TULA: MAMASAPANO

  • (alay sa mga naulila sa January 25, 2015 digmaan)

kawal sa bayang hinirang
ngayon ikaw ay may pangalan, dinadakila
kanino ka man panig , me halaga, iyong pinanindigan
ano kaya ang huling salita na iyong inusal
ano ang iyong huling hiling para kanino , sana
magkatotoo
ngayon wala ka na, buhay na nabuwis, bayan ay
naghihinagpis

nakakapaghimagsik sa lumbay ang iyong pagpapanaw
dahil ang mga me kapangyarihan nagpakana at
nagmando sa lihim na pagsagupa
digmaang kinubli hangarin ngayon kahina-hinala!
kawal sa bayang hinirang

dugong sumambulat at naidilig sa lupang saksi
nakisabay ang hampas ng hangin sa alon ng ilog
binulabog ang mga luntiang dahon at puno na naging
pangubli panandalian ng
mga kawal sa bayang hinirang , isa isa silang nagapi
sa magkabilang panig, mga kawal sa bayang hinirang
sa pagbuwis ng inyong buhay, kayo ay dinadakila
tanggap na lalo ng mga mahal nyo sa buhay na bahagi
ng pagiging kawal
bingit lagi sa kamatayan, laging meron digma, kaya nga

ngayon baha ang luha
ng inyong mga inulila at ang higit na masakit at dagdag
sa kanilang kasakit
hindi maipaliwanag ng me kapangyarihan dahilan sa di
kagyat na alalay
na maaring sumagip sa inyong buhay
bagkus ngayon mga katawan nyong wala ng buhay
mga kawal sa bayang hinirang
sigaw ng bayan: sino ang dapat managot?

Puno ng sandatahang hukbo, huwag maghugas kamay
at ipasa pananagutan mo
sa mga naulila at mauulila ng mga kawal sa bayang
hinirang, sa bayan!
hindi mabanaag katapatan ng pakikidalamhati mo,
pinakamarangal na magagawa mo
sabihin ang totoo, aminin kamalian at kahinaan,
maginoong pagbaba sa pwesto!

(Malou Tiangco of Davao City describes herself as “social worker, educator, performing artist”).

Comments

comments