TINGOG SA SUBA: The karma of Janet Burles

Inside the Makati city Jail.

A woman sneaks in.

Woman (Excitedly): Ma’m, kumusta na po? Nagkita na rin tayo uli!
Janet : Sino ka? Who are you?
Woman : Mam naman, di mo na ba ako kilala? Ako iyong katulong mo na pinakulong mo.
Janet : Ikaw si…
Woman : Opo, ako si Linay na inakusahan mong nagnakaw ng pera at alahas mo.
Janet : ( annoyed)
Anong kailangan mo!
Woman : Nangugumusta lanang naman. Kasi, miss kita.
Janet : Don’t disturb me. I’m… nag-iisip ako.
Woman : Sikat ka na talaga Mam. Nakita kita sa tv. Iniskortan ka pa ni Pinoy. Bongga mam!
Janet : Makaalis ka na!
Woman :Mam naman, galit ka pa sa akin? Ako, hindi na sa iyo. Kasi, ano lang naman ako, katulong
lang at pinarusahan sa di ko kasalanan. E ikaw, magnanakaw’g tutuo.
Janet : Shat ap! Dont tok to me like dat!
Woman : Wow mam, iba ka na talaga ngayon. Dati, nuong di ka pa masayadong mayaman, pag-nagmura ka, naka-tagalog ka lang, ngayon, naka-inglis ka na. Ganon pala ang sosyal climber, ano?
Janet : Hoy! !#*!+^[email protected]#!V ( in tagalog)
Woman : Ay! lumabas na rin ang tagalog na mura mo! (giggles)
Janet : Hayop ka! Umalis ka dito! Hindi kita ka-level!
Woman : Tutuo mam, hindi tayo magka-level. Dahil ang ka-level mo mga tongresman, senatong at kung sino-sinong buaya sa mundong makasalanan.
Janet : Tigilan mo ako sa drama mo!
Woman : Mam, bakit hanggang ngayon galit ka pa sa akin? Dahil ba mas maganda ako sa iyo? Kasalanan ko bang nag-cha-chansing ang asawa mo sa akin?
Janet : Pag di ka tumigil, tatawagin ko ang sekyurity!
Woman : Ay, di iyan uubra mam, (whispers) boyfriend ko ho iyong security mo. Kaya mag-ingat ka sa kanya, baka lalasonin ka niya.
Janet : My God!Ang suwapang nyo! Abuse of authority ‘to! Isusumbong ko kayo!
Woman : (laughs) Kakatawa ka mam.
Janet : Umalis ka dito! Na-hi-highblood ako sa iyo! Baka mapatay pa kita!
Woman: Mam, di bagay sa iyo. Pangit ang kasong murder sa iyo, dapat plunder.
Janet : (controling herself)
Maawa ka, umalis ka na dito.
Woman : Mam, huwag kang ganyan, hindi bagay sa iyong mag-makaawa. Charming ka naman. Nakita ko nga iyong picture mo kasama si Jinggoy at Bong, ang sweet ng smile mo. Tapos ngayon, di ka daw nila kilala. May lahi ba silang amnesia?
(Janet is breathing heavily as she searches the knife but could not find it)
Ay, mam, kumusta nga pala ang hambugera mong anak sa amerika? Alam mo, manang-mana iyon sa iyo.
Janet : Papatayin kita!
Woman : O ‘sya, ‘sya, aalis na ako. Pero iisa lang ang sasabihin ko sa iyo.
Janet : Hayup ka! Ang dami mo nang sinabi!
Woman : Ito na lang, promise. (Her fingers on her head, tongue out) Bulikat! Mirisi nimo!

Comments

comments