TINGOG SA SUBA: Why Glory Bee is crying

Inside the P50,000 a day hospital room. Glory Bee is sitting in front of the TV, her tears endlessly flowing.

Enters Reyna Elena Batista Thorn (REBT).

Rebt : Mam…. don’t cry…Maaayos din nato ito. We will do everything na hindi ka maalis dito o ma-transfer sa mumurahing government hospital, or worse and heaven forbid, sa police station.

(Tears continue to flow down Glory Bee’s eyes)

 

Rebt : Mam ,promise po.Hinding-hindi kami papayag. Hindi ka puwedeng ililipat kahit saan dahil malubha ang sakit mo.Tapos, ngayon, depressed na depressed ka pa.

Glory Bee: Napaka-sakit…..

Rebt: Alam ko mam…

Glory Bee: Bakit?

Rebt: Be strong po mam. Hayaan nyo, mananalo din tayo.

(Glory Bee sobs mercilessly)

Rebt: Huwag kang umiiyak mam. Maiiyak din ako. I pity you so much. Hinarang pa tayo sa airport at pina-balik tayo dito. Pero sa totoo lang mam, gusto ko dito kasi tawag nila sa akin, doctor…Alam mo bakit mam? Kasi  mas alam ko pa ang sakit mo kay sa mga doctors mo … In fairness, sa akin nakikinig ang tega media sa akin….

Glory Bee: Bakiiit? Ang bigat ng pakiramdam ko.

Rebt: Relaks lang mam. Maaayos din ito. Makakaalis din tayo.

Glory Bee: Paano na? Wala na bang chance na magkabalikan?

Rebt: Sa airport po? Wala na po ata. Malabo na ata. Parang, kung babalik tayo doon, OA na.

Glory Bee (Hahagulhol to the max uli ) Ang lupit! Ang sakit! Paano na ang nakaraan?…. Ang… Ang tamis ng kahapon?

Rebt: Mam, be strong… pls be strong…. (umiiyak na rin)

Glory Bee: Babae ka rin, kaya maiintindihan mo ang feelings ni KC.

Rebt:  Ho? Sinong…. si KC?

Glory Bee:  Ay, tanga! Di mo ba nakita ang the buzz?

Rebt: Hindi po, kasi niri-review ko ang mga interview ko sa tv.Sabi kasi ng mga friends ko ang sweet ko daw at telegenic pero I should be smiling more daw para klarong-klaro ang dimples ko.

Glory Bee: (sobs) hay naku, you’re so vain.

Rebt: Mam, akala ko imiiyak ka dahil sa sitwasyou mo ngayon.

Glory Bee: Hindu nuu…Wala akong pakialam kung saan ako papauwiin…. (sobs) ang gusto ko malaman kung totoo nga….

Rebt: Na hiwalay na talaga sila KC at Piolo?

Glory Bee: Hindi ko ito ma-take… Hinding hindi. Promise…..

Rebt: Ay naku mam, huwag kang mag worry-worry diyan. Madali lang iyan. Anong gamit sa Supreme Court?

Glory Bee: Anong ibig mong sabihin?

Rebt:  Mam naman, ipa- TRO natin! Hindi puweding maghiwalayan sila or else…. babalik ka sa airport.

Comments

comments