Nasaan si Matapang?
Nasaan ang mga salitang
nagngangalit at maaanghang?
Ngayon ko nais marinig
ang talim ng kanyang tinig,
ngunit bakit di ko maulinig?
May aso akong nakita:
bahag ang buntot niya.
Bakit naman kaya?
Eric S.B. Libre
13 Hunyo 2019