaya pumapatay ng bata, nag-re-rape ng bata na 6 months old. Mag-akyat diyan sa Bulacan, patayin ‘yung nanay, patayin  ‘yung asawa, patayin ‘yung 14 years old,pati ‘yungone-year-old patayin.

 

Eh ‘yang human rights na ‘yan ang tinitingan. Meron ba dito? P*** tadyakan ko siya. [cheers] Meron ba?

 

Alam mo kasi, sinasabi lang nila na 4,000 ang pinatay. And so? And what about it? Tingnan mo sa likod kung hindi kayo mga u***, torpe, kung ilang bata na-rape, ilang pamilya namatay ngayon, ubusin ‘yung sariling tatay na… [applause]So saan ka nakakampi sa mga kriminal? Fine.

 

Sige magdemanda kayo. Wala akong pakialam, pati ‘yung president ng… Sabi ko l**** ka, you go to hell. Bakit? Who gave you the moral authority to…

 

Kami you question na kung… Sabi ko nga ako ay nasa gobyerno ang gusto ko lang… We are government workers. Bother to call me officials. Dapat kami ang empleyado. Ngayon kayo ‘yung amo namin. ‘Yan ang totoo. Saan ninyo kinukuha ‘yung sweldo? Eh di sa taxpayers. [applause] ‘Yung pera na ipinapadala niyo it circulates around. Bibili, eventually you pay the tax.

 

Pagbili mo ng asukal, may tax. Pupunta ‘yan sa gobyerno. Magpunta ka ng mantika, ayan sa gobyerno.

 

So who gets paid? Kami. Kaya ako kung isang militar o isang barangay captain o isang vendor o isang empleyado lang o isang security guard o anong ano, I only ask: bakit Pilipino ka?

 

‘Pag Pilipino ka, you have every right na murahin ako kasi baka hindi ka talaga kuntento sa trabaho ko. Empleyado lang ako eh.

 

Pero kung sabihin mo ito maraming ruckus maski sabihin mo madre, pari, magdaldal doon, mang-insulto makita mo ‘yung isang…

 

May isa doon gustong pumasok pulis — naalaala niyo ‘yung sa TV na nakatindig ‘yung pulis minumura niya. Ang pulis umiiyak na lang kasi may demonstration. Walang maggawa eh hindi mahampas ng pulis. Basta hayaan na lang, umiyak na lang ang pobre.

 

Kung ikaw hindi Pilipino, p****** i** mo, [cheers] do not f*** with me. [cheers] Kasi wala kang karapatan.

 

Hindi ka naman nagsusweldo, turista ka lang. Sabihin mo madre ka eh ano. Sabi bakit? Siguro mo ba ‘yung Diyos mo Diyos ko? [applause]

 

Sabi ko nga noon sa ano, your God has no common sense. My God has it. Ako nag-aral minsan. Dumaan ako ng Ateneo. Nakatapos ako ng law sa San Beda. Nasaan ba si Medialdea? Ah iniwan. Puro pari ‘yan. Pero kung sa trabaho na huwag mo masyadong abusuhin ‘yang — nakikiramay ka diyan sa mahirap, okay lang.

 

Pero kung bastusin mo ang mga pulis, bastusin mo kung sino-sino sa gobyerno. You do not have that right. You behave.

 

At saka ang may gawa ng rules niyan na kung sumali ka doon sa protesta, mga political rallies, ide-deport ka. Kaninong order ‘yan? Hindi ko man tinanggal. Ang aking kaibigan nasa loob ng presuhan si De Lima. [cheers and applause]

 

Kaya nung kwestiyon-kwestiyon ‘yung kabila mga partido. Sabi ko, hoy halika. Executive order, o ‘yung mga turista must behave hindi mag-participate ng mga ano. Hindi kailangan lumabas sila, i-deport. Pirmado, De Lima. [cheers and applause]

 

Hindi ko ni-revoke ‘yan. Hayaan mo diyan. Balang araw magamit natin. [laughter] Kita mo ang g*** tahimik. [laughter and cheers]

 

Ngayon kami pa ang masama. Sabihin ganun, ganun, ganun, ganun ‘yon. Nilabas ko tuloy dito ‘yung — ‘yung ano niya. [laughter] Pati ‘yung aso karga-karga niya sa opisina lumabas doon. [laughter]

 

Ayun sa picture ‘yung video, nangangamoy pa. [laughter] Sa sahig, may naamoy na masama ang p***** i**.

