Mindanawon

Want create site? With Free visual composer you can do it easy.

MINDANAWON
Aris Alvarez

 

Mindanawon
Ikaw, ako, tayo
Nanawagan.
Lahat ay tinatawagan
Taga Cotabato o taga Jolo
O saan ka mang dako
Di ka ba kikibo?
O di ka na kikibo?
Di ka ba makikialam?
O di ka na makikialam?
O sadyang wala kang pakialam?
Wala ka bang alam?
O nagmamaang-maangan ka na lamang ?
Manhid ka na ba?
O nagmamanhid-manhiran na lamang?
Umaasa ka pa ba?
O nawalan ka ng pag asa?

Buksan ang isipan at diwa
At palawakin ang kaalaman at pag-unawa
At ang pangkapayaan ay isapuso at isagawa
Dahas, umaalingawngaw na baril at nagbabagang bala
Ay huwag gawing mga armas at sandata
Upang di manaig ang galit at takot at pagkabalisa
Sa mga natitira pang matatanda
At sa bagong silang na mga bata.

Muslim, Lumad at Kristyano
Mindanawon, kahit sino
Lahat tayo ay mga tao, kapwa Pilipino
Huwag paghariin ang gulo
Magkaisa na tayo
Huwag magpapagamit
At magtanim ng galit
Ang kaisipan ay iwasto
Ang Mindanao ay para sa lahat na mapayapang naninirahan dito.
Kalinaw sa Mindanao

Mindanawon, Padayon!
Kumilos upang kapayapaan ay matamo

(Aris Alvarez  hails from North Cotabato and is one of thousands of Overseas Filipino Workers presently based in Hong Kong where he works as a veterinary technician. The distance from home notwithstanding, he remains a staunch advocate of peace in Mindanao)

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Comments

comments