OUR MARAWI: Katotohanan

Want create site? With Free visual composer you can do it easy.

MARAWI CITY (MindaNews / 13 October) — Sa mga darating na araw maraming aktibidad na ipapalabas ang TFBM (Task Force Bangon Marawi) at ng Gobyerno sa mga nagawa nila sa Marawi, ginagawa at gagawin pa nila.

Pero ang katotohanan na hindi nila kayang pagtakapan ay mahigit dalawang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin nakakabalik ang mahigit isang daang libo na Bakwit mula sa Main Affected Area (MAA) ng Marawi City.

Ang katotohanan na hindi umabot sampung porsyento ang kasalukuyang nakatira sa mga tent cities at Temporary Shelters na kanilang napagsilbihan at karamihan ay home-based na kung saan saan napadpad sa mahigit pitong libo na Isla ng Pilipinas.

Katotohanan na simula January 2018 ay pinabayaan ang mahigit isan daan libo na bakwit,wala na silang nakukuha na tulong pag naoospital sila or pamilya nila. Hindi na binibigyan ng halaga kung ilan ang namatay habang sila ay bakwit. Hindi na binibilang. Marami na rin ang nasiraan ng bait dahil sa nangyari, marami din ang nagawi sa masamang gawain tulad ng pagbebenta ng illegal na druga.

Katotohanan na hindi kayang panindigan ng TFBM ang kanilang mga pinangako tulad ng ng sinabi nila na etong nakaraang buwan na Septyembre ay makakauwi na tayo lahat.

Katotohanan na ang TFBM at gobyerno ang nagpapahirap sa atin sa paraan ng pagpapataw ng maraming requirements at ginagawang dahilan para hindi tayo makauwi.

Kung ating ihahalimbawa ang nangyare sa mga bakwit mula Marawi base sa kwento nabasa ko patungkol sa isang Diktador at mga manok: Pinag-utos ng Diktador na bugbugin, gutimin at pahirapan ang mga manok at itapon, pagkatapos ay bigyan sila ng mani para sumunod na parang tupa at dahil dun gagawin ka pang bayani at pasasalamatan ka pa nang walang hanggan, makakalimutan nila ikaw ang dahilan ng kanilang sinapit dahil sa mani na ipapakain mo sa kanila.

Yan ang masakit na realidad kahit bugbog sarado na at patuloy na pinapahirapan, kunting pagkain lang nakakalimutan na natin ang pinagdaanan natin at kung sino nagpahirap sa atin.

Bilang panghuli, ako ay umaapela sa mahigit isang daang-libo na bakwit mula sa Marawi. Magparamdam po kayo at ipaalam nyo sa boung mundo ang mga hirap na dinadanas natin habang tayo ay hindi nakakauwi sa ating lupang tinubuan. Gamitin po natin ang Social Media hindi na natin kaya mag organisa para tapatan ang selebrasyon at commemoration na ioorganisa ng TFBM. Mapgpost po kau sa Facebook,Twitter or anong app pa yan para ipaalam ang ating pinagdadaanan.

Gamitin ang Hashtag na: #FreeTheOccuppiedMarawi

(MindaViews is the opinion section of MindaNews. OUR Marawi is open to anyone who wants to share his/her thoughts on what is happening in Marawi. Drieza A. Lininding of the Moro Consensus Group first posted this piece on his FB page on 12 October 2019)

 

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Comments

comments