DUTERTE TRANSCRIPTS: Welcoming OFWs from Kuwait. 13 February 2018

Want create site? With Free visual composer you can do it easy.

Presidential Communications Office
Presidential News Desk

SPEECH
OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING THE WELCOMING OF OFW AMNESTY AVAILEES FROM KUWAIT “SAGIP-SUNDO NG PANGULO #pangOFWS”
[Delivered at NAIA Terminal 1, Pasay City | 13 February 2018]

Tatawagin ko po ‘yung mga katulong ko sa gobyerno, my coworkers sa opisina ko.

Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III and the other members of the Cabinet; Congressman Aniceto Bertiz, one of those who really went out of his way to help us; mga kapatid kong nagbalik; mga kasama ko sa gobyerno; mga kababayan.

Magandang gabi po sa inyong lahat.

 

Meron akong speech dito pero babasahin ko ito para huwag naman sumama ‘yung loob ng taong gumawa nito doon sa opisina ko.

 

Well, anyway, welcome home. And masaya ako na dumating kayo dito buhay — at least buhay walang napinsala at in good spirits.

 

Alam mo matagal ko na itong nalaman, noon pa. Kaya lang hindi naman ako ang Presidente at always ‘yung everytime na ano…

 

We would like an investigation but at the same time wala naman kasing mga resulta kung ano ang nangyayari basta na lang buksan ‘yung katawan, tapos sabihin na ‘yung iba sa… Sabihin nagpapakamatay, kung ano-ano lang ka****** ang sinasabi.

 

Well, anyway, I was really worried. I was going home the other night, nakita ko na ‘yung mga ipinadala ninyo sa cellphone. Doon ko nakita ‘yung mga babae na minaltrato ng — kung saan kayo nanggaling.

 

Eh nung pagbaba ko, ibinigay sa akin ng aide ‘yung picture ng babae iniligay sa freezer and I thought this must be a — for sure a Filipina. Nung nalaman ko pagka-umaga na talagang — Cabinet meeting kami, pumutok ako, sabi ko… Eh ‘yung mga ibang Presidente kasi siyempre Presidente ka, disente ka na tao ayaw mong mag-mura.

Ako naman Presidente pero talagang nagmumura ako sa p***** i**** ‘yan kasi hindi ko nagustuhan at saka hindi ko na masikmura, sabi ko…

 

Alam ko eh. You know why? Bakit ko alam ang sitwasyon ninyo. Once upon a time I was a congressman, congressman po ako ng Davao City, nung sumagad ako ng tatlong term. At meron noong panahon na ‘yon tatlong Pilipino babae na nahuli ng religious police kasi nagbibigay ng mga rosaryohan.

Araw-araw ‘yung mga pamilya nila pumupunta sa bahay umiiyak. Hanggang parang hindi na matiis ng kasama ko, asawa ko, sabi niya, “Do something about it. Maawa ka naman sa pamilya.”

 

So I went to Riyadh, had an audience with King Fahd and I was able to plead to him for the release of the three Filipino first. Pumayag naman siya pero ‘yung chief minister na katabi niya sabi niya kausapin mo ang parang counterpart mo na congressman na may kaugnayan sa law and order.

 

Nag-usap kami nang matagal almost five hours. Hindi ko na lang po sabihin kung anong sinabi niya pero noon pa alam ko. Kay hindi ko naman kontrolado ang panahon, hindi ko kontrolado ‘yung gobyerno at parang wala man rin akong magawa, mayor lang ako, itinatago ko ‘yan kasi ayaw ko rin na ma-bwisit ‘yung nakikinig at, you know, ‘yung tawag nilang bakokang sa ulo.

 

Until ito sabi ko sa kanila, “hindi na ako makatiis nito.” Eh kung ayaw nilang magkiyaw-kiyaw diyan, talagang nagalit ako kasi nag-meeting kami dahil lang sa inyo. We started at 2 o’clock in the afternoon at 2 o’clock in the morning kami nagtapos.

 

So I decided sabi ko, “pauwiin mo lahat.” Walang pera? Magnakaw tayo ng eroplano kung sino diyan basta pauwiin mo lahat.

 

May pera o walang pera sabi ko. Sinabi ko sa taga-gobyerno, maghanap kayo ng pera. Kung walang eroplano, bumili kayo ng langis diyan sa… mkmkmk… [laughter]

 

Tutal lagay mo lang naman kilikili. Ang problema lang kalahati ng katawan mo maiwan doon so mamili ka. Eh biglaan eh. Sabi ko may pera o walang pera.

