TINGOG SA SUBA: Pogi’s new movie

Senatong Pogi’s fone rings.
Pogi : Hello, sino ‘to? O, mader! Nakita mo ba drama ko? ‘nong tingin nyo?
Mader Lily:: Tumpak! Galing mo. May pa-teary eyed ka pa.
Pogi : May scriptwriter ako d’yan.
Mader : Sino? Si Carlo Caparas?
Pogi : Hindi a. Taga Bollywood. Siya iyong coach ko sa pag-kanta ko sa privilege speech ko.
Mader : Ay, isa pa iyon. Galing mo talaga. Pero dapat hinubad mo iyong barong mo para kumpleto, may drama, music at bold. Ma-benta iyon.
Pogi : Relax. Makikita mo rin. Naka-shorts lang ako habang nag-lilinis kunwari dito.
Mader : ‘di na ko makapaghintay!
Pogi : 50 million ha.
Mader : Ang alin?
Pogi : Ang TF ko.
Mader : Ang mahal naman. ‘di ba puwedi 20 M lang?
Pogi : Ang barat mo! Sigurado’ng box-office ‘to!
Mader : Anong title pala nito?
Pogi : Babangon ako at dudurugin kita sa Palasyo.
Mader : Ay, ang galing.
Pogi : O di ba! Garantisado iyan.
Mader : ‘di ba talaga puwedi 20 M lang?
Pogi : Hoy! Walang tawad dito.
Mader : Ang mahal mo na ngayon ha. Bakit? mahal ba ang lawyer mo? ‘di naman iyan celebrity lawyer katulad kay Claudine a.
Pogi : Isipin mo na lang Mader,wala ka nang gastos sa publicity at promotions.
Mader : Oo nga ano. At wala pa akong gastos sa location. Sa kuwarto mo lang tayo mag-shoshoot. Isasama din natin ang mga daga at ipis ha.
Pogi : Ob corse. Sa eksenang kakanta ako, ipa-pan ang camera sa kanila.
Mader : Dapat may eksena ding ka-duet mo si Ann Curtis.
Pogi : Hoy! sa kabilang channel iyon.
Mader : Teka, sino nga pala ang leading lady mo?
Pogi : Oo nga ano. Dapat may international appeal para isali natin sa international festivals tulad ng Cannes at Oscars.
Mader : O di si Eugene na. Asia’s best actress iyon.
Pogi : Hmmm… mahirapan ako sa kissing scene nyan.
Mader: Ay he he he Oo nga ano, dapat kasing ganda at sexy ni Angel at Bea.
Pogi : Ano ka ba! Taga ibang channel nga iyon!
Mader : Pero dapat talaga si Kris para lalong pag-usapan.
Pogi : Papayag kaya iyon?
Mader : Anak, babayaran ko siya ng 50 million, tatanggi kaya iyon?
Pogi : Labo mo talaga Mader. Binabarat mo ako pero siya hindi. Pelikula ko ito ha!
Mader : Sorry na. Nagbaka sakali lang makatawad.
Pogi : Dapat may bathroom scene kami.
Mader : Ay! Gusto ko iyan. Kayong dalawa naka-hubad.
Pogi : OA mo. Alahanin mong dapat pang general patronage ito para hatak talaga sa takilya.
Mader : A okey. Akala ko babalik na tayo sa bold films. Miss ko na ang trend na iyon. Nakakasawa na ang mukha ni Ai ai at Vice.
Pogi : Sino kayang bagay na leading lady ko? Iyong bago at mabango. Kung puwedi controversial din.
Mader : Isip-isip… alam ko na!
Pogi : Sino?!
Mader : Perfect siya! sikat na sikat ngayon. Underdog pa. tutoong underdog di katulad mo.
Pogi : Talaga ?! Sino!
Mader: E di si Ate Guy!

Comments

comments