COMMENTARY: Move on na tayo

Want create site? With Free visual composer you can do it easy.

RADJAH MUDA, Maguindanao (MindaNews / 10 Nov) —  Lalagak na sa libingan ng mga bayani ang bangkay ng dating Pangulo Ferdinand Marcos… Move on na tayo mga kababayan… Harapin natin ang panibagong bukas.

Noong Martial Law, 1970s, ang dalawa kong kapatid na babae ay namatay sa bomba ng eroplano ng PAF (Philippine Air Force).  Ang tatay ko naman, si Datu Ishaq Ampatuan ay ibinilanggo ng tatlong buwan at sya din ay na-torture. Ang bahay namin ay sinunog ng mga Ilaga.

Ang kabuhayan namin ay bumagsak. Sa kabila ng lahat, naitaguyod pa rin kami ng nabiyuda kong nanay at maayos na nakapamuhay at nakabangon.

Pero ni gasino ay wala akong galit sa gobyerno at kay President Marcos. Siguro dahil malinis ang aking kalooban dahil sa pagbabasa ng Qur’an at pagkilala sa mga gumagabay sa paniniwala sa Allah.

Hindi ako salungat na mailagak na ang bangkay ni President Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Nagsalita na ang Supreme Court na naayon daw sa batas na mailibing ang dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani. Bilang mamamayan na kumikilala aa batas ng Pilipinas, ako ay wala nang masabi pa ukol sa isyu na ito.

Kung may mga masamang ginawa si President Marcos at naging biktima ang dalawa kong kapatid at ang aking tatay, at nagkasirasira ang aming buhay dahil sa Martial law, ay ipinauubaya ko na sa Allah. Hindi naman maitago sa kasaysayan ng Pilipinas ang mga ginawa at nagawa ni President Marcos.

Sana pagkatapos mailagak ang bangkay ni President Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay maka-move on na tayong mga Pilipino. Ang kimkim na galit ay sana ay maisantabi na at tayo ay magkaisa. Ang kagustuhang maghiganti ay sana maiwagsi na. Ang Poong Maykapal ay tiyak ipapatupad nya ang katarungan kundi sa mundo ito ay sa kabilang buhay sa Araw ng Paghuhukom.

Magkaroon na sana ng kapayapaan ang Pilipinas at ito ay umusad na para sa panibagong bukas. (MindaViews is the opinion section of MindaNews. Datu Zamzamin Ampatuan, a Civil Enginer, was Lead Convenor of the National Anti-Poverty Commission. He held various posts as Undersecretary, and others as head of government office. He is CESO I, the highest rank as Philippine Career Executive Service. He won his 2nd term as Municipal Mayor of Radjah Buayan, Maguindanao, running under PDP-Laban during the May 9, 2016 elections)

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Comments

comments