 

At ito naman, nagmamagandang-loob ang PAL, si Lucio Tan, pati ang Cebu Pacific. Ayan dalawang Pilipino ‘yan of Chinese ancestry pero Pilipino ‘yan.

 

At tumawag kaagad sila ready sila mag-deploy ng eroplano. Eh may mga ano kami noon pulitika eh. So meron kaming konting alitan pero hindi naman ganung kalalim. Pero ‘yung binawi nila sa subsequent events ng buhay ng isang Pilipino.

 

At ilang beses sila nag-offer ng eroplano libre na. Lucio Tan, I said, called yesterday offering another plane.

 

I’d like to just say to Mr. Lucio Tan and the Gokongwei family, si Lance, in behalf of my — in behalf of our countrymen, salamat po [applause] and I will remember you for all time.

 

Ito namang kay Lucio Tan, huwag kang mag-alala, walang harassment sa gobyerno ko ke magkasama tayo sa pulitika o magkalaban. Just do the right thing and I will do the right thing and we will be all right.

 

Huwag kayong mag-alala na meron akong masamang loob, wala po. Kasi ganun lang ang pulitika. Kanya-kanyang choice ‘yan kung sinong gusto mong tulungan.

 

Eh tapos na ‘yan at binawi na ninyo at ilang beses na. Because of this incident, Mr. Lucio Tan, I’m going to shut up forever.

 

Wala ka nang marinig sa akin na salita na ‘di ka — hindi ka nagbayad ng… Okay na sa akin ‘yan, tapos na.

 

Nabayaran mo naman ‘yung taxes mo at ‘yung ipinakita mo. And mind you, I am ready to protect every businessman, kagaya ninyo.

 

Walang corruption dito sa gobyerno na ‘to. Sabi ko nga sa inyo kung may maghingi, sabihin mo lang at ipadala natin doon sa Kuwait, ipapatay natin. [laughter]

 

Well, anyway, we are here to see to it that every Filipino is treated decently.

 

Ito —- ito nagmumura ako pati ‘yung inutusan ko sabi ko, sabihin mo sa mga… Well, anyway, tapos na ‘yan. I think… Kaya ganun na lang ho ang galit ko kung mabalitaan ninyo kung bakit talagang ano ka sa mga droga.

 

Kasi alam ko ‘yung mga anak ninyo pinapa-aral ninyo, nandoon kayo and you endure, tinitiis ninyo ang kahirapan sa buhay at kasama ‘yung ano ‘yung nasa trabaho. Alam ko ‘yan.

 

 

Ngayon, itong mga masasamang-loob, dinidikitan nila ‘yung mga bata diyan sino ‘yung alam nila na may regular na pera na dumadating. At doon nila imbyernahin ‘yung bata, dikit nang dikit hanggang bumigay.

 

Alam mo sa mga mayaman, it’s cocaine. Nandito na sa Pilipinas ‘yan.

 

At hindi mo pa mahuli-huli kasi may eroplano sila, may mga yate, may sariling barko. Mahirapan talaga ang gobyerno.

 

We cannot afford to do that, chasing them all along everyday. Pero itong shabu po, ito’y commodity para sa mga mahirap. Mura lang ‘yan.

 

Pero once you get addicted, wala na. Ang tao maghanap na ng — kay ‘yung mga anak ninyo, ‘yan ang kinu — kinukulit nila araw-araw hanggang bumigay.

 

Kaya sabi ko, nung mayor ako sa Davao, “Huwag mong gawain ‘yan sa mga anak namin kasi papatayin ko talaga kayo. At huwag mong sirain ang siyudad ko kasi papatayin talaga kita.” Walang kwestyon ‘yan.

 

Nung na-Presidente ako, sabi ko ganun rin. Bayan ko, mahal ko. Magpakamatay ako dito pero unahin kita. [laughter and applause]

 

Tapos sabi ko, ‘yung mga anak natin, ganito ‘yan eh pati kami dito lahat, tayo, itong kwartong ito, wala akong maituro na milyonaryo.

 

Ilan ang savings ninyo? Ilan ang kinita ninyo? Kami sa gobyerno, 65 years old mag-retire kami.