 

Totoo. That is the irony of life. Kung kayong gumawa okay lang. Kung kami ngayon masama. Kaya nasilip ko sabi ko huwag ninyong — I will not revoke that order. It stands there. [applause]

 

So nakalimutan ko pala nandito pala dalawang pages pala itong mga tao na…[laughter] Ah si Dong Mangudadatu is really… Last… I was in Maguindanao last week. Nakalabas ako doon gabi na. Si Margaux Uson. Ikaw Uson kung hindi lang kita empleyado… [laughter] Wala akong ibig sabihin, kung hindi lang kita empleyado hanggang diyan lang.

 

So everything is really… Ang hindi ko masyado kontrolado ang local governments. Ang aking power sa local government supervision lang — parang supervisor. But sa Executive department, President, Vice President, Cabinet member sa Executive, Army, pulis, militar, akin ‘yan. Control and supervision.

 

But ‘yung mga tao nasa gobyerno na pulitiko and they are elected, supervision lang ako.

 

So corruption it is there, minsan ‘yung mga permit…Kasi ako noong mayor ako, three days. Hindi naman ako nagyayabang itong Inday na ito, one day. ‘Yang araw na ‘yan bitawan mo. Napaka ano ‘yan mas ano sa akin ‘yan, istrikto sa akin ‘yan. ‘Yung empleyado ng City Hall ngayon maglakad mag… Hindi ka pwede magstand up, palak, palak, palak, ganun. [laughter]

 

Kaagad ipatawag ka niyan. Ako noon noong mayor ako nilalagyan ko ng TV every office. The condition was you use it during noon break. Para may mapanood sila balita, they are kept abreast with the developments in the country.

 

Nung si Inday na, ipinatanggal lahat ibinigay doon sa day care centers. [laughter] At saka wala na ‘yang empleyado sa o mag-ganun mag-pedicure. Pag maabutan ka, sabihin tanggalan mo ng kuko ‘yan. [laughter]

 

Hindi si Inday nakatawa lang pero nako. Sinabi ko kita mo ‘yung sheriff binugbog ng… Eh kasi naman nag-demolish siya sa wala sa panahon eh.

 

So ganun ang… I’m trying to control corruption. Dito sa Customs, BIR, wala na kayong… Ito sabihin ninyo, “hoy halika, anong gusto mo sa akin?” “Eh may papeles ganun ‘yung record mo.” “P***** i** ka, tapos na ako. O ayan o. Sabi ni Duterte pag lumabas na sa isang opisina, wala na kayong… Do not…” Sabi ko sabi niya, pagka bumalik kayo na maghingi, sabi niya, “sampalin mo.” Totoo. Sampalin mo kasi trabahante lang kita. P***** i** ka. [cheers]

 

Huwag mo akong… Iyan ang sabi ni mayor. Huwag ninyo akong tawaging Presidente kasi ang bunganga ko pati ang behavior ko pang-mayor lang po.

 

So Davao, parang nasa Davao City man tayo nagra-rally, nilalabas ko lang ‘yan. Kung ano ‘yung ugali ko. Magustuhan mo, okay, ‘pag hindi, pasensya.

 

Corruption, droga, sabi ko pakiusapan ko lahat. Ang kalaban ng gobyerno mga rebelde. So ilang beses kami ni Sison nag-asaran. Pero we are going to resume the talks. I provided a very small window. Ganun lang kaliit, 60 days. Make or break tayo dito.

 

If we agree to have peace, sabi ko umuwi ka sa Pili… Huwag mo akong papuntahin diyan. Ang ating pinag-awayan ang gusto mong agawin bayan ko rin. So umuwi ka dito, ako ang magpamasahe and I will guarantee you safety. Wala kang alalahanin.

 

Ako magbayad sa hotel, pagkain. Tapos ‘yung mga sundalo mo maglagay kayo ng mga kampo. Kasi hindi naman kayo makahingi eh ayaw ko naman talaga. Walang ceasefire, walang hingian, wala na lahat. Ako ang maghatid ng pagkain. Para kung lumabas kayo sa kampo, huwag kayong magdala ng baril.

