WebClick Tracer

KOMENTARYO: Paano ba mag-move on isang araw pagkatapos ng libing?

(Paki-abot po ito kina Imee, Bongbong at Irene at sa Commission of Human Rights at Pangulong Duterte na rin.)

Top Three Priorities for Moving-on

Dear Imee, Bong-bong and Irene,

Isang araw pagkatapos ng libing ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, saan pwedeng magsimula ang “moving-on”?

Mahirap ang tanong na ito dahil napakaraming bagay ang dapat isaayos na hindi natugunan nitong nagdaang tatlong dekada.

Ngunit, gaya sa pinagdaanan ng bagyo o baha, muling naisasaayos ang buhay sa unti-unti pag sasa-ayos ng bahay.

Ang mungkahi ko:

  1. Healing of Torture Victims. Maglungsad ng isang comprehensibo at mahusay na programa para sa rehabilitasyon ng lahat ng biktima ng torture. Ang mga biktima nito, kahit nais man nila, ay hindi maka-pagmove-on kung walang tulong ng mga experts.
  2. Healing of Orphaned Families. Huli man daw, magaling kung naihahabol din. Gawan ng komprehensibong economic rehabilitation ang mga pamilya at salin lahi ng mga pamilyang naulila sa panahon ng Martial Law.

3.Healing of Communities. Muling ibangon ang malaya , matapang at makataong diwa ng mga komunidad na nasira ng Martial Law sa pamamagitang ng psychosocial empowerment program.

Marami pang ibang dapat gawin sa pag-move on gaya ng pag-restructure sa kamalayan ng AFP (Armed Forces of the Philippines). Sa ganang akin, itong tatlo ang dapat bigyan ng unang pagtugon. Sana, bahagi sa naiwang yaman ng Pangulong Marcos ay mailaan sa tatlong programang ito.  (MindaViews is the opinion section of MindaNews. Jules Benitez is a peacebuilding practitioner and local governance specialist in Mindana)

 

 

Your perspective matters! Leave a comment below and let us know what you think. We welcome diverse viewpoints and encourage respectful discussions. Don't hesitate to share your ideas or engage with others.

Search MindaNews

Share this MindaNews story
[custom_social_share]
Send us Feedback