 

‘Yung mga pulis maaga ‘yan, 56, militar pati pulis. Ngayon, ang pension namin hanggang diyan lang. Ewan ko sa inyo kung magkano ang na — makukuha ninyo sa SSS.

 

Ako, hindi aabot siguro kasi Presidente, aabot ako ng 4 million. Mga pulis on the average, mga 800 to 1.2.

 

‘Yung ibang trabahante lang, ewan ko sa inyo kung magkano, ‘yung humahawak ng camera, ewan ko pag-retire ninyo kung magkano ang makuha ninyo.

 

If you retire at the age of 60 sa pribado at mabuhay ka ng sampung taon, ang pinakamalayo mong makuha is about 800, the highest is one million.

 

If you get to live for another 10 years, ‘yang mga — kayong mga pulis, militar, kayo, 10 years plus, 800 pesos, makabili ka ng medisina habang panahon?

 

Ngayon pagtanda mo, walang natapos ang mga anak mo, nalulong sa droga, tumanda ka, may pamilya ‘yan, may trabaho, ilan lang ang sweldo dito? Kaya nga kayo lumalabas eh.

 

So pagdating mo ng 80, sinong — p***, sinong magsubo sa iyo ng lugaw? Sinong magbili sa inyo ng medisina? Oxygen mo? Ospital mo? Magbayad sa punerarya, palibing ka? Aabot ang pera na 800,000?

 

One or two years, ang mahal ng bilihin. Pamasahe hindi ko naman kontrolado. Gusto kong babaan. Eh ang problema, ‘yung langis na inilalagay natin diyan sa makina eh mahal. Ini-import naman natin ‘yan at binabarayan.

 

Ang malas ng Pilipinas ganito. Hindi kagaya tayo sa Indonesia pati Malaysia o Brunei na may oil.

 

So libre na sila sa paaspalto, oil ‘yan eh. Gasolina, libre. Wala silang taxes. Ano ang atin Pilipinas pagtusok mo diyan. Ang ibinaon mo na… Tapos sinisira pa ng mga minerong mayayaman ang lupa natin, butas dito, butas doon. At makita mo sa taas parang tansan ‘yan na sa tuktok ng isang bukid may butas. Sinisira talaga ng mga…

 

Kaya sabi ko, one of these days hintuin, they have to stop. Ngayon ekonomiya natin kaya kayo? Kaya, maghintay lang kayo. Kailangan may kapayapaan tayo.

 

Kailangan walang gulo ang Pilipinas, walang nagbebenta ng mga droga diyan at pagsaksakin ang mga tao, mag-anak.

 

Parang unggoy ‘yan eh, pag sumakay sa likod mo, kamot nang kamot ‘yan sa… It’s a monkey that rides on your back and if the itch is there, you have to steal, kill or borrow money. ‘Yan ang problema.

 

Ngayon pati itong mga rebeldeng komunista, itong isa pang mga w***** h*** itong… Sila ‘yung nagpapahirap sa bukid. “Huwag kayong maniwala diyan sa gobyerno.”

 

Bakit ko kayo pahirapan? Ako ‘yung nagsasabi sa inyo botohin ninyo ako at magtatrabaho ako para sa inyo.

 

Itong mga ‘to pati sa bukid, humihingi. Pinapatay ‘yung sundalo ko pati pulis ko. Walang ginawa kung hindi mag-extortion. Puro mayayaman na ‘yan eh, mga mining diyan pati mga plantasyon ng banana.

 

Ang mga leader nila mayaman. Nakakapunta kung saan-saan, Netherlands. Itong mga — kayong mga g*** na hindi naman iniintindi, nagpapakamatay kayo ng isang tao, si Sison.

 

‘Yang pampagulo sa bukid eh pumupunta doon sa mga bahay-bahay, maghingi ng mangga o rice, hinihipo pa ‘yung mga asawa ninyo. O walang…

 

‘Yan ang klase na kalaban ng gobyerno kaya ang pinakamahirap na sector ang agrikultura. Kailangan hatakin ko ‘yan.

 

Kailangan ko papasukin ang kapital kasi itong mga g****** ‘to, itong mga komunista, wala naman kayong maibibigay. Wala man kayong pera.

 

So meron tayong niyayaya, sinusunog ninyo ‘yung mga equipment, mga bulldozer. T*******. Paano ko hilahin ang sector?

 

Kasi dapat kung saan itinanim, doon na rin ‘yung factory. Pagka pineapple, may factory ka, mag-canning ka diyan, eh ‘di hindi na masyadong magastos.