 

Medyo payag na si Bebot is — sila ni Dureza. Iyong si Dureza na hindi bumalik, parang siya ang bumaligtad nandoon na sa komunista. Eh hindi na nagpakita eh. Kako baka nakuha na nila. Eh di sige na lang.

 

So ‘yan ang deal ko. And doon naman sa ibang rebelde, MI, MN, si Nur Misuari has always been patient with me. Sabi niya, “Sige lang kung ano lang ang ano ni Mayor tapos pag-usapan after the BBL.”

 

‘Yung BBL naman sabi ko palusutin natin ‘yan. Kasi pag hindi, alam mo — nagwa-warning lang ako, the sole, singular reason why I am pushing for the BBL, magka-giyera talaga, magka-giyera sa Mindanao.

 

Ang problema hindi lang MI, MN, pati ‘yung Moro. Kasi ang aspiration nila is territory. Alam mo nauna ang Islam sa Mindanao by almost 70 years. Nagpunta ako ng archive sa Malaysia, they were starting but ‘yung talagang nag-settle ang mga missionaries ng Islam, they were ahead by 70 years bago dumating si Magellan.

 

So ang issue ngayon is territorial at least ibalik mo lang naman ‘yang kinuha ninyo. Kasi na-conquer tayo ng Spain, ng America at pinaghati-hati kagaya ng Middle East.

 

So sila talaga may galit rin. Ako I feel for them because ang roots ko Maranao. Ang lola ko sa mother side. Ang tatay ko Cebuano. Lolo ko Chinese, mother side. Kaya wala akong ano. Gusto ko lang ano lang ‘yung tama.

 

Kasi pag hindi puputok itong MI, MN. Ang problema diyan, it’s only territorial. Baka maareglo pa natin.

 

Ang problema ngayon nandiyan ‘yung ISIS. Ang ISIS ang dala talaga religion. In a very corrupt… Huwag kayong magalit kayong mga Moro pareho lang tayo. Wala tayong ano diyan. It’s a corrupt and a vicious ideology of killing and destroying.

 

Ngayon kung magka-giyera and puro Muslim ‘yan sila. So ako ‘yung gobyerno, my enemy is your friend. Ganun ang giyera eh. Pagka pumasok ‘yan ang ISIS lahat, puputok ‘yan.

Kasi alam mo sabihin ko na lang sa inyo at isusumbong ko rin sa mga kapwa ko Moro na meron silang interpretation sa kanilang relihiyon na iniba talaga nila. Ni hindi ko narinig ‘yan noong maliit pa ako sa lola ko at mga lolo.

 

Nagpupunta ako doon mga relatives ng — nagsasalita… Wala man ako narinig na ganun na gusto niya lahat maging Muslim pagka hindi you are an infidel at kailangan patayin. Eh kung ganun sabi ko magkakaproblema tayo diyan.

 

Alang-alang naman papayag akong… Ako ‘yung mayor tapos papayag ako ng ganung… Hindi na tama ‘yan.

 

So magkagulo talaga tayo. Because one of territory which is really the legitimate aspiration, kanila kaya ang Mindanao eh.

 

Maranao, Maguindanao, Iranun, Sama, Tausug, sila ‘yang nauna. Pag hindi ka Muslim, pag ang relihiyon mo Kristiyanos, you are not an original guy of Mindanao. Maybe you are the descendants.

 

Pagka-Katoliko ka, Protestante ka, wala. But at that time ubos na ‘yung — na-convert na lahat. Ngayon ang problema may mga — you kill the infidels.

 

Dito sa Southeast Asia ang pinakamalapit natin is Indonesia. It’s almost 99 percent Muslim. I’m not saying na magkakaareglo sila, no.

 

Ang Malaysia, Brunei, puro Muslim ‘to. Saan ang pinaka magandang battleground? Where can you find the infidels? Alam mo saan? Mindanao.

 

So maraming infidels kasi nandiyan ‘yung mga iba-ibang relihiyon. Tapos hindi naman… They interpreted it in a very corrupt way.

