Mindanao

Sana
Sa bawat bagong silang ng araw
Wala ng sisigaw

Sana
Sa bawat alingawngaw ng baril
Wala ng buhay na makikitil

Sana
Sa bawat pag uusap ng kapayaan
Wala ng lumalaban

Sana
Sa bawat dasal ng bawat isa
Wala ng kinakatakutang sakuna

Sana
Sa bawat oras na paghihintay
Ang lahat ng hidwaan ay matapos na.

(Aris Alvarez  hails from North Cotabato and one of thousands of Overseas Filipino Workers presently based in Hong Kong where he works as a veterinary technician. The distance from home notwithstanding, he remains a staunch advocate of peace in Mindanao)

Comments

comments