 

Mahirap ‘yang pupunta ka pa ng factory doon sa isang probinsya, dalhin mo ‘yung pinya mo doon. It makes life hard, more expensive.

 

So ‘yan ang — magtanim ka, you encourage the farmer na ang agriculture by nature, talagang iimbyernahin kung magtanim.

 

Kayong mga gusto ng lupa, tingnan ninyo kung saan gusto ninyong bukid diyan, ibibigay ko. Kalaki ng Pilipinas. Hindi mo naman maubos ‘yan.

 

Ngayon, may livelihood. Kung wala kang hanap-buhay, may livelihood. Pumasok ka ng — every office in my — meron silang livelihood program. Labor meron, ang DTI meron. Bigyan ka. ‘Yung tawag nila ng micro small. ‘Yan. Tuturuan ka, pahiramin ka ng pera.

 

They’ll give you about tig-200,000. Maski mag maruya ka na lang diyan o ano mabubuhay ka na. O pag p*** eh pati doon, bababuyin ka, pagsamantalahan ka tapos sasaktan ka.

 

So huwag na kayong bumalik doon. ‘Yung sabi ngayon ang problema is ‘yung bumakasyon lang dito at gustong bumalik pero nagreklamo kay Bello…

 

Iyong iba naman na who had a nightmare there, better come home and maghanap tayo ng… Maski gaano karami. Tutal may pera ang gobyerno eh. There’s no such thing ang pe — ang gobyerno walang pera.

 

Maka-utang nga kayo sa bangko, lalo na ang gobyerno. Eh ‘di mag-utang tayo nang mag-utang. Bahala na ang…

 

Sino bang i-sheriff nila, ako? [laughter] Totoo. Bakit naman ako mag-utang? Sabihin, “sa panahon ni Duterte marami tayong binayaran, marami…”

 

O ‘di okay. Basta napunta lang sa tao. Sabi nila, pati ‘yung mga anak natin sila na ang magbayad. Eh ‘di sila ang magbayad.

 

Anong gawain mo, anong ibayad ko? Pero the need is now.

Ngayon ang problema hinaharap ko ngayon. ‘Wag mong sabihin na walang pera, may pera talaga ang gobyerno, kung walang pera eh ‘di babagsak ‘to. Eh ‘di manghiram tayo.

 

Pero meron kaming ibinibigay, malalaki. ‘Yung mga diyes mil-diyes mil, ‘di ako maniwala diyan. Maubos lang ‘yan sa isang biyahe ninyo sa mall diyan, wala na. [laughter] Ganun rin ako eh, ‘yan man ang racket nating lahat.

 

Bigyan ko kayo ng kinse mil? T*** i***** Duterte ‘to anong [laughter] –— kung anong negosyo na… Kahit hanggang gabi sa Max’s tapos pasyal tayo.

 

May mga bata pa. ‘Yan classmate ko sa grade six o. [laughter] Pero na ano, ‘di ba na — nahuli ka natapos, naiwan ka? Naalaala ko na eh, nagtanan ka ‘no? [laughter]

 

Ayaw pa naman, mag-denial. Nagtanan ito kaya — tapos sumipot ‘to uli two years after, naiwan. Totoo. Taga-saan ka, ma’am? Taga? [Isabela] [Kay Sec. Bebot]

 

Hoy, Bebot.  ‘Wag kang pumatol diyan wala ngang medyas ‘yan mabili, p***** i**.[laughter]

 

‘Pag binola ka ni… Tignan mo, tata — tinatago pa ‘yung paa, tignan mo, ilabas mo. [laughter] 

 

‘Yung mga ganun ‘wag ninyong patulan pagtingnan mo ‘yung lalaki magpa-charming-charming diyan sa tabi, tapos mapapabulong-bulong — kunwari magpatulong sa… ‘Yan ang mga racket ng mga p***** i** eh. [laughter]

 

“Miss, alam mo ba ito ‘pag paano?” Ikaw rin si g***, “Oo, sir, ganun lang ‘yan, sir.” Pero nakatingin ‘yan doon sa… [laughter] 

 

‘Yan ang racket ni Paras. [laughter] Congressman — Undersecretary Paras, Congressman ng Iloilo ‘yan. Magkasama kami sa 11th Congress noon congressman. ‘Yung sinabi na noong panahon pumunta ako ng Riyadh.

