TINGOG SA SUBA: A midnight secret date

Remate Kulungna (RK): Akala niya ‘di ako lalaban! Sobra na siya! Ilang bisis na niya ako pinahiya sa public. Ngayon babangon ako at dudurugin kita!
Medyas Markiss (MM): Yes dear, er, sir…. teka, parang familiar iyang last line mo, di ba iyan plagiarized?
RK: I am no plagiarist ha. Original iyon.
MM: E kasi naman dear, er sir, binabato na tayo na kung ano-ano. I hate to say this dear, er sir, pero very low ang credibility rating natin.
RK: I don’t care. Basta let’s peddle the idea na it’s an attack against the whole institution ang ginawa nila sa akin.
MM: Per dear, er, sir, kakahiya naman, alam naman ng buong bayan na ikaw lang dapat ang sisipain.
RK: Tumigil ka! Kung babagsak ako, babagsak ang buong bayan!
MM: Ayy, cruel naman iyan dear, er, sir, huwag mo namang isama ang whole nation sa ka-gagohan nga ginawa ninyo.
RK: Ikaw ha! Bakit mo ako kinakalaban? Ikaw rin, wala ka nang ka midnight date.
MM: Halos wala na nga e. You’re always meeting with your lawyers na.
RK: Careful sila sa akin, matitindi ang defense lawyers ko.
MM: Wala na tayong secret time together. Paano kung masipa ka? Kung mangyari iyon, mag sho-showbiz na lang ako. A-apply akong co-host ni Tito Boy o kang Willie.
RK: Anong sabi ni Boy sa speech ko?
MM: Wala ka daw’ng ka life-life.
RK: Sinabi niya iyon?
MM: Yes dear, er, sir.
RK: ‘di bali, mag wo-workshop ako sa public speaking. Tapos na ang mga araw sa pagka-hiyain ko.
MM: (whisper) Mag-lalandi ka rin?
RK: Tumigil ka!
MM: Joke lang dear, er, sir.
RK: Na-arrange mo na ba mga interviews ko? Kailangan visible ako palagi. Ipo-project natin na inaapi ako.
MM: Yes dear, er sir. Wala tayong tatanggihang interviews sa iyo.
RK: Good. ‘yong kay Inday Badiday, sa Nothing but the Truth ?
MM: Dear naman, er, sir, matagal nang tsugi na iyon.
RK: Huwag kalimutan ang The Buzz at Showbiz Central. Pati na kay Sharon.
MM: Naku dear, er sir, LP iyon.
RK: Dapat sa “Eat Bulaga” din… o sa “Showtime” kaya? Puwedi akong mag judge doon.
MM : Mmmmm… Oo nga ano. This is exciting. Showbiz na tayo.
Rk : Pero teka, parang may kulang… Ano kaya kung may trademark look ako?
MM : What do you mean, dear, er,sir?
RK : Kung si mam may head band at life vest, siguro dapat may gimmick din ako.
MM : Tama! Matalino ka talaga dear,er sir.
RK : Pero ano kaya iyon?
MM : (Isip-isp) ahhhh…alam ko na..
RK : Ano! Dapat bagay sa akin.Dapat matindi ang impact.
MM : Bagay na bagay sa iyo dear, er sir.
RK : Ano! Sabihin mo, excited na ako!
MM : Si Statue of Liberty! With matching torch and blindfold!

(MindaViews is the opinion section of MindaViews. Ramon Jorge B. Sarabosing is a writer and visual artist based in Butuan City.)

Comments

comments