 

Biruin mo patayin ang tao na hindi mo kapwa kasama sa relihiyon? Pagka g*** naman. Pag ka — eh patayin mo lahat ‘yung Kristiyanos, there will be war.

And that is why I am desperate in trying to forge ‘yon.Hindi ako makikipag-usap diyan sa mga durugista na ‘yan. Ito lang. So ginagawa ko. Sison, MI, MN. Iyan ang pangatlong sabi ko gagawin ko.

 

I promised you that and I am doing it. Corruption, drugs, ito ngayon. We are in the thick of talks.

 

Tapos sabi ko hindi ako makialam sa gobyerno. Ito nandito lahat ang mga secretary maski sino. Walang transaksyon sa gobyerno na umaabot sa table ko.

 

Pag ‘yan labor kay Bello lang ‘yan. Pagka sinabi trade and commerce, nandoon lang ‘yan kay Ramon Lopez. Pag DOTC si Boy. Lahat ‘yan. Hindi ako nakikialam. Kay Alan wala. Hindi ako nakikialam kung sino ang ambassador niya. Even sa military sabi ko si…

 

Alam mo si Albayalde he has the credentials. Nagtatanong ako ng mga pulis, eh ito si Bato mag-retire na. Sino ang gusto ninyo? Si I rattled off about three names. Sabi nitong mga pulis, “Ay sir huwag ‘yan si Albayalde. Napaka-istrikto niyan, sir. Mahirapan talaga kami mag… Naninipa pa ‘yan, sir.”

 

Sabi ko, “ha totoo?” “Yes, sir. Huwag kang magkamali diyan, sir. Talagang…” “Ganun ang ugali niya?” “Ah sus sir nagmumura, sinisipa.” “Ah, sige, sige…” Pagka umalis na ‘yung mga buang na pulis, sinabi ko kay Bong, “Bong, tawagan mo si Año, Secretary sa DILG.” Sabi ko, “si Albayalde ang kunin ninyong chief PNP.” [laughter and applause]

 

Be careful of what you do not want. In the end you might want it, ganun ‘yan eh. Walang transaction dito. Kaya’t no other time kaya ako bumira ng ABS-CBN, binabastos ko lahat pati ‘yung may-ari ng mga doughnut, mga Rufino.

 

Imagine hanging on to that piece of property Mile Long, ‘yung may kanal diyan sa Makati. Walang kontrata for 50 years, wala kaming makitang kontrata. Noong nag-expire ang 50 years ‘yung lahat diyan sa gobyerno na, they kept on collecting parang sila ang may-ari. Hindi man nila akalain na…

 

Alam mo ‘yan ang sinasabi ko, if anything can go wrong, it will go wrong. Hindi nila akalain talaga na ako ang… Lahat may obligasyon ayaw ko na lang… Ayaw ko ng kuwan.

 

Lahat ng may mga utang bilyon-bilyon, ikaw? T*** i** mo 10 days. Ayaw mo magbayad? Bukas pupuntahan kita sa opisina mo. Bayad lahat. [applause]

 

So meron tayong extra money to ‘yung mga benefits ganun ginagawa namin.Ano ba naman ‘yang pera hindi naman amin ‘yan eh di itapon mo sa tao. Hindi mo naman pera eh.

 

Ang dumadating lang sa akin appointments pati ‘yung mga policies, monetary ganun. Mga pinag-aralan ko. Pero ‘yang mga transaction…

 

Kaya ako malakas na loob wala kang masilip sa akin talaga. May masilip ka pero… [laughter] Pssstt magbalot na. G**** umuwi ka na. Sabay na tayo. [laughter] Bantay ka ha. [laughter] Ito pa naman mga babae ganun puro kalandian tapos… [laughter] Maganda pa naman.

 

Ganyan ‘yang babae, Bisaya magparide… “Ah Mayor ganun…” Tapos ligawan mo. Mga ilan buwan na siyempre. [acts like crying] Hindi mo man sinabi marami ka pala tatlo pa. [laughter] 

 

Ay g*** magkabarkada tayo huwag mong maglagay diyan, kabarkada mo ‘yan. Mag-grupo na lang tayo. Kakain tayo ng barbecue. Eh ‘yung iba kasi tampo nang tampo hindi naman ito.