 

So ‘wag kayong mawalaan ng pag-asa. Hindi naman kayo magugutom. Sabihin niyo kung bigas lang, may bigas tayo. Magpunta ka lang sa DSWD, sabihin mo sabi ni Duterte, dito na raw ako kukuha ng konsumo. [laughter]

 

At kasabay daw niyan, mga kapatid ko na Muslim, mga Moro, gusto niyan is kambing, mga isda na… ‘Yan ang sabi ko kasi pabigyan ko kayo, alangan namang pagutumin ko kayo. ‘Di magsabi kayo, “Pauwiin ako dito para lang magpakamatay rin sa gutom.” [laughter]

 

Hindi mangyayari ‘yan, hindi mangyayari. Ubusin ko ‘yung pera ng gobyerno, ipamigay. Tutal hindi man rin akin ‘yan. [laughter] 

 

Wala man akong intensyon na magnakaw. Eh ibigay ko… sabihin na… Sabi ng Kongreso, kalaki ng ibinigay… O sabi ko, bakit gusto ninyong…? You want to solve the problem? You want to take over? Oh then go ahead. Kung wala kayong solusyon, eh ako ang nandito, eh ‘di respetuhan ninyo.

 

Ang sabi ko, punta lang kayo ng DSWD, magkuha lang kayo. I’ll issue the Executive Order. Ipakita lang ninyo ‘yan.

 

Bigyan — may pagkain kayo. Ulam, sabihin ko ‘yung mga menudo, ‘yung mga fried chicken diyan na ano. Tapos, siguro mga 80,000 per tao. Okay na siguro ‘yan, hindi naman na maubos.

 

Talo ko pa ang Arabo magbigay ng pera. [laughter] Basta alam nila may sentimiyento ako sa kanila. ‘Yung sabi ko ‘yung talagang bumubula ang bunganga ko kasi talagang galit ako. Hindi ko kaya ‘yang magtahimik lang ng ganun.

 

Bahala na, eh kung wala kayo, uwi kayo dito. Sabay tayong mamatay sa gutom. [laughter] 

 

 

Bahala na, basta ‘wag lang ninyong… Ang sabi ko, “Ano ang kasalanan ng mga kababayan ko? What’s the sin of my countrymen?”

 

Sabi ko, “Alam ninyo — kaya ninyo — mahirap lang kasi kami.” Kaya nga pumunta ‘yan diyan mag-hanap-buhay tapos ganunin niyo ang aming mga — lalo na babae?

 

Ito sabihin ko sa inyo, hindi ako naniningil ha, mabuti malaman nila, kayong bumalik doon sabihin ninyo, nung panahon ni Bush, ‘yung tatay, itong Kuwait — naabutan pa siguro ninyo ‘yun, kayong matagal doon — gustong agawin ang Iraq, ‘di ba? Oo.

 

‘Pag may giyera doon. Kaya pumasok ‘yung Amerikano, ang Iraqi, bumalik doon sa kanila, teritoryo.

 

Panahon ng anak, kasi may naamoy sila dito na gusto nanamang magwala itong mga g***, nag — ininvade nila. Pumasok ang Amerikano sa Iraq. Kaya si Saddam namatay, ‘di ba?

 

Ang purpose noon para magpa-neutral — may sa gitna na pwersa at hindi makapagwala itong mga ‘to, Iraq, Libya, ganun.

 

So the United States came in, pero ang America, dahil America, ganun man talaga ang America, bisyo man nila ‘yan, they took us, mga Pi — contribute kayo.

 

We sent about 725 doctors and nurses. May tatlong tama ako doon. Hindi pa — may tatlong tama tayo. Para mapwesto lang na walang makagalaw. I’m not questioning the validity ng pagpunta ng Amerikano. If it’s really to put things in order, good.

 

But tayo, nag-contribute ng sundalo, kaya gusto kong sabihin sa Kuwait, ito ba ang kabayaran sa hirap at ginawa namin para sa’yo? Is this the way how you repay us? [applause] 

 

Anong nagawa naming? Anong nagawa ng Pilipinas sa inyo? Nagsisilbi, inaabuso ninyo, pinagsasampal ninyo, pi…

 

Kaya ayaw nang mag-uwi ‘yan… Kayo… Alam mo, Kuwait, ang mundo umiikot ha. Minsan ‘yan mabilis masyado baka mag-abot ‘yan ng tinatawag na karma. When that time comes, you will remember us.

