TINGOG SA SUBA: HELLO GARCI, The secret conversation exposed

Telephone rings. Garci picks it up. Glory Bee is at the other end of the line but the line is erratic and choppy.

Garci: Hello. Who is this?
Glory Bee: Hello Garci… Hello. Garci…
Garci: Hello. Who is this?
Glory Bee: Hello Garci. Garci, can you hear me?
Garci: (whispers) Apple pie? Ikaw ba ito? Sweetie?
Glory Bee: Hello…. Hello… Garci?
Garci: (irritated) Hello! Sino ba ‘to! (whispers) Sweetie pie?
Glory Bee: Hello Garci. Si mam mo ito. Can you hear me?
Garci: Putradis ‘tong linya’ng ‘to! Hello! Sino ba ‘to!
Glory Bee: Garci… Si mam mo ‘to. Can you hear me now?
Garci: Sino?
Glory Bee: This is Glory Bee.Di mo ba na -recognize boses ko? I’m calling from the palace.
Garci: Mam? Ikaw ‘to?!
Glory Bee: Yes. Can you hear me now?
Garci: Ah yes mam. Good morning po. It’s an honor to hear your voice… again…
Glory Bee: Good. Kumusta ka na?
Garci: Mabuti po.. Ikaw po. Kumusta na po kayo?
Glory Bee: Ito, nag-aalala. Anyway, I called kasi I’m concerned about our situation there. I heard tagilid tayo diyan.  Gusto ko bigyan sila ng zero votes. You will do that for me, of course.
Garci:  Ah yes mam. Kayang-kaya natin iyan mam.
Glory Bee: Very good. I’m happy to hear that. If you can deliver what I want, I make sure you’ll be a happy man.
Garci: Talaga po? Maasahan mo iyan mam.
Glory Bee: Remember,gusto ko zero votes ang kalaban. No more, mo less!
Garci: Yes mam! (remembers something) Except mam, we have one problem.
Glory Bee: What problem?
Garci: E mam…kasi po… my wife…
Glory Bee: Your wife? What about her?
Garci: E mam…kasi..problema e. She said she won’t vote for you.
Glory Bee: What! Why! And why is that a problem!
Garci: Mam, kasi, she wants her vote to be counted… to FPJ.
Glory Bee: She’s voting for FPJ! Why!
Garci: Kasi mam, galit siya sa iyo. Nagdududa e. Bakit daw tawag nang tawag ka sa akin. Nag-sususpetsa siyang…. alam mo na…
Glory Bee: Anong?… Hindi ko alam.
Garci: Kasi mam, nagdududa siyang isa ka sa mga (whispers) chicks ko.
Glory Bee: Ano! how cheap! Sabihin mo sa kanya trabaho itong sa atin.
Garci: Sinabi ko nga mam pero di naniniwala. Sinabi ko pa nga na close lang talaga tayo.
Glory Bee: Sabihin mo sa misis mo, kailan man di kita type!
Garci: Mam naman, maski I look like this, maraming GRO ang nagkandarapa sa akin.
Glory Bee: Dont let me hear that!
Garci: Pero sinabi ko talaga sa kanya, close lang talaga tayo, parang friends in love lang.
Glory Bee: Hay naku! So what is the problem?
Garci: Iyon nga mam, gusto niya ma-counted yong vote niya kay FPJ. So ibig sabihin, may 1 vote si FPJ dito, hindi siya ma seserohan.
Glory Bee: Ano! Hindi ako papayag!
Garci: Pero mam, lagot ako sa kanya. Butangera ‘yon.
Glory Bee: Diyos ko naman Garci,ang laki mong tao, takot ka sa asawa mo.
Garci: Mam, kasing height lang po tayo.
Glory Bee: I don’t care Garci. Basta, total zero si FPJ! Iyan ang gusto ko!
Garci: Mam, paano ‘to, hindi puwedi ma-spoiled ang ballot ng misis ko. Lagot ako.
Glory Bee: I am warning you! You choose, ako o ang misis mo! If not, ikaw ang malilintikan sa akin!
Garci: (begging) Mam naman, please minimize your greed. Isang boto lang naman po. Para sa misis ko lang.
Glory Bee: Bakit? Mahal mo ba ang misis mo!
Garci: Hindi po. Takot lang po.
Glory Bee: Pwes! Don’t you worry, kung hihiwalayan ka, nandito ak.Close tayo, di ba… Hello….Hello…Hello Garci… helllo… are you there? (Whispers) I love you.

Comments

comments