 

Eh kung gusto ko buksan ko itong… Atsahin mo itong puso ko tingnan mo… Paki-focus nga uli ang camera. [laughter] I-focus mo doon kay ano — kay manang. [cheers] Iyan kay manang. I-focus mo doon. [laughter]

 

Madam, ilan bang buwan ang kontrata mo dito? [cheers] Pag-expire umuwi ka na. [laughter] Alam mo naman kung saan ‘yung Pasig ‘no. [laughter]

 

Sa tabi ng Pasig ‘yung opisina maliit lang. Hindi man ako natutulog diyan sa opisina ko kasi t**** i**** ‘yan nandiyan sa ano ‘yung building na malaki. Mga walang-hiya ang multo diyan maski araw. [laughter]

 

Maski araw umuupo sa harapan mo. Eh klase-klase ang tumira diyan eh mga Español, nandiyan pa ‘yung where the mother of Rizal knelt down before the Spanish authorities noon begging for the life of Rizal.

 

So iyan lang para sa akin ang mahalaga diyan. Iyong iba wala na… To me it’s the most sacred place sa Malacañan. Iyong iba wala na.

 

Pero alam mo na. Kumusta si Papa? [cheers and laughter] Saan na?

 

Hindi ‘yung papa, iba man ‘yung papa kay, alam mo na. ‘Yung Papa. Makausap ko lang naman in advance.

 

I-text mo si Mama ha. Sabihin mo may, baka magkaroon ka ng son-in-law na… [laughter]

 

Now, for the bad news actually. Kaya ko kayo pinapatawa kasi alam mo may problema tayo sa Kuwait.

 

Ako po ay ayaw ko ng away. Tutal sabi ko, alam mo the only sin if at all itong mga kababayan ko nagpunta diyan sa inyo kasi trabaho, survival.

 

Pero marami kasi ang nangyayari. Pero I’d want to assure Kuwait that we have a history of friendship.

 

Ayaw kong… At this time, ayaw kong guluhin ‘yan. Hanggang ngayon tutulong rin sila but medyo may konting gusot. Medyo we are put to a test how long we can work this out.

 

If not, ang ano ko sa Kuwait, ‘yung alam naman ninyo ang nangyayari. So in a very diplomatic way, I do not want to destroy a good neighbor, a friend, for after all, ilang years man rin sila nagtulong sa atin. They accepted our Filipino brothers and sisters.

 

Pero ang problema kasi, alam mo na, I can no longer — hindi ko na matanggap ‘yung what’s happening to them. So ang sabihin ko, apparently parang lumalabas na may galit sila sa mga Pilipino.

 

Ang sabihin ko na lang sa kanila and I plead na may total ban na sa deployment. Ayaw ko na silang papuntahin because apparently parang ayaw ninyo ang Pilipino. So… O Filipino.

 

Huwag na lang ho ninyong… Do not hurt them. Just help us. I will look for money at kukunin ko lahat, lahat ng trabahanteng Pilipinong nasa…  Bahala na mag-utang ako kung anong gawain ko. [applause]

 

You know, I will be frank with you. China is a very good friend. Talagang kaibigan ko.

 

When I was there last week, may ibinigay si President Xi Jinping. Sana gagamitin ko ‘yun sa ibang project pero nandiyan naman.

 

Actually I’d tell you it’s about five — 4-point something, almost 5 billion.

 

‘Yung pera na ‘yan gagastuhin ko na lang para kunin ko ang lahat nang gustong umuwi. ‘Yung… [applause]

 

Just do not hurt them. I plead that they’d be given a treatment deserving of a human being.

 

Maya na lang tayo mag-usap kung makuha ko na lahat. At this time, I am not in a position to… Wala muna ako. Basta ako, I’d address myself to the Kuwait government and the people: Salamat sa pagtulong ninyo sa mga kababayan ko all these years. It is with… A debt of gratitude na after all nakatulong man rin kayo. So wala akong galit, walang hatred, wala lahat.

 

Pero kung itong, the presence of the Filipino, if it is a burden, nabibigatan kayo sa pagdala sa kanila, allow us to get them out.

