TINGOG SA SUBA: Guess who Janet Burles called (before the gerahan)

Cellphone rings.

Misawsaw:  Hello.
Burles       :  Hello kuya, ay sir chair. how are you na?
Misawsaw:  Who is this?
Burles       :  Sir chair, si Janet ito. Janet Burles, you know, from the island of Basilan.

Misawsaw:  Ah yes, the notorious lady of Basilan. Kumusta ka na diyan?
Burles       : Hindi masyadong okey, kuya. heto nga, nakahiga sa dating tiheras mo. Ang kati.
Misawsaw: Ikamusta mo ako sa mga dogho at ipis diyan.
Burles      : Pinapatay ko nga para may kalingawan.
Misawsaw: Ganon din ang ginawa ko noon.
Burles       : Kuya, bakit tahimik ka ngayon?
Misawsaw: Alam mo na, walang racket. Nainip nga ako e.
Burles       : Ako rin e. Feeling ko na-overposed na ako. Nakakasawa na. Palaging banner story na lang.
Misawsaw: Kakainggit ka. Ako, walang excitement sa buhay.
Burles       : Kuya, ba’t di ka magpasikat?
(whispers) Manggugulo uli.
Misawsaw: Walang budget e.
Burles       : Leave it to me, kuya.
Misawsaw: (excited) Talaga?
Burles       : Oo. Check mo bank mo mamaya. Kinahanglan sa labing panahon ha.
Para naman ma-divert ang attention ng mga inggit sa akin.
Misawsaw : Pero di ba na-freeze na mga bank accounts mo?
Burles        : (laughs) Bakit, isa lang ba ang pangalan ko?
Misawsaw : Tindi mo. Saan ba ang gusto mo? Sa Basilan o sa Zamboanga?
Burles        :  Teka, kung sa Basilan, parang nothing new. Sa Zamboanga na lang. Galit ako sa mga taga-roon. Nag-anti-pork rally sila.
Misawsaw : O sige, magkanong advance mo?
Burles        : 10 billion. Tama na iyan?
Misawsaw : Not enough. Doblehin mo.
Burles        : (to herself) !#V!$+!! tandang ito!
(to Misawsaw, sweetly) Wala bang tawad?
Misawsaw:  Take it or leave it.
Burles       :  May reregalohan pa kasi akong isa na kunwari friend at supporter mo para may twist at drama effect.
Misawsaw:  Wala akong pakialam sa script mo, basta tik it or liv it. Mahal ang pork, este, bigas ngayon.
Burles       : O sige, papadala ko sa iyo asap.
Meron pa palang isang naisip ko.
Misawsaw : Ano iyon?
Burles        : Ba’t di tayo mag-reunion mga sikat na nakulong dito? Ikaw, ako, si Bigote at iyong letse’ng anak niya na dinedeny ako.
Mga bigating magnanakaw daw.
Misawsaw : (galit) Hoy! Hindi ako magnanakaw! Freedom fighter ako!
Burles       :  Ay, nagalit si sir chair. Gusto ko iyan, para energy ka sa laban mo bukas.
Hello. Hello kuya. Hello?
(and the war begins)

(MindaViews is the opinion section of MindaNews. Ramon Jorge B. Sarabosing is a writer-artist based in Butuan City.)

Comments

comments