WebClick Tracer

HABAGATNONG HINAGAWHAW: Kalampag

Bansang malaya, bayang malaya
ating Pilipinas ay naturingan
at ang Kalayaang ito ang ngayon
ay siya nating ipinagdiriwang.

Sa araw na ito, sariwain sa isipan
na itong Kalayaan na ngayon ay tinatamasa
ay dahil may mga nangalampag at nakipaglaban
sa mga pagmamalabis, panunupil at pananamantala.

Sa araw na ito at sa bawat araw na darating
ay lagi nating alalahanin at pahalagahan
ang mga bayani at ninuno na magigiting
na nanindigan upang igiit ang Katarungan.

Sa puso ay huwag natin kailanman iwaglit
ang aral ng Kasaysayan at ang katotohanan
na upang Kalayaa’y mapangalagaan at makamit
pagiging mapanuri at pangangalampag ang kailangan.

Kaya, kapatid at kaibigan, huwag mag-atubili
na mangalampag at makipaglaban
sa kalye, sa social media o saan pa man
upang pangalagaan itong Kalayaang mithi.

Huwag na huwag natin pahintulutan
na pagmamalabis, panunupil at pananamantala
ay mamayagpag at maghari sa ating Bayan
at pabayaang yurakan Kalayaan at Katarungan.

Para sa Bayan, para sa Katarungan,
karapatang mangalampag ay ipaglaban!

(This poem written by Eric S.B. Libre on 12 June 2020 was read for him during the online forum “Barog: Kalinaw, Katungod, Kagawasan”)

Your perspective matters! Leave a comment below and let us know what you think. We welcome diverse viewpoints and encourage respectful discussions. Don't hesitate to share your ideas or engage with others.

Search MindaNews

Share this MindaNews story
[custom_social_share]
Send us Feedback