 

I have that money which I… It was intended for education, gagastuhin ko ‘yan to the last centavo.

 

Tulong ng China ‘yan. Pero ang tulong ng China, wala pa ‘yung mga insidente na ganito. But sabihin ko na lang, magbigay man sila, gratis. Walang purpose basta ibinigay nila.

 

Mabuti’t na lang sabi ko, “ilagay mo lang ‘yang pera diyan para ‘yun ang gagamitin ko.”

 

Ang karamihan kasi mga workers, mga domestic helpers. Mukhang mabigat sa kanila. It is a burden to them. Parang ayaw na nila. O di sige, pasalamat lang ako.

 

Anyway, nakatulong na rin kayo. So with a few incidents here and there. But as a President of a nation, it behooves upon me to do something and I will… All this diplomatic ruckus about the — ‘yung inextricate nila, kinuha nila doon sa mga bahay-bahay para tulungan because there were cries for help na walang intervention ng pulis nila, well, our Secretary of Foreign Affairs has apologized.

 

Ako, I respect your decision. But anyway, let me also thank you for all of these things.

 

At kayong mga nandiyan lahat sa Kuwait, for those who are not really household helpers, I now appeal to your sense of patriotism: Come home.

 

Tutal marami nang trabaho sa Pilipinas. May delegation nga ng mga Pilipino nandoon ngayon to convince ‘yung mga engineer, mga… Kasi dito, na-stymie ‘yung mga construction natin. Walang master electrician, walangmaster carpenter, walang master plumber.

 

You cannot all do this thing na magpulot ka lang ng tao diyan, “o sige, ito trabahuhin mo.”

 

Eh ‘di nasunog tayo… O pag-flush mo sa toilet bowl, pag flush mo ng ganun, instead papunta doon sa [laughter] papunta… I mean, nandoon lahat eh. Nandoon lahat.

 

The last time that I — na na-ano ko was a lady from Maguindanao. She was a Muslim pero ‘yung — hindi, ayaw ko na lang pag-usapan.

 

So salamat to the government of Kuwait, to the Emir, thank you for your generosity in the past years.

 

I am appealing to my countrymen to come home. Apparently, it seems that you do not like the way they are expected to serve their employers, I’m sorry for that. Maybe some of them really does not know the culture also.

 

So lahat kayong Pilipinong nakikinig, umuwi na lang kayo sa Pilipinas tutal marami nang trabaho. Marami na talagang trabaho ngayon. [applause]

 

In two years’ time, makikita na ninyo ‘yang inaasahan ninyo — railway… Ang China ang pinaka… At ang America, okay rin. All these years.

 

Of recent siguro hirap sila ngayon ‘di… Wala man kayong pera, dito muna ako sa… [laughter]

 

Wala man kayong ma-ano sa akin. Lolo ko Lam, Chinese. So do not mind my words but I am just trying to say that above anything else, we sent abroad not slaves but human beings. So… [applause]

 

But if somehow their style of working does not fit into your culture and they are hurt along the way, please understand our problem because I have to…

 

I cannot just stand idly here. Hindi ako haharap sa inyo kung wala akong gagawin. I have to do something.

 

Ngayon, sabi ko karaming mag-uwian niyan, 5,000. Hindi bale. Maghanap ako ng pera. Ako na mismo ang magnakaw sa mga bangko natin. [laughter and cheers]

 

I will spend the last centavo and I tell you, magkahirap tayo, so be it. Basta alam lang ninyo na kung saan ang pera ninyo pumupunta.

 

We can make a public accounting of your money. [applause] It’s never wasted kung ano-ano.

 

 

So ‘yan lang ang masasabi ko dito sa problema natin. Magpapasalamat tayo at this would be about my…

 

I don’t know how many times I’ve been here. But a few times that I have a time, I always meet my fellow Filipinos.

 

Ngayon pag galing dito diretso na ako sa airport, mag-uwi na ako kasi marami ngang problema eh.

 

And I have to be there. I hope that I can do something for my country for the time, for the short time that I have been here.