 

Pero ngayon, ako, ako Presidente, sabihin ko sa inyo lahat, never, never do it again. Kung hindi wala na kayong makuha.

 

Maghanap ako — China is opening up, lahat ng teachers ngayon kinukuha. Bilyon  ang Intsik na gustog mag-aral ng Ingles. Because sa English kung pumunta ka kung saan-saan pati doon sa Africa, pati ‘yung walang pantalon doon na lumalabas ang b**** nila dun sa ano, marunong mag-Ingles eh. So everybody wants to learn the language.

 

Ngayon, sabihin ko ‘yung nangyari ‘yan, pupunta ako ng — I don’t’ know how… Ayaw ko nang maginaw. Pero pupunta ako kasi may conference kami doon. So ang gawin ko, sabihin ko, ‘wag na kayong kumuha ng iba, ‘yung aming mga Pilipino na mga OFW, mababait ‘yan.

At saka… Eh ako ang lolo ko Intsik eh. Ang nanay ko Maranao. Nanay niya Maranao. So mestiza-Maranao ang nanay ko. Sabihin ko na tanggapin mo na lang itong… One of these days may alibyo ‘to. Kasi sa China aging ang mga society, ayaw nang manganak.

 

Kagaya sa Japan, ang ordinaryong babae ayaw manganak. Kita ko kasi — may magazine diyan, ‘yung mga bahay nila, alam mo ginagawa nila? Nilalagay lang nila ng mga baby doll, ‘yung parang tao. Wala na — isang barangay, naglipatan na sa — doon sa population centers. Walang tao. Nilalagyan lang nila ng mga tao-tao. I read that magazine.

 

At aging sila, ayaw nila manganak, walang mag-alaga sa kanila. It’s either we build the… ‘Yung mga mayaman dito, you might want to explore the possibility of nursing — nursing homes dito. Ihatid na lang nila dito at alagaan ninyo.

 

Tutal, marunong kayong mag-alaga. O siguro… Wala kang asawa, ma’am? Wala ka pang asawa ‘no? Ah hindi ka marunong mag-alaga. Baka ano. Lalo na ‘yung ano. Nag-pamilya na, ibig sabihin nag-pamilya na eh. Mag-alaga ng anak, ganun.

Aging because they do not want to add to their population. Eh ang Pilipino, walang alam ‘yan basta rapapapapappapap — 110 million kaya mahirap ang buhay.

Kasi kung sana na medyo 50 million lang tayo, ma-manage natin ‘yung pagkain. Enough for all, tapos may trabaho. Kasi kung 50 million lang… Pero kaya naman alam ko. Sumunod nalang… Hindi ako nagpapatawa, sumunod nalang kayo sa programa ng gobyerno.

May pills libre. ‘Wag ‘yang condom kasi hindi masarap ‘yang condom. [laughter] Hindi, totoo. Hindi ako nagpapatawa. Harap nga ng ating Republika eh.

 

Nagdala ako talaga, ito. Kainin mo ‘to. ‘Wag mong balatan. [laughter] Kinuha ko doon sa kotse. Kainin mo. ‘Yan ang condom. [laughter]

Fake na, fake pa ang news. Fake lahat. Ako, I’m just telling you that is why Biology. Alam ko ayaw ninyo ng condom so either magpa-injection kayo good for six months. So walang limit ‘yung ka-l****** mo diyan. Bahala ka kung ano. [laughter]

Magpa-injection lang kayo ‘yung something or the pills. ‘Wag kayong manganak. ‘Wag kayong magpalabas masyado ng tao kasi ako, ako naaawa ako sa tao.

Na makikita ko diyan na walang tatay. You know, if the father leaves the family, walang tatay ang pamilya. Ang mga bata, it is — dysfunctional ang pamilya.

Kung dalawa kayo, asawa mo pati ikaw, aalis ka, the family tree will flounder. It is not only socially unstable, iiwan ninyo diyan sa kapatid ninyo. Iiwan ninyo doon sa mga pinsan ninyo. Nakakaawa ang bata eh. Hindi mo alam nasaktan, kung ano nalang ang pinaggagawa kasi nandoon kayo.

So limit. So ‘wag kayong maniwala masyado sa relihiyon ninyo kasi ‘yan rin ang isang hadlang eh. Bawal mag-contraceptive ang… Pero sila gabi-gabi gumagawa ang mga g***. ‘Wag kayong ma… Who could give you a better…?

