TINGOG SA SUBA Janet (Napoles): Lost and Found

Cellphone rings.

Jeane : Hello, Mommy, why did you not answer my calls. Kahapon pa akong tawag sa iyo.

Janet : Anak, alam mo namang nagtatago na ako. Hina-hunting na ako ng NBI.

Jeane : Don’t worry, mommy. sa ka-dadaming condo at mansionis natin all over, di ka mahahanap nila.

Janet : Anak, seryoso na ‘to. Ikaw din, mag-ingat ka dyan, don’t ever open your FB at the moment, better yet, i-unfriend mo lahat friends mo, wala tayong dapat pagkakatiwalaan.

Jeane : Kakainis naman, may bago pa naman akong necklace bili ko kay Elizabeth Taylor, pina-co-close-up ko pa nga sa picture.

Janet : Dont worry anak, we can win this, di tayo pababayaan sa mga connections natin.

Jeane : Mommy, tutuo ba na mas sikat si Benhur ngayon kay sa iyo?

Janet : Ang bruhong iyon! No, anak, mas sikat ako sa kanya! Whistle-blower lang title niya, ako, queen of

scams!

Jeane : Mommy, why don’t make lagay to the media na lang, kaya mo naman.

Janet : I tried that anak, pero naisahan ata ako. Parang wala nang maniwala sa akin.

Jeane : Mommy, worried ako sa iyo, saan ka magtatago ngayon?

Janet : Hindi ko sasabihin sa iyo anak, baka may nag-mo-monitor sa atin pero don’t worry, di nila

ako makikilala, magaling ata si vicky.

Jeane : Vicky who?

Janet : E sino pa, iyong beautician to the stars

Jeane : You mean mommy, magpapa-face-lift ka?

Janet : You got it right anak, at hindi lang face-lift, face-overhaul pa, para di na ako tuluyang makilala sa

NBI.

Jeane : Wow mommy, you’re so wais talaga!

Janet : In the next few days, maski mag-sho-shopping pa ako sa Mall of Asia, walang maka-kilala sa akin!
( laughs)

Jeane : Ay! Excited ako sa iyo, mommy! Teka, paano nga kita makilala kung mag-face-to-face tayo?

Janet : Watch out , mas maganda at bata ako ni Greta, mas sensuous ang lips ko kay Angelina at you

should see my butt, mas curvaceous kay kang JLo!

Jeane : My gosh, mommy, so hollywood ang dating mo, dont you think its OA na. Why dont you go

local na lang ? At least di rin mahihirapan si tita Vicky.

Janet : Okey anak, I am open to suggestions. Sinong gagayahin kong mukha?

Jeane : Kasi mommy, mas believable kung kunwari look-alike kayo.

Janet : Sino nga? Si Hilda Koronel? Excited ako!

Jeane : Si Eugene Domingo , mommy! O di ba, maging tutohanan na ang Kimi Dora!

( Tinapon ni Janet ang cellphone)

Comments

comments