 

But let me assure you: Sa panahon ko, walang abuso, walang corruption, wala ‘yang… [applause] Ayaw ko ‘yan. Ayaw ko ‘yan. [applause]

 

Hija? [laughter] Hija de kagang, saan ka? [laughter] Basta alam mo kung saan ka magpunta ha? [laughter]

 

Hindi totoo. Ambassador, kunin mo nga ang number nito. [laughter] Punta ka doon sa opisina, ibigay mo. Walang sisihan. [laughter]

 

Ang importante, ‘yung mga long-term, huwag na ‘yun.Mabigyan lang tayo ng pagkakataon ng isang saglit sa mundong ito [cheers] at mayakap lang naman kita sa pag-ibig. [cheers]

 

Huwag kang mag… Gusto ko nang pumunta diyan ngayon, l****. [laughter] 

 

PSG, sabihan ko na lang itong mga sundalo, damputin ninyo ‘yan… [laughter]

 

Well anyway, lahat kayo ha. Hindi ako nang-aano. Lahat kayo, ‘pag mag-uwi kayo sa Pilipinas and if you want to visit your palace, I consider it my office. [cheers and applause]

 

Kung gusto ninyo tumingin, sabihin lang ninyo na mga overseas workers kayo. You will have the… Magpasyal kayo doon sa at makita ninyo ang palasyo ninyo. Inyo ‘yan, hindi amin.[applause]

 

And nobody but nobody will deprive you of you know, viewing the… Ayaw ko ‘yan tawagin na Malacañan Palace, napaka-corny. Kung nakita lang ninyo ang bahay ko, sa totoo lang.

 

Hindi ako natutulog doon. Sabi ko, maraming multo doon, libre masahe pa. [laughter] T*** i**** ‘yan, ang multo pa ang nagmamasahe sa’yo. Tulog ka baka tulak. [laughter] T*** i** ’to.

 

Sabi ko, “doon ako sa kabila, doon sa harap ng barracks ng sundalo.”

 

Alam mo ang kwarto ko, ito ma-uwi man kayo. Ang kwarto ko galing diyan hanggang dito. Ganyan lang kalaki ang kwarto ko. Hindi naman ‘yung — ‘yung magkasya na ang dalawa. [laughter]

 

Eh kung mat — paano kung hindi ka makahiga eh ‘di mag ganun ka matulog. [laughter]

 

Pero you can visit Mala — tingnan mo ‘yung kwarto ko. Tingnan ninyo. Ako, hindi mo talagang… Hindi ako nagbobola, karami nang nagpunta diyan. Maliit lang ang bahay ko. ‘Yung tulugan ko? Dito hanggang doon.

 

‘Yan lang, okay na ako. Wala akong problema. Problema ko ‘yung bayan. ‘Yung comfort ko, matanda na ako kaya — baka mahulog pa ‘yung eroplano pag-uwi ngayon, wala na, no more. [laughter]

 

Kasi ‘yung mga adik doon pati drug lords sigeng, “Hay mag-crash sana ‘yung p****** i**.”  [laughter]

 

But you know I have the — I have your prayers and… [cheers] It’s always Allah who decides the fate of men.  

 

I hope to see you again. I said that is a raincheck invitation. Ibig sabihin, anytime na gusto kayong pumasyal sa Malacañan, just let us know and maybe 20 at a time.

 

May pagkain doon. Ang pagkain sa Malacañan, simple lang ngayon. Isang sabaw — oo, totoo, totoo ‘yun. Magtanong ka maski sino. Isang sabaw, wala na ‘yung steak, steak. Isang sabaw, kanin pati isang ulam. ‘Yung lang. [applause]

 

Pero kung kuntento na kayo niyan, doon tayo magkain. Tayo hija  [laughter] bakit pa natin pagastusin ang tao dahil sa ating pag-ibig? [cheers]

 

Hanap tayo ng ibang restaurant diyan. Huwag tayong magpahalata kasi  [laughter] ‘yung tatlong asawa ko nakikinig ngayon sa atin. [laughter] 

 

So pang apat ka na lang, okay lang. [laughter] Parang tingin ko hindi ako lugi. [laughter]

 

So see you maybe at some other time. I said I love my country, I love the Filipino and I love you all.

 

Maraming salamat po. [applause]

  

— END —

 

 

 

 

 

 

 

 

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Comments

comments