WebClick Tracer

PRIVILEGE SPEECH:  Release the rightful compensation for our health workers who have died of and have been infected by COVID-19… Maawa naman kayo

(Privilege Speech delivered by Senator Christopher Lawrence “Bong” Go via Zoom during the Senate session on 04 June 2020. Go, former Special Assistant to the President, is from Davao City)

Mr. President,

I rise on a matter of personal and collective privilege. I will not be entertaining questions after my speech as I believe this would just prevent us from tackling other urgent and important matters.

01bonggo web
Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go.  MindaNews file photo by ANTONIO L. COLINA IV

On March 24, we passed the Bayanihan to Heal as One Act to empower the government in responding to the COVID-19 crisis. Now, we will be passing the Bayanihan to Recover As One Act or Bayanihan 2  but there are still commitments in the previous law that, until now, have not been acted upon.

It was revealed during the plenary deliberations last Tuesday that the benefits for health workers have not been provided yet. Thirty two (32) na ang namatay na health workers, ilang daan na ang nagkasakit, ilang libong pamilya ang apektado. Pahihirapan niyo pa dahil sa matagal na proseso ng pagbibigay ng serbisyo!

Bakit po nangyari ito?! Dumaan ang Abril, dumaan ang Mayo, ngayon Hunyo na. Hanggang ngayon, hindi pa naibibigay ang benepisyo na dapat matanggap ng ating health workers o ng kanilang mga pamilyang naulila.

Ang ating mga medical frontliners ang mga bayani sa laban na ito. Sila po ang nagsasakripisyo at nagpapakamatay para iligtas ang buhay ng kapwa nating Pilipino, pero simpleng benepisyo na nasa batas, hindi man lang mabigyan ng tamang oras at atensyon ng ating mga opisyal para ayusin at maipamahagi sa kanila.

As Chair of the Committee on Health and your former colleague in the Executive, I have always been supportive of our government agencies. I have also been firm in defending your budget. Nagkasama tayo noon at nagtiwala ako sa kakayahan ninyo.

Pero gaya ng sabi ko noon pa man: Kung may nakikita akong mali, magsasalita ako. Kapag tungkol sa serbisyo at trabaho para sa tao ang pinag-uusapan, magsasalita ako.

The President has been very clear against red tape. In fact, he has firmly stated that — within 48 to 72 hours— all papers should have already been acted upon.

Ibig sabihin: Huwag patagalin. Huwag patulugin sa lamesa. Ito, dalawang buwan na po pero wala pa rin?! Bakit matagal?! O sadya bang pinapatagal? Wala bang gumagalaw sa inyo?!

Ang Pangulo na rin po mismo ang nagsabi na dapat mabigyan ng karampatang suporta ang ating mga health workers at ang kanilang pamilya. Huwag nating hayaan na mabalewala ang sakripisyo nila dahil lang sa mabagal na bureacracy.

Mr. President, I am also dismayed by the conflicting statements of the DBM (Department of Budget and Management)  and the Department of Health.  Kailangan daw ng guidelines bago ilabas ang pera. Sabi naman ng DOH, hindi na kailangan.

Hoy DBM, DOH, at pati na rin DOLE (Departemtn of Labore and Employment)! Mag-usap-usap naman kayo at mag-coordinate kayo sa isa’t isa. Marahil hindi po alam ng Pangulo, patay-patayan kayo. Ngayon na na-expose na sa publiko ang problema, mag-i-issue kayo ng joint issuance para i-implement ang isang bagay na noon pa ninyo dapat ginawa.

Kung kailan kayo sinabihan, doon pa ninyo ginagawa ang guidelines. Kung kailan kayo pinuna, doon lang ninyo tatawagan ang mga pamilyang naulila ng frontliners na sinakripisyo ang kanilang buhay para sa bayan.

Hindi naman po siguro kayo mga bata na kailangan pagsabihan kung ano pang dapat gawin o ano ang mga tama.

Sa mga Undersecretaries, Assistant Secretaries down to the Directors dyan sa mga opisina, dapat tulungan niyo naman po ang inyong mga Secretaries. Hindi nila kaya mag-isa sa panahon ngayon.

Gumising naman kayo. Nagtutulug-tulugan ba kayo? O nagpapatay-patayan kayo? O talagang patay na kayo?

Kulang ang salapi para bayaran ang kabayanihan nila. Serbisyong maayos lang naman ang pwede nating maisukli sa mga nagtatrabaho para sa bayan. Kung ayaw nyong mag-trabaho, eh ‘di umalis na kayo. Ginagawa na nga ng Pangulo ang lahat, eh ang mga tao sa baba ayaw tumulong, ayaw gumalaw, umalis na kayo.

Ganito ba talaga ang burokrasya?! Namatayan na nga, pinapahirapan pa. Dapat nga ihatid ninyo na agad ang cheke sa pamilya, mismo sa bahay nila, iabot ninyo doon.

Masasayang lang ang oras ninyo sa pagsagot ng mga batikos, kung kaya sana’y gumalaw na lang kayo sa lalong madaling panahon.

Wala na ang programang ‘HOY GISING!’ pero HOY! GUMISING NAMAN KAYO!

Our health workers are doing one of the most difficult and dangerous jobs against an unseen enemy — a sickness (that) until now has no cure.  They have paid the ultimate price— their lives— so that the rest of their countrymen and women will continue to live.

Huwag naman sana, kung kayo kaya ang mamatayan at pahirapan pa ang pagbigay ng tulong sa inyo tulad ng ginagawa ninyo sa mga Pilipinong apektado, ewan ko nalang kung hindi kayo mamatay sa sama ng loob.

As the chair of the Senate Committee on Health and as a member of the Joint Congressional Oversight Committee on the implementation of the Bayanihan to Heal as One Act, I call upon the concerned agencies to remedy this immediately and release the rightful compensation for our health workers who have died of and have been infected by COVID-19, as provided by law. Maawa naman kayo.

Thank you, Mr. President.

 

Your perspective matters! Leave a comment below and let us know what you think. We welcome diverse viewpoints and encourage respectful discussions. Don't hesitate to share your ideas or engage with others.

Search MindaNews

Share this MindaNews story
[custom_social_share]
Send us Feedback