OUR MARAWI: Fake News: Walang Human rights Violation sa Martial Law ni Duterte sabi nya sa kanyang SONA

MARAWI CITY (MindaNews / 28 July) — Eto po ang reaksyon natin sa sinabi ni (President Rodrigo) Duterte sa State of the Nation Address (SONA) kagabi na walang Human Rights Violation nung dineklara nyang Martial Law sa Mindanao:

Una po, Mr. President ang pagiging Bakwit ng mahigit isang-daang libo katao mula Marawi hanggang ngaun, pagkatapos ng mahigit tatlong-taon simula ng Marawi Siege ay isang malaking paglabag sa karapatang pantao!

Yung kawalan ng access sa mga ari-arian namin ay paglabag po yan o Human Rigts Violation!

The call is the same three years later: “let us go home.”

Libo-libo po ang ang recorded na Human Rights Violation tulad ng lootings, disappearance at torture. Pero magaling po kayo Mr. President ilang beses nyo inextend ang Martial Law para takutin mga tao na huwag magkaso at tuloy makalimutan na eto. Hindi nyo po pinayagan mga Human Rights Group na makapasok sa Marawi para ma-probe ang mga nasabing Human Rights Violations.

Pero hindi po yan mawawala sa kasaysayan naka dokumento po yan. Kung bilang lang siguro ang batayan baka nalampasan mo pa si dating Marcos sa daming nalabag na karapatan Lootings pa lang po ayon sa RHRC-ARMM (Regional Human Rights Commission-Autonomous Region in Muslim Mindanao), nasa 14k na bakwit ang nagreklamo. Bilyones po yan na ari-arian, ang pag-gamit ng airstrikes sa mga bahay namin paglabag na rin yun at hanggang ngayon patuloy pa rin nilalabag ang aming karapatang pantao.

Sa lahat ng sinabi mo kagabi yan ang pinaka- fake news! (MindaViews is the opinion section of MindaNews. OUR Marawi is open to anyone who wishes to share his/her piece on Marawi City’s rehabilitation efforts. Drieza Abato Lininding is chair of the Moro Consensus Group based in Marawi City. This piece was first posted on his FB page on 28 July 2020. MindaNews was granted permission to share this piece) 

Comments

comments