Natata… Eh kasi daw kasalanan ng Diyos, ganun. Bakit ba? Sa panahon ba ng ganitong panahon, may Diyos bang pumunta dito sa lupa, “O, sige, o, sige, dito tayo.”

Bagyo, palabas nalang ‘yung g***** isa, pinup*** naman ng isang bagyo dito. Tapos climate change.

Kaya marami akong pinaalis sa gobyerno, mga director. Marami. Kasi mahilig mag-travel. Climate change conference sa Africa, sa Brussels, South America. Wala namang — hanggang ngayon, may bagyo. Ngayon may bagyo sa Surigao.

Uuwi ako. Masalubong ko pa ‘yang bagyo na ‘yan. Uuwi ako kasi Valentine’s Day. Siyempre.[laughter] Tibuok araw (whole day) ganun kayo. Kailan kaya mag-sunset ito para mag gabi na? [laughter]

Ganito ‘yan. ‘Pag may anak na kayo, ‘wag kayong maniwala na hindi niyo mahal ang asawa niyo ‘pag may anak kayo. Ang babae maski saan mo halikan, wala ‘yan. Pero ‘pag ginawa mo ‘yun, ‘yung may ilalagay ka na na — ano ba ang… [Unsa ba ang Tag…? Ano ba ang Tagalog sa seedling?] ‘Pag nilagay niyo ‘yung binhi mo sa katawan ng babae, ‘di mo masabi, “’Wag, ‘wag. Hindi tayo… ‘Wag.” P***. Patayin ka niyan.

So tayo, uwi kayo ngayon dapat kasi bukas Valentine’s Day. Dapat… ‘Pag may anak kayo, ‘wag kang maniwala na ano… ‘Pag may anak kayo, because there’s the bond, you really love your wife.

Ngayon, kagaya sa akin, nakikinig man ‘yung dalawang asawa ko. O ‘di wala namang bawal na mag… Ba’t may batas ba sa Diyos na hindi ka pwedeng umibig ng dalawang babae? May pandagdag pa itong mga pari y***. Pati ang Diyos mahalin mo, eh ‘di tatlo na.  [laughter]

Ako, sa asawa lang ako. O isa pa, “Love thy neighbor.” Wala kayo dito, itong g***** asawa mo baka nandoon na sa neighbor. [laughter]

Memorize ko ‘yan. Mayor ako 23 years. Alam ko ‘yang mga umiiyak sa harap ko. “Mayor, mayor, binugbog ako, mayor.” Makita ko ‘yung ano, black and blue. “Dito, Mayor.” Halos magpakita na ng lahat. “’Yan, ‘yan.”

“O, sige, sige. Okay na. okay na. Sinong nag- bugbog sayo?” “Asawa ko.” “Anong trabaho ng asawa mo?” “Mayor, police.” T*** i**. “Dalhin ko doon sa opisina ko.” “San ka unang sinuntok?” “Dito.” P***** i**, ka.  “Tapos sinipa ako dito. ‘Yan oh, ‘yan oh.”

O may pakapin pa. Ano bang pakapin sa Tagalog? Ah dagdag. Medyo nasasaktan na.

Ang nanay ko kasi kung magbugbog sa akin noon, walang katapusan. Eh ‘di banatan ko nang husto. Gaganun lang ‘yung police tapos iyakin pa, “Mayor, tama na, mamatay man.” Sabi ko, “Akala ko ba hindi mo mahal?” “Hindi naman, Mayor uy. Hindi naman totoo ‘yun. Mahal ko ito siya.” [laughter] Hay naku, ang buhay.

So you have the, at least your pocket money. You… If there’s anything wrong in your life or whatever there is, paalamin mo lang ang 8888. Dial ka ng 8888. Ilagay mo pangalan mo doon, sino ‘yung gumagawa nang masama sa’yo.

Tapos malaman ko ‘yan kasi kinukuha ko ‘yung number. Meron ‘yan nationwide. Araw-araw. Open ‘yan. Sa TV, PTV-4 sa gobyerno. 8888. Dial parang, 911. Sa Davao, 911. National ‘yan. Sabihin mo ito, si ano, pinahirapan ako.

Kaya dito binawal ko na ‘yung — hindi ba ininspection (inspection)  ‘yung bag ninyo? Hindi na binubuksan? Hindi na? [Hindi po.] Hindi, ganito ‘yan. Sinabi niya sa akin ngayon. Ang every country, ‘pag pasok niyan sa X-ray machine, palabas, pakarga, buksan talaga ‘yan.

