OPENING STATEMENT: Dapat nating pangalagaan ang kaban ng bayan

Want create site? With Free visual composer you can do it easy.

[Opening Statement of Senator Bong Go at the Joint Public Hearing of the Committee on Accountability of Public Officers and Investigations (Blue Ribbon), and Committee on Health and Demography on 14 August 2019]

Good morning everyone!

The administration of President Duterte has worked so hard to restore our people’s trust in the government. That is why it is our duty as public officials to hold ourselves to the highest standards, and it is our responsibility to hold our fellow officials accountable if they fail to do so.

Wala po akong kinikilingan. Kahit kaibigan o dating katrabaho ang sangkot, kahit na tumulong noong kampanya, kahit nagpapawis noong kampanya sa amin, gagawin ko ang nararapat. Tutuparin ko ang aking sinumpaang tungkulin. Sabi nga ni Pangulo, “Magsalita ka.”

Hindi dapat nasasayang ang pera ng bayan lalong-lalo na yung para sa pagpapagamot ng may sakit. Sa pag-iikot ko po, aktwal ko pong nakikita parati, kahit saang ospital po, ang pangangailangan ng ating mga kababayan. Marami talaga ang nangangailangan ng tulong medikal. Ang pasyente ay hindi dapat nagmamakaawa sa atin para sa tulong dahil pera nila yan. Pera yan ng taong bayan. They deserve quality health service mula sa ating health officials. Ang hirap at sakit po isipin na nawawala at nasasayang lang ang pondo natin para sa healthcare dahil sa korapsyon.

Matagal na pong issue ito. Noon pang 2015, naghearing na ang Blue Ribbon tungkol sa fraudulent claims. Subalit hanggang ngayon, patuloy ang mga illegal na gawain sa Philhealth. Tuwing mayroong anomalya o kontrobersya puro rason, puro palusot ang naririnig natin. Ang gustong marinig ng taong bayan, solusyon naman.

Hindi na dapat magpatuloy ang anomalya sa Philhealth. Sabi nga ng ating Pangulo, hindi tayo papayag, not even a whiff of corruption. Dapat managot ang dapat managot. Sa kaso ng WellMed, I urge the DOJ to refile the case to the appropriate court at palakasin pa ang kaso para siguradong may mapaparusahan.

Next year is the first year of the implementation of the Universal Health Care law. Around P250 Billion po ang funding requirement nito. Bago pa man maimplement ito, linisin na natin ang Philhealth. Malaki po ang tiwala ko sa pamunuan ng bagong PhilHealth headed by General Dick Morales at sa mga bagong Board Members.

Dapat nating pangalagaan ang kaban ng bayan. Walang dapat nasasayang kahit piso. Up to the last centavo, ilaan ang pera ng gobyerno para sa serbisyo. Kailangang malaman ng Senado at ng taumbayan ang katotohanan sa isyung ito. Interes ng bawat Pilipino ang dapat manguna.

May the truth prevail.

 

Did you find apk for android? You can find new Free Android Games and apps.

Comments

comments