MANONG’S MUSINGS: Konsultasyon ng Task Force Bangon Marawi, Meron o Wala?

Want create site? With Free visual composer you can do it easy.

COTABATO CITY (MindaNews / 07 April) — Sapat ba na makonsulta ang LGU ng Marawi at Presidente ng Mindanao State University (MSU) para masabing mayroong konsultasyong nagawa ang Task Force Bangon Marawi (TFBM) lalong-lalo na sa residente ng Ground Zero?

Not necessarily.

The views of the government officials such as those of the local government unit and a state university are influenced, even clouded, by their positions.  Their views are necessary and useful but do not constitute “full participation” of the bakwits/returnees on matters affecting them.

Ang sabi pa ng UN Guiding Principles on Internal Displacement:

Principle 28. Special efforts should be made to ensure the FULL PARTICIPATION of internally displaced persons IN THE PLANNING AND MANAGEMENT of their return or resettlement and reintegration.” (caps supplied)

Dahil “special efforts” ang hinihingi, hindi sapat ang ordinaryong konsultasyon.  Ang kinakailangan ay ang lubos na pagsusumikap para masiguro ang lubos na partisipasyon ng mga bakwit.

Sa mga bansang nagkaroon ng malakawang paglikas dahil sa giyera, ang nakagawian na ay magdaos ng tinatawag na Intentions Survey at Focus Group Discussions (FGD) sa mga apektadong populasyon at ang mga ito ay multi-sectoral, hindi lamang mga otoridad ang kalahok.

Sa halip, para malayang makapagbigay ng kanilang totoong saloobin ang mga bakwit, hiwalay ang konsultasyon sa mga ordinaryong mamamayan at konsultasyon sa mga opisyal ng gobyerno.

Sa katunayan, sinisiguro hangga’t maari na kasama sa mga FGD sa iba’t ibang IDP (Internally Displaced Persons) camps ang representante ng kababaihan, ng mga matatanda, ng mga kabataan, ng mga may kapansanan, at ng mga minoridad upang masiguro na ang lahat ng sektor ay mabigyan ng pagkakataong masabi ang kanilang niloob.

Assuming dialogues were held where bakwits from various sectors particularly those from Ground Zero were allowed to speak and in separate fora, does that already satisfy the duty to ensure full participation of IDPs?

Again, not necessarily.

Hindi natatapos ang konsultasyon dahil lamang sa nakahawak ng mikropono ang ilan sa mga bakwit.  Kasama sa ibig sabihin ng “full participation” ay meaningful consultation. Tinanong na rin lang ang mamamayan tungkol sa kanilang saloobin, dapat ay bigyan halaga ang saloobin na iyan sa pamamagitan ng paghahanap ng paraan para mapagbigyan ang mga ito sa mga plano ng gobyerno. Ito ang totoong ibig sabihin ng “full participation…in the planning ang management.”

Conducting these fora and then ignoring the sentiments expressed therein do not constitute meaningful consultation.

Hindi kagustuhan ng mga sibilyan ang magbakwit kaya nga ito tinawag na forced displacement.  Malaking pagyurak na sa kanilang pagkatao ang sapilitang paglikas.  Kung sa paghupa ng giyera ay labag na naman sa kanilang kagustuhan ang pamamaraan ng return at reintegration, madodoble ang pagyurak sa kanilang dignidad.  Kaya nga ba authorities are duty bound to accommodate the IDPs preferred modalities of return and reintegration. But in the event the IDPs’ preferred modalities of return and reintegration are impossible or too impractical , then this should be adequately explained to the bakwits and viable alternatives offered to them. Again, in the election of alternatives, meaningful consultations should be undertaken.

One more thing, being dismissive or condescending or ascribing motivations similar to those of ISIS extremists to IDPs who are simply raising their concerns as such is not consistent with the state’s duty to treat IDPs with respect and uphold their dignity.  The entire body of norms and best practices in managing emergencies revolves around protecting and restoring the dignity of the person.

(Zainudin Malang’s views are culled from his experience managing humanitarian emergencies, having been a former Protection Coordinator in South Sudan and Cluster Co-Coordinator in Iraq during the most acute stages of the emergencies in these countries.  Before taking on roles abroad, he was a member of the Executive Council of the Civilian Protection Component of the ceasefire mechanism for the GPH and MILF peace process)

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Comments

comments