Pero sa America, lagyan ka ng note na binuksan namin ‘yan pero walang mawala diyan. Kung kutawin mo ‘yan, wala talagang mawala. Izizip (zip) lang nila ulit because of terrorism.

Hindi pa ‘yang — magdaan pa ‘yan ng machine. Magdaan pa ng aso, amuyin. Tapos buksan ‘yan. Nangyari na sa akin ‘yan, travel. Buksan talaga ‘yan kasi dahil nga sa terrorism.

Pero kung dito, sabihin mo wala. Hindi talaga sabi ko sa kanila, hindi na maulit ‘yung — sa panahon ko.

Eh ‘yung tanim bala wala na rin ‘yun. Magdala ka pa ng machine gun diyan. Icheck-in mo, tatanggapin ‘yan.

Tatanungin ka lang kung saan mo dalhin. Wala na ‘yan at saka ‘yang bukas. Kung buksan man, may inamoy  ‘yang ano.

 

Pero hindi ‘yan dito sa… Walang bukasan ‘yan. Doon ‘yan sa port of origin. Buksan talaga ‘yan, takot ‘yan sila kung may bala diyan o may bomba tapos i — America, Europe, lahat, lahat ‘yan. Uso ang terrorismo  ngayon eh.

 

Pero sabihin mo na ano… Kasi sasabihan ko talaga sila automatic, basta dito, automatic. Maghanap ka ng ibang trabaho. Automatic ‘yan.

At saka ‘yung hindi lang ikaw, pati ‘yung supervisor mo, labas lahat. Mga pulis, kung sino ‘yung assigned dito, kung siya ‘yung pinaka-head, siya pati pulis niya, alis kayo.

So lilipad na rin ako kasi mag-Valentines ako sa… Ikaw, manang? Sa Isabela ka? Mag-uwi ka? Itong buang na ito, sabihin man niya mag-uwi rin siya. [laughter] “Ah, timing kasi uuwi rin ako.” “Ah sige, sama na lang tayo.”

 

Huwag kang magpaligaw ni Bello. Pobre ito. Hindi nga makabili ng — naawa ako. Kay baka kung may naiwan kayo diyang konti, contribute kayo, bilihan ninyo ng medyas. [laughter]
Uwi na ako. I’m going home and then I’d like to say that again, welcome. I love you as a Filipino. Mahal ko kayong lahat. [applause]

At hindi po ako papayag na samantalahin kayo. O kung nangyari man ‘yan, makakatikim ka talaga sa akin.

Hindi ako basta-basta na kagaya ng ibang tahimik lang. Galing ako kanal. P***, ibigay ko sa kanila tubig sa kanal.

Hindi ko matanggap ‘yung ganun. Ang sabi ko, “uwi lahat.” Sabi ko “may pera o walang pera.”

Eh ito naman, nagmagandang loob silang PAL, Lucio Tan, pati si… Sana nakikinig sila.

Lucio Tan, tapos na tayo ha. Bayad ka na at nung ipinakita mo in several occasions at marami kang ibinigay sa Marawi na tulong. I really appreciate you and your family. Simula ngayon, pangako ko, wala ka nang marinig sa akin. Tahimik na ako. Tapos na eh.

Sa Gokongwei naman, every time may ganito, mga krisis sa buhay, ‘yang Cebu Pacific would always make it available ‘yung eroplano nila.

Kaya kung kayo lumipad, sumakay kayo ng Cebu Pacific o PAL, tutal wala namang ibang airline, napipilitan kayo puno palagi eh.

 

So ‘yun lang. Ah, hindi, I’m happy, I’m happy that they are doing business here in the spirit of being a Filipino. Mga Chinese ‘to pero Pilipino na ‘to sila. Kaya nga siguro nagmamalasakit.

 

Kung may mensahe kayong iba, kung wala na, aalis na ako kasi… [OFWs: We love you Tatay Digong. Salamat po. Happy Valentines, sir.]

 

‘Yung babae diyan sa labas na gusto kong tinitignan palagi pag nandito ako, ‘yun ang mag-sabi “I love you,” ‘yun.

Ah, sige ma’am, maski sino na lang kay… Biro lang ‘yan ha. Alis na ako. I have to go. [applause]

 

— END —

 

 

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Comments

comments